Paano ingatan ang email account – 1

Paano nga ba iingatan ang email account natin?

How to protect you email accounts?

Ang daming ganitong articles sa Internet kaya lang ako man simula ng gumamit ako ng aking email ay tiwalang-tiwala naman ako na kayang protektahan ito ng provider ng account at ng kung anu-anung anti-spam at anti-virus sa loob ng computer.

Pero yun nga kung iisipin natin na parang bahay natin ang email na may mahahalagang bagay sa loob ay talagang gagawa tayo ng paraan para bigyan pansin na pahalagahan ang seguridad ng ating email account.

Sabi nga ng iba kahit sobrang tibay na ng mga seguridad sa bahay at may maiiwang isang pinto o bintana na bukas ay talagang makakasingit ang magnanakaw…ganun din ang paggamit ng email, may mga seguridad ito sa paggamit at sa gumagamit.

Kaya nga nang nauso ang mga virus…kapag nasa loob na siya ng inyong bahay o email ay dun na siya magsisimulang gumawa ng di maganda sa loob ng computer na madalas sa email siya nakakadaan o sa mga galing sa pinupuntahang website sa Internet.

Mga basics lang itong tips ko at maaring marami nang nakakaalam…pero para rin ito kay Tatang at Nanang…kay Lolo at Lola…

Kung ang mga sulat sa Post Office ay nabubuksan para makuha ang mga perang nakasingit ay halos ganito rin ang balak ng mga nagbubukas ng email na walang pahintulot…may mga nais silang makita sa loob ng mga email…puwede ito mga account sa bangko, PIN number ng mga ATM card…

Ang mga tips ko ay napulot ko rin sa pagbabasa ko sa Internet at ito rin ay sa aking sariling paggamit ng email at Internet.

Sigurado ako lahat ng makakabasa nito ay may email account.  Ito na talaga ang in-na-in sa lahat ng tao maliban sa cell phone.

Sa ngayon ang sabi nila sa Internet ang pinaka-safe daw na email account ay ang mula sa Gmail. Pero dahil sa nauna ang Yahoo, yun nga napakarami ng may Yahoo email account.

May nabasa ako sa Internet na ang suggestion niya ay dalawa hanggang tatlong email accounts.

Yung isa ay puwedeng yun ang primary na email account…na kung saan ito ay gagamitin sa mga importanteng bagay…pagsulat sa pamilya/kamag-anak/kaibigan(trusted friends), paggamit sa mga bank/credit card accounts, mga transaction sa business at pang-apply sa trabaho. Nasabi ko na primary email ito kasi malamang yung email username dito ay may initial, first name, or surname ng may ari kasi mas pormal ito kaysa mga username na di maintindihan. Ito yung mga email address na inilalagay sa mga calling card.

Yung pangalawang email account, ito naman ang puwedeng pambigay sa mga nakikita sa mga website or sa mga social networking na website. Puwede itong email na walang mga mahahalagang transactions. Kasi kapag naka-expose ang email, dito na po papasok na ang mga spammers(mga gumagawa ng spam). Ipapaliwanag ko ang spam sa susunod po.

And siguro ang pangatlong email account ay para naman sa mga may blog…siguro puwede rin ang 2nd email account.

Siyempre kung may email address, siguradong may password. Sa dalawang ito ang pinakamahalaga ay ang password…ito ang susi sa pinto ng iyong bahay o susi para mabuksan ang email account kahit saan lupalop ka ng daigdig na may koneksyon sa Internet naandoon…yung nga mga Astronaut  sa buwan ay nagagamit  ang account nila sa Twitter. Kung password ang susi mas maganda ay talagang maging mahirap ito na makuha o mahulaan ng iba. Ang isang example dito ay kay Senator Palin ng US na kaylan lang ay nabuksan ng iba ang kanyang email…kasi gumamit siya ng mga words at numbers na related sa kanyang buhay.

Ang sabi nga unang-una ay huwag kayong gagamit ng word na nasa dictionary. At kung pinapayagan ng email provider ang special character ay ihalo ito kapag gumawa ng password. Medyo habaan na ninyo ang password kung 12 characters ang allowed ay i-maximize na ninyo( or kung mahirap mag-memorize siguro puwede na ang 8 characters ang minimum). Basta haluan ito ng mga letters(kung allowed haluan ng capital letters) and numbers. Sana huwag yung numbers na related sa iyo…ang halimbawa dito ay zip code, birth month and birth date in numbers…

Kung maaari ay magpalit ng password every 90 days. Kung Yahoo account kayo ay nasa My Account ito.

Yung mga secret questions para sa email account kung maari ay gumawa ng sariling tanong at yung sagot na medyo ikaw lang nakakaalam o mahirap hulaan. Puwede ring ang sagot ay sagot na hindi matino…basta may sagot na ikaw lang ang nakakaalam…kailangan kasi ito kapag nagkaproblema ang email account.

Yung sa Yahoo Mail options…mas maganda kung naka-ON ang SPAM guard…i check lang ang Automatically send suspected  spam to my spam folder. Sa akin ay naka select din ang Show images only from my contacts.

Ano nga ba ang SPAM? Ito ba yung masarap na palaman sa breakfast?…hehe. Ito po yung sangdamakmak na mga messages na pumapasok sa inyong email…wala po itong paki-alam sa may ari ng email…basta papasok siya un-invited sa iyong messages. Hindi po galing sa mga legitimate na kompanya ang mga messages ng email spams.

