Brownout o Blackout

Isang balik-tanaw ito sa aking dating trabaho sa Pilipinas.

Parang hinahanap-hanap pa rin ng aking katawan ang pang araw-araw na aksyon sa loob ng aking dating opisina sa Pilipinas.

Di siya pangkaraniwang trabaho na kung saan ang iyong ginagawa ay puwedeng pare-pareho sa araw-araw. Di puwedeng iwanan ang isang problema at sabihing bukas mo na tatapusin. Sobrang ingat sa lahat ng oras at di  puwedeng magkamali at sabihing…Sorry! Maaring tawagin kahit anong oras at kung kahit nasaan ka man pabalik sa opisina para magawa ang problema. Puwede kang pabiyahihin sa malayong lugar para magawa ang problema. Walang Pasko at Bagong Taon kapag nagka-problema…kailangang tumugon para tumulong sa pag-resolba ng problema. At ang pinaka-importante ay kailangang marunong makisama sa lahat ng ibat-ibang klase ng tao para sa ikakabilis ng isang trabaho o pag-resolba ng problema.

At kung wala namang problema…kailangang bantayan mabuti ang mga gamit at sistema para malaman na normal lahat at maiwasan ang pagsulpot ng malaking problema. Kailangang tumugon sa lahat ng reklamo ng mga taong gumagamit ng sistema na ito.

Dahil ang aking opisina ay ang sentro ng kontrol sa koryente sa buong Luzon at Visayas…dito iniiwasan ang isang ‘Brownout’ 0 ‘Blackout’. Sa makabagong salita ang ang trabaho dito ay 24/7…na ibig sabihin lang ay kailangang tumatakbo ng normal at maayos ang lahat ng mga gamit at sistema sa lahat ng oras.

Ang isang ‘Brownout’ o ‘Blackout’ ay ang pagkawala ng koryente sa isang maliit na lugar o malawakang lugar.

Nakasanayan na ng aking aking katawan ang hinihingi ng ganitong trabaho…nasanay na rin ang aking pamilya kapag ginagabi o umaga na ako umuuwi kung may tinatapos na problema…nasanay na rin sila kapag tinatawag ako sa madaling araw para bumalik sa opisina…alam na nila kapag biglang nawalan ng koryente sa bahay na puwede akong tawagin…lalo na kung may bagyong malakas alam na nila na kailangan akong umalalay sa mangyayari sa pangangailangan sa opisina.

Napakaselan na trabaho pero sa kabila nito ay nagiging isang malaking hamon ang bawat araw na makaraos na walang problema o maresolba ng mabilis ang isang problema. Isang trabaho na nangangailangan ng dedikasyon para maging parte ng serbisyo para sa kaayusan ng elektrisidad sa bansa. Lampas dalawampung taon din ako sa ganitong trabaho hanggang 2007.

Pagkatapos ng bawat araw ay isang dalangin ang laging sinasambit…Lord maraming salamat at ginabayan mo ako upang maging maayos lahat ang aming trabaho at mga naging desisyon sa araw na ito.

DSC00075

Computer Room

Ito ang kumukuha ng mga impormasyon sa buong Luzon at Visayas na may kinalaman sa estado ng koryente.

DSC00067

Control Room

Nakikita ang nangyayari sa estado ng koryente sa buong Luzon at Visayas at dito ginagawa ang kaukulang aksyon para maresolba ang problema.

ncc1

Control Room

NCC

Control Room(w/ new monitors)

26 comments on “Brownout o Blackout

  1. kaye says:

    base!🙂

    ang hirap po talaga ng trabaho nyo, tay. kung tatay ko kayo, sobrang malulungkot ako na umalis kayo palagi, pero proud ako kasi alam kong kaya kayo umaalis ay upang makatulong sa ibang taong nangangailangan. lalo po dito sa atin, kaunting mawalan ng kuryente, di na magkandakumahog ang mga linya ng meralco, and maybe, even moreso, napocor. pano po, mashadong maalinsangan lalo’t kalagitnaan ng pagtulog nawalan ng kuryente. at shempre, di napo kasi sanay ang mga taong nawawalan ng kuryente.

    pero salamat pa rin po sa mga taong dedicated tulad niyo sa trabaho. ngayon ko lang po nasilip ang loob ng isang napocor control room.🙂 parang mahirap intindihin ang mga nasa monitor…parang weather updates ng PAGASA. hehehe

    ano na pong pinagkakaabalahan niyo diyan sa cali? ingat po kayo!

