Thank you Father Fiel

Thank you Father Fiel kasi sabi mo ipagdadasal mo ako na matuloy ako sa Mass ni Father Jerry Orbos sa Saint James the Apostle Catholic Churh sa Fremont, California…ayun natuloy nga ako kahapon September 8.

Ang ganda at saya ng Misa ni Father Jerry. Ang daming Filipino na nag-attend. Dahil maliit yung simbahan…sa labas na ginawa ang Misa. Ngayon ko lang personal na nakita si Father Jerry, lagi sa TV ko lang siya napapanood. Nagsimula ang Misa ng 7:30 pm at natapos ng 9:00 pm.

Ang sarap ng pakiramdam pagkatapos ng Misa. Ang ganda ng Homily ni Father…siyempre maraming jokes. After almost two years dito…nakakanta rin ako ng Ama Namin(lagi kasing Inglis)ย  sa Misa.

102_0005

102_0001

102_0003

102_0004

102_0006

102_0012

102_0018

102_0019

12 comments on “Thank you Father Fiel

  1. maroseqf says:

    wow! nice naman! sana lagi may mass dyan na tagalog. truly, prayer is really powerful.

    • superlolongpinoy says:

      @maroseqf

      Very rare nga ang Mass na tagalog, pag may visiting na Filipino priest lang. kya kahit 45 mins ang travel ay nagpunta ako. Medyo Inglis pa rin ang Mass pero Taglish na siya sa Homily & dahil all Filipino ang choir, ayun kaya Pinoy na Pinoy ang mass.

      Salamat sa pagbisita. Pwede ba na i-add kita sa aking blogroll?

  2. pinkdiaries says:

    hay, aku sobrang miss ko na yung mass na tagalog as in! puru English kasi naririnig ko every sunday, minsan thai mass, hehehe๐Ÿ™‚

    • superlolongpinoy says:

      Miss PD,

      Iba ang feeling kapag Tagalog Mass talaga, and masaya kasi nakakanta natin ang mga songs sa Mass and siyempre yung Homily sa tagalog feel na feel. Minsan yung joke sa Inglis di ko agad makuha…delayed…nakikitawa na lang ako…hehe.

      And yun nga dahil fan ako ni Father Jerry Orbos kaya pinilit ko na pumunta kahit malayo. Sulit na sulit talaga. And lalo na nga special occassion yun kay Mama Mary.

      Ingat dyan sa Thailand.

  3. pinkdiaries says:

    oo nga po eh.. sawang sawa nako sa english mass, tapos iba iba pa ng accent minsan, hahaha!

    salamat po! ingat din po jan!๐Ÿ™‚

  4. wow! thanks! super dami ng blessing ninyo!

    at naka-base pa ako sa akin! wow! congrats lolo! may 100 points kayo! leading kayo sa BASE AWARDS with 120 points…

  5. superlolongpinoy says:

    Your welcome din Father! Salamat po sa siyento bente…..Yehey!

  6. KUMPLETO NA ANG TOUGH 5 SA SEPTEMBER 12 POST, Check it here!

    http://fielsvd.wordpress.com/base-contest/

    Congratulations again!

  7. ferdz says:

    Ayus din pala diyan, kahit paano buhay ang Filipino community, nagkikita talaga sa simbahan.
    Noong nasa Japan ako merong 1 Sunday sa isang buwan na tagalog ang Gospel reading at kanta sa simbahan hehe, nakakatuwa rin at feeling proud kami. Dito naman sa site namin sa Qatar, e make-shift lang yung pinagmimisahan, inaayos na lang yung mga upuan ng mga aatend. Pero ang kagandahan nga sinasadya talaga ng pari ang pagmimisa rito, pero sa ingles din, mayroon din kasing mga ibang lahi.

    • superlolongpinoy says:

      Madalang din ang Misang pinoy dito. Kapag may bisita lang na Pinoy from the Pinas at medyo taglis pa rin kasi may mga puti na uma-attend. At dahil nga gusto ko rin makapag Mass kay Father Orbos ayun kahit parang Manila-Batangas ang biyahe ay pumunta ako. And yun nga ang nakakatuwa…90% na umatend dyan ay mga Pinoy. Talagang miss nila rin ang Misang Pinoy. Ok din pala ang Sunday Mass ninyo diyan.

  8. Fr. Orbos really delivers great homilies… And he is such a humble man…๐Ÿ™‚

    Ako naman, ilang taon na ring di nakakarinig ng Mass in Filipino/Tagalog nang live (noong trainee pa yata ako sa Laguna ang last)… Sa TV lang parati…

    Paano kasi, andito ako sa Cebu… hehehe…

    • superlolongpinoy says:

      Ay totoo yan CWW, sobrang humble si Fr. Orbos kahit parang celebrity na Pari siya. Siyempre may dating lagi ang Homily niya…yun bang maaantig at tatamaan ang puso at pagkatao ng nakikinig.

      Ah oo nga pala sa dialect ninyo ang Mass diyan sa CEbu. Ako talaga mix din minsan…nakikinig muna ako sa TV ng homily den takbo na sa simbahan.

      Minsan lang ako nakapunta diyan sa Cebu & nakasaglit din minsan sa Bohol.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s