Ang aming bahay(Our House)

bahay

Medyo nostalgic na naman ang aking feeling today. Kaya eto naalala ko ang aming bahay na kinalakihan at ng tatlo kong kapatid.

Eto ang bahay namin sa probinsya. Halos di pa nabago ang bahay na ito. 80 percent pa from the original. Ayun medyo naging konkreto lang ang harap at napinturahan.

Simple at masaya ang mga alaala ko sa bahay na ito.

Ayun sa gilid ang opis ng Tatay ko…ang kanyang barberya.

Nilalakad lang lahat kung papasok sa iskul, magsisimba, maglalaro ng basketbol at kung uutusan papuntang palengke.

Kung nasa kalye kami at naglalaro ay dudungaw lang sa bintana at sisipol o sisitsit lang ay malalaman mo na pinapauwi ka na.

Noong mga bata pa kami ay umaarkila kami ng komiks lalo na kung Sabado at Linggo. Dahil pagkatapos kumain ay malamang matutulog at yun ang pampaantok ang magbasa ng komiks.

May TV man kami noon pero alam ko madalang pa ang palabas at medyo mahigpit ang Tatay at Nanay namin…kailangan tulog muna sa hapon.

Ang naalala kong palabas noon ay yung mga cartoons pero ang sikat ay si Popeye. Yun mapanood ang Popeye lang masaya na ang mga bata nuon.

Kung summer naman at siyempre bakasyon sa iskul. Dito sa batis na ito kaming mag-anak pumupunta at dito kami kumakain ng tanghalian…tuloy-tuloy na sa swimming…hanggang mag-sawa at ginawin sa lamig.

Picture 523

Tandang-tanda ko pa na kapag kinulang kami ng kanin ay pupunta lamang sa kapitbahay at hihingi…ganun din naman ang mga kapitbahay namin kapag kinulang ay takbo sa bahay at hihingi ng kanin at pagminsan ay ulam na rin lalo na kung may biglaang bisita na dumating.

Yung mga kapitbahay namin na wala pang TV ay nakikipanood sila kapag may mga magandang palabas at masaya naman kasi kasama ang kanilang mga anak at nakakapaglaro kami.

Sa gabi naman diyan sa harap na bahay ay naglalaro kami ng tubigan, guguhitan lamang ng tubig ang kalsada at ayun katalo na sa larong tubigan. Dahil ang kalsada nuon ay ispalto pa kaya matagal mawala ang marka ng tubig.

Picture 320

Ganun din naalala ko pa ang baril-barilan sa gawang kahoy. Pagalingan sa pagtatago sa mga gilid ng bahay ng mga kapitbahay…bang…bang…bang…

At hindi mawawala ang pagsasaranggola sa harapan ng simbahan. At ganun din ang walang kamatayang mga lata ng sardinas na oblong nung araw na ginagawang parang barko o nilalagyan ng gulong at hihilahin ng tali.

Picture 298

Siyempre di mawawala ang laro ng jolen, tex, yung mga lalagyan ng sigarilyo at ang lastiko. Huwag pahuhuli sa mga magulang at siguradong mapapalo.

Ipinakita rin ng aming mga magulang ang pagsamba tuwing araw ng Linggo. Pinahalagahan nila na dapat lagi kaming magkakasama sa pagpunta sa simbahan.

Nuong haiskul na ako medyo nagkaroon kami ng mga alagang baboy para pandagdag sa aming pag-aaral na apat na magkakapatid. Tulong-tulong ang buong mag-anak sa konting backyard bisnes na ito. May kanya-kanya kaming iskedyul sa pagkuha ng kaning-baboy sa mga kapitbahay. Magaling ang aming mga magulang sa diskarte na ito kasi malaking tulong sa aming pag-aaral ang kinikita sa maliit na bisnes na ito.

Simple lang ang naging buhay namin pero punong-puno naman kami ng pagmamahal mula sa aming mga magulang. Ginawa nila lahat para magkaroon kami ng magandang kinabukasan.

Sa ngayon ay wala ng nakatira sa bahay namin. Kaming tatlong magkakapatid ay dito na nakatira sa US at iyong bunso naman ay sa Maynila na nakatira.

Bilang alaala ng masasayang nakalipas ay hindi na namin ipababago ang bahay na iyan.

Balang araw ay nangangarap pa rin kami na diyan sa bahay na iyan magre-retire.

About these ads

11 comments on “Ang aming bahay(Our House)

  1. Ang sarap naman po sa probinsya nyo! Ganda ng lugar. :)
    Mukhang tahimik po ah? hehe.

    Sarap po talaga pag nasa atin, naku isang buwan nalang po uuwi na ko samin. yahooooooo. hehehe.