    • Salamat Kaye….isang bumbilya sa iyo dahil 1st beys ka..hehe.

      Isang karangalan din sa akin na naging part ako ng isang grupo na nag-maintain ng ganitong teknolohiya sa atin.

      Alam mo ba na di lahat ng empleyado nuon ay nagkakaroon ng pagkakataon na makita at makapasok sa lugar na iyan kasi sobrang higpit talaga. Although nakikita siya sa TV kapag may problema sa koryente. Sa ngayon ay mga Chinese na ang may-ari niyan dahil sa privatization.

      Oo medyo may pagka hi-tech ang mga nakikita diyan sa mga monitors, ang tawag namin diyan ay real-time data kasi kung ano ang nangyayari sa mga stations at plants na may kinalaman sa koryente sa buong Luzon at Visayas sa pangkasalukuyang segundo ay nakikita.

      Ako ngayon ay family driver muna kasi di pa maka-drive ang mga anak ko. Hatid-sundo ko muna sila. kasi medyo malayo sa bus ang aming tinitirhan ngayon. Siguro kapag naka-adjust na lahat ay puwede na akong makahanap na rin kahit part-time na trabaho. Super alalay muna ako.

      Salamat & God Bless din!

  2. ELIment says:

    maselan nga pong trabaho yan. pero mukhang ok naman.

    napakainformative din ng post. tnx po.

    • Salamat Eli. Oo mahirap na masaya dahil medyo may pagka-challenging ang trabahong ito…yun bang di mo alam ang mangyayari kapag pumapasok ka…maraming inter-action sa mga teknikal na tao…at yun nga maraming hokus-pokus sa mga equipments(yun bang papakiramdaman mabuti ang problema ng mga equipments)…parang sariling sasakyan na nagiging kabisado na ang mga parte na madalas nasisira kaya parang di na masyado nagpa-panic.

      Sa kabila na lahat ay ninanais ko pa rin ang another chance sa ganitong environment na trabaho…kung mabibigyan pa.

      Ingat lagi dyan sa atin.

  3. pinkdiaries says:

    lolo, ang hirap naman ng work nyo before?!🙂

    • Ay totoo yan Miss PD. Mahirap dahil 24/7 yung operation ng mga equipments…kailangan 100% always available…pag bumalandra ay explain sa management kaagad….urghhh.

      Very challenging yung trabaho pero dumating din nuon na parang ayoko na sa assignment na iyan, lalo na nung malilit pa ang mg bata, kasi madalas ako nuon sa field work, linguhan ang uwi sa bahay.

      Pero hindi ko matangihan ang mga boss ko na laging ina-assign ako sa ganyang trabaho.

      Ang hinahalintulad ko diyan sa trabaho na iyan ay parang sa isang eroplano…ako ang may hawak ng computer ng eroplano at ang piloto ang gagamit. Kapag sumablay ang computer ay mahihirapan ang piloto sa pagpapalipad.

      Kaya after 8 hours of work at walang nangyaring masama…ay talagang…Job Well Done kami ng aking mga kasama. Usually apat lang kami sa isang shift. Tatlo ang piloto…at solo lang ako sa computer.

      Ingat diyan lagi & God Bless!

  4. ferdz says:

    Ayus galing! Gusto ko yung ganyan hindi boring. Gusto ko na tuloy bumalik sa dati kong trabaho, ayaw ko na dito sa opisina lagi ganun na lang ginagawa copy & paste na lang hehe.

