Only in the Philippines 2

efren

EFREN PENAFLORIDA

(Please click Efren’s picture or name to VOTE.)

Or use this link to Power Vote! Hataw Na!

 

ang link ng powervote ay http://ironnie.com/supportsefren/

IT will open about ten windows para mas madali ang pagboto… let’s vote for Efren!

Dahil kapag nanunuod ako ng CNN news dito ay lagi kong nakikita ang anunsyo ng botohan sa CNN Heroes 2009 minarapat kong bigyan pa ng puwang ito sapagkat may sampung araw na lang ang natitira para sa botohan. Isang malaking karangalan ito bilang isang Pilipino na mapasama sa CNN Heroes 2009.

Marami na ang sumulat sa kanilang blog para sa isang karangalan mapasama ang isang Pilipino na si Efren Penaflorida at para iboto siya. Nakikiusap din ako na patuloy pa tayong bumoto at sabihin sa iba na hanggang sa Nobyembre 19, 2009 pa ito.

Minsan kasi ang Pinoy mahilig sa last two minutes para bumoto kaya ito ay isang paalala.

Isang ‘only in the Philippines’ na katangian itong ginawa ng grupo ni Efren bilang Pilipino…patuloy pa nating suportahan sila sa pamamagitan ng pagboto(walang ‘limit’ na pagboto hanggang Nov. 19, 2009).

Naito ang isang bidyo tungkol kay Efren Penaflorida at kanyang grupo:

Maraming Salamat!

– – – – – – – – – – – – – – – – –

Kaye salamat for this link information.

eto, pwede tayong mag-power vote kay Efren, thanks to Anino (http://casualthots.wordpress.com/)

ang link ng powervote ay http://ironnie.com/supportsefren/

IT will open about ten windows para mas madali ang pagboto… let’s vote for Efren!

28 comments on “Only in the Philippines 2

  1. Alkapon says:

    base mulit… kelan ko makukuha ang premyo ko?

    naka post na rin sa side bar ko si efren pra akayin ang ang bawat pilipino upang siya ay iboto bilang CNN hero.

    humanga kasi ako kay efren, at tama ka lolo, ngayon ko nga lang nalaman ang ganitong klase ng advocacy ng isang tao.. ke efren ko lang nakita.. onli in da pilipins.

    • Naku talaga yatang mababaon ako sa iyo Al…hehe

      Oo ang galing ni Efren at grupo niya para gayahin ng mga bagong kabataan ng bansa. pagkakataon na para naman makilala ang isang Pilipino sa kabutihan at di na lang puro sa ‘corruption’.

      Pasensiya ka na di ko nakapagkomento dun sa beetle mo…nanginig kasi ang tuhod ko at mga daliri ko. Babalik na lang ako kapag may panty na yung volks mo Al.

  2. eli says:

    sa totoo lang po hangang hanga ako kay efren. kakaiba ang paraan niya ng pagtulong…pagtulong para maipaabot ang edukasyon sa mga batang musmos. ang tulong na hindi nawawala. galing nya! nag-vote na ako! yeheh! mabuhay ang pinoy!

    • Yung kanyang pamamaraan ay talagang napakalaking sakripisyo Eli. Isang pamamaraan na na sa kabila ng kanilang kabataan at kawalang financial na budget ay nagawa nilang maabot ang mga nangangailangan lalo na sa edukasyon. Ito na nga yung salitang ‘Making A Difference in Life’ na kanilang isinabuhay.

      Salamat Eli sa pagbisita at Mabuhay ang Pinoy!

  3. Nortehanon says:

    Tama si, Eli, mabuhay ang Pinoy! Ito ang dapat na ginagawa ng mga kabataan sa ngayon, ang magbigay ng oras para sa iba sa halip na mag-cut ng classes at tumambay lang sa mga mall.

    • Ay natumbok mo Miss N…”imbis na tumambay lang sa mga Mall”…ang mga kabataan ay magkaroon din ng attitude na ‘Making A Difference’ sa kanilang buhay. Sana nga maging patuloy na mitsa ng pagtulong si Efren at ang grupo niya para gayahin ng ibang kabataan.

