No place like home

Sa paggising sa umaga, pagkatapos magpasalamat sa panibagong buhay,  ang bintana at pintuan ang aking unang nasisilayan.

At nagpapasalamat muli sa Diyos at tunay ngang napakaganda ng kapaligiran.

Ngunit parang may panandaliang lungkot, talaga palang nasa iba akong lugar, malayo sa aking mahabang panahon na tinirhan.

Sapagkat ang aking pangkaraniwang umaga ay maririnig ang tilaok ng manok sa umaga na nagpapahiwatig na malapit ng sumikat ang haring araw, ang harurot ng traysikel at jeep sa harap ng bahay nagsasabing gising na sa isang panibagong umaga. At maririnig ang “Na-poyyyy!” na nagpapaalala na kailangan ng mag-agahan.

Maya-maya ay maririnig ang sigaw ni Manong Magtataho….”Ta-hooooo!”,  special delivery na hot taho sa umaga. Habang isinasalin ang mainit na taho sa baso ay mapapansin sa labas ng bahay ang pagkilos ng mga kapit-bahay sa kani-kanilang bahay. Kumakaway na may ngiti na parang bumabati ng isang umagang may pag-asa.

Oo nga…may ingay ng tambutso ng mga jeep at  may usok mula sa mga traysikel…ngunit ang mahalaga sa umaga na iyon ay ang ngiti ni Manong Magtataho at ang mga masasayang tao na nakikita sa labas ng bahay.

Mga nakangiting tao na naghihintay ng traysikel at jeep sa may kanto. At paminsan-minsan ay may mababait na drayber ng pribadong sasakyan na nagsasakay sa mga matagal ng naghihintay.

Hayyy….sa ngayon ay ginto na ang mga eksena na ito.

Nakakabingi rin pala talaga ang katahimikan. May kulang pala talaga ang buhay kung wala ang mga simple at masasayang tao at mga ‘Only in the Philippines’ na mga eksena na matagal na nakagisnan sa pang araw-araw na buhay. Na ito naman ang pang araw-araw na naraaranasan  dito sa bayan ni Uncle Sam.

Naito ang ilang litrato mula sa aming mga bintana na nagpapakita ng kagandahan ng paligid at katahimikan.

DSC_0436

Sa harap ng bahay, kinunan sa may kitchen.

DSC_0438

Pintuan papuntang sunroom na puro salaming bintana.

DSC_0433

Bintana sa isang kuwarto.

DSC_0434

Bintana sa likod ng bahay.

DSC_0432

Bintana sa aming tulugan.

104_0009

Harapan ng bahay.

Dati ay lagi kong pangarap ang ganitong nakikita at katahimikan…lalo na kung nagbabakasyon at hindi pangmatagalan.

Ito na siguro ang kasagutan sa aking madalas na katanungan. Kung bakit madalas umuwi sa Pilipinas ang mga Pinoy na nakatira dito. Kung bakit sa kabila ng kaunlaran at kaayusan dito ay patuloy na bumabalik sa Pilipinas ang mga Pinoy upang magbakasyon at madalas nga ay naninirahang muli sa Pilipinas.

Kaya pala madalas sambitin ng mga matatanda dito na….”There is no place like home.”

Ummmmm…totoo nga.

18 comments on “No place like home

  1. sabi nga eh, you can always take the pinoys out of the philippines but you cannot take out the philippines from the pinoys..babalik at babalik sa pinas yan..

    ps. lolo, parang ang sarap magretreat sa bahay nyo…

  2. superlolongpinoy says:

    Ay tama po kayo Father.

    Hehe…squatter lang po ako dito…pero basta napapunta po kayo dito ay puwedeng-puwede po dito kayo mag-stay…you are always welcome po.

    Ay tama po kayo sa word na ginanamit ninyo parang retreat house…yan din po ang sabi lagi ng mga anak ko…parang lagi daw kami nasa Tagaytay.

    Salamat po sa pagbisita.

