Garden ni Lolo

Mula sa natatandaan ko…natuto akong mag-garden ay nung nasa elementarya pa ako…alam ko parte iyon ng work education.

Hindi na rin nakapag-garden sa Quezon City kasi maliit lang ang lupa…sinakop na ng bahay lahat.

Dahil medyo malawak ang walang tanim na lupa dito ngayon sa paligid ng bahay ay naisipan kong magtanim ng konting gulay. Noong una ay parang pampalipas lang ng oras ang balak…pero noong tumagal ay dito na kinukuha ang pandagdag sa pagluluto at pagkain.

At sabi nga sa nabasa ko sa Internet…nakaka-relax ang mag-garden.

Ang binalak lang noon ay lettuce  ang itanim kasi mahal ito kung bibilhin at yun nga mahilig kami sa salad. Naging maganda at malago ang tanim na lettuce noong winter…pero ngayon na medyo summer at mainit pa ay nahihirapan ito. Dahil hirap ang lettuce ngayon, nagsingit ako ng konting kamatis, lara, zucchini(parang cocumber), string beans, rosemary(herbs) at kamote. Medyo mahilig ako sa talbos ng kamote kaya ayun buhay na rin pero mukhang matagal pa para matatalbusan. Pinoy na Pinoy…talbos ng kamote with bagoong.

104_0008

Garden sa gilid ng bahay.

102_0027

Mga Lettuce at arugula(panghalo sa salad).

102_0026

Kamatis at ayun may dalawa ng string beans sa gilid ng kamatis.

102_0025

Lara at Rosemary(herb)

104_0006

Zucchini at konting talbos ng kamote.

104_0003

Talbos ng Kamote sa may bakod.

Tanda ko noong nasa Quezon City pa kami, tatakbo lang sa harap ng bahay at ayun may ulam nang talbos ng kamote.

Noong winter dahil maganda at malago ang mga lettuce, nakapagbigay pa kami sa kapitbahay.

Ito ang isang libangan ng inyong Lolo…bow!

20 comments on “Garden ni Lolo

  1. Isa po ito sa mga passions ko, na gustong gusto kong gawin ngunit di ko nagagawa…

    My gardening is more into bonsai making… Ang dami kong bonsai dati sa Bacolod. But when I started to work here in Cebu, isa isa silang namatay kasi hindi na masyadong naalagaan ng mga tao sa bahay… sayang talaga… I may have cultivated winners…

    What I find fulfilling in gardening as a whole is that it makes you observant: a new leaf sprouting, a new stem coming out, another steam going out of the way, new buds forming, etc…

    There is a certain calmness in communing with plants…

    I used to to grow chayote and squash… And training those vines is quite tasking. Ang masaya dito kasi yung kalabasa at sayote minsan namumunga ng hindi namamalayan. As such, discovery of their produce is such a bliss…🙂

    Happy gardening po!

    • aba naka base pala ako! Hehehe…

      • superlolongpinoy says:

        clap..clap…clap…haha 1st base…talbos ng kamote ang premyo…hehe.

        ganito daw pag getting old na…amoy lupa na…hehe jok lang.

        isa ang gardening sa gusto kong gawin sa 2nd half of my life kaya eto nagawa ko kahit konti…pero pag-retire ko dyan sa atin talagang i-career ko ito. gusto ko galing sa tanim ang kakainin ko…organic ika nga.

        you have all the time later naman sa pagga-garden…maraming ka pang pinagkaka-abalahan ngayon.

        Nung pumupunta ako sa Bureau of Plant Industry gardens dun sa Edsa, amaze din ako sa mga bonsai. nanunuod ako ng mga contest dun.

        “a new leaf sprouting, a new stem coming out, another steam going out of the way, new buds forming, etc…”

        Sakto ang sinabi mo na ito, ganyan ang feeling ko, hinahawakan…inaamoy…binabantayan…inaalagaan…sarap ng feeling.

        “There is a certain calmness in communing with plants…”

        Alam mo ba ang feeling kapag andun ako sa isang tindahan ng mga libo-libong mga plants & flowering plants…ang lagi kong naaalala ay ang Creator…si God…Feel happy to be alive…na may chance pa ako na makita itong beauty ng mga creations niya katulad ng ibat-ibang flowers. Wow…Thank God!

