Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo? (A special report from a volunteer) Oct 21st, 2009 by ella

Ngayong umaga sabi ng bunso kong anak…”Tay nabasa mo na ba itong kuwento about DSWD…ang sama nila.”

At eto nga pinuntahan ko yung site at nanggigil ako kaya naito sa mga di pa nakabasa nitong balita na ito.

- – – – – – – – – – – – -

Dear friends,

I’m asking your help to spread the word. Tulungan po ninyo akong ikalat ito. Beyond this, we should also demand action. I disabled a plugin so you can copy the photos of relief goods rotting in DSWD warehouses. You can link this post to your blogs, facebook, websites etc. You can also email the photos.

Philippine News (US based Philippine newspaper) will use this as its front page story this week. Every Filipino has the right to know where the tons of donations from the UN and other counties go. Kahit po nakakahiya sa mga nag-donate. Kung sa ganitong paraan, matutulungan natin ang mga nasalanta, then by all means, let’s do it.

For those who have the time, please try to volunteer sa DSWD warehouses. Getting in was not easy. A friend had to put in a word for us. Let’s see kung madali nang makapasok sa DSWD warehouse ang mga volunteers.

Please read on and good luck to us.

Ella

- – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – -

(This post was last edited Oct 22, 12:30 pm)

Kahapon, tinanong ng Philippine News si DSWD Secretary Esperanza Cabral:


Editor of Philippine News: Why are the relief goods in DSWD warehouses not moving?


DSWD Secretary Esperanza Cabral: Wala kasing volunteers.

This short interview was done over the phone. Philippine News wanted to hear her side pero ayaw niyang makipag-usap sa press. After four tries, pinasabi na lang niya ang maikling sagot na ito sa secretary niya – “Walang volunteers”.

I don’t want to accuse her of corruption but at the very least she is showing signs of being totally incompetent. We are in a state of calamity where every second counts. May namamatay araw-araw dahil sa sakit.

In my opinion, these deaths could have been prevented if Secretary Cabral had tried a little harder to do her job.

    Deaths from Philippine storms nears 1,000

    “Tropical Storm Ketsana left 420 dead and 37 missing when it flooded 80 percent of Manila on September 26, a disaster the government said affected 4.35 million people.

    Some areas are still flooded three weeks later and 189,000 people remain in evacuation centres,

    Typhoon Parma hit the northern Philippines on October 3 and lingered as a tropical storm for a week, triggering landslides that killed 438 people and leaving 51 missing mostly in mountain communities.

    The government agency said Parma affected 4.16 million people, including more than 32,000 who remain at evacuation centres.”

During the first week after the storm, lumabas ang “bayanihan spirit” ng mga Pinoy. “Makatulong lang kahi’t konti,” katwiran nila.


kung walang volunteers, ano ‘to, komiks?

From Stella Arnaldo’s blog:

“At the offices of many civic groups and private organizations, hundreds of people showed up to volunteer in packing relief goods.

At the Tulong Bayan center at the Expo Centro in Cubao, Most of the volunteers were adolescents as young as 10 years old, along with their kuya or ate in high school and college.

They came in huge numbers, many of them barkadas, classmates or siblings, dressed just in their tees and shorts, wearing their Havaianas. All were just enthusiastic to do their share!
Photos by Leah Navarro

GMA asked world for donations

Our government begged the world for more donations. Sumagot ang buong mundo sa ating panawagan. In less than three weeks, dumaong ang mga barko, ibinaba mula sa mga cargo planes, i-diniliver ng mga trak at container vans ang sandamakmak na relief goods. Cash donations were in the millions of dollars.


But these donations must be coursed through DSWD

Nagpalabas ng directive ang pangulo. Individuals, private companies and other nations were ENCOURAGED to send their donations to DSWD. I blogged about it here and the video of her announcement here.


This PGMA directive sounded suspicious to me then. Now I know why. Here’s the story.

A group of eight people, your ate Ella included, went to one of DSWD warehouses to help in repacking relief goods. We know they need volunteers pero hindi namin akalaing WALANG TAO TALAGA SA LOOB NG WAREHOUSE!

As in sa isang humongous warehouse (1000++ sq.m) NA PUNONG-PUNO NG RELIEF GOODS HANGGANG BUBONG, ISANG DSWD employee lang at ISANG SECURITY GUARD ang tao!!


