Ganito kami noon…Paano kayo ngayon

Parang titulo yata ito ng isang pelikula na ang bida ay si Christopher de Leon. Pero di po ang pelikula ang pag-uusapan natin.

Isang pagbalik-tanaw na naman sa nakaraan.

Gusto ko lang balikan ang mga gamit at bagay-bagay noong araw na puwedeng sabihin ay hi-tek noong  araw at nagpaligaya naman sa mga Pinoy. Na masasabi natin isang istorya na lamang ng history kung saan nanggaling ang mga hi-tek na ginagamit ngayon.

Malalim na rin po ang inabot ko sa pagbabago kaya ipagpaumanhin ninyo kung talagang di na ninyo inabot ang mga ikukuwento ko.

Mga gamit sa bahay:

Cooler – ito po ang refrigerator noong araw. Ang cooler na ito ay yaring lata at may apat na paa na may takip sa ibabaw na nabubuksan. Bumibili ng blokeng yelo at may inilalagay na mga  balat ng palay para di matunaw agad ang yelo. Ayun…puwede ng magpalamig ng sopdrinks at ilang karne na binili sa palengke. Halos 7 yirs old na ko nung nakakita ako ng ref. Surplus ito(from US) at tanda ko pa nakaka-ground ito(Pinoy na salita na parang nakaka-kiliting koryente). Parang kotse ang ref noon…nare-repair…kasi nabubulok ang body..eh mahal ang magpalit ng basta-basta.

—-sa bagong generasyon – 2-door na may water and ice dispenser na. at yung hi-tek na ngayon ay may monitor para malaman ang update ang laman ng ref.

TV – Siyempre  black en white, ito yung tawag ay di-tubo(hindi transistorized), ganon din nasa elementerya na ako nung nagka-tv kami. Surplus din ito(galing US). Nung wala pa kaming tv, bumabayad pa kami para makapanood ng tv sa kapitbahay…10 sentimos. Konti lang ang channel ng TV siguro marami na ang 10. At kailangan mong tumayo para ilipat ang channel.  At depende sa galing ng antenna ang linaw ng channel. Uso ang teknisyan ng tv nung araw…home-service…kasi mabilis masira ang mga tubo ng tv. Nakabili yata ang Nanay ko ng colored-tv  nung college na kami o nung nagkatrabaho na kami. Di pa yun remote.

—-sa ngayon – di na mabilang ang dami ng channel, Flat TV/LCD, Digital, Plasma, Stereo sound…hayy daming features…siyempre talagang remote na lahat.

Radyo – Ang radyo nung araw ay AM lang…kaya todo pihit ka para maghanap ng istasyon….siiiiiiist….tsssst….tssssssit…haha ganyan at depende rin sa layo sa Maynila. Kapag malayo na ay maingay na kaya kailangan din ang antena. Di pa masyado uso ang de-baterya kaya kapag brownout at bagyo ay wala ding radyo.

—-sa ngayon AM/FM na, yung AM kay Lolo sa balitang DZMM, yung FM sa anak para sa magagandang stereo music,remote na rin di na kailangang tumayo para ilipat. sa uso ngayon Ipod na ito may FM at isang damakmak na recorded music pa sa maliit na gamit na ito

LP  (Long playing o Vinyl) – Namulat na ako dito kasi yung Lolo ko ay mahilig sa musika. Siyempre yung medyo bata-bata pa ang inabot na ay casette at cd. May tatlong size ito 33, 78 at 45. Yung 78 at 45 ay isang kanta lang bawat side. Kaya nung kasikatan ng Beatles ang kanta nila ay nasa 78 at 45. Mura lang ang 45 nuon, parang 3 piso hanggang 5 piso ang inabot ko.

