[TheVillavicencios] The 1st Boat In Provident

Natanggap ko ito sa aking email at gusto ko lang i-share ang istorya na ito na nangyari nung kasagsagan ng bagyong Ondoy sa Provident Village.

Marami tayong matututunan sa mga pangyayari.

motorboat

Subject: Fw: [TheVillavicencios] The 1st Boat In Provident

how sad
So sad…..but unfortunately true……..becca

Yesterday, at the height of the floods, my sister’s husband Rey whose family lives at
Provident Village in Marikina, got a call from his brother. They were already at the
Roof of their 2-storey house — his brother, his wife, 2 kids, his sister, and their 85-
year old dad who just got out of the hospital last week.

Not wanting to rely on our USELESS government to rescue them, Rey went to Makati and scoured the stores for a motorized boat that he can buy. At around 6 p.m., he finally found a store at Reposo Street selling a 6-seater motorized boat for over 100k.

But since water at Reposo was lagpas-tao, he persuaded the store owner to just ride the boat and bring it to Greenbelt where he was.

Immediately after, Rey put the boat on his pick-up and drove as far as he could en
route to Marikina.. The nearest dry land was the Sta. Clara Church which was still
way too far from Provident.

Suffice it to say that for somebody who was maneuvering a motorboat for the first time in his life, Rey arrived Provident at 12:30 a.m. When he entered the village, everyone was screaming thinking that it was already the government’s rescue team. REY WAS THE FIRST TO BRAVE PROVIDENT ON A MOTORIZED BOAT with just SHEER WILL steering him.

Meanwhile, our USELESS GOVERNMENT was holding a press conference announcing their relief operations as they kept on saying that they could not get into Provident just yet to save people hanging on to their dear lives on top of their roofs because the currents were too strong for them!!

HELLO!!! Please tell me why they can’t and my private citizen brother-in-law who does not even know how to drive a boat before he purchased it could???

Rey had to turn a deaf ear to people screaming for help as he entered their village because he had his family, especially his 85-year old dad in mind. The waters were too high that he was actually holding on to the Meralco wires! He was shouting for his brother’s name as he could not even locate where their house was amidst the sea of mudwater.

When he finally found them, he had to hold back from breaking down as he saw his dad at the apex of their roof holding to a string of blankets just ! so he will not get swept by the currents! He “parked” his boat on their roof gutter and first loaded his dad and 8-year old nephew who by that time was already chilling from the cold. They have been atop the roof since 1 p.m. with wet clothes on and no food or water to even drink.

It took Rey 2 hours to navigate back to Sta. Clara church to drop off his dad and nephew, came back for his sister-in-law and another nephew. It was 3 a.m. by the time Rey reached Sta. Clara church again, with his sister in law and nephew, before making a final trip to get his sister. By this time, media were there and NDCC people assisting his sister-in-law to get off the boat.

GIBO TEODORO had the gall to tell media that government rescue operations are now on-going, alluding to the footage of my brother in law rescuing his family!!!

And these stupid NDCC people were even asking Rey’s sister-in-law to remove her lifejacket and return itto them! Hello, everything was theirs, from the boat, to the lifejackets, to the sheer will and determination to keep their family alive!!!

He wanted to keep coming back to save his other neighbors but his tired body could not anymore. So he decided to take a rest at his sister’s house at Valle Verde till around 9 a.m. today. Then they went back only to find how cars were piled up like matchboxes. His brother’s Patrol, Camry, and Galant were supposed to be safely parked at the village main avenue as historically this was the highest point of the village.

Sadly, the cars were nowhere to be found, washed away like toy cars… but what was even worse was seeing bodies already floating around, including the body of a 3-month old baby stuck in a car windshield. As it was too devastating a sight for them to take already, they decided to just lend the boat to for others to use to save more lives.

Meanwhile, we see our government making all these excuses why they cannot save people faster… Meanwhile we hear of D! evil Gloria Arroyo spending the Ps 800 million Emergency contingency fund to finance her recent foreign trips… Meanwhile we hear of Mikey Arroyo shamelessly admitting how his net worth ballooned within the few years that his family has been in power! SUCH SHAMELESS GREED!!!

I love the Philippines and I do wish for a better Philippines for my children’s sake. But during times like these it makes you wish that you were living in another country where you dial 911 and help will be forthcoming.