Kailangang magpa-register at i-schedule ang volunteering

    1) UNICEF Registration (as a volunteer)The warehouse can only take as much as 50 volunteers at a time or per shift. Here you will find that there is a 4-hour shift, and an option for a 6-hour shift for the volunteers to indicate their availability.


What “volunteers”? Nasaan?

Aside from the 8 of us? Nope, there was nobody there. Bakit kailangan ang scheduling? Feeling hindi ba magkamayaw at nagu-unahan ang mga volunteers?

I know somebody who wanted to volunteer many times. She was always bumped off, laging nirere-schedule kasi “there were too many volunteers” daw. At tuwing Sunday lang daw puwede. What the hell is going on here?


Nakatambak ang donations ng UNICEF sa warehouse, local and international

Mga banig na dapat ay nahihigaan ng mga nasalanta. Mga imported camp beds na hindi na yata masisilayan ng mga biktima. Mga kumot na hindi naman nakabalot sa katawan nila. At mga pagkaing hindi sumasayad sa sikmura nila.


The relief goods are not going anywhere

We arrived at about 8 am and left by midafternoon and yes, you guessed it right. Kami pa rin ang tao bukod sa isang DSWD employee sa loob ng warehouse maghapon. Walang ibang dumating.

The relief goods are not moving. By the way things look, they are not going anywhere. Hindi maglalakad mag-isa ang mga donations na ito papunta sa mga evacuation centers.


LET THE PICTURES DO THE TALKING


Note: Pinagbawalan kaming kumuha ng pictures sa loob ng warehouse. I wonder why.

“Not a creature was moving, not even a mouse.”

Parang haunted warehouse ang dating. May multo na yata.

Kahit na daig pa ang tindahan sa Divisoria sa dami ng naka-stack na kaldero

At walang katapusang kaldero pa ulit

Kahit halos natakpan na ang mga bintana sa dami ng mga kahon

Kahit umabot na hanggang kisame ang stack ng mga kahon

(Close up ng Coleman camp beds sa previous photo) Hindi ito kasama sa ni-repack naming goods. Para sa mga “special victims” kaya ito? Ire-repack kaya ang mga “imported” camp pads na ito ever?

Sabagay, may BANIG naman para sa “ordinary victims”. Ito ang kasama sa inimpake namin. Sayang ‘yung imported.

Ano kaya ang laman nito? Hindi rin pinabuksan. Pang-special victim din kaya ito? (teka, dito nga pala galing ‘yung mga kumot)


Mahiwagang mga kahon from Japan Aid.

(close up ng mahiwagang kahon) Hindi rin ito kasali, of course. Hindi namin alam kung ano ang laman nito. “Imported” are not included, we have concluded.

Marami ito, mga laruang kasinlaki ng tao. Hindi nakunan ng pic kasi nasa tabi ng sikyo.

PORK AND BEANS? Yup, you’d think kasama ito sa relief bag. Pork and beans lang ‘to, puwede na sigurong ipamigay,

Naaah! “Imported” pork and beans from Spain po ito. Sorry, hindi pa rin included

Now let’s take a look at what a victim will get from DSWD

Look Ma, sampung lata ng sardinas! How generous! Kaldero ang unang ilalagay sa sako. Sabong panglaba (bar soap) at sampung sardinas sa ilalim. Siyam na sabon sa gilid ng kaldero. Local goods lahat syempre.

Tapos papatungan ng isang tuwalya at isang pack ng sanitary napkin.

Sisiksikan ng tatlong rolyo ng kumot(?) ang blue water jug tapos ipapatong sa kaldero sa loob ng sako.

Last but not the least, lalagyan ng dalawang banig.

Sabay tatahiin na ang sako. O di ba, parang asong tinapunan ng buto ang mga nasalanta? Eniwey, busog naman sila sa SAMPUNG lata ng Mega sardinas

Do not delay


YOU THINK?? WTF is the matter with these people? Mag-iisang buwan na mula nang masalanta ang mga kababayan natin. ISANG BUWAN!! Do you mean “do not delay ang dati nang delayed”?? Shet.

Anong ginagawa ng mga donations na ito sa warehouse?? APAT na warehouse ang nasa loob ng compound na ‘yon! APAT na warehouse na punong-puno ng inaalikabok na relief goods! Relief goods na ayaw yata ibigay sa mga nasalanta. Halatang-halata.