—-ang pumalit na dito ngayon ay CD at Ipod

8-Track – Teka nakak-relate pa ba kayo?Ito ang sikat noong dekada sitenta sa Pilipinas. Eto na ang portable na music, puwedeng ilagay sa sasakyan, Nung haiskul ako nuon ko na-experience ito. Yung mga jeep noon ay nagsisimula ng maglalagay nito, pero di pa lahat. Kaya naging maluho ang pasahero noon, kapag walang 8-track di ka sasakyan. Kaya unti-unti ay umingay na ang Pilipinas. Kaya kung nasa Maynila ka, ayun lahat na ng sasakyan ay parang diskuhan. At kung may umabot pa sa mga mini-bus ng Edsa, ayun halos mapuno ng 8-track cartridge ang salamin ng bus, simbulo ito ng mga bus noong araw para makakuha ng pasahero. Tumindi na ito nung nas kolehiyo ako, hanep sa pagandahan ng tunog ng jeep at bus. Kaya kung taga Etibak ka(eh Cavite pala) dito pagandahan na ng bus…pagandahan pa ng music sa loob ng bus…lalo na yung Saulog noong araw…dito nag-uunahang sumakay ang mga estudyanteng etibak. Hindi masyado sikat sa bahay itong 8-track(pang sasakyan kasi design nito) pero puwede rin magaling yata ang Pinoy.

Cassette Tape – Halos college na ako nung nakabili kami ng cassette radio en tape player. Super saya na kapag nakabili nito kasi puwede ng mag-record ng kanta galing sa FM. Medyo mayabang ka na kasi kapag may piknik ay may bitbit kang cassette…hehe. Ito na ang pumalit sa 8-track. Mas friendly gamitin ang cassette kaysa sa 8-track cartridge, mas-mabilis magluko ang tape ng 8-track. Kaya ang isang sumikat na car radio/cassette noong araw ay ang Pioneer round-dial…ang galing kasi ng tunog na ito. Kaya ito naman ang naging simbulo ng mga maluhong Pinoy jeepney at bus drivers.

—-ang pumalit dito ay ang CD player, Mini-disc, and Ipod. Noong 2006 medyo mahal pa ang Car CD player sa Pilipinas…kaya ang nga henyong Pinoy…ayun ikinonbert yung mga CD rom player ng PC para magamit sa mga jeep sa halagang 600 pesos noon. Ewan ko kung mayron pa ngayon sa Raon…Galing ng Pinoy!

Kaya lang unti-unti nawala na rin ang mga music sa mga jeep at bus kasi sumobra rin si Pinoy…sobrang ingay na kasi…dumadagundong ang baho at minsan naman puro sagitsit ng tin-is ng tugtog…At unang-una ipinag-bawal na ito sa Metro Manila. Meron pa rin pero suwabe na lang ang tunog…minsan kapag pumipik-up na lang ng pasahero medyo lumalakas.

Teka-teka nalalambasan yata ang grupo ng BETAMAX, VHS, at Laser Disc. Ang BETAMAX lumabas ito ay may-pamilya na ako…kaya 80’s na ito. Bumili kami sa Cash & CArry sa may Makati, mga surplus pa ito kasi madalang pa sa mga tindahan. Dito mo na mababalikang panoorin ang mga paboritong lumang pelikula na wala na sa mga sinehan. Ang VHS ang upgrade ng Betamax. Ang Laser Disc ang upgrade ng Betamax en VHS. Pero hanggang ngayon ay may konti pang buhay sa US na VHS player. Nakabili ako ng VHS plaer siguro mga pasok na ng 90’s. Laser Disc player di ko na kaya iyon mahal kasi ang bala niyan…can’t afford.

Naging maluho naman ang mga Bus noong nauso ang Betamax at VHS. Ayun may on-board na movie na habang bumibiyahe. Sarap ano. Siyempre lalo na ng pumasok ang DVD, halos lahat ng provincial bus ay may movie on-board ang commercial…panghuli ng customer.

—-sa ngayon siyempre ay DVD player na at yun nga may Blu-ray player pa.

Teka pahinga muna ang Lolo…to be continued po. Salamat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s