Only in the Philippines

Palagay ko isa talaga ito sa ‘Only in the Philippines’.

Buong orkestra ang tumutugtog at pang-Disco pa.

Kayo na po ang mag-obserba kung anong okasyon ito. Birthdeyan,  Binyagan, Diskuhan, Piyestahan….?

Sikat ang mga kanta ng VST & Company kaya kitang-kita na ang mga kanta nila ay walang kamatayan.

Tunay na hanggang kamatayan.

22 comments on “Only in the Philippines

  1. Alkapon says:

    Base! muli… naku marami ka ng utang na viagra LOLO..he he he

    nood muna..

  2. Alkapon says:

    ha ha ha.. walastik.. orchestra ito ng nakaburol..ha ha ha

    Meron din ganyan sa LOLO ko nung araw sa probinsiya, from the last night hanngang kinabukasan paghatid sa huling hantungan.. parang may farewell party.. he he he

    pero tama ka lolo.. onli in the philippines.

    kaya lang bakit pang disco yung tugtog nila?

    • Fan kasi ako ng tugtog ng VST & Co….kaya nung nakita ko ito akala ko practice lang…tama ka full band…orkestra…pero nung umikot na yung bidyo…ayun mayrong attendance sheet sa pagpasok…aha may ded sa loob.

      Mukhang ganito na nga yata ang uso sa atin…parang entertainment sa naglalamay…para di antukin…yung nakikita ko naman sa amin ay may gitarista at singer lang…todo kanta lang habang naglalamay ang mga tao.

      Talagang yatang masasayahin ang mga tao sa Pilipinas…na kahit sa huling sandali ay kailangan ay masaya or naging enterprising sa business talaga ang mga Pinoy…biro mo may kumikita pa na mga tao na kung dati ay puro sugalan at inuman lang.

      —“kaya lang bakit pang disco yung tugtog nila?”

      Haha…ang pumasok sa isip ko maaring bata pa yung nakaburol at puwede ring fan siya ng mga tugtog ng VST& Co….kasi ang alam ko nung araw ang tugtog ay malulungkot…na ang tawag ng mga matatanda ay kunebre(di ko rin alam ang meaning…hehe) or talagang iba na ang panahon…pampaalis siguro iyan ng lungkot ang diskong tugtog.

      Dahil fan ako ng VST & Co….kapag time ko na..okay lang sa akin yung tugtog nila…approve! At palagay ko yung a-attend sa lamay ay sasayaw at kakanta pa…hehe

      Happy Ending ika nga…onli in the Philippines!

      Salamat Al sa pagbisita.

    • darbs says:

      Yun din ang tanong ko. Bat nga ba disco ang tugtog. Akoy fan din ng VST and Co pero hindi ata appropriate ung tugtog unless nagbago ang anyo sa ating pagtingin kung papaano tayo namaalam sa ded.

      Ang sa isip ko at least Ave Maria siguro, O di kaya Lettermen na mga tugtugin o at least slow jazz or slow rock kaya pero un nga diskohan? heheheh.

      Well, as you said Super Lo. Onli in da pilipins.

      • Hayy Darbs nag-iiba na yata ang meaning ng paglalamay sa atin. Eh kung may nage-emot dun sa loob malamang mawawala at magsu-swing na lang o iindak sa himig ng VST…hehe.

        Mahirap talagang ipaliwanag kung anong trip ng may bahay….puwede na sa akin ang slow jazz….or videoke ang ilagay nila eh mga kanta ni basil valdez sana…hehe.

        Teka pangunahan na kita kasi napadaan na ako kanina sa bahay mo at makiki YEHEY na rin ako sa pag passed ng Health Care REform Bill! Yehey ulit!

      • darbs says:

        SuperLo. mukhang bulelyaso pa ata ang health care reform. nakalimutan ko pala na dadaan pa pala ang bill sa senate bago mapunta sa desk of the president para mapirmahan. sori about that.

      • Masaya na rin ako dun sa pagpasa sa kongreso…at least umusad na siya papunta sa Senado. Siguro naman di sasayangin ng Senado ang magandang pinag-usapan sa Kongreso…hopefully may Yehey pa rin tayo sa bandang huli…Yehey!!

  3. ELIment says:

    maganda ang tugtuging pinoy. gustong gusto ko rin pong pakinggan ang mga kanta ng VST..masaya kase

    • Oo Eli..ang idad ko kasi ay talagang sa panahon ng OPM. Yang tugtog ng VST ay lagi ng part ng kasayahan ng mga Pinoy kahit na yata sa bagong henerasyon. Pinoy na Pinoy na kasayahan.

      Nung nakita ko itong bidyo na ito…aba talagang masayahin ang Pinoy…kahit anong okasyon ay pasok ang tugtog ng VST…hehe.

      Salamat sa pagbisita Eli.

