Ordinaryong Sabado

Isang balik-tanaw…teka ano ba ang balik-tanaw?

siguro balik ay recall…and tanaw ay malayong pag-recall…baka nga po.

Pangkaraniwang buhay ko noon ang mga ito  o gawain sa isang ordinaryong sabado sa QC(Quezon City)…simula pagkagising hanggang matulog ulit.

-Tilaok ng manok, tambutso ng traysikel, harurot ng jeep…yan ang alarma ko sa umaga…nagpaparamdam na ang paligid na medyo alas singko na ng umaga o maaga pa ng konti…pero dahil sanay na ako….puwede pang rumesbak sa tulog at  puwede pang  mga 2 oras pa…ok lang Sabado naman…walang pasok.

-Eto na ang final na alarm 7am na….Tahoooooooo!Tahooooooo!Tahooooooo! andiyan na si suking magtataho…kailangang bumangon na kasi di ka naman lulubayan ni suki…siyempre takbo..hagilap ng malaking baso…20 pesos po!

-Dahil maingay na sa labas ng bahay…mausok na dahil sa usok ng traysikel at jeep…puwedeng ng gumising…silip sa labas ng bahay…sisiguraduhin ko lang na di na-carnap ang luma kong van…kung di naman na carnap…sisilipin ko naman kung di nasagi ng jeep o traysikel…hehe…okay lang kung galos lang…salamat sa Diyos kung  galos lang.

-Teka medyo malapit ng 9am…tanong sa mga bata…PUPUNTA BA TAYONG SM O TRINOMA???…pag may sumagot na…paliguan na…bihis na…dyan pa lang ubos na ang oras…malamang 10:30am na…yari na naman…mapapamahal…aabutan ng lunch sa Mall…ok lang minsan kasi may Value meal naman….solved!

-Kapag kapiranggot na lang ang hakbang ng mga paa… malamang 3pm na…uwian na…hayyy salamat….puwede pang humataw ng power nap…hehe siyestang 3pm…puwede pa….zzzzzzzzzzzzz

-5pm na…ummmm katamad bumangon…teka tanong ulit…WALA BANG BAGONG DVD??? pag meron…salang na…if wala…HBO na lang.

-7pm na…malamang dinner na…puwedeng pizza o jollibee…solved ulit!

-habang gumagabi na…habang babad pa rin sa HBO…dahan-dahan ng tumatahimik na ang paligid..dumadalang na ang ingay ng traysikel at jeep….naririnig ko na ang BALOOOOOOOT!…ibig sabihin ay mga 9pm na…

-10pm na makakaramdam na ng antok…tahimik na ang paligid…zzzzzzzzzzzzzzzz

Hayyy sarappppp! Only in the Philippines!

2 comments on “Ordinaryong Sabado

  1. Sarap po talagang balik balikan ang nakagawaiang buhay sa Pinas! hehe.😀
    Iba po talaga pag sa sarili nating bayan tayo nanunuluyan. Ingat po😀

  2. superlolongpinoy says:

    Salamat Roneth,

    Kahit may mga negative issues sa bayan natin tingin ko mas marami naman ang mga maganda sa atin na puwedeng sabihin wala sa ibang bansa…tingin ko unang-una ang mga tao sa atin…iba ang ugali natin talaga…super da best. Salamat pala sa pagbisita. Kakainggit ka nga magbabakasyon ka. Basta hold-on to your Faith everything will be ok sa pag-uwi mo.

    Isa pa saludo ako sa katulad mong OFW, yan ang di ko nagawa noong araw, noong nauso ang Saudi, nag-stick na lang ako sa Pilipinas, biro mo isa ka sa bumubuhay sa economy ng Pilipinas sa ngayon, ang remitans ng mga OFW ang inaasahan ng ating gobyerno.

    Thank you, ingat din dyan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s