Garage Sale

Garage Sale. Pagtitinda sa garahe ng sasakyan.

Ito ang hinihintay naming mag-anak kapag sumasapit angย  Sabado at Linggo dito sa pali-paligid namin lalo na ngayong maganda pa ang panahon…di pa malamig.

Pero kakaiba ho ang panahon ngayong araw na ito mainit…parang Holy Week sa Pinas…100 degrees F…37 C na yata sa atin ito.

Katulad ho namin na baguhan pa dito ay malaking tulong po ang nabibili namin sa Garage Sale…talagang murang-mura…halos ipamigay na ang presyo…sentimos lang madalas. Ang mga puti ho kasi dito kapag gustong magbawas ng kalat sa bahay ay ito ang isang paraan para mag-dispose ng mga kalat nila sa bahay. Minsan ay talaga namang hindi pa nagamit at very slightly use lang. At kapag sinusuwerte ay minsan ipinamimigay na kapag last hour na ng pagtitinda nila.

At iyon naman ibang gamit na tingin namin ay papakinabangan sa Pilipinas ay kinukuha na rin namin para sa mga kamag anak sa Pilipinas…puwede siyang isama sa balikbayan box.

Madalas ang marami sa kasabay namin sa pamimili ay mga Mexicano at siyempre ang mga Pinoy.

Hanggang alas dose lang ng tanghali ang pagga-garage kasi nakakahilo na rin sa init.

P1090328

P1090327

Yung colored TV diyan sa harap ng picture…ang price niya ay 1 dollar(wala pang 50 pesos)…working po iyan…Pinoy po ang nakabili niyan at sabi niya ipapadala niya sa mga kamag-anak niya sa Pilipinas. Saan ka makakabili ng colored TV na 48 pesos?

Kaya kung nagsisimula ka pa lamang dito sa US ay ito ang isang paraan para makatipid at konting tiyaga lang ay makakabuo ka ng mga kailangan sa bahay.

Sa totoo lang po ay nakabuo ako ng home theater sound system(6 speakers/5.1) ko sa halagang 25 dollars po…wala pang 1,500 sa pesos…Kenwood ang tatak niya. Next time kukunan ko ng mga pictures ang mga nabili ko na sa garage sale.

P1090330

View ito sa harap ng bahay ng isang may garage sale.

P1090331

Napansin ko ang Ale na ito habang naghihintay ako sa mga kasama ko…Pinoy kaya siya?…saan ba ginagamit ang payong?…anong palagay niyo?

Kasi naalala ko ang sinasabi ng Nanay ko nung nag-aaral pa ako…oh magdala ka ng payong uulan!

P1090334P1090335

Eto po ang ilan sa mga nabili after two hours.

Ang garage sale…..bow!

8 comments on “Garage Sale

  1. ferdz says:

    Aba ok yang garage sale na iyan ah, kung ako nandiyan sigurado lagi ko aabangan yan tuwing sabado at linggo. Murang-mura nga yung TV biruin mo P48 lang, ang galing!

    Naalala ko tuloy noong nasa Japan din ako, kapag araw ng pagtatapon naman ng electronics na gamit ay nag-aabang din kami ng mga kasama ko sa trabaho, marami pa kasing bagay na gumagana pa at tinatapon nila. yung iba pinamimigay naman, kasi magbabayad pa sila sa pagtatapon ng mga iyon.

    Ayaw mangitim ni ate kaya nagpapayong, Pinoy lang naman yung may mentality na ang maputi ay maganda.

    • superlolongpinoy says:

      Ferdie,

      Oo kaya lang di na naman lahat ng Pinoy dito ay may “MASINOP” mentality. Katulad namin na nagsisimula pa lamang dito. Eh naisip namin na talagang praktikal ang mamili sa mga garage sale. Sesonal lang naman ito dito, hanggang maganda pa ang panahon pero kapag pumasok na ang lamig, ay nawawala din muna ang mga garage sale…balik na ulit next summer.

      Ganun din dito basta may nadaanan ka sa harap ng bahay na naglagay ng gamit at may nakasulat na FREE…ayun puwede ng hakutin. Oo magastos din dito ang magtapon at pumunta sa tapunan.

      Kaya kung may balak kaming furniture o gamit na bilhin ay hinihintay muna namin sa mga garage sale.

      Medyo marami nga ngayon ang mga Moving SAle at Estate SAle…mas malaki sa garage sale…dahil nga sa mga pagbenta ng bahay sa hirap ng panahon ngayon…mas maramihan ang mga ibinebenta.

      Haha korek ka dyan sa obserbasyon mo na yan…minsan nga susulat nga ako sa mga ganyang mentality na parang pinipilit ng iba na magmukhang PORENGER…HEHE. Alam mo lalo na iyang pagsasalita…bilib ako sa mga Mexicano dito….hanggang sa mailiit na bata ay kinakausap pa nila ng salita nila…eh dito napansin ko ang mga bata kaya siguro ang Pinoy nakakalimutan na magsalita ng Pilipino ay di na kinakausap ng salita natin ng mga matatanda. Pero natutuwa naman ako kapag ang magulang ay nagsasalita ng Tagalog at ayun nga naiitindihan ng bata…minsan di ko na rin masisi ang bata dahil nga asiwa na silang magsalita sa Tagalog dahil nga siguro halos Inglis na lahat sa paligid niya…TV…kaiskuwela…kaibigan…kalaro.