    • yap, totoo po na parang tagaytay ang view…maramign ganyang bahay po sa tagaytay…

      parang wala yata kayong neighbors…

      • superlolongpinoy says:

        Mayron naman kaming kapit-bahay Father…kaya lang talagang lagi lang sila sa loob…pero mababait naman sila…kaway-kaway lang kung dumadaan ang mga sasakyan nila. Yung sa likod ay walang kapit-bahay kasi parang gubat at bangin yung likod mataas. Dun minsan paikot-ikot lang ang mga deer.

  3. pinkdiaries says:

    lolo, ang ganda ganda naman ng bahay mu..

    parang kahit hndi nako mag gala. stay nalang ako sa bahay the whole day! sarap mag relax, kasi ang ganda din ng paligid!🙂

    • superlolongpinoy says:

      Miss PD Salamat sa pagbisita.

      Sa totoo lang ay squatter lang po kami dito…hehe…naghahanap pa kami ng lilipatan…bahay ito ng brother ko.

      Tama ang sabi mo…nakakarelax talaga kasi malayo siya sa ingay at talagang feeling bakasyunan talaga.

      Pero katulad nga ng sabi ko sa katagalan…bilang isang Pinoy ay nakakalungkot na rin kasi parang hinahanap ko na rin ang pangkaraniwang buhay sa atin..

      Yung bang katulad sa atin na may bigla na lang tumatawid na kapitbahay…may makaka-usap ka sa labas ng bahay…lumabas ka lang ay may mga tao ka nang makikita. Ang description nga ng Tatay ko dito ay yung parang panahon daw ng giyera…..yung mga bahay dito ay wala kang makikita na tao sa labas…yung bang parang inabandona ang mga bahay. Maraming bahay dito na sa tagal ko ay di ko pa nakikita kung sino ang nakatira. Katulad sa atin sa haba ng kalye…ibigay lang ang description ng tao ay maituturo mo kung saan nakatira.

      Nung bakasyonista talaga ako dito ay masaya ako kasi nga yun ang parang hinahanap ng katawan pero ganun pala kapag nakatira ka na dito ay ayun nga malungkot na rin. Kaya nung nagbabakasyon ako dito nung araw kapag feeling malungkot na…sasabihin ko ay uuwi na ako sa Pilipinas…hehe.

      Pero siyempre may kasabihan nga kailangang mag-adjust sa buhay-buhay dito…still adjusting pa naman…ang kailangang ma-enjoy din ang bawat minuto sa lugar na ito na nangangarp na someday ay uuwi rin sa bayan na sinilangan.

      God Bless!

      • pinkdiaries says:

        haha, oo nga po noh?! ako din pag gising sa umaga gala na agad sa kapit bahay, nakiki chismax, hahaha, tapos aabutin na ng pa nanghalian, hindi maisip umuwi, saka pag gabi po lalabas ng bahay tatambay sa labas kasama mga kaibigan, ditu din po sa thailand wala yung ganun eh, pag sapit ng gabi yung mga tao sa bahay na, tahimik ng buong paligid.

        hay sarap talaga kapag nasa sariling bansa ka, yung mga nakagawian pu natin ay sya nating hinahanap hanap ngayun..

        napadaan lang po ulit!
        ingat po and God Bless!🙂

      • superlolongpinoy says:

        Haha…at least diyan sa Thailand sa gabi lang walang tao…dito talagang araw at gabi ay walang tao…parang laging nasa bakasyunan ang mga tao…pero andun lang sa loob…hehe

        Salamat sa pagbisita…God Bless din sa iyo!

  4. ferdz says:

    Wow napaka-serene naman. Parang marami akong magagawang tula diyan ah..masarap din mag-concert diyan, walang kaagaw sa ingay e hehe.

    Ika nga sa kanta, “Kay tagal mo man nawala, babalik ka rin..”

    • superlolongpinoy says:

      “Kay tagal mo man nawala, babalik ka rin..”

      Ay totoo ka Ferdie…ako nga ay di pa katagalan na nawawala ay pakiramdam ko napakatagal na at talagang hinahanap na ng katawan ko ang maka-uwi. Sabi ko nga dun sa mga naunang sinulat ko…nuon nangangarap ako mapunta dito….ngayon ay nangangarap ako na maka-uwi sa Pilipinas.