        Salamat & salamat din sa pagbisita.

  2. mr. sleepyhead says:

    hehehe..kakatuwa yung mga tanim nyo..
    naalala ko tuloy yung lolo ko..mahilig din xa magtanim dun sa province namin..pero mga rose ang tinatanim nya..ayun, yung bakod namin sa compound is made up of roses na..hehe.
    Gusto ko din magtanim pero lahat namamatay..sabi nila mainit daw kamay ko para sa halaman…pwede po ba yun?? hehe…penge lettuce…haha

    • superlolongpinoy says:

      Haha…salamat sa Mr. Sleepyhead sa pagbisita.

      Mayron din kaming mga flowering plants dito, pero sa Nanay ko naman yun. Next time i-post ko rin. Ok din ang roses, dati may mga roses din dito.

      Mainit ang kamay…ewan ko pero di yata ako naniniwala dun, may factors lang siguro na napapasabay kaya di nabuhay ang tanim.

      Ah oo sige…masarap ang lettuce…organic pa..walang insecticides…kaya healthy ito. nakakatuwa ang feeling kapag yung kinakaiin kinukuha lang sa bakuran.

      Yung talbos nga ng kamote, nakita nung kapitbahay naming Amerkano…nahirapan akong ipaliwanag kung ano yun…hehe…..sabi ko…Telboss neng kay-mow-teh.

      Salamat ulit sa iyo & balik ka lang ipaghahanda kita ng salad.

  3. pinkdiaries says:

    haha, ang nice naman ng garden ni lolo.. hehe

    ako din po may maliit na garden sa bahay namin sa pinas, tpos sa likod ng bahay namin may talbos din ng kamote, sarap sa bagoong, hehe.. kakamiss po noh?!🙂

  4. superlolongpinoy says:

    Haha…salamat…nagamit ko rin dito yung itinuro nung titser ko sa Mababang Paaralan namin sa probinsya.

    Nakakatuwa nga dito pa sa US ako sinipag mag-garden. Stateside na telboss-neng-kay-mow-teh…hehe

    Ay sakto ka…yan every week ang menu namin dito…may okra & talong na nilaga..yan ang di ko nami-miss…Ang nami-miss ko ay yung pipitas lang sa bakuran ng may bakuran ..hehe..hihingi pala….pero kapag malago na yung talbos ko dito feeling Pinas na rin…malay mo baka yung kano naming kapitbahay ay mamitas na rin kapag natikman niya ang menu natin para sa talbos…hehe

    Salamat sa pagbisita Mis PD

  5. hmmmm ang masasabi ko lang lolo, kinabog nyo ang mga nagfa-farming online…

    nagstart na rin akong magpicture ng aking mga tanim dito…naunahan nyo lang ako…hehe.

    • superlolongpinoy says:

      Haha…maganda talaga ang magtanim Father lalo na ng mga gulay & ito nga ang nais kong ipahiwatig na walang makakapigil sa atin kung gusto nating ang gawaing magtanim. Kahat saan ang lokasyon ay puwede magtanim(siguro sa disyerto lang ang mahirap talaga), puwedeng kahit sa paso o wooden boxes ay puwede kung walang lupa sa bahay na tinitirhan. Kaya yung mga nasa abroad ay puwede itong gawin, maraming gabay sa Internet sa ganitong gawain.

      Dun lang ako nahirapan sa petchay at mustasa ko, kala ko sa Pinas lang ang insekto, ayun kinain ng insekto. Di po kinaya ang powers ng mga insekto.

      Sa totoo lang po, kaya na-late ako sa pag-base kahapon ay nalibang ako sa paggawa ng balag para sa aking string beans…hehe.

      Ako lang yata ang may tanim na talbos ng kamote dito sa pali-paligid namin.

      Magandang libangan, nakakatipid pa, healthy na kasi organic pa at anytime available sa bakuran lang.

      Hintayin ko po ang inyong mga tanim.

