Nat King Cole sings Dahil sa Iyo

Naalala ko ngayon itong kanta na ito, Dahil sa Iyo, dahil sa aking kaibigang Amerkano sa senior’s home.

Dahil nga musikero siya, tinutugtog daw ng orkestra nila ang mga Filipino classic songs at isa nga daw ito sa kanyang paborito at super-paborito ko rin.

Isa ito na napagkakatuwaan namin na i-jamming…siya sa silindro niya at ako ang kakanta…kahit di niya alam ang aking kinakanta…basta alam lang niya ang “Dahil sa Iyo” ay “Because of  You” sa inglis.

At ito nga ang naisipan ko na iparinig sa inyo ang kanta mula sa aking paboritong singer na si Nat King Cole mula sa youtube(evancortez2 thank you for posting).

Ito ay mula sa concert sa Pilipinas ni Nat King Cole sa Araneta Coliseum nung panahon ng 60’s.

Masarap bang pakinggan ang klasikong kantang ito lalo na at isang magaling na banyagang manganganta ang umaawit?

Na feel ko tuloy ang saya at galak ng mga nakikinig nung mga oras na iyon sa Araneta Coliseum.

6 comments on “Nat King Cole sings Dahil sa Iyo

  1. darbs says:

    Bagoh tow ah. Dey kow alam na nakapuntang Pinas si Nat.

    Kowng toe-nay man akow… Ay ah-ley-pey-neyn mow…

    Beautiful classic song. Thanks for sharing.

    • superlolongpinoy says:

      Welcome poh.

      Nakikita ko nuon lumang posters ni Nat(about that concert) sa Araneta Coliseum pero last year ko rin lang nalaman, thru youtube, na kumanta siya ng Dahil sa yoh.

      Ang sarap nga pakinggan poh.

  2. precious says:

    whoa..kuya, mas feel ko p rin kung pinoy ang kakanta..^,^ but magaling din nmn pag banyaga..mjo bias lng ako..hehe..

    • superlolongpinoy says:

      Miss Precious,

      Yap sa Pinoy din ako… bumilib lang ako sa pag-try ni Nat na kantahin ito na parang naiintindihan niya poh ang lyrics.

      Kung nagsasalita lang yung kanta…maaring sabihin nung kanta kay Nat…”Nat it’s an honor na kinanta mo ako…dahil isa kang sikat na singer…salamat sa iyo…kahit slang ng konti ang pagkakakanta mo sa aking mga lyrics.”

      Salamat sa pagbisita.

  3. tagamasid says:

    Parang gusto ko ng marinig naman yung rendition mo, para makumpara ko kung may binatbat ba itong si Nat hehe.

    Galing, ngayon ko lang din analaman na kinanta rin ng mga porenjer ito, meron pa akong nakita yung sa The letterman, at yung mga tenor. Sikat pala ang kanta na iyan noon pa man, pang-international.

    Ang galing!!

    Salamat.

  4. superlolongpinoy says:

    Yap your welcome Ferdie

    Haha…di ako talaga singer…kaya dun na lang ako sumiksik sa pagtugtog ng piyano…ibinigay ni Lord ang talento na pagkanta naman sa iba…sa akin ang pagtugtog lang…hehe.

    May banda nga ako sa opisina nuon…pero talagang behind the scenes lang ako. Ang tinutugtog namin ay Disco kasi para sa sayawan tuwing Christmas Party sa office.

    Yan kasi ang national anthem nung mga nagkakakanta nung araw, nung walang pang kareoke, pag may gitara ayun may kantahan na. Yung mga diplomats natin nung araw, malamang kapag nasa abroad yan ang kanilang pang cultural presentaion. Kaya nabigla nga ako nung sinabi nung fren ko sa senior’s home na may mga alam siya…dahil daw tumutugtog sila kapag may mga guest na Pinoy sa isang gathering.

    Salamat din sa pagdaan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s