    Pero hi-tech at least kahit paano ay may upgrade ang system? In-line ba yung upgrade ng system internationally?

    Naalala ko tuloy yung trabaho ko sa pinas kapag nagbo-bomba kami ng petrolyo naman, meron din kami control room, kaso led lights lang mga indicator napagiwanan na nang panahon yung monitoring system hehe. Jurassic pa ung mga gamit hehe.

    Nakaka-miss talaga yung ganyan na trabaho, lalo na sa tagal ninyo doon, Institusyon na kayo kung iisipin talaga, sayang at kailangan lumisan.

  5. Haha…Salamat Ferdie…gusto ko yung ginamit mo na word…institusyon…talagang dun daw sa apat na poste ng building ay akin ang isa.

    At di ko lang nabanggit na nakadalawang building ako sa loob ng 20++ yirs…dalawang control room. Yung ipinakita ko ay 2nd control room na iyan(2000 to present)…at yung una ay tama yung word mo ‘jurassic’ na…tama ganun din ang mimic board ginamitan ng parang ‘led’ lights(1983-1999).

    Yung sinasabi mo na copy and paste ay ginagawa rin namin madalas kapag gumagawa ng mga displays sa AutoCAd…pinapalitan na lang ng mga data. dito kami maingat kasi kailangan sigurado ang mga assgnment ng mga data…kasi baka maligaw ang signal ay sa ibang lugar ang ma-control…hehe patay.

    —-“Pero hi-tech at least kahit paano ay may upgrade ang system? In-line ba yung upgrade ng system internationally?”

    Yung system na yan ay lumang version na. Kung may version 10 na ngayon…yan ay version 3 pa.

    Hindi na siya ma-upgrade…kung mag-upgrade malamang change-all na lahat ng hardwares. Yung bagong software ay di na niya mare-recognize ang mga lumang hardwares. Kaya magaling talaga sa business yung gumawa niyan. At yung life ng mga machines ay almost na reach na…walang ng available na replacements sa market ang mga hardwares kasi mga model 90’s pa sila.
    Bago ako umalis ay pinag-uusapan na ang pagpalit ng bagong system…kaya lang mukhang na-hold kasi nag take-over ang mga bagong owner ng korporasyon(Chinese).

    Ang na-upgrade lang namin ay mga monitors, yung video wall ay bumigay na…pinalitan na lamang namin ng malalaking LCD TV/Monitor na Samsung.

    Yung word mo na ‘boring’…tama ka di boring ang work na ito…simula pa kasi ay na-expose na ako sa operation na trabaho. Yung bang wala masyadong paper works. Yung bang preventive & corrective maintenance ang main na trabaho.

    Pero dyan…okay lang siguro yan basta maganda ang kita..basta tuloy lang ang aral-aral para puwede pang bumalik sa dating trabaho.

    Oo tama ka…sobrang miss…ewan ko kung magka-chance pa ako sa ganyang trabaho. Pero sa akin naman ay nagpapasalamat na rin ako at na-involve ako sa ganyang klase ng trabaho na kung saan ay nagamit ko ang aking napag-aralan.

    Isang napakagandang chapter iyan ng aking buhay…ang naging masaya ako sa aking dating trabaho.

    Ingat lagi dyan sa Qatar.

  6. taympers says:

    wow, humanga ako sa trabaho, sa profession mo. galing.

    • Salamat Taympers.

      Ito kasing trabaho na ito ay napatapat din sa aking kurso, kaya kahit mahirap ay naging masaya na rin ako kasi nagagawa ko yung talagang pangarap ko nung nag-aaral pa ako.

      Salamat sa pagbisita.I-add na rin kita sa blogroll ko para mabisita rin kita sa bahay mo.