  4. Alkapon says:

    naisip ko lang…paano kaya kung tinugtog yung “Bayang Magiliw”???

    Hindi kaya titindig yung patay para sumaludo? ha ha ha ha..

    • Haha ikaw talaga Al…teka minsan ganyan din ako nalilito sa ating pambansang awit…pero itama ko na ha kasi baka may magbasang titser ko dito eh…’Lupang Hinirang’ siguro ang ibig mong sabihin.

      Malamang kung madalas sa sinehan ang nakaburol ay…awtomatik tatayo siya…hehe.

      Ibig sabihin dun sa VST ay umiindak-indak siya sa loob…hehe.

      Dito naka-attend na ako ng mga burol…pero very solemn…ang tawag nila viewing. Oras lang…walang sugal…walang inom…walang banda.

      Salamat Al sa pagdaan ulit.

  5. kaye says:

    sorry na, tay at di ko ma-view ang video dito sa office. you tube po ba yan? blocked yan dito sa office eh.😦

    pero masaya nga ang VST songs. at lalong masaya pag orchestra ang tumutugtog.

    hahaha! nabasa ko lang na burol pala ang tinutugtugan. astig! VST!😀

    • Medyo ako man Kaye nung naghahanap ng bidyo ay nabigla sa orkestra na ito…okay ang tugtog nila…panahon ko kasi sila nung kasikatan ng OPM…masaya..pero nung napansin ko..aba nasa lamayan pala ang tugtugan…hehe.

      Di ba pag lamay sa Pinoy ay solemn kahit papaano…pero iba na yata talaga ngayon.

      Kaya bigla kong naisip..ah ito na ang isa sa mga tayo lang ang mayron…lalo na kung may burol.

      Naisip ko lang aba marami rin ang pakakapehin at pakakainin ng maybahay. Naisip ko lang na baka naman request iyon ng nakaburol sa huling sandali niya…ang huling kasayahan…Pinoy style…hehe.

      Salamat sa pagbisita.

  6. precious says:

    wow..only in the phils nga po yan! prng gusto ko rin 2loy magkakanta ngaun! haha..

    am here agen! manggugulo ulet matapos ang pag-iinarte! whahaha!

    musta n po b?😆

    • Hi Precious…ay buti naman na your back. Kasayahang Pinoy yan…hanggang langit…hehe

      Haha…kanta at sayaw…dahil tapos na ang inarte.

      Mabuting mabuti naman Precious ang iyong Lolo…kaya lang iimbitahin ko lang ang orkestra na iyan sa berdeyan ko…berdeyan lang muna…hehe.

      Salamat sa pagbisita & God Bless!…Tuloy-tuloy na ang ligaya kasi balik ka na!

  7. J.Kulisap says:

    Nagbabago ang ikot ng panahon. Nang mapadpad ako sa menela, aba ibang klase ang mga namatayan, may kantahan..bumibirit..akala mo amateur contest..kulang na lang maglevitate ang patay mula sa kabaong at maki-rock ‘n roll.

    Pero sa probinsya, damang dama mo ang pagkawala ng kaanak..sa pokpok ng martilyo sa madaling araw..aba kilabutan ka na..may natigok…nakakapanglaw.

    ‘yon lang muna SL…yo ma men..hahaha

    • Yes yes Yow JKulisap.
      Yan din ang napansin kow…
      paano nga ba ang dapat na paglalamay??
      masaya o dapat madrama?

      Perow kung akow….
      bahala na ang mga apow…

      Brek it down(yan ang rap kow)

      Oo nga yung pokpok ng martilyo at biglang maliwanag dun sa bahay…yun nga ang senyales na may naggudbye.

      Salamat sa pagbisita.

  8. rOvIc says:

    SuperLolo,

    kakaiba talagang burol ang nagaganap dito, sadyang onli in da Pilipins, pero dito sa cavite, ang lamay dito eh bidyoke naman ang uso, parang bidyoke bar lang ang mga lamay dito kaya hataw sa birit ang mga nakikiramay, tradisyon na hanggang ngayon e hindi ko makasanayan, pero anong magagawa natin, sunod na lang sa uso.. hehehe

    onli in da pilipins!

    • Maraming salamat sa pagbisita Rovic.

      Haha nakakatuwa naman ang sabi mo parang ‘videoke bar’ lang ang mga lamay. Nakita ko rin ang pagpasok ng mga ganito nung early 2000.
      Pero ako siguro gusto ko yung solemn lang, kasi para naman sa pamilyang nagluluksa ay mabigyan ng maayos na pagmuni-muni.

      Tingin ko naging ‘add-ons’ ito sa atin parang bisnes na rin. Add-ons parang sa programs sa mga computer. Na ayun nga naging uso…
      eh naki-uso na rin lahat.

      Salamat sa pagbisita Rovic. Inadd pala kita sa blogroll ko para mabisita rin kita.

      God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s