How to blog(paano ba mag-blog)?

Gusto kong turuan ang mga kaibigan ko na tumatanda na maggawa ng “blog”. Para naman maka-relate at maka-share din sila sa kanilang buhay-buhay. Masarap i-express ang sarili lalo sa ganitong paraan. Parang mahirap yata dahil ituturo ko ito sa Tagalog. Bahala na kahit alam ko na marami naman sa ibang “blog” na English ang paliwanag. Bahala na at sana may makapulot naman sa aking ituturo.

Teka ano nga ba ang “blog”? Sabi sa Merriam-Webster’s Dictionary

Blog noun [short for Weblog]: a Web site that contains an online personal journal with reflections, comments, and often hyperlinks provided by the writer.

Kaya yun nga sa maikling salita isang “diary or journal” na “online”. Teka yan na muna at kinakapos ako sa paliwanag sa Tagalog.

Mahirap bang gumawa ng “blog”?

Noong una alam ko mahirap kasi noong araw naririnig ko na may “website developer” o taga-gawa pa ng mga kung paano ipapakita sa computer o sa Internet ang isang “weblog or blog”(noon kasi ang tawag ay “homepages”)¬† pero ngayon may mga redi-made na. Ang kailangan lang ay email account.

Kaya para sa nagsisimula na katulad ko ang isa-suggest ko ay ang galing mula sa http://www.blogger.com, ito ang isa sa mga nauna sa tinatawag na “blog publishing”. Okay din itong mula sa wordpress.com, pero tingin ko sa ngayon mas basic ang dating ng sa blogger.com. At ang pinakamaganda dito sa dalawang ito sila ay libre….FREE!

Katulad ko nagsimula ako sa blogger.com, pero sa ngayon ay tinitingnan ko ang kaibhan ng sa wordpress.com. Sa blogger.com ang kailangan ay gmail account(google) ang sa wordpress.com ay ang ginamit ko ang yahoo email account ko.

Pero ang i-suggest ko bago magsimula sa paggawa ng “blog” ay mag-isip muna ng magandang “title or identifier” na pangalan ng iyong “blog” kasi yan na ang magiging “website name” pangalan na ita-type sa may URL(universal resource locator). Ito yung may box duon sa itaas ng “browser” na may simulang http://…..

Mukhang mahirap yata talagang ipaliwanag sa Tagalog. Pero dahan-dahan lang. At kung may makabasa nitong aking post na ito. Sana po tulungan ako o itama naman kung sakaling may mali. Salamat po.

Oh ayan isip ka muna ng magandang “topic” na gusto mong isulat kasi diyan manggagaling ang “blog name” at may relasyon din yan sa “blogsite address” na ibibigay mo sa “blogger.com or wordpress.com”. Ang halimbawa ay kung mahilig ka sa mga pagkain “food”, kaya puwede kang magsulat halimbawa sa mga pagluluto¬† o sa tungkol sa lugar na masarap kumain.

Ang pangalan ng “blog” ay puwedeng “My Mom’s Favorite & Favolous Recipe’s”

Ang “blog address” ay puwedeng http://momsrecipes.blogspot.com/.

Kaya sabi ng “blogger.com” ang paggawa ng “blogsite” ay “one-two-three procedure” lang. Sa loob ng limang minuto ay puwede ng may “blogsite” ka na.

Sa “wordpress.com” ay halos ganun din kabilis ang paggawa. Mas marami ka lang agad na magagawa sa “blogger.com” kasi “basic” lang ang paggawa.

Sa tingin ko pareho lang naman ang kapabilidad ng dalawang “blogsite” na ito kasi nasa gagamit naman ang makakapagpaganda ng “blogsite”.

Iyan muna at medyo “to be continued muna” medyo kinapos na yata ako sa pag-convert ng Inglis sa Tagalog.

2 comments on “How to blog(paano ba mag-blog)?

  1. ferv says:

    hi..
    pede po ung next n paliwanag nyu po kung paano mview view ung blog mo ng ibang tao gumawa po kc ako ng tutorial blog sa isang PTC site or d po kaya pls link mo nlng po ako sa isang forum kung papaano ko magagawa un..
    salamat po sana marami po kayong mtulungan, godbless!!

    • Hello ferv,

      Maraming salamat sa pagbisita.

      Sana matulungan kita sa tanong mo.

      Wala akong makitang magandang forum para sa tanong mo.

      Pero bibigyan kita ng konti kong nalalaman.

      1. Nagsisimulang makita ang isang blog site na makita ng iba sa pamamagitan ng pagtype ng blog name sa katulad ng google search engine.

      Example yung sa akin na Blog ni Lolo. Kapag nag-type ka ng blog ni lolo sa google search engine ay ibibigay ang url site at puwede mo ng i-click yung blog ni lolo. Kadalasan nasa unang list yung hinahanap mo.

      2. Sa simula ibinibigay mo sa mga kakilala mo ang url link ng iyong blog site sa mga kaibigan. Example:

      https://superlolongpinoy.wordpress.com/

      Para dun magsimula na makilala ang iyong blog. At mapapansin mo unti-unti ng dadami ang makakakita ng iyong blog.

      3. Makikita ng iba ang iyong blog kung makikipag exchange link ka sa mga pinupuntahan mong blog(kapag may blog ka na). Para mailagay nila sa kanilang blogroll ang iyong link or blog.

      Note lang: Tingin ko ang isang magandang magsimula sa pag-blog ay ang paggamit ng wordress.

      Kung medyo kailangan ko pang magpaliwanag ng konti. Okay lang na magtanong ka pa sa akin.

      Ingat lagi & God Bless!—Slolo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s