Walking in the rain with the one I love

Pasensiya na kayo medyo nostalgic na naman ako.

Nadaanan ko itong music na ito and talagang it brings back memories.

Panahong 70’s nung sumikat ang kantang ito…kaya baka baby pa kayo nuon.

Di ba sa lahat ng ligawan itong pagkakataon na ito ang nakakakilig? Ang magkasama kayong naglalakad ng iyong mahal habang umuulan…na di mo malaman kung anong hawak ang gagawin mo sa payong…ang di mo malaman kung aakbay ka ba o okay na ang nagkakadikit ang inyong mga balikat…o minsan pinababayaan mo na lang mabasa ka wag lang ang mahal mo…na parang sinasabi mo sa ulan na puwede ba huwag ka munang tumigil…na habang naglalakad at may nakakakita ay parang sinasabi mo pabulong sa kanila na girlpren o boypren ko siya kaya ko siya kasama habang umuulan…kaya ko siya pinapayungan…

Some lyrics of the this beautiful song….

Oh, I just walking in the rain
With the one I love
Feel so fine
Walking in the rain with the one I love
On my mind
To each is own, I’ve heard
Didn’t say
(Him say)
(Well, I got mine in so many ways), yeah
Like being together
(Whether near or far)
(It doesn’t matter where you are)
So in love with each other
(Giving love so warm and free)
(Made our dream a reality)
Then it’ll last forever and ever
(With every step we take)
(And every breath we make, darling, just you and me)

Oh, I just walking in the rain
With the one I love
Feel so fine
Walking in the rain with the one I love
On my mind

May nakakakilig ka rin bang alaala habang umuulan at kasama ang mahal mong nililigawan o nanliligaw o mahal mong boypren o girlpren?

17 comments on “Walking in the rain with the one I love

  1. ferdz says:

    Ok nga ang kanta. Pati tuloy ako nahawa sa nostalgic fever mo hehe. Nalala ko noong college ko na nagpapaulan sa Intramuros wall kasama ang nililigawan ko. Kala ko sasagutin na ako, kaso basted pala ang kinalabasan hehe.
    Iyan ang ala-ala ko kapag umuulan.

    • superlolongpinoy says:

      Haha…kung ang parents mo ay kasing idad ko malamang narinig nila itong song nung araw…& nadamay ka sa feeling nostalgic ko. Ganun yata ang binatang Pinoy nung araw…kasama ito sa magandang gimik… ang hintayin ang nililigawan habang umuulan. Pero iba talaga ang feeling kasi parang close kayo sa loob ng payong…and minsan nga ok lang mabasa kasi kasama ito sa panliligaw. Ang sarap pa rin maalala iyong time na iyon kahit di nagkatuluyan.

  2. wow… tag-ulan parin po sa pinas hanggang ngaun. sana tumigil na sya kasi pauwi na po ko next week. hehehe.
    ang ganda po ng song!

    Godbless.😉

  3. superlolongpinoy says:

    Yung song malamang alam yan ng parents mo…medyo malambing ang song na iyan…kaya love ko.

    Oo tama ka maulan pa rin sa atin….kaya kailangan may someone special na magpapayong sa iyo ha…kapag mayron maaalala mo ang song na iyan.

    Salamat & God Bless din!

  4. kinlik ko ang video pero sabi nito sa akin “this video is not available in your country due to copyright restrictions.”

    waaaaaa! maghanap na lang ako sa youtube…

    like ng mader ko ang song na yan…

  5. boypulubi says:

    Pasensiya na superlolongpinoy parang hindi ko narinig ang kantang ito. Walang halong biro ho ang tugon ko.

    • superlolongpinoy says:

      Haha…ok lang BP…Kung kasing idad ko ang parents mo o bata pa sa akin ay talagang malalim na sa panahon ang kanta na iyan…maski mga anak ko ay malamang di nila rin alam ang kanta na iyan. Medyo nalimutan ko na nga rin ito…naalala ko lang ng madaanan ko sa youtube kahapon. Yung klase ng sayaw diyan sa video, ganun ang sayaw namin sa party…kaya lang madilim siyempre sa Party namin nuon.

      Salamat sa pagbisita…Ingat lagi!

      • superlolongpinoy says:

        Parang naalala ko ngayon…parang haiskul ako ay narinig ko na ang kantang ito….nag-graduate ako ng haiskul ng 1973…hehe….ganyan katanda na si lolo.

  6. kaye says:

    di ko po alam ang kanta pero dama ko yung sinabi nyo… ibang iba nung panahon ninyo kesa sa panahon ngayon. ngayon kasi ni hindi na magaatubili ang kahit na sinong lalaki na yakapin agad ang babae in the pretense that he’s just protecting her. parang mas romantic nung panahon nyo na pinagiisipan nyo pa ang next move bago ito gawin kasi siguro takot kayo masampal ng inyong nililigawan. hehehe.

    it’s nice to reminisce… nung isang araw lang nakatanggap ako sa email ng photos ng old manila and i was immediately transported to a very different time frame. naisip ko na masarap siguro mapunta dun sa panahong iyon na ang simple pa ng buhay di tulad ngayon na napakakomplikado na lahat…

    • Itong music namin nung araw ay nakakapagbigay ng alaala sa magagandang sitwasyon lalo na nung mga panahon ng ligawan. Palagay ko ang Tatay mo ay makaka-relate din sa song na ito.

      Oo tama ang sinabi mo…maingat ang lalaki nuon sa kanyang mga moves…ayaw niyang masira sa kanyang nililigawan.

      Sa akin…love ko rin siyempre ang panahon ng ‘old manila’. Dahil 70’s na ang inabot ko sa Manila. Tama ang sinabi mo simple ang buhay, simple ang problema, puwedeng sa public school lang mag-aral ang bata, puwedeng walang sasakyang sarili, masaya na kung makapunta sa Luneta at Manila zoo, manuod ng sine ay isang malaking kasiyahan, sobrang magalang ang tao nung araw…hayy ang sarap talaga.

      Siyempre masaya tayo sa panahon na ito dahil ito ang pinagkaloob sa atin ng Diyos….puwede rin naman gawin natin simple ang buhay sa ngayon…puwede rin namang ang pag-uugali nung araw ay siya pa rin ngayon(old values ika nga) kahit nasa gitna tayo ng mga makabagong teknolohiya sa paligid…na kung saan puwedeng ilagay sa gitna ng lahat ng gawain ang Panginoong Diyos.

      Ingat lagi dyan & God Bless!

  7. themizpah says:

    nakaka in love po ito superlo, sarap ng ulan lalo na kasama ang mahal sa buhay.

    • Oo Themizpah…walang kupas ang mga ganitong senaryo sa buhay ng mga nagmamahalan…kahit anong idad may kilig ang mga pagkakataon na kasama sa paglalambing habang umuulan.

      Ingat & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s