Istoryang Cars(Story of our cars)

Ang pamilya po namin ay namuhay ng simple lamang sa probinsya. Ang Tatay ko po ay barbero at si Nanay ay Teacher. Ang nasadya po ng Tatay ko na sasakyan para sa aming magkakapatid ay bisikleta. Isang second hand na bisikleta. Isa lang para sa apat, kaya hiraman ang labanan.

Hindi ko po yata napangarap noon na kami ay magkakaroon ng sasakyang kotse dahil sa hirap ng buhay noong araw. Ang mapag-aral lang kami ay talagang dugo at pawis na sa aming mga magulang.

After three years nung ako ay nag-asawa at may isang anak na, dahil mahal din ang makabili ng bagong sasakyan, Nakakita kami ng second hand na ex-taxi na sasakyan na nakatambak na sa likod ng bahay. Kung natatandaan ninyo ang taxi ng Metro Manila Transit…yung kulay blue na Ford Escort model 1978…yun yon. 1985 na iyon ng makita namin…ang presyo ay 5 libo. Okay sold! Kaya lang medyo kailangan ang body repair pero okay naman ang makina. After 3 months…hehe on-the-road na.

Ganito ang mukha nung Ford Escort. Kulay red nga lang ang body color.
fordescort78

Tanda ko pa nakakarating pa ang kotse na ito nung may People Power sa Edsa, kasama ang dalawa kong anak. Pero nabenta ito dahil kailangan namin ng pera para sa bahay naming bibilhin sa Tandang Sora. Ayun nabenta ng 20K. Sold & goodbye sa aming first car.

Nung lilipat na kami sa Tandang Sora nung 1988, liblib na lugar pa noon ang Tandang Sora, kailangan namin talaga ng sasakyan dahil malayo nga ang lugar at madalang pa ang traysikel. Ayun eto na may nakita ang Nanay at Tatay ko na lumang sasakyan(vintage) sa probinsya…pero tumatakbo naman. Imported naman ang tatak kaya lang never heard…Hillman model 1962…hehe hawig siya sa kotse ni Batman…kaya yun nga ang tawag namin Batman! Nabili namin ito ng 6K. Matagal din namin itong nagamit, mga 7 years, inabot pa ito ng bunso namin.

Inabot pa rin ng kotse na ito ang SM City North Edsa, kaya ang laking bagay nito sa pagpunta namin sa Mall noong panahon na iyon.

Ganito naman ang mukha ng 2nd car namin ang Hillman.
1965.hillman.super.minx.arp.750pix

Pero dahil nga tumatanda na rin ang sasakyan na ito, mukhang magastos na i-maintain dahil wala ng piyesa, ayun nabenta naman nung 1995. Sold!

Eto na medyo na-promote ng konti sa opisina, medyo nakasadya naman ng medyo four year old na 2nd hand na van(Toyota LiteAce 1991). May nabolang bangko…ayun pinahiram at pumayag naman ng hulugan. Puwede na! Malaking bagay sa amin itong van na ito dahil ito na ang naging service ng family ko at brother ko kapag umuwi ng probinsya. Ganun din pangsundo at panghatid sa airport, kasyang-kasya ang mga balikbayan boxes. Isa ito sa sasakyan na gamit ng pamilya ko hanggang bago ako natuloy sa US. Sulit ang van na ito, all-purpose talaga.

Ganito naman ang mukha niya.
liteace2

Nung nag-graduate iyong panganay namin sa College at nagtrabaho sa Bulletin sa Intramuros. Ayun na ang problema…laging ginagabi ang uwi…napupuyat kami sa pagsundo sa madaling araw…eh babae pa naman. Kaya ayun, utang na naman nung 2003. Meron naman nagpa-utang. Kaya binili namin siya ng 2nd hand na Honda City 2000, automatic ito para mabilis i-drive ng babae. Solved ang problema, kahit gabihin siya ay di na kami napupuyat at di na kami masyadong kinakabahan kapag nag-commute siya and ayun naging serbis na rin ng mga kapatid niya kapag napunta silang Mall.

Ganito naman ang mukha ng Honda City 2000.
hondacity2

Sulit din itong sasakyan na ito dahil matipid lalo na nung nagmahalan ang gasolina. Ginamit namin ito hanggang sa bago kami umalis papuntang US.

Kuwento po lamang ito ng pagmamahal namin sa aming pamilya…para sa aming mga anak. Pinakita lang namin na gagawin namin ang lahat para sa kanila hanggat sa makakaya namin.

Ang mga sasakyan na ito ay hindi luxury kundi necessity para sa amin.

Ito na marahil ang bunga ng sinasabi lagi ng aming magulang na “Ang mapagtapos kayo ng pag-aaral ang aming magiging pamana sa inyo.” Ito na ang mga bunga ng pamana.

