Our Beautiful World

Sa kabila ng mga malungkot na pangyayari sa ating bansang Pilipinas ninais kong bigyan ang ang salitang May Pag-asa at Mayroon tayong magandang mundo.

Nais kong maibsan ang hirap at lungkot na dinaranas ng karamihan na naging biktima ng baha na naandiyan ang Diyos at muling makababangon sa pagkalugmok na ito.

Na sa awiting ito ni Louis Armstrong at Aegis ay magkaroon ng kagaanan at pag-asa sa hirap na pinagdaraanan.

At isang tula mula kay Hope Roberts na Our Beautiful World.

God created a beautiful world!

Listen and you will hear his gentle voice saying!

Please live together in harmony,

share your love, wisdom and knowledge

Taking hopelessness away

allowing his love to shine among us.

Share your frustration

Share your lives

Share your worldly goods

Extend hands of friendship

Conquering all fears

Bringing special peace

To our beautiful world.

We are yellow

We are brown

We are black

We are white

It is God’s world

Let us share it together

In love and harmony.

Isang komentong tula mula kay kaibigang Alkapon

Sa paghuni ng mga ibon sa dakong ilaya,
pagsikat ng araw ng umagang kay ganda
kasabay nito may matatanaw na pag-asa
mula sa pagkalugmok ng mga nakararaming madla

bayan kong sinilangan sino nga ba ang makakatulong
sa mga hinagpis, pasakit at labis na pagkabaon
ang gobyerno ba ni Arroyo na labis ang korapsyon
o sariling sikap na lang para lamang maka-ahon

What a wonderful world, ang sabi ni louis armstrong
ang aegis naman ay umawit ng mahinahon
mga awiting may mensahe kahit saan ay may pabaon
bagong pag-asa, para maging panatag sa buong maghapon.

Si father felmar ay ating kaagapay
sa mga pighati at lahat ng bagay
nawa’y sama-sama nating iwagayway
ang pagkakaisa at samahang tunay

6 comments on “Our Beautiful World

  1. …and i said to myself, what a wonderful world!!!

    • superlolongpinoy says:

      Ang sarap mag muni-muni Father. Na kahit sa kabila ng kaguluhan sa mundo ay may ginawa ang Diyos na napakandang mundo para sa ating lahat…na para i-enjoy natin araw-araw.

      God Bless po!

  2. alasais says:

    makakabangon tayo. nasa atin ang simula nito. ‘wag muna tayong umasa sa mga pulitiko dahil masyadong marumi at mapagpanggap ang pulitika ngayon. makipag-ugnayan tayo sa mga taong tunay na masasandalan natin–pamilya, kaibigan. higit sa lahat, panalangin sa Maykapal.

    – tenco

    • Sakto ang sinabi mo Tenco.

      Marami ng pinagdaanan ang mga Pilipino pero naiaahon ang sarili sa pagtutulungan at sa pananampalataya sa Diyos.

      Talagang di kailangang maghintay sa ating gobyerno…isa ring may sakit ang ating gobyerno na kailangang ayusin.

      Salamat sa pagbisita.

  3. Alkapon says:

    Nais ko nga po magkomento ng patula:

    Sa paghuni ng mga ibon sa dakong ilaya,
    pagsikat ng araw ng umagang kay ganda
    kasabay nito may matatanaw na pag-asa
    mula sa pagkalugmok ng mga nakararaming madla

    bayan kong sinilangan sino nga ba ang makakatulong
    sa mga hinagpis, pasakit at labis na pagkabaon
    ang gobyerno ba ni Arroyo na labis ang korapsyon
    o sariling sikap na lang para lamang maka-ahon

    What a wonderful world, ang sabi ni louis armstrong
    ang aegis naman ay umawit ng mahinahon
    mga awiting may mensahe kahit saan ay may pabaon
    bagong pag-asa, para maging panatag sa buong maghapon.

    Si father felmar ay ating kaagapay
    sa mga pighati at lahat ng bagay
    nawa’y sama-sama nating iwagayway
    ang pagkakaisa at samahang tunay

    Yun lang po. bow!

    • Salamat Alkapon sa iyong napakagandang komento sa pamamagitan ng isang tula…WOW!

      Sa totoo lang ay inulit-ulit ko ang pagbasa, maiiikling salita pero sobrang ganda ng mga mensahe at nilalaman. Gusto kong isama itong komento na tula mo dun sa write-up ha. Salamat.

      At yung sinabi mo tungkol kay Fr. Fiel, totoo yun parang nakita natin ang mga sarili natin sa ilalim ng pakpak ni Father. May iba-iba tayong kuwento ng buhay…magakakalayo….ngunit nagkakaisa tayo sa magandang adhikain at gabay ni Father Fiel.

      At salamat sa pagbisita. Ingat lagi & God Bless! I-add pala kita sa blogroll ko para mabisita rin kita.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s