Marami pang pabubulukin

Wow! May bagong shipment na naman! At the rate DSWD is moving, next year na madi-discover kung ano ang laman ng mga kahong ito.

    “The first of two of the largest high-energy food shipments from the United Nations World Food Program (WFP) arrived in the country two days ago for victims of storm “Ondoy” and typhoon “Pepeng.”

    The biscuits were fortified with essential vitamins and minerals for supplementary feeding to children, pregnant women and the elderly in evacuation camps. Another 100 tons of biscuits will arrive on Oct. 24, in a continuing effort to provide food assistance to flood victims.

Sige, ideretso ‘nyo ulit ‘yan sa DSWD warehouse. Para AMAG naman ang abutin ng biskwit… at sapot ng gagamba.


Conclusion


Sa maghapon namin sa warehouse,nakagawa kami ng 150 sacks of relief goods. 150 bags of relief goods lang ang lumabas sa warehouse na ‘yon that day. At nandoon pa rin sa loob ang mga imported relief goods, safe, sound and packed as the day they arrived.

Nakisakay kami palabas sa isang DSWD delivery van. Gusto sana kaming ihatid ng driver hanggang Makati pero wala raw siyang sobrang gasolina. Ibinaba na lang niya kami sa gitna ng EDSA. Millions of dollars in donations, walang extrang pang-gasolina.

Susulpot din siguro ang laman ng mga mahiwagang kahon at mapapasakamay din ng mga tao…sa ARAW NG ELEKSYON. O mabibili na nila ang mga imported goods na ‘yon sa mga puwesto sa Quiapo at Divisoria.


Suggestions lang po sa DSWD:

  • Alam ‘nyo palang walang mag-volunteer sa inyo, bakit hindi kayo mag-hire ng mga tao? Bayaran ‘nyo ng arawan para mag-repack. Ang daming walang trabaho, makakatulong pa kayo. Hindi naman malaking kabawasan ‘yon sa bilyong pisong donasyon na natanggap ninyo.
  • Isa pa, gaano ba karami ang mga sundalo natin? Hindi ba puwedeng ipagawa sa kanila ‘yan? Baka isang araw lang, tapos na ang problema ‘nyo
  • Bakit hindi ‘nyo ibigay ang trabaho sa mga NGO, churches, private charities, TV stations? I’m sure they are more than willing to help. Time is of the essence. Huwag kayong suwapang. Obvious ba, hindi ‘nyo naman kaya.

  • Kung talagang gugustuhin ninyong makarating agad sa mga kawawang biktima ang mga donasyong ‘yon, nagawa ‘nyo na ‘yan. Maraming paraan…kung talagang gusto ‘nyo lang.You are the government. You have the power, the resources and the money. You just have to really care.

    You are the government. You have the power, the resources and the money. You just have to really care.

    - – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – -

    Ito lang ang masasabi ko

    About these ads

    31 comments on “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo? (A special report from a volunteer) Oct 21st, 2009 by ella

    1. Alkapon says:

      Bakit kaya hindi kami naambunan nung kami ang nabaha?

      dahil kaya wala ring Volunteers ?

      Parang nakakaamoy ako ng maantot… mmmm

      Anak ng pating… ayaw ko muna mag komento, baka may masabi pa akong hindi maganda..

      tumataas na naman ang highblood ko.

      • Pareho lang tayo ng nararamdaman ngayon Al….mataas din ang HB. Hanggang ngayon ay galit din yung anak kong bunso…hayyy.

        Siguradong marami na namang palusot ang gagawin ng gobyerno diyan…pero sabi mo nga ay maantot na….nangangamoy pa…

        Ang nanggigil ako ay yung instead na ‘pork & beans’ naman ang ilagay ay bakit na lang ang walang kamatayang ‘ligo sardines’ ang ibinibigay…di ba marunong kumain ng ng ‘pork & beans’ ang mga nabaha????

        Di ba marunong gumamit ng mga galing sa abroad ang mga nabaha????

        pigil muna rin ako Al at talagang umuusok ang ilong ko…grrrrrr.

