Paano gumawa ng website na libre

Salamat po sa mga nagbabasa.

Napansin ko kasi sa isang nag-search sa Internet na ito ang ginamit “Paano gumawa ng website na libre”

Naito po ulit ang simpleng suggestions ko sa paggawa ng libreng website or blogsite.

Pumunta po sa https://www.blogger.com/ or

http://wordpress.com/   Naito ang procedure sundan lang dito(i-click).

Sa akin lang po kung nagsisimula ay i-suggest ko ang blogger.com. Dito nga ready made na halos lahat. Kailangan lang dito ang Google Account. Siyempre maraming features kapag nasa Google. Ang isa dito ay  Google Reader na puwedeng nakalink sa email mo sa Google. Maganda mag-practice muna kung paano ang magiging mukha ng site. And yun nga masarap mag-aral kasi di naman kailangan marunong sa pag-program ng computer. Kailangan lang diskubrihin kung ano nga ba ang style na gusto mong presentation. I-suggest ko ay mag tingin-tingin kung paano nag-present ang iba ng kanilang site.

Ang wordpress.com naman po ay may magagandang features  sa pag-present ng pahina ng site, ang isang example dito ay ang paglalagay ng mga categories. Sa loob kasi ng category ay puwedeng maglagay ng mga topics patungkol sa category. Maisasaayos po ng maganda ang mga bawat na sinusulat.

Sundan lang po ang mga guide ng blogger.com at wordpress.com sa paggawa at ayun diretso na sa pagsusulat.

Nagsimula din po ako sa pag-oobserba sa iba kung paano sila nagsusulat at ang presentation ng mga site. At marami din pong nababasa sa Inglis kung paano gumawa ng site, ang mga do’s and dont’s.

Hindi ko na po gagawing komplikado ang pagpapaliwanag.

Kung nais po ninyong magtanong ay sige lang po at I will try my best po na maipaliwanag. Ako mo man po ay nagsariling aral lang po sa paggawa ng aking site…at hanggang ngayon ay nag-aaral pa.

Note: Simula po kasi noong tumira na ako dito sa US napansin ko na napadalas ako sa Internet. Wala na po kasing layas at gimik dito, very limited po. Ang laking bagay po ng Internet dito napansin ko ang daming matutunan sa Internet, kasi po mababait yung ibang mga tao nai-share nila ang mga kaalaman nila sa mga bagay-bagay, isinusulat po nila ito at nakikinabang naman po ang bumabasa. Sa isang salita….nakakatulong po. Ang dami pong “How to….?” na mga topics sa Internet na talaga naman pong nakakatulong sa praktikal na buhay. Kaya yun po in my own little way ay sana po may kaunti akong maiitulong sa bumabasa habang isinusulat ko rin ang mga experience ko sa buhay-buhay. Noon po kasi nasa Pilipinas ako ay dial-up pa ang Internet ko sa bahay, ay talaga naman pong mabagal. Marami po talagang matututunan sa Internet.

Ngayon ko nga rin po napansin na ang mga Pinoy po pala ay taon 2003 pa naggagawa ng blog. Ang gagaling po ng Pinoy.

Dun naman po sa may napansin na mali ang aking nasabi or kulang puwede pong paki-sulat na lang po sa akin. Salamat!


27 comments on “Paano gumawa ng website na libre

  1. Prinsesa ng Drama says:

    Keep on blogging po🙂
    At first sabi ko din po sa sarili ko bakit ko kailangang magblog? hehe. Pero dahil na nga rin po sa pagkabagot ko dito sa disyerto ito nalang po ang naging libangan ko.
    Godbless😀

  2. superlolongpinoy says:

    Oo tuloy-tuloy na ito & thanks. Ito na siguro ang modern diary natin where we can share our experiences…para naman others can learn from our experiences in life…in our own little way.

    God Bless din!

  3. paano ba gumawa ng google site

  4. ben says:

    awesome.. kea nga malki ang naitutulong nga mga bloger sa mga nais matuto..

    at salmat tlga ng marami sa mga tao n ng sshare ng kanilng mga kaalman bout sa computer.. any many more..

    sna mdme pa kyo m post
    at mdme p mattolungan..

    ^_^

    • Walang anuman po Mr Ben. Maraming salamat sa pagbisita. ‘In my own little way’ po lamang itong akong pagtulong sa iba…nais ko rin na
      maka-experience din sila ng mga makabagong teknolohiya…lalo na ang pagsusulat.

      Ingat po & God Bless!

  5. almira* says:

    ang bait…! hindi pa sabihin kung paano gumawa.!

    • Ooppps salamat & pasensiya na Almira.

