Brother Sun, Sister Moon – A 1973 Movie

Bigla kong  naalala itong movie na base sa buhay ni  St Francis of Assisi at St. Clare nung nabasa ko yung post ni Miss Nortehanon  na “I’m Jealous of the Wind” and she wrote:

I will climb toward Brother Sun to greet him, and chat with Sister Moon from dusk till dawn.

Bagong salta ako sa Maynila nang napanood ko ang movie na ito nung 1973. Sobrang nagandahan ako sa pagkakagawa ng movie na ito. Sa kadahilanang  nagbibinata ako noong panahon na iyon parang nakakahatak ang istorya na ito sa akin para tanungin ang aking pagka Kristiano nung pinapanood ko ito nuon. At dahil kaga-graduate ko pa lamang sa Ateneo ng haiskul…ayun parang nagising muli ang isang paghanga sa mga taong nagbibigay ng ganitong commitment para kay Kristo.

Ipinakita sa movie na ito ang pagtalikod ni St. Francis at St. Clare sa materyalismo ng mundo nung kabataan nila para sundin ang tawag ng puso nila para pagsilbihan ang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng pasisilbi sa may mga sakit at mahihirap.

Ginawaran ito ng magagandang musika na ramdam ang panahong 60’s at 70’s na tono.

Maraming magagandang parte sa movie ang aking naaalala at ilan dito ay:

– Nang ipagtapunan ni St. Francis ang mga mamahaling gamit ng kanyang ama sa labas ng bahay.

– Nang si St. Francis ay naghubad sa gitna ng bayan bilang panimula ng kanyang bagong buhay.

– Nang unang humarap sa Papa si St. Francis at ang kanyang grupo at ito ang ilang linya mula sa usapan…

St. Francis: “Is it not possible, Holy Father, to live according to the teachings of our Lord? Or have we sinned through presumption? If that be the case, then we would like your Holiness to tell us of our errors.”

The Pope replies: “My dearest son, errors will be forgiven. In our obsession with original sin we too often forget original innocence. Don’t let that happen to you. … We are encrusted with riches and power. You in your poverty put us to shame.”

Makikita itong eksana na ito sa bidyo sa baba  na St. Francis before the Pope clip 2 of 2.

Naito naman ang mga bible verses na madalas gamitin ni St. Francis sa movie. At itong mga bible verses na ito ay naging parte na rin ng aking pang araw-araw na buhay hanggang sa ngayon.

Matthew 6:19-21

19“Don’t store up treasures here on earth, where moths eat them and rust destroys them, and where thieves break in and steal. 20Store your treasures in heaven, where moths and rust cannot destroy, and thieves do not break in and steal. 21Wherever your treasure is, there the desires of your heart will also be.
Matthew 6:24-33
24“No one can serve two masters. For you will hate one and love the other; you will be devoted to one and despise the other. You cannot serve both God and money.
25“That is why I tell you not to worry about everyday life—whether you have enough food and drink, or enough clothes to wear. Isn’t life more than food, and your body more than clothing? 26Look at the birds. They don’t plant or harvest or store food in barns, for your heavenly Father feeds them. And aren’t you far more valuable to him than they are? 27Can all your worries add a single moment to your life?
28“And why worry about your clothing? Look at the lilies of the field and how they grow. They don’t work or make their clothing, 29yet Solomon in all his glory was not dressed as beautifully as they are. 30And if God cares so wonderfully for wildflowers that are here today and thrown into the fire tomorrow, he will certainly care for you. Why do you have so little faith?
31“So don’t worry about these things, saying, ‘What will we eat? What will we drink? What will we wear?’ 32These things dominate the thoughts of unbelievers, but your heavenly Father already knows all your needs. 33Seek the Kingdom of God above all else, and live righteously, and he will give you everything you need.
Matthew 19:29

And everyone who has given up houses or brothers or sisters or father or mother or children or property, for my sake, will receive a hundred times as much in return and will inherit eternal life.

St. Francis before the Pope Part 1

St. Francis before the Pope Part 2

Ang di ko malilimutang Brother Sun, Sister Moon Song

Na-inspired po talaga ako sa movie na ito at sa buhay ni St. Francis at St. Clare para rin magkaroon ako ng simpleng buhay na hindi nakatuon sa materyalismo.

Sana makakuha kayo ng kopya ng movie na ito para mapanood rin ninyo.

13 comments on “Brother Sun, Sister Moon – A 1973 Movie

  1. ELIment says:

    Super lolo,

    pers timer po ako dito.hehe
    ang ganda naman pala ng istorya ng buhay ni st.frances.nakakainspire.

    Galing po ng blog nyo dahil dala nito ang ‘mensahe ng buhay’.🙂

    • superlolongpinoy says:

      Maraming salamat ELIment.
      At salamat sa iyong pagbisita.
      Oo medyo di ko talaga ito makalimutan itong movie na ito & yun nga gusto ko sana maisabuhay kahit konti ang katulad ng buhay ni St. Francis…in my own little way.
      Ay nagsisimula pa lang din ako sa blogosperyo pero nage-enjoy ako sa pag-share ng simple kong buhay.
      I-add kita ha para mabisita kita sa bahay mo rin. Balik ka lang ulit.

      God Bless!

  2. darbs says:

    Salamat sa pag-paalala sa buhay ni St. Francis. Isa sya sa mga Saints na sinusundan natin. Not really my number one pick pero isa sa mga influential Saints.

    Mayaman, karangyaan sa buhay – he had all those. pero makita rin natin ang kanyang pagka disillusion sa mundo. baka kasama na nito ang pagiging rebellious towards sa kanyang mga kaibigan at amang matapobre, gahaman sa kamunduhan.

