Stand by me

Isang mabigat na kalamidad na naman ang dumaan sa buhay ng mga Filipino.

Isang hindi inaasang pagbaha sa malaking parte ng Central Luzon dahil sa bagyong Ondoy. Na nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga ari-arian at kamatayan.

baha1

Ito ang panahon na kailangan ng bawat Filipino ang makakasama at tutulong…isang kaibigan na kahit anong mangyayari ay walang iwanan…mga kamay na gagabay…mga pangungusap  na magbibigay lakas-loob para magpatuloy sa patutunguhan at ipagpatuloy ang buhay.

Nawa ay maging maayos at makabalik na sa normal ang lahat pagkatapos ng bagyong ito.

(Just in case you don’t know about what’s happening in Metro Manila and Rizal province, here are some photos: http://fiveprime.org/hivemind/Tags/ondoy.) Thank you for sharing.

Naito po ang ilang impormasyon sa may mga gustong tumulong:

http://painuminmoko.idlip.net/?p=481

Naalala ko bigla ang awiting  ‘Stand By Me’…na akmang-akma sa pangkasalukuyang pangyayari. Na parang isang panalanging sinasambit….’Lord, please Stand By Me’.

Stand by me – B. E. King

When the night has come, and the land is dark
And the moon is the only light we will see
No, I won’t be afraid, oh, I won’t be afraid
Just as long as you stand, stand by me
So darlin’, darlin’ stand by me
Oh stand by me
Oh stand, stand by me, stand by me

If the sky that we look upon should tumble and fall
Or the mountain should crumble to the sea
I won’t cry, I won’t cry, no, I won’t shed a tear
Just as long as you stand, stand by me
And darlin’, darlin’ stand by me
Oh stand by me
Whoa stand now, stand by me, stand by me
*Solo*

And darlin’, darlin’ stand by me
Oh stand by me
Oh stand now, stand by me, stand by me

If the sky that we look upon should tumble and fall
Or the mountain should crumble to the sea
I won’t cry, I won’t cry, no, I won’t shed a tear
Just as long as you stand, stand by me
And darlin’, darlin’ stand by me
Oh stand by me
Whoa stand now, stand by me, stand by me
So darlin’, darlin’ stand by me
Oh stand by me
Oh stand now, stand by me, stand by me
Whenever you’re in trouble won’t you stand by me
Oh stand by me
Whoa stand now, oh stand, stand by me…

Thank you adriancitO for posting this video.

14 comments on “Stand by me

  1. JenifFer says:

    The photo is so tragic. I can’t stand to see it. Grabe, we are also affected since I’m fr. Rizal, buT nOT lyk dat. Kaya lungkot na lungkot me.. BuT we cAN help in our small ways.

    • superlolongpinoy says:

      Oo Jeniffer, kami man ay nagsisikip ang dibdib kapag nakikita ang mga pangyayari diyan sa atin.

      I’m glad to hear na ur ok diyan sa Rizal.

      Ibang klase ang baha na ito. Simula 1973 ay nasa Maynila na ako nakatira…Una sa Avenida sa may San Lazaro, then 1981-88 sa Sampaloc sa may Algeciras(bahain ang lugar na ito), then TSora, QC 1988-2007…naka-experience kami ng mga baha pero kayang-kaya lang. Ngayong lang ako nakakita ng ganito. Lalo na sa mga namatayan ng mga mahal sa buhay.

      Oo ito ang panahon na ‘less talk & more work’ ang kailangan sa ngayon. Katulad ng sabi mo…help in our own small ways.

      And lots of Healing Prayers sa lahat ng naapektuhan ng kalamidad na ito.

      Salamat sa pagbisita & God Bless!

  2. ferdz says:

    Wake up call siguro iyan sa mga pinoy.
    Parang ginera tayo, sa unang pagkakataon nakita ko na pwedeng magkapantay-pantay ang lahat. Walang mayaman, walang mahirap, may pagkakaisa, iisa ang sentimyento, iisa ang hangarin ngayon ang makatulong sa kapawa pinoy.
    Sana magising na tayo sa tunay na kalagayan ng bansa natin.

