Garilyo Inginir

Kuwento ito ng buhay-buhay ko sa iskul at paligid ng iskul… kung sakaling tanungin ako ng apo ko nang…

“Lo nag-college po ba kayo?”

Oo naman at isa ako sa masuwerte dahil may relatib ako sa Maynila. Nakatira ang Lolo at Lola ko sa Avenida, malapit sa karerahan, sa San Lazaro. Dito yata lagi na lang may hawak na puting 2-pages na papel ang mga tao…devidendazo yata ang tawag. Di ako mahilig sa karera kaya no-pansin lang ang reviewer nila.

Kapag ang bata nakatira sa probinsiya, pagkatapos ng haiskul, lahat yata pangarap ang makapag-aral sa Maynila.

Taong 1973 nung pumasok ako sa isang university sa Maynila. Kung may nakaka-alala sa madalas sa Maynila may karatula itong iskul na ito na nakasulat na “Look Up Young Man Look Up”. Tahimik ang Maynila noon kasi kasisimula pa lamang ng Martial Law at wala na ang mga pang-araw-araw na demonstrasyon. At may curfew pa sa gabi…12mn to 4am.

Teka wag po kayong mainip…san na ba pumasok ang “Garilyo Inginir?”

Tuwing lalabas ako sa gate ng iskul…andun sa labasan ang mga nagtitinda ng balot, penoy, nilagang itlog, nilagang mais, ibat-ibang kalase ng juice at sopdrinks, bananakiyu, arkilahan ng komiks, at ito na nga ang ibat-ibang klase ng ng mga nagtitinda ng yosi. Ang super hit sa miryendahan ay ang sagimis(matamis na saging)…ito ang bersyon ng masarap na bananakiyu. Super hit siya kasi sa murang halaga na 50 sentimos, 2 pirasong matatabang saging na saba na may pulot ay solve ka na para di magutom hanggang matapos ang lahat ng subjects. Siyempre sagarin na rin natin ang pagtitipid…ang panulak ay ayos na ang sa malamig na tubig galing sa fountain sa loob ng iskul.

Balik tayo sa “Garilyo Inginir?”. Ang unang maririnig ko ang “Garilyo Inginir?” kasi dun nakatutok sa labasan ng iskul ang mga vendor ng yosi. Portabol kasi ang tindahan nila. Kaya sa araw-araw na dadaan ka sa gate na yun…yan ang pumapasok sa mga tenga ko.

Nagpapasalamat ako sa mga vendor na laging sumisigaw ng “Garilyo Inginir?’. Hindi sa nakakabili ako ng yosi sa kanila(di kasi ako nagyoyosi)  pero naging challenge sa akin ang mga kataga na iyon dahil teka magiging Garilyo Inginir na lang ba ako o Electronic Inginir o Elektrikal Inginir o Mekanikal Inginir. Yun na iyon…sa simpleng paalala sa araw-araw ay lalo na akong nagsikap sa aral.

Limang taon ang kinuha kong Inginiring kaya sa sipag at tiyaga ay hindi ako naging Garilyo Inginir lamang kundi isang pull fledge na Inginir.

Kaya after five years ang sigaw na ay “Engineer Garilyo?”

Salamat sa nagbasa…medyo susundan ko pa po ito ng mga masalimuot na buhay ko sa loob ng limang taon ko sa kolehiyo.

2 comments on “Garilyo Inginir

  1. ferdz says:

    Ayus ang entry na ito, nakakatuwa. noong nag-aaral pa ako ng college ay nadadaana ko pa yung nakasulat sa iskul nyo, sir. Noong nag-review na lang yata ako sa board exam ay inalis na kasi under renovation yata.

    Ayus “sagimis” ngayon ko lang nalaman iyong tawag doon at P.50 lang yung dalawa ha, noong kolehiyo ako P5 na. laki ng diprensya hehe.

    Sinubukan ko rin ang pagbili ng yosi sa tapat ng iskul noong kolehiyo, kaso hindi ko talaga nagustuhan.

    • superlolongpinoy says:

      Haha…bitin pa nga ito…marami pa ngang kuwento sa loob at labas ng buhay kolehiyo.

      Ay talagang sa hirap ng buhay nuon. alam mo naman tinitipid ang allowance na padala ng magulang minsan wala. Kaya ayun…nakakaraos ako ng may 1.50 sa bulsa. Totoo yan.

      Lakad ako sa pagpasok & pauwi. mga 25 minutes na lakad sa Avenida mula San lazaro. Kapag nakarating ng Recto ay nakakalibang na dahil marami ng tindahan at tao. Konting lakad na lang at iskul na. O di ba solve na…may 1.50 pa rin ako. At kung dun ka mag-miryenda sa labas ng iskul malamang may matitira pa sa bulsa.

      Marami talagang kuwento…hindi yata mauubos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s