Computer for Lolo and Lola

Dito po sa blog na ito ay gusto kong marating at maturuan kahit kaunti ng tungkol sa computer at mga bagong teknolohiya ang mga Lolo at Lola. Napansin ko lang sa ating bagong kultura mukha yatang hindi nabibigyan ng pansin na may karapatan din na matuto ng paggamit ng computer at ng mga ibang gamit nito. At hindi lang sana ang paggamit ng email ang matutunan nila. Katulad ng paggamit ng cellphone ang natutunan lang nila ay ang sumagot at tumawag sa cellphone pero napakaraming puwedeng gawin ang mga makabagong cellphone na katulad ng computer ay napakarami  rin ang nagagawa ng mga bagong computer. Sa pagtuturo sa kanila ay nabibigyan natin sila ng lakas ng loob na ma-enjoy pa ang mga kakayanan ng computer lalo na ng Internet.

Maaring natuturuan ang mga Lolo at Lola ng mga apo pero siguro dahil sa agwat ng idad nila ay maaring hindi nagkakaroon ng tamang paraan ng patuturo.

Sa aking sariling experience at sa aking idad na 52 ay medyo umabot pa ako sa paggamit ng computer dahil naging parte ito ng aking dating trabaho. Pero ngayon ko rin lang na-realize na marami talaga palang dapat pang pag-aralan sa paggamit ng computer at lalo na ang maitutulong ng tamang paggamit ng Internet.

Napansin ko na ako man ay nagtatanong sa aking mga anak kung may gusto akong gawin sa computer lalo na kung ito ay tungkol na sa mga bagong teknolohiya…katulad ng blue-tooth, wi-fi, 3G, GSM, YM, Skype, DSL, etc…Kahit ang mga anak ko na nasa idad na 25+ ay minsan ay basic din ang alam sa computer at kailangan din nila ang gabay para magamit ang ibang capability ng computer.

Katulad ng isang bata ang pagtuturo ay dahan-dahan at ganun din para kay Lolo at Lola.

Nawa ay itong pagtuturo na ito ay makatulong upang maging creative and productive pa ang ating mga Lolo at Lola.

Naalala ko ito kasi sa ngayon ay nagbi-visit ako sa isang Senior home at doon ay may kaibigan akong 87 years old. Very fortunate siya kasi natuto siyang gumamit ng computer dahil isa siyang professor dati. At nakita ko na ang dami niyang nagagawa lalo na sa paggamit ng computer. At iyon ang isang nagbibigay ng kaabalahan sa kanyang libangan sa loob ng senior home. Paano na? lalo na katulad ng kaibigan ko kung hindi siya natutung mag-computer, solo na lang siya, at hindi naman siya nadadalaw ng kanyang anak, at ganun din wala siyang apo na mapapagtanungan…

Kaya hanggat maaga pa sana matuto ang isang Lolo at Lola na tungkol ng basic sa computer upang sa maliit na problema ay magagawan ng paraan at malalaman kung may problema.

Hindi natin mapipigilan ng paglaki ng teknolohiya. Darating ang panahon na halos lahat ng gamit ay gumagamit na ng computer. Na halos lahat ay daraan sa computer.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s