    Ingat po lagi. Godbless. :)

  2. superlolongpinoy says:

    Ah oo Roneth…malayong malapit ang aming bayan sa Maynila…90+ kms lang ang layo…nasa foot of Mt. Banahaw…ito ang bayan ng Liliw. Sikat na rin ang bayan na ito dahil sa Tsinelas. Panahon ngayon ng lansones sa amin. Oo tahimik(kapag nagpahinga na ang mga traysikel…hehe). Pero totoo tahimik at simple lang ang buhay dito.
    Haha lapit na talaga ang uwi mo. Hinihintay na nila ikaw at siyempre ang mga pasalubong mo…hehe.

    Salamat & God Bless din lagi!

  3. hehehe. oo nga po yung pasalubong ang hinihintay nila at hindi ako. hahaha. :D

    sa may mt. banahaw po pala kau. hehe. nice place. :)
    ingat po.

  4. tagamasid says:

    Ayus namiss ko tuloy bahay namin na dumaan sa ilang renovation at pagpapasa-ayos, ganun daw talaga kapag OFW installment yung pag-gawa ng bahay hehe.
    Naranasan ko rin yung sa daan lang sa harap bahay naglalaro, hindi pa nga sementado ang daan kaya naman ang pagdilig ng tubig galing sa kanal ang ginagawang panguhit para sa larong patintero.
    Batang ilog dina ko sir, lagi ako napapagalitan ng aking nanay kapag umuwi sa bahay ng puro putik at sunog ang kulay, hindi ako makapg-deny na galing ako sa ilog.
    Hindi ko pa rin pala nalilitratuhan yung maliit na kapilya sa baryo namin na ilang taon akong nagsilbi bilang sakristan, masama nga sa assignment ko pag-bakasyon ko.
    Salamat, maganda yung post na ito.

  5. tagamasid says:

    Galing ng moonshot pala. Mukhang matagal na ang simbahan sa inyo ah?? Isa sa mga future project ko sa photography ang maglitrato ng mga lumang simbahan sa Pilipinas.
    Salamat.

  6. superlolongpinoy says:

    Oo siyempre may iba pang gastusin kaya medyo installment ang pagawa. Yang bahay nga namin ay konting-konti pa rin ang renovation…dinaan lang sa pintura.

    Pareho lang tayo, galing din sa kanal ang pangguhit, ang pangsadlok ng tubig ay ang home-made na dust pan(gawa sa lata ng cooking oil na malaki). dyan sa harap ng bahay namin ay may non-stop na agos ng kanal galing sa bundok.

    Oo yung simbahan namin ay parang 17++ pa, antik na at dinarayo yan kapag may mga bisita Iglesya kung holy week.
    Medyo luma na ang picture na yan, mas maganda na ang simbahan namin ngayon. Next time maghahanap ako ng update na picture.

    Talagang sa panahon ngayon kapag may dala kang digital camera talagang magiging hobby mo na ang mag-picture…yap ako man ay mahilig sa mga lumang structure…lalo na yung mga bahay na luma. Ako medyo mag-aaral pa ng konti, para may pang-post din akong mga pictures.

    Yang moonshot na yan ay kuha sometime isang Holy week kaya bilog na bilog.

    Salamat ulit sa pagbisita mo, medyo baguhan pa ako sa pag-blog. Two months pa lang and ayun enjoy din ako sa pagbabasa ng mga posts mo.

    Ingat lagi.

  7. Saan man tayo nakarating, nais pa rin nating bumalik sa ating unang tahanan. Dito ang ating pinakamasayang alaala.

    Napadalaw lang po sa inyong bloghay.

    • Naku maraming salamat sa iyong pagbisita dito… PinoyTransplant o Dok ba ang itatawag ko sa iyo?

      Matagal na akong bumibisita sa iyong bloghay at nagbabasa at natutuwa ako sa iyong mga istorya ng buhay-buhay…dito sa US, sa Pinas, at sa iyong trabaho. Kaya lang nahihiya akong magkomento pa.

      Ngayon talagang bibisita at magkokomento na rin ako rin dun sa bloghay mo.

      I-add pala kita sa aking blogroll. Ayan di na ako nagpaalam pero ikinatutuwa ko na makilala ka dito sa blogosperyo. Salamat.

      Balik ka lang at palagay ko marami ka ring makikilala sa aking mga kaibigan dito sa blogosperyo.

      Maraming salamat muli sa pagbisita.

      Ingat lagi & God Bless!

    • Haha…Sensya na at nakalimutan kong mag reply sa komento mo.

      Tunay na tunay ang iyong sinabi sa katulad nating mga Pinoy. Talagang sa second retirement ko ay dyan na lang ako sa aming tahanan na iyan. Masaya, simple lang ang buhay, at naandyan pa ang mga kamag-anak at mga original na mga kaibigan.

      Salamat muli.

    • Walang anuman…siguro sa ngayon ay PT(=PinoyTransplant) muna ang itatawag ko sa iyo para mabilis i-type. Salamat din!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s