Sa lahat ng blessings na ito…salamat kay God!

6 comments on “Istoryang Cars(Story of our cars)

  1. It is through your success, all your hardwork has paid off.🙂
    Godbless.

  2. superlolongpinoy says:

    Salamat Roneth,

    Siguro talagang these are the results of having a loving heart. You just have to give and give and expect nothing in return. Ganyan yata talaga ang maging magulang. Kahit bisikleta yan o kotse…ang dating sa puso ay parehong napakahalaga.

    God Bless din!

  3. ferdz says:

    Wow ayus ah! nalala ko yung unang owner namin. 2nd hand lang din nabili yung mukhang pang-gera pa yung itsura. Noong nakakuha naman ng bonus tatay ko sa trabaho nya pinagawang stainless yung body hehe.
    Ako ang saya ko noon at proud kapag hinahatid ako ng tatay ko sa eskwela na nakasakay sa owner na yun. Tulad din ng sa inyo puro upgrade din ang nagawa paunti-unti depende sa pangangailangan ng pamilya.
    Naniniwala talaga ako na ang edukasyon ang isa sa pinaka-mabisang paraan na gamot sa kahirapan.

    Salamat!

    • superlolongpinoy says:

      Sakto Ferdie ang sinabi mo tungkol sa lagi kong naaalala ang sinasabi ng aking magulang na isang barbero at titser…Ang mapag-aral kayo lang ang aming maipapamana sa inyo. Ang Tatay ko nuon ay bisikleta lamang ang nabili nung nabubuhay pa siya, paikot-ikot siya sa bayan kapag may pupuntahan. Ako man ay di ko akalain na makakamit ko ang mga pangarap ko sa Pilipinas noon, akala ko nuon ay kailangan kong mag-abroad para makamit ko ang ilang pangarap…hindi pala. Sipag at tiyaga at diskarte na pinagsama ng aking asawa at siyempre pananalig sa Diyos.

      Nung nag-asawa ako nuon, akala ko sa apartment na lang kami titira nuong nasa Maynila kami. Biro mo biglang nag-offer ang opisina ng housing…ting!! kahit malayo ito…kuha agad…yung iba nagsi-urong kasi ang location ay Tandang Sora…liblib na lugar pa nuon…kung di malakas ang loob namin nuon ay walang mangyayari. Utang agad sa GSIS ng pampagawa, kung walang tiyaga sa pag-aasikaso ay di tatayo ang aming bahay nuon. Alam mo ba na ang halaga ng lupa nuon…para maipaliwanag ko lang na liblib pa iyon ay 200 per sq. meter…ngayon 8,000 pesos per sq. meter.

      Teka naalala ko tuloy yung proud ka sa paghatid ng Tatay mo. Nung ang sasakyan namin ay nung si Batman…siyempre talagang antigo look iyon…yung bunso ko siguro napapansin niya na ang mga sasakyan ng klasmets niya sa iskul ay Honda at Toyota…alam mo ba kapag dumadaan siya dun sa mataong lugar ay biglang lumulubog siya sa upuan…hehe napatawa lang kaming mag-asawa…elementary pa siya nuon. Ang isip ko nuon time na iyon…siguro mag-iisip ang anak ko na ito na magsumikap sa pag-aaral para makabili siya ng mas bagong sasakyan pagdating ng araw…and yun nga 21 yirs old na siya…true to that sobarang sipag niya sa buhay.

      At di ko nga akalain na aabot ako na may dalawang sasakyan sa bahay. Yung isip ko nga nuon pinapagawa ang bahay, naglagay ng design na garahe…teka wala naman akong igagarahe dun…pero totoo ang Diyos siksik-liglig…binigyan kami ng dalawang sasakyan. Yun ang problema nasa kalye ang isa…hehe

      Teka unti-unti ko naiisip na puwede pa akong sumulat tungkol sa nakakatawa at masayang buhay namin nuon…from a very small room apartment to our house sa TSora….ummm nex time.

      Your welcome & salamat din.

  4. ferdz says:

    Thanks sa pag-share ng story nyo sa buhay. You are an inspiration, all I need to do is keep the faith.

    Hintayin ko yung entry mo sa buhay apartment nyong mag-anak.

    • superlolongpinoy says:

      Your are always welcome Ferdie & salamat.

      Ay sakto…almost 53 years na ako sa mundo na ito…inabot ko na ang matitinding pagsubok…si Lord ang original na tunay na kaibigan…walang iwanan talaga.

      Ang title siguro ng susulatin ko ay “Home along the Riles” kasi malapit kami sa riles nuon…isang kalye lang riles na.Kung nagawi ka sa Sampaloc ang kalye na ito ay Firmeza.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s