  7. promking says:

    wow.. ngayon lang po ako nakabisita dito..

    para ka palang si Volta dyan sa dati mong trabaho.. Meron ka po bang nickname dyan? yun bang parang “kapitan kuryente”?

    exciting talaga yang trabaho mo.. gusto ko rin makapasok sa control room. sana meron mga field trip para diyan.

    • Salamat Promking sa pagbisita.

      Haha…sa totoo lang ay support group lang kami duon sa grupo na may mga authority para ma-control ang koryente. Ang partisipasyon namin ay siguraduhin na buo ang computer system para magawa nila ang kanilang trabaho. Kung medyo narinig mo na ang SCADA system…ito ang sistema na mine-maintain namin nuon na siyang ginagamit ng mga ‘kapitan koryente’. Sinisigurado namin na tama ang pipindutin at nakikita ni ‘kapitan koryente’ sa computer para sigurado din ang kanyang ginagawang trabaho.

      Oo medyo exciting kasi may pagka hi-tek kuno. At ang teknolohiya na ito sa Pilipinas ay pioneer kami sa paggamit at yun nga napag-aralan namin dahan-dahan through the years. Ang isa pang mayron nito dyan ay ang Meralco.

      Yap tama ka lahat ng nakapasok diyan ay namangha kasi meron palang ganun…na parang sa pelikula lang daw nakikita. Kasama nuon sa trabaho namin ang magbigay ng overview sa mga pumupunta katulad ng mga field trip.

      Salamat ulit sa iyo. I-add na rin kita sa blogroll ko. Ingat lagi dyan sa atin.

  8. taribong says:

    Saludo po talaga ako sa inyo. Hindi matatawaran ang inyong pagsisilbi ng 20 years para sa bayan.

    Aba, mahirap yatang walang ilaw sa loob ng bahay. Naaalala ko pa noong maliit ako na gasera ang gamit. Iba’t ibang laki at hugis ng garapon na may gaas hehehe

    Bilib din ako sa inyong kagalingan. Sana nagmana ako sa inyo…. Magsisikap po akong tularan kayo sa abot ng aking makakaya.

    Salamat at ingat po kayo lagi.

  9. Salamat Taribong sa lahat na iyong sinabi.

    Sa totoo lang ang gabay ko sa trabaho ko ay ganito…Iniaalay ko bawat araw ang aking trabaho sa Panginoong Diyos. Humihingi ako ng gabay at blessings sa araw-araw. Sa Diyos nanggaling lahat ang aking lakas at talino para magampanan ang hinihingi ng trabaho. At siyempre inspirasyon ko ang aking pamilya para sa hamon ng trabahong ito. At sa lahat ng ito ay ang pagkaroon ng pagpapakumbaba upang sa bawat antas na makakaharap na tao ay magkakaroon ng trabahong kaayaaya sa lahat.

    Oo ganyan din kami nuon sa probinsya, laging brownout, tama ka ibat-ibang gasera ang ginagamit.

    Yan ang isang kaligayahan sa pagtatrabaho…ang iukol ang 101% sa bawat gawain….siguradong magiging very rewarding ito di lang mula sa employer…pati na sa mata ng Diyos.

    Salamat sa iyong pagbisita.

  10. sows says:

    wow…ang hirap po pla ng work nio..kakabilib…

    • Salamat Sows sa pagbisita. Yan talagang work na yan ang nami-miss ko kasi 20++ yirs ako diyan.

      Sa isang banda mahirap siya lalo na kung di mag-cooperate ang lahat ng involve sa trabahong ito. Maraming grupo ang tao ang kumikilos para maging 100% na maayos at secure ang lahat ng ginagawa. Kung eroplano ang pag-uusapan, ang piloto ay driver lang at kami naman ay part ng nagme-maintain ng eroplano…kailangan talaga 101% safe & secure ang lahat ng ginagawa.

      Ingat dyan sa atin lagi & God Bless!

  11. precious says:

    wow….

    control room…

    anu pong kinokontrol nio jan? whoa….

    whoa…

    who…

    wh…

    w..