      Yung iba kasi nililinaw ko muna ang katanungan katulad nung tanong sa itaas…ang tanong eh tungkol sa google site….medyo di ko maiintindihan kaya nagdetalye ako ng puwede kong isagot sa kanya. Ang medyo kabisado ko lang ng konti eh blogger at wordpress. Yung google site…baka ibig sabihin niya eh blogsites(alam ko meron din na ganito…pero di ko kabisado).

      Minsan kasi yung paggawa eh nasusundan nung iba. Kaya minsan yung di lang maiintindihan ang aking pinapaliwanag. Madalas kasi parang mabilis lang sa iba ang proseso ng paggawa. Open naman akong magpaliwanag ng aking konting nalalaman. Basta makatulong. Ako man ay bagito sa paggawa ng mga blog. Nais ko lang mag share ng konti kong natutunan.

      Maraming salamat sa pagbisita. God Bless!

  6. Paano says:

    Pero kung gusto mo eh yung talagang website from the scratch

    Basahin nyo tong guide na ito: http://kasagutan.blogspot.com/2010/05/paano-gumawa-ng-website.html

    Sana makatulong

    • Teka ano bang itatawag ko sa iyo..Paano o Robot President ba?

      Maraming salamat sa iyong pagbisita sa aking simpleng blog.

      Npakaganda ng iyong mungkahi at sinulat na paggawa ng “website from scratch”.

      Medyo another level ito sa akin at tunay na gusto kong matutunan at subukan.

      Puwede bang i-link ko sa sinulat mo ang aking sinulat.

      Napasilip na ako sa iyong site at babalik pa ako upang magbasa.

      Salamat. Ingat lagi & God Bless!

  7. sa says:

    kua panu po ba gumawa ng website?

  8. jazette says:

    Thanks for this information on hosting. I learned a lot from your
    article. My friend said you can get a free basic website with a domain
    purchase at http://internetdirectsolutions.com without having to buy
    seperate hosting. So if you just need a basic website with a few pages
    this might be helpful. Also if you need a bigger website
    http://internetdirectsolutions.com has really good hosting prices
    also.

  9. pedz tamayo says:

    sir ..patulong po kung paano po gumawa ng website?

    • Hello Pedz. Pumili ka kung blogspot o wordpress muna ang gusto mong gamitin at ibibigay ko sa iyo ang ilang tips o link para sa paunang paggawa ng isang blog o website.

      Salamat sa pagbisita sa aking mumunting blog.

  10. Have a good evening po. Hindi po ako marunong gumawa ng website at paano maglagay ng lesson to present sa class? Submission na po on Thursday, wala pa akong nagagawa. Please help me begin with it. Salamat po.

  11. argel says:

    What if tablet lng po pwede ba maka gawa ng website plsss ans. Po

  12. crystalfede says:

    Magandang umaga po.
    I just started my first post kahapon. salamat po sa inyo kasi nasimulan ko din siya. so far ito ung unang post nyu na nabasa ko. Continue writing and inspiring others po.

    • Walang anuman Crystal. At maraming salamat din sa iyong pag appreciate sa nasulat ko na blog. Pasensya na rin at di ko na na-update ang aking poste na ito. Kung may katanungan ka ay isulat mo lang at baka sakaling masagot ko. Ingat palagi and God Bless!

  13. Paano kumita sa paggawa ng website?

  14. Joey David says:

    Saludo ako sa mga pinoy blogger, Congrats seperlolongpinoy! Just to help kay @Mariaangela23. ang tanung nyo po ay paanu kumita sa paggawa ng website? kung gumawa ka ng sarili mong website at ito ay sikat na or marami ka nang traffic, marami kanang opportunity para kumita dito.
    pwedi kang mag accept ng advertisement or thru affiliate program. Ang number one na gustong mag register ng mga blogger ay sa google adsense, ito ang giant advertisement sa buong mundo. pag na approved ka dito magsisimula na ang income mo at marami pang iba. share ko lang din ang website o blog ko baka makatulong sayo. jrexplorer God Bless po!

    • Maraming salamat din sa iyo Joey. Medyo sumilip ako sa iyong blogpost at very informative ang iyong explanation tungkol sa kung paano kumikita sa blogging. Babalik balikan ko ang iyong website para din sa mga kailangan kong matutunan sa subject na ito. At kung may magtatanung man ulit sa akin ay ituturo ko sila sa iyong website. Muli maraming salamat sa iyo at God Bless din.

      Medyo nga napatigil ang aking pagsusulat dahil sa konting project sa buhay.

      God bless muli sa iyo Joey!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s