Bakit lokal ang panaginip ko di Stateside?

Isa’t kalahating taon na ako dito sa US pero napapansin ko puro lokal pa rin ang panaginip ko.

Eh nuong nasa QC naman ako….medyo nakakasingit ng konti ang bahay ng utol ko dito sa US at parang pakiramdam ko ay nagbabakasyon ako kaya nakakainis kung biglang magising…heh nasa QC pala ako…ayun pilit na binabalik ang tulog para ma-feel pa ng konti ang US kahit sa panaginip…pero alam ko walang pause at play ang panaginip.

Ewan ko ba siguro ito na iyong tinatawag na sabkonsiyus..kasi sabi nung iba kung ano yung mga namimiss mo sa buhay ay yun ang now showing sa panaginip.

Eto naman nuong nalipat ako sa US…

—madalas kong panaginip yung mga officemates ko sa QC na kasama ng almost 20 years…malinaw sila sa screen ng panaginip.

—madalas din yung mga kasama ko sa simbahan sa QC…den uuwi daw ako sa bahay ko…parang minsan nag-iisip ako sa loob ng panaginip…nakauwi pala ako from US…iniisip ko paano na yung mga anak ko na iniwan sa US…heh tapos magigising…tingin sa paligid…yun panaginip nga walang tunog ng traysikel eh…nasa US pa ako…hapi na sana ako kasi isa ito sa tunay na pangarap ko ang makasaglit sa QC.

—ewan ko pero madalas din yung para bang andun pa ako sa University na pinasukan ko noon na para bang may subjects pa akong papasukan…pero kapag hinahanap ko ang listahan ng subject at oras at room…ayun biglang mawawala…buti na lang panaginip lang…hirap naman kung totoo eh..pano yun tatapusin ko ulit yung BS ko…yoko na po.

—yung parang nagda-drive ako…sa simula isang kotse…pero kapag tumagal ay nagiging bisikleta…tapos nasa bundok pa…kaya parang hirap-na-hirap ka…

—siyempre isang madalas na panaginip ko ay ang mga mahal ko sa buhay na yumao na…nauna na sa Heaven…hapi ako kapag nakita ko sila sa panaginip…lalo na kung malinaw ang mga mukha nila…totoo naman…isa rin sila sa mga mis ko sa buhay.

Pero salamat na rin sa direktor ng panaginip…napapasaya mo ako…okay lang kahit lokal…kahit Made in the Philippines…thank you!

Salamat din sa mga makakabasa…tanong lang talagang ganito ba ang panaginip ng isang Pinoy na biglang nalipat sa ibang bansa?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s