        Ayyy buhayyyy talaga….kaya ayun kumanta na lang ako ng Lupang Hinirang sa huli….hayyyyy

    2. Nortehanon says:

      Kinikilabutan ako while reading your post, Lolo Jem. My heart aches all the more for the typhoon victims dahil sa balitang ito. Bakit sila ganun? Volunteers pala ang kailangan nila, they should have gone to radio and TV stations at nanawagan at tiyak akong babaha ng volunteers sa warehouses nila. Right after the typhoon, I tried calling the TV stations kung pwede akong mag-volunteer sa relief programs nila. They just got my name kasi sobra-sobra raw talaga ang taong gustong mag-volunteer at punung-puno na ng tao ang warehouses nila.Pero bakit sa DSWD walang volunteer? Baka naman di nila ipinaalam sa mga tao na kailangan nila ng volunteer.

      Haaaaaaaaaaaaaaaay……..

      • Hayyyyyy Miss N….palagay ko pagputok nito sa mga News at TV ay palagay ko palantsado na ulit ang mga sagot dito…

        —parang New York dinner
        —yung mga pulis na nagpuntang Russia
        —parang jocjoc
        —parang ZTE
        —parang Garci
        —parang Abalos at Neri at marami pang iba

        Sorry na naman kaya ang maririnig natin dito…hayyyy

        Buti na lamang at may mga matapang magsulat ng mga ganito sa kanilang Blog…

        Masakit talaga ang katotohanan.

        isang malaking BAKIT na naman? Bakit kaya?

        haaaaaaaaaaaaaaaay……

    3. alasais says:

      ganyan kawalang-kwenta ang mga nasa gobyerno at kung anumang institusyon yan. let us continue exposing their mess.

      – tenco

      • Salamat Tenco sa pagbisita.

        Nakakapanghina nga ang mga ganitong balita. Yung mga nagbibigay di malaman ang gagawin kung paano mapapabilis makarating ang mga donasyon pero ang mga kinaukulan naman ay tinutulugan lamang ang mga ito.

        Ngayong umaga ay kababasa ko lang ng News na pang international at napabalita na nga ito. Kahit talagang nakakahiya ito…pero tama ka baka ito lang ang paraan para tumino at umayos ang mga palakad sa mga bagay na ganito….ang ilabas ang mga bagay na ito.

        Kawawa naman ang mga naghihirap nating kababayan.

        Hayyyyy buhayyyyy

    4. darbs says:

      Superlo, tenk u sa share.

      Nababasa na po lahat dito sa pahina ninyo ang reaksyon.

      Subalit ang masasabi ko lang po ay, bawat panghihina na nararamdaman doon ko na lang po ibinuhos lahat ng panghihina sa pag vote, again and again and again and again para kay Efren Penaflorida.

      After maybe di mabibilang na votes at least parang may nararamdaman akong lakas.

      Ang galing ng pagkagawa ng youtube. baka maharbat ko rin yang youtube na yan.

      tenk you po.

      tambay na naman po ako doon sa cnn para makapgaboto na naman tapusin ko muna ang isang libong vote for the day. heheheh.

      • Oo tama ka Darbs buti na lang at may Efren Penaflorida na dun natin puwedeng ibaling ang ating lakas bilang Pinoy.

        Simula nung lumabas din kay Kaye ang post na yan ay tuloy-tuloy din ang pagboto ko.

        Isa na si Efren sa magtataas muli ng bandera dun sa bidyo ng Lupang Hinirang.

        Sige hataw lang tayo ng boto para kay Efren.

    5. walongbote says:

      haha.. korak, ang sabihin mo kinukurakot na nila yung mga relief goods.. aba aba dapat ireklamo na yan..oo nga naman, kung walang volunteers anu yan? KOMIKS haha.. kulit ng banat.. wag na sana nila dagdagan pa ang paghihirap ng Pilipinas…

      P.S
      Thank you at na noticed nyo poh ang problem sa blog mo. I removed the theme as soon na nabasa ko..madami ang nagmessage sakin lastime at nagulat nga ako na may virus pala yun.. so pls. visit me again.. magiging masaya ako :)

      • Hayyy Jeniffer…masakit tanggapin ang katotohanan sa nangyayari sa DSWD. Isa na namang kahihiyan ito…manhid na yata ang mga kinaukulan….kaylan kaya darating ang panahon na di na pagdududahan ang mga nasa pamahalaan? Sana maituwid na ang lahat ng pagkakamali.

        your welcome at bibisita ako talaga…salamat din sa pagbisita.

      • May warning pa Jeniffer…dapat ba i-click ko yung ‘Ignore this warning’?