    (wla po akong msabe.. :lol:)

    • Salamat Precious sa pagbisita. Haha…nakakatuwa ka naman.

      Ang kinokontrol diyan ay takbo ng koryente….teka bigyan kita ng recent na pangyayari….Ang latest na pagkasunog ng isang transformer sa Dolores station….kaya may brownout ngayon sa ilang parte ng Metro Manila.

      Normally ay iyan ang trabaho dun sa Control ang maiwasan ang mga abnormality na mangyayari sa sistema. Pero maraming factors din na di na kayang kontrolin ng mga taga Control lalo na kung ang problema na ay internal na sa isang gamit o transformer.

      Maraming may responsibilidad para maging maayos ang takbo ng transformer na iyan. Isa lamang yung grupo dun sa control room, kasi nakikita nila ang nangyayari dun sa transformer, puwede kasi nilang i-shutdown o patayin yun agad sa pamamagitan ng remote control dun sa Control rm…para maiwasan itong mga pangyayari na iyon o lumaki pa ang maapektuhan ng problema.

      Andun ako dati sa grupo na nagkakabit ng mga wires para mamonitor ang nangyayari sa transformer na iyan at para makita ng mga tao sa Control room.

      Hehehe…pasensiya ka na medyo masalimuot ang eksplanasyon ko pero inilahad ko lang ang isang very exciting chapter ng aking buhay na ginamit ang lakas at talento na ibinigay ng ating Panginoong Diyos.

      Ingat lagi & GodBless!

      PS. puwede pa akong magpaliwanag kung may katanungan ka pa…hehe ganado pa si Lolo.

  12. hmmmmm….ayun!

    baka may idea po kayo sa aking tanong kasi ang zamsureco ay malapit ko na talagang sugurin…

    bakit dito sa olutanga island, zamboanga sibugay ay lagi may brownout? almost daily…

    bakit dito sa olutanga island ay minsan naman nagba-brownout ng one minute?

    nakakasira ang mga ito ng mga appliances di ba?

    mas tumataas daw po ang bill pag madalas ang one minute na paulit ulit na brownout?

    ano po ang possible causes ng mga iyon?

    • Teka abot pa ba ako sa gud evening o gud morning na ng Sabado? Basta gud day po Father!

      Talagang talo inis po talaga kapag may brownout lalo na kung nagiging araw-araw na ito.

      ——-Naito po lang ang aking naiisip na nagiging problema sa inyo…mabuti pa rin po na talagang hingin ang paliwanag ng kinaukulan,

      Maraming reason ho para mag-brownout…pero si-shortcut na ako sa paliwanag kasi dahil sinabi ninyong..”almost daily” ay ito ho ang aking naisip diyan.

      —–di ko naman pong maisip na araw-araw ay may ginagawa sila sa inyong linya ng koryente para sa peventive & corrective maintenance. Usually weekend lang po ginagawa ito.

      Kung narinig po ninyo sa mga balita diyan ang sa Metro Manila na nangyayari dahil sa pagkasira ng isang gamit(transformer)…ang epekto po ay ‘rotating brownout’.
      Sa inyo po ay walang nasirang gamit pero may kulang na supply ng koryente sa nasasakupan ng Zamsureco…kaya may ‘brownout’ or kaya may ‘rotating brownout’.

      Ang Zamsureco po ay parang binigyan ng isang ‘egg pie’ ng NGCP(dating napocor na naging transco…ngayong ngcp na). Ang NGCP naman ang nagbibigay ng maraming ‘egg pie’ para sa buong Pilipinas…at kung dyan kayo sa Mindanao…kailangan eksakto ang lahat ng ibibigay na ‘egg pie’ para sa pangangailangan ng lahat ng cooperatives katulad ng Zamsureco…para lahat ng tao ay makakain. Yung ‘egg pie’ na iyon ang supply ng koryente na paghahati-hatian ng kostumer ng Zamsureco. Pero kung kulang ang ibinigay na ‘egg pie’ …halimbawa may bawas ng one fourth(1/4) ang ibinigay ng NGCP para sa Zamsureco(dahil may kulang sa buong Mindanao)…hahatiin ng Zamsureco ngayon ang supply ng koryente para sa oras na iyon…mayroong mawawalan talaga sa oras na iyon dahil kulang ang ibinigay na supply ng koryente sa oras na iyon ng NGCP.

