Pinoy Artists Revolution

Kahapon ko lang nalaman mula sa aking email na may grupong Pinoy na pinagsama-sama ang kanilang mga talento na ang intensyon ay para sa isang tunay na pagbabago.

Dito ay ginamit nila ang musika para maihatid ang mensahe ng pagbabago para sa lahat sa ilalim ng isang karakter na Juana Change.

At ito naman ang nilalaman ng email…

Ang bagong JUANA CHANGE Music Video nasa YouTube na!!!!

http://www.youtube. com/watch? v=piYRN9- 3P4I&feature= channel_page

May Filipino at English version pa! Hangad namin sa Artists Revolution na mapanuod ito ng lahat ng mga Pilipino sa bawat sulok ng mundo! .

Paki kalat na po sa inyong mga pamilya, kaibigan at sa ating mga pasaway na kaaway!

Sana po magamit nyo ang bidyo sa advocacy ng tunay na pagbabago.
Pwede i-pirata! Now na!

Salamat po!

Nagmamahal,
Juana Change

At naito naman ang bidyo!

Sa akin naobserbahan sa ating bansa ang musika ang isang mapayapang paraan ng pagpapahayag at ito ay nagiging epektibo para maipahatid ang tunay na saloobin sa mga isyus na nangyayari sa buhay ng mga Filipino.

Sana tuloy-tuloy na ang isang tunay na pagbabago. Now na!


20 comments on “Pinoy Artists Revolution

  1. first base!

    siya ba ung nasa fita commercial?

    • superlolongpinoy says:

      First beys ka Father…libreng kanta ni Juana Change…hehe.

      Ay ngayon ko lang siya po nakita…kasi yung TFC dito walang komersyal.

      Marami pala siyang bidyo at nakakatuwa rin ang mga mensahe.

      Ingat lagi dyan Father!

      • wow, wala palang commercial ang tfc? now ko lang nalaman.

        yap, yang babae na yan nga ang model ng fita biscuits.

        parang nakita ko rin sa video si makisig morales, maliit na maliit pa.

      • superlolongpinoy says:

        Father meron din pong komersyal. Pero tinatanggal na po yung sa atin at pinapalitan nung mga komersyal na pang Pinoy dito…katulad ng mga LBC cargo…yung sa mga money remitanses…yung mga Pinoy na may bisnes na car sales…& katulad nung sa immigration kay Atty Garfingkel…mga concerts ng Pinoy….groceries ng mga Pinoy dito…Good evening po dyan…gising pa kayo.

      • superlolongpinoy says:

        & salamat po sa info sa komersyal ni Juana Change…

  2. kaisuke says:

    hello! napadalaw lang🙂 .. ang galing naman nun video..

  3. boypulubi says:

    Maganda nga kung ang bawat isa sa atin ay tumulong sa ating bansa.

    Kahit na sa maliit na bagay na pwede mong gawin ng mag-isa o ng iyong mga kaibigan at barkada.

    Hindi rin kasi talaga kakayanin ng gobyerno ng nag-iisa. Pero siyempre mas maganda kung ang nasa gobyerno ay may malinis na layuning i-angat ang ating bansa.

    • superlolongpinoy says:

      Oo BP…ang bawat isa talaga ay may partisipasyon…parang isang bahay…ang bawat isang miyembro ay nagtutulungan. Kung ang mga magulang ay may adhikain ng kagandahan at kaayusan sa loob ng tahanan ay malamang di malayong sumunod at makiisa ang mga anak.

      Talagang sa malawakan ay dapat magpakita ng sensiridad ang gobyerno na maging maayos ang pagpapalakad para tuluyan na makiisa ang mga tao sa maayos at hindi kurap na bansa.

  4. kaye says:

    totoo pong music is an effective way of conveying our hearts’ desires…

    naaalala ko pa, 10 years old pa lang ako nung mangyari ang EDSA people power at kinanta ang magkaisa, handog ng pilipino sa mundo at ang paulit ulit na pagawit ng nakakikilabot na Bayan ko. kahit paano mo kantahin ang mga ito, they will evoke feelings of patriotism. at kahit musmos pa ako noon, damang dama ko ang bigat ng mga pangyayari dahil na din sa mga awiting ito…

    at kahit pa masaya, malungko, galit, music really is an effective outlet of one’s emotions. di ba, kaya nga tayo nakakalikha ng magagandang awitin dahil ang mga ito ay punong puno ng emosyon?

    • superlolongpinoy says:

      Yung mga anak ko nuong EDSA ay mga 4 & 2 yrs old siguro. Kasama na rin sila sa EDSA nuon. Tapos ako laman na ng mga videoke na ang laging kinakanta ay Bayan ko…kasabay ang taas ng L sign. Kaya yung musika ang isang nag bind sa mga Filipino nung panahon ng EDSA at maraming pang pakikibaka sa mga isyus ng pamahalaan.

      Salamat sa pagbisita Kaye.

    • superlolongpinoy says:

      Salamat precious. Kumusta ka na. lagi ako dumadaan sa blog mo. medyo walang update. isip ko lang baka busy sa work or sa linis ng bahay. sana di naman kayo naapektuhan ng baha.

      Ingat lagi & God Bless!

  5. grabe, congrats po lolo. over-all ngayon po kayo na po ay bumalik sa second place…

  6. sows says:

    aba! artist po pla kau? musta nmn? perstaym ko yata d2?

    • Salamat Sows sa pagbisita. Di naman professional artist…lover din lang ng music and nangangarap din ng pagbabago sa atin.

      Batang OPM ako nung araw…kaya nung araw kapag tinugtog na ang Bayan KO..taas agad ang kamay na may L sign…hehe…Para bang sa akin sa music dun ako nakaka-relate kasi yung iba naman ay sa mga paglaban sa kalye.

      I-add kita Sows sa blogroll ko para mabisita rin kita.

      Salamat uit & God Bless!

  7. This a test using:

    href=”http://www.garygranada.com” rel=”nofollow” and

    img src=”http://www.garygranada.com/Ga3.JPG” alt=”Go to garygranada.com” width=”300″ height=”300″ border=”0″

    (Tip ni kaibigang Darbs).


    Go to garygranada.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s