Pag-aralan nating mabuti ang ating bakuran…ang ating email account, may mga features ito na puwedeng madepensahan ang puwedeng mangulit sa email account.

Mabilisang notes po muna(ipapaliwanag ko po sa susunod kung bakit):

1. Kung may napansin na kakaibang email message…na di kilala…kung maari ay wag ng buksan…i-delete o i-tag na spam.

2. Kung hindi sinasadyang nabuksan ang isang spam message…i-delete na agad at huwag sagutin ang UNSUBSCRIBE..kasi madalas ito ang nangunguha ng details ng email address na gagamitin ng spammers.

3. Iwasan po ang sumama sa agos…lalo na ang mga email message na nagsasabing mamalasin kapag hindi nag-forward sa sampu o 12 na tao. Pag-aralan mabuti ang email message…puwede dito rin dumaan ang mga nangunguha ng email address para sa mga spam messages.

– – – ang tama po kasing pag-forward ng email messages ay ang burahin ang mga address ng pinanggalingan(lalo na yung mga messages na hindi kailangang makita ang pinanggalingan ng message)

4. Kung magpapadala po tayo ng email sa mga di magkakakilalang tao, gamitin po ang BCC(Blind Carbon Copy)…wag po ang CC(dito po bumabasa ang mga spammers ng mga email address)…at dun sa TO..dito ilagay ang email ng nagpapadala ng email message.

Kasi kapag nakuha ng mga spammers ang email address ay puwede na dito magsimula naman ang mapag-aralan ang password ng email.

Yan lang po muna at talaga po na marami pang puwede gawin para mag-ingat.

Basta wag po kakalimutan na malawak ang Internet…hindi natin alam na may sumisilip pala sa ating email account…

Nasa atin din ang pag-iingat ng sariling bakuran…lalong-lalo na yung pagkatapos sumilip ay tuluyang ng papasok sa ating bahay o email account.

Talagang parang gubat kapag pumasok sa Internet…maganda talaga ang purpose ng Internet…kaya lang katulad ng kutsilyo…ang kutsilyo ay ginagamit sa ating pagluluto…kaya lang nagagamit ng iba ito sa masamang bagay.

Kung may nakita po kayong mali sa nasabi ko, ipakitama na lang po. Hindi po ako eksperto sa mga bagay na ito. Gusto ko lang po makatulong sa iba.

Kung gusto pa ninyong magbasa ng magandang article se email security na nabanggit din ni Prinsesa ng Drama. ( here )

5 comments on “Paano ingatan ang email account – 1

  1. Prinsesa ng Drama says:

    Salamat po sa mga tips nyo!

    Natawa po ko dun sa spam! hahaha. hindi sya yung breakfast na kinakain sa umaga. hehehe.

    Nice post!

    Ingat po lagi.🙂

    • redone says:

      hey….hehehe paano ko ba buburahin yung blog ko gusto ko kasi gumawa ng bago….reply ka na lang sa

      redone-problema.blogspot.com

      tsaka pwede mo ba ko turuan huh?..hehehe di pa kasi ko maalam hehe..gusto ko lang matuto eh..hehe
      tnx huh….bye..

  2. superlolongpinoy says:

    Salamat din & your welcome.

    Salamat din sa pagka-post mo sa nangyari sa iyo dahil na-warning din ang iba.

    Ako man ay nagkaroon awareness na mag-research sa email security.

    Malawak nga ang topic na ito pero malaking tulong kung magagamit natin dahil sobrang halaga na nga ngayon ng ating mga email accounts.

    Ako man ay pabaya noong una….pero ngayon dahil sa nangyari sa iyo ay mabuti na ang talagang gumagawa ng paraan sa pag-iingat…doble at triple na pag-iingat.

    Hindi katulad ng dati na talagang sulat lang…pero ngayon ay diyan na dumadaan ang lahat ng transactions.

    Kaya nga marami ng nagkaka-interest sa mga email accounts ngayon…parang bahay dati ang laman ay transistor radio lang…pero ngayon ang bahay ay puno na ng mga mahahalagang bagay…flat TV, dvd, home theater, alahas….kaya keep our email accounts na talagang secure.

    Kaya patuloy ko rin i-share ang mga experiences ko sa mga pag-iingat sa PC, laptop & email accounts.

    Nai-link ko rin iyong website(IT security) na sinabi mo sa post mo sa aking post para mabasa rin ng iba. Ngayon ko lang naisulat sa huling part.

    Thnx…God Bless!

  3. Hi there! Salamats po sa information. May nabasa lang ako kanina. na hack daw yung account niya tapos nadali pa yung pera niya kasi akala niya kakilala pa niya yung ka chat niya hindi na pala. It really pays to be extra careful these days!

    Special Life Events Photography: Capturing life’s special moments for as low as Php 5000 for 4 hours of unlimited shots and a 20 page colored photobook!

  4. superlolongpinoy says:

    Salamat sa iyo at pagbisita. Oo doble ingat talaga. Medyo i-follow up ko nga ang write-up pa kasi ang dami palang ganito na nangyayari.

    Nag scan ako ng mabilis sa site mo ang ganda. Babalik ako para magbasa.

    Ingat & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s