Rey had the presence of mind, sheer will, and financial resources to buy a boat on the spot and put matters into his own hands. But what if it were the other way around and he had to wait for our USELESS GOVERNMENT to rescue his dad? We only shudder at the thought of what would have happened to his family, especially Lolo Manny, if and when rescue finally comes–which for many less fortunate souls, until now has not come!

Joe J. Ramos

-The 1st Boat in Provident

Hindi ko masisi kung gaano kasama ang loob nila sa mga kinaukulan. Ako man ang lumagay sa kalagayan at nangyari sa kanila at ng nakakarami nating mga kababayan ay maaring ganito rin ang aking mararamdaman.

Ngunit sana sa mga sandaling ito ay matutunan at mapagsama-sama na ang mga dapat gawin lalo na kung magkaroon ulit ng mga ganitong pangyayari.

Naitanong ko tuloy sa sarili ko…Nuong may alitan tayo sa Chinese government tungkol sa Spratlys…talaga kayang, kaya na nating idepensa ang sarili natin sa ibang bansa? eh rubber boats lang eh di natin alam kung saan kukunin? talaga bang kaya na nating tumayo sa ating sarili?

Ang dami nating magagaling sa ating gobyerno…ano ba talaga ang problema? ano pa ba ang kulang? sobra ba talaga tayo sa magagaling at puro salita na lamang? Marami pa bang Muelmar Magallanes na magbubuwis ng buhay?

Bakit ganon lagi na lang hindi miintindihan ng mga nakakaraming tao ang pinaggagawa ng gobyerno? Hindi ba priority ng gobyerno ang kalagayan at buhay ng tao?

Bakit laging may excuses? Ganyan na lang ba tayo na parang bata…na sasabihin ay Sorry?
Sorry daw kasi…Climate Change. Pero ang tanong…handa ba ang gobyerno para gumawa ng aksyon para sa malalaking kalamidad? Ganun na lang ba lagi…bukas o mamya na sisimulan ang rescue…ang daming excuses…eh buhay ang nanganganib…eh bakit nagawa ng isang tao na walang ekspiriensya sa motor boat ang makapagsagip ng buhay sa kasagsagan ng baha?

Pasensiya na kayo kasi inilagay ko lang ang aking sarili dun sa pamilya ng sumulat ng email na ito at mga taong nasa bubong nuon sa Provident.

Nananalangin ako na di na sana maulit ang mga malungkot na pangyayaring ito sa buhay ng mga Filipino.

12 comments on “[TheVillavicencios] The 1st Boat In Provident

  1. darbs says:

    I read but could not react. its just too much. ahhhh! bayan kong sinilangan!

  2. kaisuke says:

    first. hello padaan🙂
    about sa post naman. haays d ako maka react. nakakalungkot.

  3. taribong says:

    Masyadong masaklap ang dinanas/dinaranas ng mga taga-Luzon nitong nagdaang dalawang linggo. Hindi lang Metro Manila at karatig-bayan ang nasalanta. Maraming probinsiya ngayon ang lubog pa rin sa baha. Nakakabahala ang pagkasira ng pananim at kabuhayan…
    Sana maiayos kaagad ang mga ito at sana’y hindi mawalan ng pag-asa at lakas ng loob ang mga kababayan natin… At tiwala sa Diyos…

    • Talagang sobrang lungkot at ang sakit ng mga dinadanas ng ating mga kababayan ngayon…lalo na ang mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.

      Maraming mensahe at aral ang mga pangyayari….nawa’y ito na ang simula ng pagkakaisa ng mga tao at pagbabago sa ating pamahalaan.

      Sa mga ganitong pangyayari…talagang ang pinakamatibay na sandalan ay ang ating Panginoong Diyos.

      Salamat sa pagbisita.

