Buhay Amerika(Life in US)- Part I

Ito ang una kong kuwento sa buhay Amerika.

Ngayon ay mga labing-anim na buwan na kami dito. Ako at tatlong anak ko. Kaya kami nakapunta dito ay dahil sa petition ng aking tatay na US citizen. Yun nga lang pagdating namin dito noong isang taon ay hindi na kami nag-abot. Namatay siya ng Pebrero at dumating naman kami ng Marso. Hayy ganyan talaga ng buhay.

Sa ngayon ay dito pa kami nakatira sa bahay ng kapatid ko. Mabuti na lang at super bait ng family ng kapatid ko. Medyo suwerte rin at malaki ang bahay ng kapatid ko kayat hindi naman kami nagsisiksikan sa loob ng bahay.

Noong dumating kami dito last year ay nagsisimula pa lamang ang recession…pero nararamdaman na. Sabi nila kakaiba itong recession na ito noong nagsisimula. At iyon nga naramdaman rin namin siyempre hanggang ngayon. Sa bagong salta dito sa US…mahirap nga at kakaiba.

Mahirap at kakaiba dahil noong nasa Pilipinas kami ay halos kumpleto naman kami sa mga bagay-bagay ng isang pangkaraniwang pamilya. Medyo hirap din pero dahil may trabaho naman ako noon sa isang magandang kumpanya ay okay lang. Yung dalawang kong anak noon ay may mga pinagkakakitaan din. Nakatapos yung isang anak ko ng Journalism at iyong isa ay Medtech. Yung bunso ay pumapasok pa ng third year sa college.

Ang hirap iwanan ang kinalakihan mo ng bayan…sa akin almost 52 years. Ang hirap iwanan ang naipundar mo na at mga pinaghirapan na mga gamit sa bahay. Pero sa lahat yata na mahirap iwanan ay ang buhay Pinoy…ang mga kaibigan, mga kamag-anak, barkada sa opisina, barkada sa probinsya, mababait na kapitbahay, ang suki sa palengke tuwing Linggo, ang pari na nagmimisa sa paborito mong simbahan, ang paborito mong masahista sa spa, ang videoke bar, ang piyestahan, ang bilihan ko ng dvd at cd, ang mga kainan, …ayyy di yata ako mauubusan ng sasabihin. Hamo sa susunod yan lang ang topic na isusulat ko ang mga nami-miss ko sa Pilipinas.

Mabigat ang kalooban ng umalis kami sa Pilipinas last year pero bitbit namin ang tiwala sa Diyos na hindi naman Niya kami pababayaan. Sabi nga namin kapag hindi ukol ay hindi bubukol. Kung hindi kaloob ay hindi talaga ipagkakaloob.

Sa totoo lang ay lakas loob ko lang na isinama ang dalawa kong anak na over-21, dahil may tourist visa sila, sabi ko bahala na… kung may paraan na ma-convert ang status nila dito ay mas mabuti. Mahabang ring kuwento ang magandang nangyari sa kanila(isusulat ko sa susunod na mga post). Sa ngayon ay green card holder na sila…after eight months na dumating sila dito. Isang malaking milagro sa amin ito dahil hindi na kami nagkahiwa-hiwalay. Akala ko noon kasi ay maiiwan sila sa Pilipinas habang andito kami sa US.

Sa ngayon ay may trabaho na ang dalawang kong anak at bukas naman si bunso ay papasok sa Old Navy habang bakasyon siya sa iskul niya.

Ako eto family driver muna.

To be continued na lang po muna iyong mga ibang details kaya ginawa ko munang Part I.

Salamat po sa pagbabasa ng istorya namin.

3 comments on “Buhay Amerika(Life in US)- Part I

  1. ako po si Mrs.Rizza Limpot 38 years old,at may 4 na anak ,isa akong college level taking up Diploma of information technology at nakatake up din ako ng 2 years junior secretarial course.Sa ngayon isa lang akong plain housewife,nag aalaga aq sa mga anak ko kasi ang youngest ko 5 years old pa lamang masyado pa syang alagain.Ang asawa q ay isang 2 years graduate din pero driver po sya ngayon sa isang pabrika.Kaya ako sumulat sa iyo ay upang humingi ng payo na maging isang blogger para makatulong naman ako sa asawa ko sa financial kasi kinakapos po kami sa sahud nya.naisip ko po ay ito ang paraan na nasa bahay ako at inaalagaan ko ang mga anak ko at the same time kumikita ako.Ang problema ko ngayon ay kung paano magumpisa maging isang blogger.
    Sana po ako ay iyong matulongan.
    Maraming Salamat po

    Lubos na gumagalang,

    Mrs.Rizza Limpot
    Valenzuela City

  2. imot says:

    Naks, parang namang si ATE CHARO ‘yung sinulatan ni ATE na nasa taas. Pa promote lang po ng blog ko http://akosiiimot.blogspot.com/

    Naghahanap kasi ako panu mag-link ng blog eh kaso nakita ko tong blog mo na “panu gumawa ng blog” nagbasa basa na rin. SALAMAT.

    • Hello Imot at salamat sa pagbisita sa aking simpleng blog.

      Sige isama rin kita sa mga binibisita kong blog Imot. Medyo napasilip na ako sa iyong blog at muling babalik para makabasa ng iyong kwento.

      Salamat din & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s