Lisensya sa draybing

Tek 1 yung anak ko kanina sa aktual driving. Big deal kasi dito ang makakuha ng lisensya sa pag-drayb ng sasakyan.

Maski nga mga puti dito ay lalong big deal…kasi nga walang traysikel at jeep. Magugutom ka kasi pag di ka makakapunta sa grocery, di ka makakain sa Makdo,  at mababato ka kasi pag di ka makaka-gimik.

Sa mga transaction dito ay laging hinahanap ang lisensya….parang national ID ito.

Mahirap din ang makalusot sa draybing dito…minsan kahit hustler ka na sa Pinas ay pag di ka nagbago ng style at sumunod sa style dito ay malamang makaka-ilang tek ka.

Siyempre po di na ito LTO…may fixer at under the table…kaya ayun kahit bulag ay nakakakuha ng lisensya sa LTO. Walang no-appear dito sa pagkuha ng lisensya. Yung written exam nila ay totoo. Pero totoo na yata ngayon sa LTO at may aktual na rin kuno… daw.

Ako nga na 20+ yirs nagdrayb sa Pinas ay na tek 2 dito…hehe

Puwede na siyang mag-drive at puwede na rin siyang mag-serbis.

Isa na lang ang problema…yung piggy bank niya ay wala pang laman para sa pambili ng pangserbis niya…next picture pa ika nga…abangan ang susunod na kabanata…kayod pa at konting obertaym pa Ineng.

Pero hapi na rin siya…. may bago na siyang ID..

Pahinga na ang barangay at komelek ID niya.

3 comments on “Lisensya sa draybing

  1. darbs says:

    Ako nga na 20+ yirs nagdrayb sa Pinas ay na tek 2 dito…hehe

    Marami akong kakilalang nag-drive sa pinas na ganoon ang karanasan.

    Parang ganito kasi ang alam ko na nangyari.

    Sabi pa noong instructor pag may alam ka na ng driving sa pinas at experienced driver mahirap mawala ung bad habits na naka paskil na sa coconut shell.

    Mas gusto nila ung mga tinuturuan nila walang alam compared doon sa mga experienced driver sa atin. Matitigas minsan ang mga ulo.

    Parang ganito sa youtube video. Panoorin nyu na lang po.

    [youtubehttp://www.youtube.com/watch?v=J_T2nj-sczo]

    • darbs says:

      opps sumablay ang coding: shaaks. kulang ng equal sign. Sorry po lolo.

      heto ulit:

      • superlolongpinoy says:

        Ay sakto Darbs. Yung nagda-drive sa Pinas kailangan ire-program ang isip sa driving dito…kung gustong pumasa agad sa actual driving.

        Di ko rin masisi ang driver sa Pinas kasi kailangang mag-adopt ka talaga sa style ng driving sa atin. Talagang kombinasyon ng good boy & more bad boy ang pag-drive sa atin…para ka maka-survive sa kalye sa atin.

        Yung pagiging over-defensive ang nadala ko dito sa US…pero nabago ko na rin…kaya nakapasa na rin ako.

        Yung anak ko…kaya mabilis nakapasa dito dahil good driver naman siya sa atin…always following rules naman siya sa atin kaya mabilis naka-adjust.

        Haha..thanks for sharing this video.

        Yung anak ko kaya mabilis din nakapasa ay yun pinapanood ko rin siya ng video ng DMV…sabi ko iarte mong mabuti…follow to the book muna lahat.

        At yun nga na-impress yung examiner…1 error siya…di sa driving pero dun sa pagturo niya sa light switch…hehe kaya sabi sa kanya….”You are GOOD!”

        Siyempre masaya ang titser….ako yun( di na kasi kami bumayad).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s