  4. ferdz says:

    Ayan, kitang-kita na ng mga tao kung ano ang mga kapabayaan nila. Unang-una hindi kaya ng gobyerno lahat para maayos ang mga gulo sa bansa natin.
    Kailangan yung pagbabago sa atin din magsimula, karamihan naman sa mga tao kapag may ganitong mga kalamidad, sakuna, disgrasya, namtayan ay nagbabago ang pananaw, nagpapakabait, nagiging santo, nagiging asong ulol sa galit, humahanap ng masisi, nagkakaisa, nagtutulungan.
    Ang kaso pagkatapos ng unos ay papabayaan na lang natin ang mga nangyari, parang asong nabasa lang kailangan lang ipagpag ang tubig na naipon sa mga balahibo, tapos na, kakalimutan na ang mga nangyari. Pumapayag kasi ang mga Pinoy sa ningas kugon ng mga namumuno.
    totoo ang daming magagaling na nahalal sa gobyerno, karamihan pa nga sa mga iyan ay sa mga pinaka-prestihiyosong mga eskwelahan sa bansa o kaya sa ibang bansa pa. Pero wala naman din sila nagagawa, dahil nasa pamilya na nila ang dugo ng magnanakaw.
    Mapagsamantala sa kamangmangan ng nakararami.

    Saan ba papunta ang Pilipinas nating mahal? Papabayaan na lang ba natin na idikta sa atin ng mga namumuno sa bansa ang ating bukas?

    Isa pang problema sa lipunan ay ang pagkawatak-watak ng mga middle class sa bansa. Walang gaanong pakialam ang nakararami dahil abal sila sa paghahanap buhay. Ganun kasi tayo kapag hindi tayo ang apektado wala tayong pakialam. nakakatawa na lang, talaga ang mga nangyayari.

    Ulit, hindi lang ang gobyerno ang may problema. Tayo rin mga Pilipino.

    • Talagang sakit na yata sa atin Ferdie na pagkatapos ng unos ay bumabalik na sa dating gawi…tama ka.

      Ang alam ko sa bansa natin ay napakakaganda ng mga batas. Mga magagaling na tao nung araw ang sumusog nito at kung naging maayos tayo nung araw ay yun nga katanungan…bakit ganito ang nangyayari sa atin ngayon??

      Tama ka Ferdie mukhang naiiligaw at yun na nga nalilibang sa maling dikta ang mga tao sa atin.

      Marami talagang pinanggagalingan ang ating problema…parang maliit na sugat lang dati ngunit ngayon isang malubhang karamdaman na.

      Sana masimulan na ang unti-unting paggagamot ng ating bansa…sana lang abutan ng ating mga apo ang kaayusan at katiwasayan sa bansang Pilipinas.

  5. kaye says:

    habang kumakain ako kanina, pinagmumuni-munian ko yung mga nakalagay dito… naisip ko, tama din ang sinabi ni ferdz, isang part lang ng problema ang ating gobyerno. ang mas malaking problema ay ang mismong mga nakatira sa pilipinas, walang iba kundi ang mga pilipino.

    alam na nga nating napakahirap ng buhay pero wala tayong disiplina dito sa sariling bayan. ang mga “mahihirap” pag sinaway, magagalit at sasabihing mahirap lang sila kaya dapat maawa sa kanila. kaya kahit na patuloy din sila sa pagkakalat, pag-squat, at kung anu ano pa, walang magawa ang kahit na sino. in fact, the dirty politicians of this country are doing nothing but perpetuating the idea that they are the answer to poverty. dapat gumising na tayo. wala sa mga pulitikong yan ang pagahon sa kahirapan, kundi nasa sarili natin.

    naghahalal tayo ng mga di karapat-dapat na tao. kung nandaya si gma, at nasadlak tayo sa kahirapan, ano nga kaya ang buhay natin kay fpj o bago ito, kay erap? wala din siguradong magandang nangyari. parepareho naman yang mga yan.

    ang mga maykaya sa buhay, nagbabayad nga ng buwis (yung iba pa nga, hindi eh) at nagpapatakbo ng ekonomiya, pero hanggang dun na lang ba? pano na ang sinasabing “We are our brother’s keeper?”

    walang gustong umako ng responsibilidad sa lahat ng pagkakamali, samantalang tayo naman ay pilipino and at one point or another ay tumira sa pilipinas.

    pano kaya kung instead na magsisihan, magtulungan na lang. kasi sa totoo lang, ano bang mapapala natin sa karereklamo natin kung wala naman tayong ihahaing solusyon na talagang gagampanan natin? sabi ko nga, wala naman sa ibang tao ang solusyon kundi nasa pagsisikap nating lahat. at siguro rin, sa pagsasapuso na tayo ay may pananagutan sa ating kapwa.

    nalungkot lang talaga ako sa istorya sa taas. kasi kung di personal na pangyayari yan sa kanila, would she have cared at all? kaya lang nagagalit ang marami kasi sila mismo ang naapektuhan. nasaktan, nagawan ng di maganda. pero kung di nangyari sa kanila, again, would she have cared at all? would she have reacted as strongly as she did here?

    nagtatanong lang po.

