Na in-luv na yata talaga ako

Ilang araw pa lang ako dito sa pag-blog sa wordpress ay mukhang na in-luv na ako.

Para palang barberya ito…barbero kasi ang Tatay ko at may barberya siyang sarili sa gilid ng bahay namin sa probinsya.

Makiki-upo ka lang duon sa mga nagkukuwentuhan sa barberya ay samo’t sari na mga usapan ang maririnig mo…pangkaraniwang kuwentuhan ng matanda ay yung mga namatay at pangkasalukuyang nakaburol, yung medyo mahilig sa sports ay siyempre kuwentong Jaworski at Reynoso(hehe ganyan talaga ang tono sa amin), yung medyo kabataan ng konti ay tungkol naman sa inuman at bugbugan nangyari, madalas din ang pulitikahan, siyempre may mga makabuluhang kuwento rin, ay naku everything under the sun talaga ang mga topic sa barberya…para kang nag search sa Internet…lahat ng balita at chizmiz ay mahahagilap mo.

Kaya ayun siguro ito na ang aking istambayan ngayon ang mga blog sa wordpress…nakaka-aliw…nakakalibang…masaya…parang barberya.

Patambay ha!

One comment on “Na in-luv na yata talaga ako

  1. taray says:

    hehehe

    Korek ka dyan!
    Napakaraming tumatambay sa barberya… Tapat ng bahay namin ay isang barberya… Hindi naman sila nagpapagupit o nagpapaahit, dumadayo lang ng kwentuhan.

    Masarap po talaga ang buhay sa Pinas, dito lang ata sa atin mayroon ustingan. Hindi kagaya sa ibang bansa na wala kang makaustingan kasi lahat ay abala sa kani-kanilang trabaho.

    Bakit nga ba ang barberya ay para sa lalaki lamang?
    (Pero once, natry ko ng magpagupit sa isang barberya) hehehe lol!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s