  6. dlysen says:

    Wow, ilang araw ba yan bago ma-ani. Namis ko tuluy ang bukid namin, masustansya talga pag ikaw nag tanim kc alam mo kung walang insecticide nilalagayan lng nito kung kinakailangan

    • superlolongpinoy says:

      Hi Dlysen…salamat sa pagbisita.

      Haha..yung lettuce mga 45 days puwede na. Iyong lara at kamatis medyo matagal ng konti sa lettuce bago talaga ma-harvest…pero puwede namang maiwan muna lang sa puno ang mga bunga at antayin lang mahinog ng konti. Iyong zuchini, nakakainip na nga eh, first time ko lang nagtanim, subok lang. Pero ang gusto kong lumago kaagad ay ang talbos ng kamote…mahilig ako sa talbos kahit patong lang sa sinaing.

      Mahilig din ako sa petchay at mustasa kaya lang kinain ng mga insekto…di na kinaya ng organic na insecticide.

      Dahil nga medyo maidad na ako kaya..naka linya na ako sa gulay-gulay lang…hehe.

      Salamat ulit. I-add kita ha para mabisita rin kita.

  7. Nikko says:

    Lolo. salamat sa pagdaan..

    at saka baka naman pwedeng makahingi ng pabor..
    baka pwedeng ako na lang ung kamatis?
    hehehe…😉

    yum yum yum tomato…

    • superlolongpinoy says:

      Your welcome Nikko.

      Haha..oo nga naalala ko na ngayon nabasa ko isang post mo mahilig ka sa fresh na kamatis. Ako rin kumakain ng fresh from the puno na kamatis. O sige hintayin mo ha. Hope na your okay na dyan. I-add kita sa blog roll ko ha.

      Salamat!

  8. tagamasid says:

    Nahuli ako, pero habol na lang. Mahilig pala talaga kayo magtanim at naka-ani na talaga.
    Ako e, nagustuhan ko talaga yung gardening namin noong elementarya na kadalasan itinatanim namin ay Pechay, okra, talong, kamatis at monggo.
    Pagpatuloy nyo po iyan, maganda talaga na ganyan ang gawin natin, hindi lahat ng pagkain na inihahapag sa ating lamesa ay dapat bilhin sa tindahan (parang nasa blog ko yun ah?).
    Kaani rin pala nang sitaw, okra at ampalaya sa kubo ko sayang at walang pektyur na nakuha yung mga naiwan ko sa bahay. sa susunod ako naman mag-share din.

    • superlolongpinoy says:

      Salamat sa pagbisita Ferdie.

      Oo yun din lang ang experience ko sa pagga-garden…dun sa mababang paaralan namin…ang tanim namin sa iskul ay petchay, mustasa, kamote & mani.

      Oo tuloy na ito, kaya lang kailangan ko rin pag-aralan dito kasi apat ang panahon dito, kaya may mga tamang tanim sa tamang panahon, yung iba kasi nahihirapan sa sobrang lamig.

      Natanggal ko na iyong sitsaro, malago pala yun, pero marami ring naani.

      Next time magtatanim ulit ako ng petchay at mustasa…pag-aaralan ko kung anong insek ang kumukain dito.

      Tama ka sa iyo ko nabasa na yung nakatanim sa paligid ang kakainin…pangarap ko yan pag-retire ko pabalik dyan sa atin.

      Hamo pagdating ng araw na pahinga na tayo dyan sa Pinas ay magbisitahan tayo ng mga bahay-kubo natin.

  9. mr. sleepyhead says:

    lolo..baka gusto nio makita yung kakaibang garden sa blog ko:

    Green Minded Ka Ba??!

    http://wp.me/pDqV4-2A

    • superlolongpinoy says:

      Haha…oo nga…medyo minsan mapagbiro ang kalikasan. Pinangingiti ang mga tao….hehe.

      Ngiti lang ha…wala ng iba sa isip ha.

      Salamat.

  10. taray says:

    Nakakatuwa naman kayo!
    Ganyan din ang lolo at lola ko noon sa America, kung ano-anong gulay at mga halamang namumulaklak ang itinatanim sa bakiran…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s