    6. ferdz says:

      Ika nga, WHY LIKE THAT????

      Buti na lang at mayroong mga matatapang na nagreport ng mga kabulastugan ng mga ito. Ano kaya ang maganda nating gawin? Hindi na katanggap-tanggap ang sistema sa ating lugar, normal ba ang ganito? Ang ipangalandakan ang pagiging ganid?

      Sana patuloy tayong maging mapagmasid at mapamuna sa mga nangyayaring mga ganito sa paligid natin. Tayo na ang maging pulis ng ating pamayanan ‘wag na tayong umasa sa gobyernong manyika. Wala nang gobyerno sa Pilipinas, ang mga tagapagpatupad ay siyang sumusuway.
      Sana ‘wag maging ningas kugon ang mga mithiin ng mga bagong pinoy sa pagbabago.

      • Talagang maraming tanong ang mga pangyayari sa Pilipnas Ferdie.

        Hindi nga talaga normal ang ganito.

        Biro mo donasyon na iyan ay bakit parang ang hirap ipamigay?

        Ang ibang bansa at mga tao ay nag-sakripisyo para maipadala ang tulong…pero bakit ganun parang walang emergency na sitwasyon sa mga may kinaukulan?

        Talagang bang walang matinong pamamalakad sa mga ganitong bagay?

        Bakit ang mabilis gawin ng iba…ang magpakabuti at tumulong ay parang napakahirap yata gawin ng isang nakaupo sa pamahalaan?talaga bang mababa na ang moralidad ng mga taong nabigyan ng katungkulang para sa mga bagay na ito??

        Ang tawag sa mga kawawang Pinoy ay ‘double-dead’…nasalanta at biktima ka na ng bagyo…tapos biktima ka pa rin ng mga maling palakad ng goyerno…

        Kitang-kita na di na sa bulsa ng gobyerno galing ang ipapamigay ay parang hirap-hirap ipamigay…paano na kung sa sarili pang bulsa galing ang mga ito??

        Talaga bang pang ‘instant noodles’ at sardinas lang ang mga mahihirap na biktima?sana mabago na ang ganitong kalakaran sa pagtulong…lalo na at may mga masustansyang bigay mula sa ibang bansa.

        Pero sana nga dumami pa ang mga taong umaasang malilinis at maaayos pa ang Pilipinas.

    7. [...] of Philippine corruption 101. “Aanhin ang Kabayo…” Superlolo version and Barrio Siete [...]

      • Salamat Darbs…sama-sama tayo sa pagkatok para maituwid ang mga maling pagpapalakad sa ating gobyerno.

        • darbs says:

          Walang anuman superlo. Magpasalamat din sana ako sa iyo sa pagblog mo baka hindi matatapos ang pasalamatan at walang anumanan nito. heheheh. nagpapatawa lang po sa gitna ng ka-walang-kapuso-pusuan, ng mga [blank] NILA!

          Wala talagang accountability ang mga nakatung-tong pakitong kitong sa poder sa atin. Kaya magagawa nila ang hindi dapat gawin. Simple as that.

    8. Akrebley says:

      Sana ok lang si Ella, marami kasi siyang magiging detractors at baka manganib pa ang seguridad niya kung ang mga involve dito ay mga malalaking tao. Although marami namang na-alarma at may mga magta-tanggol sa kanya, di pa rin yun makakasapat, idinisplay pa naman ang picture niya sa TV.

      Wala na talagang mapagkakatiwalaan sa gobyerno, pati ba naman ang DSWD na nangangalaga sa mga bata ganyan na rin ang asta! Tsk tsk tsk!

      • Salamat sa pagbisita Akrebley.

        Sa isang banda may security risk talaga ang ginawa ni Ella sa pag-expose ng nangyayari sa DSWD. Sana lang ay tingnan ng mga nakakarami ang katiwalian at bigyan sana ng proteksyon ng media si Ella sa tamang pagpapahayag ng isang concerned citizen ng Pilipinas.

        Nakakahiya talaga at nakakalungkot ang katotohanan na nangyayari sa DSWD.

        Sana magkaroon ng kaayusan na ito para rin sa kapakinabangan ng mga mahihirap at ng nangangailangan ng tulong mula sa DSWD.

        Isama ko pala ikaw sa aking blogroll para mabisita rin kita.