    • Salamat sa pagmuni-muni mo Kaye.

      101% ay kasama mo ako sa sinabi mo:

      ——malaking problema ay ang mismong mga nakatira sa pilipinas, walang iba kundi ang mga pilipino.

      ….at tama ka rin na problema din ito ng mga nasa ibang bansa na Pinoy…

      Isa pa rin ako na laging nangangarap sa tunay na pagbabago ng Pilipinas lalo na nung adyan pa ako sa atin. Akala ko nga nung pagkatapos ng Panahong Marcos ay yun na ang simula ng pagbabago..pero parang isang hakbang paabante…dalawang hakbang pabalik pa rin yata.

      —–nalungkot lang talaga….would she have cared at all? would she have reacted as strongly as she did here?

      Mahirap talagang magsalita para sa mga ugali at nararamdaman ng iba kung bakit ganito na nga ba ang nangyayari….
      —-dahil nga ba sa kahirapan?
      —-dahil nga ba sa pagkakamali sa mga ibinoto?
      —-dahil nga ba sa mga pansariling interes?
      —-dahil ba sila ay isang masunuring tax payer?
      —-dahil sumusunod ba sila sa lahat ng inuutos ng gobyerno at batas?
      —-dahil ba mataas ang paniwala nila sa katatatagan ng gobyerno at namumuno?

      Marami talagang katanungan.

      At maaari naman na marami rin nagagawang mabuti ang pamahalaan/namumuno at isa lamang ang istoryang di maganda ang nangyari.

      Pero andito na tayo sa pangkasalukuyan at ito na talaga ang pagkakataon na magtulungan sa tunay na pagbabago ng lahat at matigil na ang pagsisisihan.

      Para bigyan ko ng halaga na may pag-asa pa talaga ang tunay na pagbabago ng lahat.

      Dahil nakita ko sa Marikina kung paano ginawa at pinasunod at sumunod ang mga tao dito para maging maayos ang kanilang lungsod. Sabi ko nga nung andyan pa ako na very ideal itong lugar ng Marikina…sabi ko nga parang nasa abroad ang palakad ng pamahalaan at nakinabang sa kalinisan at kaayusan ang mga tao. Nakita nila na kaya pala nilang sumunod lalo na kung nangunguna ang namamahala sa kaayusan ng lahat.

      Kung nagagawa ng Marikina(Cebu, Davao, Palawan….) ang kaayusan at nagagawa ng mga tao na sumunod dito ay bakit ito di magawa sa ibang lugar? sa pangkalahatan?

      Isa na namang tanong ito?

      Naniniwala ako na may pag-asa pa at tama ka Kaye na nasa taong Filipino ang ikakaayos ng ating bansa….kahit nasaan man ang isang Filipino…tulong-tulong

      —–“We are our brother’s keeper”

      Ingat lagi diyan sa atin & God Bless!

      PS..Pasensiya ka na at talagang nadala ako ng aking emosyon dun sa pamilyang naapektuhan at kanilang ekspiriensya sa bagyong Ondoy.

  6. sa kasagsagan ng bagyo ay tumawag din po ako sa mga frends ko sa marikina, lalong lalo na yung mga taga-industrial valley, kapitbahay ng provident…

    ung family friend ko,okey naman sila, di inabot ng tubig…pero 5 streets away, waist-deep ang tubig…

    • Mabuti naman pala at ok ang friend ninyo nuon Father. Nung andyan pa ako sa atin ay laging nasa news ang Provident Village lalo na kung may pag-baha. Talaga lang naging kakaiba ang bagyong ondoy…akala ng mga tao na isang pangkaraniwang baha lang ito. Pero yun nga maraming lessons at mensahe ang bagyong ito para mapag-aralan at matutunan para di na maulit lalo na dun sa mga mababang lugar.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s