    Read the “Story of the beggar”. Ayon pa sa story, ibinigay nya lahat doon sa beggar ang laman ng kanyang bulsa at nang itoy malaman ng kanyang ama siya ay pinagalitan at pinagtatawanan ng kanyang mga kaibigan.

    But again, lahat ng kanyang ginagawa ay naayon sa mga turo ni Jesus Christ….

    iN ADDITION sa quoted scripture ni Super lolo, ang Mat 10:9 (Christ tells his followers that they should go forth and proclaim that the Kingdom of Heaven was upon them, that they should take no money with them, nor even a walking stick or shoes for the road.)

    Of course, he was able to form a CIRCLE from 11 followers to what it is today.

    Ung pananaw ng buhay ni St. Francis ay isa sa mga gabay kung paano mamuhay ng simpleng buhay.

    ano nga lang ba ang kailangan na mabuhay sa mundong ibabaw na walang iniisip na karangyaan.

    Food
    Clothing
    Shelter
    Education
    HealthCare
    Transportation

    At the end of the day, St. Francis life is an inspiration. and to practice and live with it… we can do it in our own way as lay person or you can join the ORDER OF THE FRANCISCANS.

    Yan lang po ang sa akin.

    • superlolongpinoy says:

      Your welcome Darbs.

      Salamat din sa sharing sa buhay ni St. Francis.

      “… we can do it in our own way as lay person or you can join the ORDER OF THE FRANCISCANS.”

      I’ll will always do it as a lay person…for the rest of my life.

      Puwede ko bang gamitin ko ang komento mo kung i-follow-up ko itong sinulat ko?

      Salamat sa pagbisita.

  3. boypulubi says:

    Tunay ngang isa lamang ang iyong mapagsisilbihan. Isa lang ang Diyos.

    Pero bakit minsan parang ang hirap bitawan ng mga bagay na nasa mundong ito?

  4. superlolongpinoy says:

    Hi BP,

    Oo mahirap ngang bitawan ang mga makamundong bagay…ngunit kung ang pagbitaw sa mga ito ay makakatulong sa pagganda ng relasyon sa ating Panginoong Diyos…ito ay magiging isang malaking pagsubok sa isang tao para makamit ang payapa at lubos na pagmamahal ng Diyos.

    Hindi mabilis ang gawaing ito ngunit kung nakatuon ang isang tao sa pagsisilbi sa Diyos…ito ay magkakaroon ng katuparan.

    Salamat sa iyong pagbisita.

  5. dlysen says:

    Ang nakasulat sa Banal na Aklat ay totoo at makakatulong sa pagdadala ng ating buhay.

  6. ferdz says:

    Magaling nakaka-inspire ito, hindi ko alam yung buhay ni St. Francis na ganoon pala. Sana makita ko ulit ang liwanag at tanggapin ng walang pagaalinlangan ang tunay na kapangyarihan ng Diyos.

    “Look at the birds. They don’t plant or harvest or store food in barns, for your heavenly Father feeds them. And aren’t you far more valuable to him than they are? Can all your worries add a single moment to your life?”

    Kung kamalian at malaking kasalanan ang magduda ay inaamin ko na ako ay makasalanan.

    “My dearest son, errors will be forgiven.”

    Sana ako ay mapatawad.

    • superlolongpinoy says:

      Ang buhay naman natin ay punong-puno ng pagsubok…naandiyan lang ang Diyos laging nanghihintay sa atin…kaya nga mayroong siyang infinite love and mercy….dahil siya ay Diyos.

      Lahat ay nasa kanya na …dahil nga siya ay Diyos….ang hinihintay lamang niya ay tayo ay patuloy na makabalik sa kanya…dahil mahal na mahal Niya tayo.

      Gusto Niyang makabalik tayo sa Kanya…hindi para sa Kanya…at iyon ay para sa atin…para sa ating lubos na kaligayahan na pamumuhay habang naandito pa tayo sa mundong ito…sapagkat nalalaman niya ang makapagpapaligaya sa atin….dahil tayo ay kanyang creation…siya ang lumikha sa atin.

      Malalim talaga ang pananampalataya ni St. Francis…para talikuran niya ang marangya na buhay. In our own little way ay taglay rin natin ang mga katangian ni St. FRancis. Andyan na magsakripisyo tayo para sa mga mahal natin sa buhay….inuuna natin sila bago ang ating sarili…pero yun nga mas malalim kung ang pagsisilbihan natin ang iyong mga hindi natin mahal sa buhay…yung sa mga may sakit at walang nagmamahal.

      Darating ang panahon na magagawa rin natin…in our own little way…ang mga katangian ni St. Francis.

      God Bless!

  7. This is one movie na hindi ko nakita sa dami ng film showing namin sa college…. That time my favorite was The Mission.

    St Francis is one of the saints I really admire… His love for Lady Poverty is admiring and for me who has been poor (not that we are rich now, but we can now provide for our needs and the things we want), would really find it a difficulty and a challenge to emulate him, how much more would it have been for him since he was use to richness all his life… Yet, he succeeded….

    May we all find inspiration in him…

    • superlolongpinoy says:

      Marami ang di nakakaalam ng movie na ito dahil ipinalabas nga ito nung 70’s…ang gumawa nito ay yung gumawa ng Romeo & Juliet na naging mas sikat nung araw.

      Pero iba talaga ang dating nitong movie na ito…i hope na mapanuod mo rin.

      Kung nuon ay si St. Francis ang ipinadala ng Diyos…sa panahon natin ay si Mother Theresa. Pagsamasahin ang kanilang kakayanan magsilbi sa Diyos….totoo ang sabi mo…ipinakikita na talagang kakayanin din natin dahil nakaya nila.

  8. cj says:

    isa sa mga paborito kong santo yang si St. Francis…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s