        Ingat lagi diyan sa atin & God Bless!

        • Akrebley says:

          Inadd din kita sa blogroll ko Lolo. Hehehe! Sana safe lagi si Ella, in-case may nahalata siya na puwedeng makapeligro sa kanya or family niya, i-blog na rin sana niya para maaksyunan agad ng media, mahirap na magtiwala sa awtoridad baka kasabwat pa sila. Masama isipin na pati awtoridad damay na rin sa iniisip ko tungkol sa gobyerno pero wala naman choice dahil na rin sa mga pinapakita ng mga nasa puwesto at may kapangyarihan.

        • Salamat Akrebley.

          Talagang masalimuot dyan sa atin lalo na kung may kinalaman sa gobyerno.

          Palagay ko lang mapapansin at di mapapabayaan si Ella dahil mukhang news na rin ito sa labas ng pilipinas. Nabasa ko na kahapon sa isang dyaryo dito sa US at malamang maraming makakabasa na nito.

          Ipagdasal sana natin na magkaroon ng magandang resulta ang mga pangyayari na ito dyan sa atin.

    9. sows says:

      whoa..

      wla po akong masabi..
      hi nlng po..
      :lol:

    10. precious says:

      hello po! long tym no blog hop!

      ang heavy po nito, pramiz..

      take care po lolo!

      • Ay salamat precious sa pagbisita.

        Oo pero sana maayos na itong mga isyus na ito para matulungan na ang mga dapat tulungan…para sa ikabubuti ng lahat.

        Mabuti naman kami d2 at ingat lagi din dyan sa atin.

        God Bless!

    11. Alkapon says:

      Musta po Lolo, mukhang hiyang kayo sa Vitamin V nyo ah.. yung Viagra,, he he he jowk.

      Balita ko naa hot seat ngyon si Ela dahil sa expose nya.. mm sana huwag naman nila pag initan ang mga blogger, dahil karapatan naman natin ang magsalita kapag may nakikita tayong kabulukan ng gobyerno, namumuhay tayo sa demokrasya at wag naman sanang gawin martial law ang ating karapatan.

      • Haha Salamat Al…yung tunay na V ko ay Vegetables…hehe medyo trying hard na vegetarian…pero traying lang…iba na daw yung natural at organic ang kinakain.

        Di makahabol ang Lolo sa mga post mo Al…sunod-sunod at talagang nakakalibang…di tuloy ako makakomento agad…hehe…at napanginig mo ang tuhod ko dun sa ‘lavavo’..hehe.

        Tungkol naman kay Ella:

        Yan na yata ang masama sa atin….kung mali ang deklarasyon ni Ella(bilang isang concerned citizen) ay sabihin na mali lang at magpaliwanag ang gobyerno.

        Pero…kung tama si Ella(bilang concerned citizen)..ay bakit di aminin ng gobyerno at itama ang mga pagkakamali.

        At hindi na gawing isyu…para makinabang na ang mga nangangailangan ng tulong…at gawin lang ang trabaho.

        At kung may mali at wag ng gawin ulit. Kung lahat ay aamin ng pagkakamali ay magiging simple lang ang buhay.

        Talagang hindi perpekto ang gobyerno kaya kailangan din ng magsasabi ng mga dapat gawin. Parang ordinaryong pamamalakad sa bahay lang iyan na minsan ay nagkakamali sa pamamalakad ang Ama at Ina…nag-aadjust lahat para sa ikakabuti ng pamilya at hindi mag-sisisihan.

        “karapatan naman natin ang magsalita kapag may nakikita tayong kabulukan ng gobyerno”

        Tama ka Al talaga dito…kaya lang makaluma pa ang pagtanggap sa mga kontraktib na komento ng mga namumuno sa pamahalaan…very defensive….ewan ko ba.
        At iyon nga binabalingan ang mga pumupuna…hayyy buhay.

        “The truth shall set us free.”…na malamang ito ang pinanghahawakan ni Ella at lahat na umaasa na umayos ang ating bayan.

    12. kaye says:

      and dami na ngang nasabi sa isyung ito, pero ang kinagulat ko yung sinabi ni sec. cabral na ella is just some publicity-hungry bimbo. my gulay. just because somebody had the sense to take notice of how they do things, one would be branded a bimbo–a publicity hungry bimbo at that. they failed to understand that they are just accountable to filipinos especially those who gave to the typhoon victims, and those who gave even if it hurts because they’re not well-off and they don’t have much money to spare, but their hard-earned money.

