Tita Cory, Gloria, Erap, Willie….atbp

ANG GINAGAWA NG MATANDA AY GAGAYAHIN NG BATA.

Tandang-tanda ko pa ang komersyal na ito sa TV.

Ang ganda ng komersyal na ito at sana nga palagian na ito na ipinakikita sa TV. Totoo naman ito…talagang minsan(o madalas?) ay may mga pasaway na mga matatanda.

Naalala ko tuloy ang problema at mga isyu na pinag-uusapan sa ating bansa sa kasalukuyan. Bakit ganun?

Naisip ko tuloy sana katulad na lang lahat ng tao ay may nakuha sa mga ugali ng ating dating Pangulong Cory. Siguro magiging matiwasay at tahimik lang ang kapaligiran. Sana ang mga namumuno sa pamahalaan ay katulad niya at ganun din ang mga taong nakikita ng madalas sa telebisyon. Sana iniisip muna ang iba. Kung ang isang aksyon ba ay makakasama o makakabuti sa tao…o may epekto bang masama o mabuti ang isang gagawin o sasabihin.

Talagang bang mahirap magpakabuti?…o talaga bang ang ugali ng isang tumatanda ay nanatiling isang parang bata?…ang magustuhan ay gagawin?…ang maibigan ay sasabihin?… siguro hindi naman lahat. Dahil tandang-tanda ko pa na wala namang magulang ang nagturo ng masama sa kanyang mga anak. Sa iskul ay itinuturo ang G.M.R.C. nuong araw(ewan ko ngayon kung ano)…Good Manners and Right Conduct.
O talaga bang wala lang gumagabay sa iba ngayon? Kailangan din bang palagiang ginagabayan ang tumatanda para gawin ang tama? Pero sana hindi ganito kasi ang matanda nga ang dapat magturo sa bata.

Sabi nga ng iba kung may natural kang kabaitan…sa isip at sa gawa ito ay makikita…ito ay hindi maitatago…ito ay lalabas at makikita ng ibang tao…katulad ng kay Presidente Cory. Sa loob at labas ay iisa ang ipinakikita niya sa nakapaligid sa kanya ang mga pag-uugaling maging mabuting tao. Kaya ang daming nagmamahal sa kanya. Isang tunay na Pilipinong pag-uugali.

Kaya napapansin ang mga mali ng iba dahil may isang Tita Cory na kayang gawin ang mabuti para sa tao at sa harap ng Diyos. Pinangalagaan niya ang pag-uugaling Pinoy.
Na sa mata ng buong Pilipino at sa buong mundo ay puwedeng gayahin.

Siguro magiging isang hamon ito ngayon sa lahat.

Kailangan bang kumain sa isang napakamahal na restawran? Habang ang iyong mga iniwan sa iyong bahay ay walang makain?
Kailangan bang maging arogante at bastos sa harap ng telebisyon? Ito ba ang gusto mong ituro sa mga bata at buong mundo?
Kailangan bang laging pagdudahan ang isang namumuno sa pamahalaan at tuluyang pababain sa puwesto at ipakulong?

Ito ba ang iiwan mo sa mata ng mga Pilipino? O nais mong mag-iwan ng magandang kabutihan na hindi malilimutan ng mga Pilipino.

Wala na si Tita Cory para sabihin sa tao ang dapat gawin. Wala sa siya para paulit-ulit na paalalahan ang lahat sa tama at mali.

May nagturo ng kabutihan kay Tita Cory nung bata pa siya at ito ay kanyang isinabuhay para sa lahat.

Alam ko may nagturo din nito sa iba.

Hindi pa huli ang lahat. Puwede pang ipagpatuloy sa mga susunod na henerasyon ang tunay na ugaling Pinoy.

Huwag nating sayangin ang magagandang aral bilang isang Pilipino.

Sabi nga ni Tita Cory. Nagpapasalamat siya sa Diyos at ginawa siyang isang Pilipino.

Umaasa ako na magiging makabuluhan pa rin ang ANG TAMA AT MABUTI NA GINAGAWA NG MATANDANG PINOY AY GAGAYAHIN NG BATANG PINOY.

2 comments on “Tita Cory, Gloria, Erap, Willie….atbp

  1. Nice post po!🙂

    It’s really hard to have political leaders who hunger for eternal power. Kahit na alam nyang maraming nagugutom sa bansa natin wala parin syang pakialam na maglustay ng katakot-takot na salapi. Sana lang po matakot sya sa mga ginagawa nya.😦

  2. superlolongpinoy says:

    Salamat Roneth,

    May katapusan naman ang lahat, maaring makalusot sa parusa ng tao pero sa mata ng Diyos ay may katapat ang lahat ng kasamaan na nagawa. Sana magbago na sila.

    God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s