      Pero ito totoong kuwento ito diyan sa atin…may bata daw na nakalakihan ang salitang inglis at di marunong ng Tagalog…nung papasok na sa iskul ay…ayaw daw pumasok dahil di siya marunong ng Tagalog….hayyyy ewan ko nga ba sa ibang magulang diyan sa atin….

  2. tagamasid says:

    Ahh, tungkol naman sa ganyan na di na makasalita ng lenggwahe natin may entry akong ginawa dati, ewan ko ba bakit ganun nangyari?

    http://boyboypalaboy.wordpress.com/2009/04/14/pwede-mo-bang-makalimutan-ang-kinalakhan-mong-lenggwahe/

    E mukhang ok naman sa pilipinas yung mga ganyan kaso, di naman daw importante yung matuto ng sariling lenggwahe di ba nga sa mga artista e ayus lang ung pa-slang-slang at baluktot na tagalog, mas cute daw pakinggan, natawa tuloy ako sa mga banat ni Vic Sotto at Joey sa eat bulaga kahapon ukol sa mga ganyang klaseng pananalita..haay naku nasa Pinas na, di naman lumaking isteyt gumaganun pa, tsk! tsk!
    Saka yung entertainment industry kasi yung malaks mansulsol sa ganyang mga klaseng pananaw, kung hindi nila bibigyan ng importansya hindi naman magiging patok. Basta daw may FIL na kasama sa pagkatao ng isang indibidwal lalo na mestisa o puti ay mabenta.
    Pero nakakaramdam rin naman ang iba, tulad na lang ng PBA, baho na ngayon, paano ba naman lahat ng player puro mga FIL-blah blah!

  3. superlolongpinoy says:

    Binasa ko yung artikulo mo…di rin ako naniniwala. Pero mabigat ang ginawa ng pamilya na iyan…di ko rin sila masisi…biktima na rin sila ng nangyayari na kahirapan sa Pinas. Para lang di sila mabuko sa pagka iligal nila sa Japan ay mukhang yun ang disiplina na ginawa sa buhay nila ang magmukhang hapon talaga at di na magsalita ng Pinoy.

    Naaawa nga ako dun sa bata…maaring totoo ang pinamukha ng magulang sa kanya na Hapon siya.

    Oo yang entertainment industry talaga ang nakikita ko ay nawawala na talaga ang mga Pinoy values…and yun nga ang lakas ng impluwensiya lalo na kapag nasa TV. Medyo kami nung andyan pa ay pili na lang pinanonood namin namin kasi dahil nga sa mga bata. Kami na rin ang nagsasala ng mga dapat panoorin ng mga bata.

    Pero sa nakikita ko dito sa US ay natutuwa naman ako kasi may matitino namang mga FilAm na buhay pa ang Pinoy values. kahit di sila ipinanganak sa Pinas ay binubuhay nila sa kanilang mga iskul sa college ang Pinoy values. May subject kasing Pilipino na ino-offer ang kolehiyo dun at iyon maraming kabataan kahit nga di Pinoy ay nagkaroon ng interest sa subject na ito at talagang nakagawa sila ng play na parang nanood ka sa Pilipinas sa ganda ng ipinalabas nila.

    Sana nga lang ay diyan sa atin ay laging buhayin ang Pinoy values kahit saan…lalo na sa mga palabas sa TV.

    Tingin ko may pag-asa pa.

  4. Darius says:

    i like your blog, it’s so relaxing to read a blog like this. My day is even brighter. I hope to read more from you. Thank you!

  5. ahaha… very practical na tip ‘to, lolo… saka, masarap hong mamili pag ganyang nasa open space at relaxed lang…๐Ÿ™‚

    btw, these days ho na settled na kayo ryan, pumupunta pa rin kayo sa garage sales?๐Ÿ™‚

    • Tunay ang sabi mo San. Very practical talaga lalo na sa mga nagsisimula pa lamang. Sa totoo lang halos lahat ng gamit namin ay galing sa garage sale. Ang laki ng natitipid kaysa bumili ng bago.

      Paminsan-minsan ay nagtitingin pa rin kami kapag may garage sale dito. Madalas kasi ang garage sale ay sa panahon ng summer. At madalas naman ay magaganda pa rin ang gamit na itinitinda ng mga maybahay.

      Katulad nga noong mga stuff toys(na halos bago pa) at mga books na pambata na pinamili ng mga anak ko na ipapamigay nila sa Pinas(sa pag-uwi) para sa mga batang indigent ay nakuha lang nila ng mura sa mga garage sale.

      Ingat lagi & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s