      “Wow napaka-serene naman”

      Sakto ang sabi mo. Kung ang hanap mo ay katahimikan ito ang lugar….nature talaga…andyan ang siyap ng mga ibon…mga paru-paro na nagliliparan…mga bees na dumadapo a bawat bulaklak…may mga pabo na paikot-ikot sa paligid…at paminsan-minsan ay may mga deers na nanginginain ng mga halaman. Ito na talaga ang lugar para magmuni-muni.

      “masarap din mag-concert diyan”

      Naalala ko tuloy yung mga concert ni Kenny Loggins & John Denver….may mga concert sila na ginagawa outdoors at ganito ang mga lugar…mapuno…may bundok…maraming halaman….tama ka yan ang feeling.

      “walang kaagaw sa ingay”

      101%

      Kaya yan ang napansin ko sa mga puti…mababa ang tolerance nila sa ingay….kasi sanay sila sa katahimikan…pero tayong Pinoy…may malakas na videoke sa kapitbahay ay napapalampas pa rin natin…kasi naiisip natin na malamang may bertdeyan lang at minsan-minsan lang naman. dito talaga ay indoor ang kantahan kasi baka maisumbong ka sa pulis…hehe

      Salamat sa pagbisita.

  5. Pang homerun po ito kasi pang-apat and the bases are loaded…🙂

    Wow, nice pics, and I can see patterns…🙂

    Natutuwa po ako at hindi ninyo nakakalimutan ang ganda ng umaga dito sa Pinas…🙂 Sana, katulad niyo rin ang ibang mga Pinoy na nakatira na sa ibang bansa…🙂 The country needs its people, now more than ever…

    • superlolongpinoy says:

      Haha..oo takbo na!!

      Salamat CWW, ayan kumukuha na ako ng inspirasyon sa iyo. First time ko hinawakan ang Nikon D40 DSLR ng anak ko at ayun nga…subok lang. Pinag-aaralan ko ang pagseset pa..hehe. At patuloy akong magbabasa sa mga tips mo.

      “Natutuwa po ako at hindi ninyo nakakalimutan ang ganda ng umaga dito sa Pinas”

      Ay totoo ka…. may kulang kasi dito….yung mga tao…eh yun pa naman ang nagpapasaya sa atin…mga simpleng ngiti ng mga tao diyan sa atin. natatandaan ko kasi sa probinsya…lalabas ka lang ng bahay ay ibat-ibang tao na ang iyong makakasalimuha…

      “The country needs its people, now more than ever…”

      Ako ay tatapusin ko lang ang mga responsibilidad ko rito at iyan talaga ang nasa isip ko. Ang mai-apply ang mga natututunan ko dito dyan sa atin….in my own little way. Ay ayun nga dun sa bayan namin sa Laguna ay babalik ako para makatulong din dun someday.

      Salamat sa pagbisita.

  6. congratulations po sa pagbi-base! kayo po ay pasok pa rin sa “super six” na may pinakamataas na points sa aking base awards. third over all po kayo…

    http://fielsvd.wordpress.com/base-contest/

  7. superlolongpinoy says:

    Haha…Salamat Miss PD at salamat din sa pagdaan. Kaya hintay ulit tayo sa susunod na posting ni Father…mukhang bumabata ako sa Base Contest ni Father…hehe

  8. darbs says:

    superlo, nagpapaalam lang po na ipinaskil ko ang one of the pictures dito po sa comment na ito.

    Here is the link:
    http://exodians.wordpress.com/2009/11/01/my-hapi-halloween-2009-entry/#comment-1931

  9. hmmn…mas gusto nyo ang bahay sa pinas kesa sa isang middle-class home sa US with amenities? 🙂

    hello, lolo… dumaan po ako to say na isinara ng wp ang blog ko. part daw ako ng SEO campaign, sabi… possibly because sa cited URLs sa last post ko. may popped-up boxes kasi sa mga ‘yon, isinara ko lang at di pinansin. ayon, nilabag ko raw ang TOS at endorsing and profiting daw ako to drive traffic sa third party sites.

    di pa nila sinasagot ang letters ko. homeless muna ako, hehe… regards!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s