    • superlolongpinoy says:

      Oo talagang may mga lessons na matutunan dito sa pangyayari na ito…ito na siguro ang sinasabing ‘No man is an island’…ito ang pangyayari na di mo aasahan ang iyong yaman at materyal na bagay…wala na ang bahay, wala na ang sasakyan at tanging ang tulong ng kapuwa tao ang aasahan.

      Tama ka ito na ang ‘eye-opener’ sa malalaking tao para bigyan ng halaga ang maliit na tao….at ganon din ang maliit na tao na makita na may puso ring tumulong ang malalaking tao.

      Sana nga hindi na ulit maghintay ng isa pang malaking baha para maiintindihan ang problema tuwing may bagyo sa ating bansa.

      Sana ay wala ng excuses na sasabihin ang mga kinaukulan dahil may mga solusyon naman ang mga pangyayari na ito para hindi na magkaroon ng magbubuwis ng buhay sa ganitong sitwasyon.

      At dalangin din para sa lahat na magkaroon na ng kaayusan at kapayapaan ang lahat ng naging biktima ng bagyo.

  3. Walongbote says:

    Kanina super daming bAsura d2 samin san mateo, trafFic. Tapos sa marikina mukang chocolate yung daAN.

    • superlolongpinoy says:

      Oo ganyan ang pangkaraniwang nakikita ko sa balita. At mabuti rin na tuloy-tuloy ang mga tulong sa bawat mga taong naging biktima ng bagyo.

      Pero ang mabigat sa akin ay ang sa Bagong Silangan na kung saan magkasama na ang mga nakaburol at dun narin ang evacuation ng mga tao.

      Tulong at Dalangin ang magbabalik sa pagiging normal muli ng buhay ng mga biktima ni Ondoy.

      Ingat lagi diyan sa lugar ninyo.

  4. grabe ang mga parokyano ko sa cainta rizal dati ay nagtext sa akin na sila ay nasa taas na ng kanilang mga bubong.

    pagkakita ko sa tv…nangilabot ako! grabe pala talaga ang baha!

    • superlolongpinoy says:

      Oo Father, beterano na rin ako ng bahaan nung nakatira ako sa Sampaloc, pitong taon ako dun at nung nasa Tandang Sora ay alaala ko lagi ang mga anak ko na mga pumapasok sa UST lalo na kung may bagyo.

      Pero yun nga parang di ko kakayanin ang na experience ng iba na halos hanggang balikat ang nilalakad sa baha. At yung di mo malaman kung aabot ba ang baha sa bubong…ang takot kung walang sasaklolo. At ang lungkot na may mga mahal sa buhay na mamatay dahil sa baha.

      Talagang sa kaunti lang ang epekto ng baha ay talagang dapat ipagpasalamat sa Diyos.

  5. stand by me Lord…

    stand by us Lord…

    amen.

  6. ELIment says:

    ang kailangan po natin ngayon ay ang magkaisa.

    nakakatuwa din pong malaman na buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa panahong ito. yan ang pinoy!

    kaya natin to.

    • superlolongpinoy says:

      Oo Eli…iba talaga ang Pinoy…maaaring may mga negatibong nangyayari pero natatabunan ito ng mga mabubuti at magagandang ugali ng mga Pinoy…matibay ang Pinoy parang kawayan…sumasayaw lang sa lakas ng hangin…very resilient…sa kalahati ng mga litrato na nakita ko habang kasagsagan ng baha ay may mga nakangiting Pilipino…magaan ang dating…may pag-asa ika nga…nagtutulungan.

      Malalampasan din iyan. Iba ang Pinoy!

  7. ronelM says:

    msyadong trumatic to sna wag ng maulit!!huhuhu

    • Hi Ronel salamat sa pagbisita mo.

      Maraming lessons sa mga pangyayari, ang kalikasan ay talagang nagbago na dahil na rin siguro talaga sa gawa ng tao, pero may mga puwedeng gawin ang tao para maiwasan ang mga nakakalungkot at malubhang mga pangyayari sa susunod.

      I-add kita sa blogroll ko Ronel para makabisita rin ako sa blog mo. Nag browse ako sanadali at ang ganda ng site mo, babalik ako. Medyo baguhan pa ako sa blogosperyo at marami akong matututunan sa iyo.

      Salamat sa iyong pag-komento at pagbisita.

      Ingat lagi & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s