      Dalawa po ang senaryo dito

      Puwedeng kayo lang(bayan ninyo) sa Zamsureco ang nagsasakripisyo sa pagkakulang na ito para sa buong araw(na tumatagal ng isang oras).

      Ganito naman po ang senaryo kung kayo lang ang bina-brownout ng Zamsureco.

      Kung residential kayo malamang kayo po muna talaga ang ma-brownout kaysa sa mga industrial or yung may mga business establishments diyan.

      OR

      Maraming kayong bayan na naghahati sa pagkukulang na ito sa buong araw…kung 4 ang bayan…tig-iisang oras kayo sa isang araw or lahat kayo ay sabay-sabay ng isang oras lang para sa isang araw.

      OR

      Kung hindi naman kulang ang ibinibigay na koryente ng NGCP sa Zamsureco. Ang Zamsureco ang may problema sa kanilang mga linya ng koryente…maaring mga luma na ito at di nito kayang paraanin ang koryente para sa mga pangangailangan ng lahat ng kostumer. Para mapigilan ang ‘overloading'(sobrang karga ng linya – over sa limit) sa linya ang isang solusyon dito ay brownout ng ilang lugar. Usually nangyayari ito dun sa tinatawag na ‘peak hours’.Ang peak hours minsan sa mga probinsya ay ang pagsapit ng dilim. Dito ang lahat ng tao ay gagamit ng ilaw, TV at ilang electrical na gamit(6pm – 9pm).

      Ito po lang ang mga senaryo na naiisip ko at karapatan po ninyo bilang kostumer ang malaman ang mga bagay na ito sa Zamsureco para maipaliwanag rin ninyo sa inyong Parishioners.

      ———bakit dito sa olutanga island ay minsan naman nagba-brownout ng one minute?
      ———nakakasira ang mga ito ng mga appliances di ba?

      Marami rin pong ang puwedeng panggalingan ng 1 minute brownout….ang gagamitin ko po dito ay ‘interruption’.

      Dalawa pa rin pong senaryo ang naiisip ko dito.

      Kung sa NGCP galing ang interruption…ay talagang walang magagawa ang Zamsureco.

      OR

      Ang naiisip ko po dito ay very imperfect pa ang sistema or mga linya ng Zamsureco.

      Kung tingin po ninyo ay 1 minute ang tinatagal ng interruption…ang tingin ko dito ay may ginagawang switching sa sistema ang mga taga Zamsureco. Puwedeng may pinapatay o binubuhay silang linya…ito yung puwedeng mayron silang bina-brownout or may binubuhay mula sa pagka-brownnout na lugar. Kaya pumipitik ang mga linya ng koryente…pumipitik=interruption.

      Kung sabi po ninyo 1 minute ang interruption. Ang tingin ko po dito ay safe na ito. Usually ang masisira po dito kung seconds lang ang balik ay ang compressor ng refrigerator. Kailngan kasi bumaba muna yung oil dun sa loob. Pero may mga protection na po yung mga bagong Ref para di ito maapektuhan ng sudden interruption.

      Yung TV kung biglang ibabalik, kung mahina na ang mga piyesa ay puwedeng bumigay, kung 1 minute tingin ko safe na rin.

      ———–mas tumataas daw po ang bill pag madalas ang one minute na paulit ulit na brownout?

      Sa ideal pong metro na ginagamit ay wala pong epekto ito.

