The Story of Stuff

The Story of Stuff with Annie Leonard.

Nadaanan ko itong website na ‘The Story of Stuff’ at medyo dahil baguhan ako sa mga ganitong tema ay medyo gusto ko ring i-share sa inyo. Medyo nga lang kailangang ng 20 minutos ng inyong oras para mapanood ang bidyo.

Naito naman ang sabi ng Wikipedia:

The Story of Stuff is a polemical animated documentary about the life-cycle of material goods.

Activist Annie Leonard wrote and narrated the film. Tides Foundation, The Funders Workgroup for Sustainable Production and Consumption, Free Range Studios and other foundations funded the film. Free Range Studios produced it. It was first launched online on December 4, 2007.

The documentary is being used in elementary schools, arts programs, and post-graduate economics classes as well as places of worship and corporate sustainability trainings. By February 2009, it had been seen in 228 countries and territories. According to the hosting site as of September 2009, it already had more than 7 million views.

Maaring magiging iba-iba ang maging reaksiyon sa mensahe ng ‘The Story of Stuff’ pero sa akin lang puwedeng itong maging batayan ng kung ano ang makakabuti sa malakihang estado ng ating kapaligiran. At sa kung paano tayo magkakaroon ng kaalaman sa kung ano ba ang puwede nating gawain sa sariling buhay para mabawasan ang masamang epekto sa ating kapaligiran at magkaroon ng kaligayahan sa sinasabing ‘what matters most in life’.

May malalim din siyang mensahe sa tema ng materyalismo at sa pagiging konsumer ng mga tao sa Amerika na sabi niya ay naging epekto na matinding advertising gimik sa mga napapanood sa mga TV.

Naito ang bidyo.

At sinabi din ito sa sa Website:

Each of us can promote sustainability and justice at multiple levels: as an individual, as a teacher or parent, a community member, a national citizen, and as a global citizen. As Annie says in the film, “the good thing about such an all pervasive problem is that there are so many points of intervention.” That means that there are lots and lots of places to plug in, to get involved, and to make a difference. There is no single simple thing to do, because the set of problems we’re addressing just isn’t simple. But everyone can make a difference, but the bigger your action the bigger the difference you’ll make. Here are some ideas:

10 Little and Big Things You Can Do

Everyone can make a difference.

4 comments on “The Story of Stuff

  1. Alkapon says:

    Base.

    Hindi ko maplay yung video.. mabagal kasi ang connection ko ngayon.

    Pero ayos ang post mo na ito lolo, informative.

    • Haha…talagang lagi kang beys Al…isang tabletang V para sa iyo…hehe.

      Malawak ang mensahe nito…pero tama ka kung pinapa-lecture nila ito sa mga iskuls sa US…malamang talagang maraming matutunan dito.

      Tingin ko talagang kailangan ng ‘awareness’ sa mga pangkasalukuyang nangyayari sa paligid at sa mga tao.

      Medyo kailangan yata na mag muni-muni ng mga tao sa mga aspeto na ito kasi naapektuhan na ring malaki ang environment at kung ano ba ang kailangan baguhin sa buhay ng tao lalo na sa mga pagiging materyal at sa pagbili ng mga bagay-bagay.

      Sa idad kong ito ay talagang nakita ko kung paano pina-iikot ng ‘advertising’ ang buhay ng tao. Kung paano nagagawa na pihitin ang isipan ng tao para bumili ng bumili ang tao ng mga bagay-bagay para iligaw na ito ang tunay na kaligayahan sa buhay ng tao.

      Sabi ko nga sana simple na lang ang buhay. Nung araw kasi(40 years ago) ay nagsasaka ako sa bukid paminsan-minsan at nakikita ang mga bahay-kubo duon. Tingin ko ayos naman ang pamilya na nakatira duon kasi…may bahay sila…malinis ang hangin…may tahimik na kapaligiran…may trabaho sila bilang magsasaka..may gulayan sila sa paligid ng bahay…may tubig(poso)…nag-aaral ang mga anak nila sa public iskul…walang koryente…pero may transistor na tumutunog(sa baterya)…yung basic na kailangan ng buhay ay mayron sila….at ang importante ay nakikita ko na masaya sila bilang pamilya…malawak ang laruan nila sa bikid kasama ang mga ibang tao duon.

      Maaring iba-iba ang mga pangarap ng mga tao pero sana ay di mawala ang importante sa buhay…ang kaligayahan sa piling ng mga mahal sa buhay…sana hindi maagaw ang oras ng mga di masyado kailangan sa buhay ang oras na dapat ay inuukol sa pamilya.

      Marami talagang choices ang tao para sa tunay na kaligayahan at sana nga makita ito hindi sa mga temporary at materyal na bagay.

      Naalala ko tuloy itong kantang ‘People Make the world go round’ by MJ

      Salamat Al sa pagbisita.

  2. darbs says:

    Superlo! Just in time ung dalaw mo. pagkatapos kong mapanuod itong youtube mo, haharbatin ko ito at ilagay ko doon sa isang blog entry na parang related sa pinag-uusapang kapitalismo. Heto po ang link sa nasabing entry.

    http://exodians.wordpress.com/2009/05/08/defend-capitalism-to-live-and-survive-in-a-society/

    Salamat na naman po uli sa pagdalaw.

    Kakaway-kaway.

    • Kaway-kaway din sa iyo Darbs. Ok lang mukhang maganda naman ang banat ni Annie Leonard tungkol sa kapitalismo.

      Malalim ang usapan ninyo dun ni Vincent pero masarap pag-aralan.

      Nagustuhan ko ang simpleng paliwanag ni Annie Leonard at pinagmumuni-munihan ko pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s