Sa mata ng isang lamang-Simbahan

Salamat pala kay Alasais. Na-inspired ako na sumulat sa mga obserbasyon ko sa loob ng Simbahan. Hindi naman ito masamang pagpuna pero ika nga reality ito sa loob ng Simbahan. Pinoy na Pinoy. Sa ngayon ay andito ako sa US…sa California…miss ko ang Misang Pinoy.

Naito ang site ni Alasais…sa gustong magabasa:

http://alasais.wordpress.com/28-simbahan/#comment-2829

Kababasa ko pa lamang ng dalawang post sa kanya pero promis babasahin ko lahat.

Teka ano nga ba ang lamang simbahan? Kung matanda kang babae ang tawag ay Manang…sa mga Nanay at Lola na lagi sa simbahan. Pero hindi yata Manong ang tawag sa lalaking madalas sa simbahan kasi madalang yata ang lalaki sa simbahan kaya di Manong ang tawag…ano nga ba? Ako Bro na lang…although kahulabilo ko ang mga Manang sa simbahan…di naman ako Manong.

Ito ang isang kong serbisyo sa Misa…ang mag Lay Minister…taga-subo ng Ostiya. Medyo malalim din ang commitment na spiritual…pero isang banda parang alalay ng Pari. Noong araw kasi konti pa lamang ang tao…mabilis lang magpa-komunyon…pero ngayon sang-damakmak na ang sumisimba…kaya kailangan na ng assistant ng Pari…lalo na sa komunyon…kasi kung hindi tutulungan ang matandang Pari…sasakit ang kanyang mga braso sa pagsusubo sa komunyon. At siguro baka di na antayin ng iba ang pagbabasbas at lumabas na sa haba ng pila sa komunyon dahil baka mahuli sa pagbubukas ng Mall…hehe kaya siguro nauso ang Misa sa mga Mall para hindi na mahuli sa opening ng Mall.

Bilang Lay Minister kailangan maaga sa simbahan…mga 30 minutes before the Mass…kaya kailangan maaga ang ligo…kailangan medyo malinis tingnan(kung may pabango di naman dapat umaalingasaw ang bango)¬† …medyo kailangan malinis ang mga daliri…kasi basta tingin ko tamang lang malinis ang mga daliri…sori na lang ang change-smoker na LM…dapat di amoy usok ang mga daliri bago magpa-komunyon…pero sana kapag LM na ay iwasan ng magyosi…gud for the health din…kung late na medyo dapat di na mag-serve pero ang usapan dapat umabot sa gospel reading. Pero me pasaway pa rin pagminsan…ayun sasabay ng lakad kapag offertory na…sabay upo sa mga kasamang LM. Ang pinaka late na pasaway…ayun sa gilid na ng simbahan dadaan…kapag nasa Altar duon na sasabay…hehe…too late the Hero ika nga. Bahala na si Lord.

Mahirap ang serbisyong magsubo ng Ostiya. Hindi lang kalinisan sa labas pero mas mahalaga ang kalinisan ng Puso. Hindi ito trabaho lang na dapat gampanan, isa itong sagradong gawain. Seryoso po ano.

Pero maiba ako ng usapan. Andun na ang kalinisan ng Puso…okay na iyon. Ang aktual na pagsusubo ang medyo talagang¬† extra challenge para sa isang LM(Lay Minister or minsan ang tawag pala ay SMHE – Special Mnister of the Holy Eucharist) na Pinoy kasi tama ang obserbasyon ng iba minsan talagang iba-ibang style naman ang Pinoy kapag nagkokomunyon.

Kung sa kamay ang pagkuha ng Ostiya medyo relax lang ang LM. Pero kung sa bibig na.. andun na ang pag-iingat. Ako man ayoko din tumama ang parte ng daliri ko sa dila o labi ng nagkokomunyon. Minsan talagang kulang o sobra sa labas ng dila ang problema…ang sikreto dapat dumikit sa gilid ng dila ang Ostiya at di na ito mahuhulog. Ang pagkahulog ang pinakakaiwasan ng isang LM ang mangyayari. Isang sagrado ang Ostiya kaya pag nahulog kahit kapiraso sa Ostiya sa semento o sahig ng simbahan…ito ay kailangan mapunasan at madampot agad ang Ostiya. Minsan ang LM ang dadampot at pagkatapos ng serbisyo ay ang LM ang magsusubo para sa sarili.

Meron naman iba talagang parang tutuklawin ang Ostiya…kaya kailangan mabilis ang reaksiyon ng LM kasi kung hindi makakagat ka ng nagkokomunyon…kaya minsan kailangan ay Jacki Chan ka mabilis.

Meron namang mga pasaway na mga kabarkada…hindi na sasagot…babati na lang ng ngiti…na para bang…namumulutan sa isang inuman…hayy pasaway talaga…Pinoy talaga.

Naito pa ang isang special talent sa pagsusubo…kailangan may talento rin sa Math…kapag medyo mahaba pa ang pila…at parang kukulangin ng Ostiya…dito na pumapasok ang galing sa Math. Kailangan pinipiraso ang mga natitirang Ostiya sa isusubo. Kaya minsan kung kayang gawin sa sampung piraso ang Ostiya ay gagawin para masubuan lahat….hayyy yan ang serbisyo..kaya lang minsan may pasaway pa rin…dahil piniraso mo na ay gusto pa magpasubo sa bibig…eh talagang tatama na ang daliri sa dila kasi kapiraso na lang ang Ostiya…hayy sori Lord…napapansin lang po.

Pero di po ako nagrerelakmo…kasama po talaga yan sa serbisyo para maging maayos ang Misa.

Pero wag kayong mag-alala kapag tumama ang daliri ng LM sa dila o labi…kaya nga may parang handkerchief(tama ba spelling?) na puti na hawak ang LM, ang tawag dito ay corporal, dapat ipunas ang daliri ng LM na tumama sa bibig ng nagkomunyon dito.

Yan po muna. Salamat sa nagbasa.

4 comments on “Sa mata ng isang lamang-Simbahan

  1. alasais says:

    ay oo nga noh, pinipiraso nga pala ang ostiya naaalala ko ‘yan. marami na nga rin kasi talagang tumatanggap ng komunyon ngayon.

    – tenco

  2. superlolongpinoy says:

    Salamat Tenco. At maidagdag ko nga pala kapag di talaga maiwasan ang pagkakulang dahil sa di inaasahang pagdami ng tao na gustong magkomunyon. Ayun last option, pero case-to-case yata ito sa Pari, kukuha ng di consecrated na mga ostiya at habang nagsusubo ay isinasawsaw ang kapiraso ng Ostiya sa consecrated wine.Extra challenge ulit ito sa LM dahil di kailangan tumulo sa sahig ang wine.

  3. alasais says:

    Matinding stress din pala ang kasama sa komunyon pa lang no? Kelangan ng stresstabs ‘yan…tsk tsk.

    Good post!

    Tem-i of Alasais

  4. superlolongpinoy says:

    Salamat Tem-i!
    Naghahabol pa rin ako sa masasayang ninyong istorya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s