      Pero narinig ko po ito nung bata pa ako, yung daw mga kuwadrado na mga metro at mga luma…ay biglang simusikad ang ikot kapag biglang pumasok ang koryente. Tingin ko ito yung imperfections ng mga lumang metro.

      Pero kung mga makabago na ang mga metro…tingin ko po hindi na isyu ito sa bagong teknolohiya. Dahil disadvantage din ito sa mga cooperative kasi puwede ring bumagal ang mga low-tek na metro.

      Sana po ay may mapulot kayo sa aking konting kaalaman.

      Kung may tanong pa kayo Father…ay sige lang po at baka alam ko pa ang kasagutan.

      …..Oh Father susugod na ba kayo???

      • salamat po sa inyong sagot lolo. marami po akong natutunan. tingin ko nga po marami pang imperfect lines ang zamsureco. pero these days, very good sila. wala kaming brownout mag-wa-wan week na yata, yehey!

      • Your welcome Father. Sana tuloy-tuloy na ang walang brownout. Sana mga preventive and corrective maintenance ang ginagawa sa linya ninyo kaya gumanda na. Or sobra ang egg pie at marami kayong paghahatian.

        At sa tingin ko ayaw din ng Zamsureco ang i-brownout kayo…kung walang reason kasi ito ang business nila…ang pagbilhan kayo ng egg pie at magbayad kayo…hehe.

  13. darbs says:

    Napadaan na naman po Lolo. Very informative itong entry na ito. i learn something. at least may idea konti paano ang konting pasikot sikot hinggil sa kuryente. basta ang alam ko lang on and off. anyway, sa pinas naman noon lumaki ako sa lugar na hindi naaabutan ng kuryente kaya petromax lang ang gamit. mukhang mag 4th year high school na ata ako bago dumating ung kuryente sa bayan. kaya may kuryente man o wala parang sa akin walang deperensya. college of course dahil city doon lang talaga naka appreciate ng kuryente. minsan dito sa amerika nung magka-brownout around 2003 – stop lahat – train -kaya grabe ang lakaran. nang umabot ang gabi enjoy na enjoy ung bata dahil magdamag kami doon sa labas dahil mainit kasi sa loob ng apartment.. Ito na naman po ung ang maiiwan kong youtube video. salamat ulit sa pag share ninyo.

    • Salamat Darbs.

      Marami din kaming gasera nuong bata pa kami sa probinsya at may stock pang gaas kasi madalas mawalang ng koryente..

      Ganyan din kami kapag brownout sa probinsya takbo sa labas ng bahay at laro agad lalo na kung maliwanag ang buwan.

      Ok ang video…ngayong ko lang ito napanood. Salamat.

      Ang August 2003 New York blackout ay pinag-aralan namin nuon kasi pareho nung nasa picture sa itaas ang mga computers na nagka-problema sa New York…pareho ang computer system na ginagamit sa Pilipinas…parehong supplier GE.

      Buti na lang at di naman kami nagka-problema ng katulad sa New York.

      Kung may katanungan ka pa sa temang ito ay ikagagalak kong magpaliwanag pa ng kaunti.

      Salamat Darbs sa pagbisita.

  14. sows says:

    aba..padaan po..

    kagaleng nio po tlga… ^_^

    • Salamat Sows sa pagbisita.

      Sa totoo lang Ineng ang aking talento sa ganitong trabaho ay bale wala kung di ito cooperative, committed at supportive sa lahat ng taong involve sa ganitong trabaho. Isang maliit na part lamang ako ng isang napakalaking grupo.

      Isang very exciting na parte lamang ito ng aking buhay na di ko makakalimutan na pinagpapasalamat ko lagi sa ating Panginoong Diyos.

      Teka Batangena ka ba?..kasi gumamit ka ng kagaleng…naalala ko tuloy yung mga kaopisina ko dati ay ganyan magsalit….”Ay Kagaleng”

      Ingat lagi dyan sa atin & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s