      • Hayy Kaye ang gobyernong Pinoy nga naman.

        Talagang pinapatay nila ang isyu…sanay na sila sa mga ganitong banat sa kanila…lalo na sa mga nakaupo sa Malakanyang…yan ang binabayaran ng taxes ng mga Pinoy ang mga nakaupo at yan kanilang pinag-aralan na wag sagutin ng maayos ang isyu at manapay sirain ang pagkatao ng isang ‘CONCERNED CITIZEN’.

        Sabi ko nga dun sa itaas na komento, parang simpleng pamilya lang sana ang pagpapalakad ng mga opisina. Kung nagkamali ang Ama at Ina…eh di aminin nagkamali sa mga anak at gawin ang tama kaagad…para maging maayos ang pagkakamali….PERO kung sasabihin ng mga magulang na…tumahimik kayo dyan mga anak lang kayo…ayyy yan ang pagsisimulan ng di pagkakaintindihan…magulo…mababawasan ang tiwala at pagmamahalan.

        At ito na nga ang mangyayari sa ating gobyerno…matatalino na ang mga tao ngayon…well informed na sila sa atin. Kaya lang talo-inis talaga dyan sa atin…ayaw nilang harapin ang tunay na isyu lalo na nung sabihin nila na:

        —-“sinabi ni sec. cabral na ella is just some publicity-hungry bimbo”.

        At sobrang korek ka dito Kaye:

        —“those who gave to the typhoon victims, and those who gave even if it hurts because they’re not well-off and they don’t have much money to spare, but their hard-earned money.”

        Ang tawag ko dito ay ‘DOUBLE DEAD’…

        Yung mga biktima ng bagyo….biktima na ng kalamidad tapos biktima pa na mga nasa DSWD….double-dead talaga.

        Yung mga taos-pusong nagbigay…..dun sa sakripisyo nila para makatulong agad…tapos itinambak lang….ayun nakakasama ng loob…double-dead din.

        Eto na ang malupit….ang nangyari sa isang ‘concerned citizen’ na si Ella…tumutulong ka lang at ikaw pa ngayon ang masama…double-dead din.

        Talagang nakakagigil…pero sabi nga natin minsan kapag sukdulan na ang mga ginagawa ng tao…sana lang kung di sila makasagot ng maayos sa tao…ay sana alam nila na accountable sila sa ginagawa nila sa Diyos.

        At ito nga ang sabi ng Diyos…

        “Whatever you do to the least of my brethren you do it to me” (Matthew 25:40)

        Sa kabila ng lahat ay umaasa pa rin ako na maayos ang mga ganitong pangyayari…sana lang.

        Salamat sa pagbisita Kaye.

    13. darbs says:

      Update lang po superlo. the blogger who wrote the report about the kabayong DSWD este faces libel charge. Here is the link.

      http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view/20100121-248693/Blogger-faces-libel-charge-for-item-on-relief-goods

      • Hayyy salamat DArbs…nabasa ko na yung news about ella.

        Nakaka-inis lang talaga ang buhay sa atin….yung simple ay ginagawang komplikado.

        Alam naman natin lahat na di perpekto ang mga palakad sa ating mga sangay ng pamahalaan.

        Sana lang ay naging positibo ang pagtingin sa pagpuna na nangyari ng isang concerned citizen sa DSWD.

        Kung di naman totoo ang pagpuna ay di naman yun tatanggapin ng tao…pero yun nga ganyan talaga ang buhay sa atin very defensive…konting kibot…idedemanda…hayyy nawala na talaga ang magandang asal na itinuro ng matatanda na pag-usapan mabuti ang mga bagay-bagay para magkaroon ng kaayusan at pagkaka-intindihan.

        Ganyan yata ang buhay lalo na ang mga taong di nakakaranas ng dagok ng buhay….yung sinabing pagpuna ng isang tao ay parang sobrang sakit na sa kanilang pagkatao…..sana lang itong mga taga DSWD ay ipadala sa Haiti para makita kung gaano kahirap na ng buhay ay uunahin pa ang idemanda ang isang concerned citizen.

        Hayyy…kay ella pa rin ako…isang blogger…isang concerned citizen.

    Leave a Reply

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

    Connecting to %s