      Alam ko ikaw Miss N ay nasa parehong adhikain din ng Katulad kay Efren…ang tumulong sa mga kabataan.

      Mabuhay ang lahat ng may mga Adhikain na tumulong para sa mga kabataan…katulad ninyo!

  4. taribong says:

    Isinama ko na po si Efren sa aking mga binoboto, siya sa CNN Heroes 2009 at sina topexpress, bonistation at flamindevil sa PEBA hehehehhe.

    Naipila na po, paulit-ulit pa…. Ayos po ba? Muzta na po??

    • Ay Salamat Taribong sa hataw na pagboto…talagang isang pagkakataon ito na di dapat palampasin para sa ibinoboto at bumoboto.

      At tama ka ganun din sa mga kaibigan natin na mga kandidato sa PEBA…todo suporta din.

      Mabuti naman Taribong dito, medyo nasa panahon na kami na pumapasok na ang lamig, pero wala naman kaming yelo kaya ok lang…magkita uli tayo mamya sa palarong ‘beys’.

      Salamat sa pangangamusta & pagbisita.

  5. darbs says:

    Superlo tenk you po sa suporta doon sa ating hero. Tanong lang po lo bat hindi mo na lang ginawang direct ung link doon sa ballot box.

    Example ay ito:
    http://heroes.cnn.com/confirmvote.aspx?id=06&lang=1

    Just asking lo. Mag caroling din pala ako dito sa bahay mo superlo.

    “Caroling Days! Only in the Pilipins!”

    Ang tutugtugin ko po ay ang “O little Town of Bethlehem”

    Tenk you… tenk you… tenk you…Merry X-mas!

    • Unang-una…clap…clap…clap at salamat Darbs sa pag-caroling…klasik na klasik ulit ang dating ng iyong tipa sa pamaskong kanta na iyan…request lang sa susunod ay yung full version na…hehe…Maligayang Pasko in advance…paskong Pinoy ang aga talaga ‘only in the Pinas’…hayy nakaka-miss…2nd Pasko ko na dito.

      At maraming salamat ulit sa iyong suggestion sa link sa pagboto…hehe pasensya ka na kasi nung ginagawa ko yan eh sarado pa iyong isa kong mata…may mga muta pa…hehe at pagmamabilis ko makabalik sa higaan ay dumaplis ang aking link(…nakatamaran at tuloy nakalimutan ko nang baguhin)…ayan ayos na…hataw tayo sa pagboto.

      Yung paggamit ng ‘img src’ na iyong tip sa komento ay nagamit ko na rin…ayos.

      Maligayang Pasko sa iyo Darbs at sa iyong Family!

      • darbs says:

        tenk you sa palakpak and sa maligayang pasko.

        hindi ko kakayanin ang full version lo. hanggang one minute and nine seconds lang ang kayang ma hold ang breath. maybe koting praktis pa baka nga.

        napadaa ulit lo.

      • Ang susunod na sa pagtugtog mo ay ang sa harap na ng audience…dyan talaga masusubukan para mawala ang kabog ng dibdib. Parang na-enganyo mo ako gumawa ng aking maikling pang-karoling…susubukan ko nga…hehe.

        Maligayang Pasko!

  6. Nakaboto na po!

    Matagal ko na po siyang kilala (ako lang nakakakilala sa kanya, hindi niya ako kilala, pero friends kami sa Facebook… Hahaha!), noon pang napasama siya sa Gawad Geny Lopez – Bayaning Pilipino Award…🙂

    Kakaiba ang ginawa ni Efren at ng mga volunteers na tumulong sa kanya… Isa ito sa mga patunay na may pag-asa ang Pilipinas…🙂

    • Ay Salamat Mark sa pagbisita at sa pagboto sa pambato natin….todo hataw tayo talaga…isang karangalan talaga ito bilang isang Pinoy…isang napakaganda at kapuri-puring katangian ng Pinoy…ang pagtulong ng mula sa puso.

      At sakto ang sabi mo may pag-asa pa talaga ang Pilipinas hanggat may mga katulad pa ni Efren at grupo niya. At alam ko marami talagang mga tao at NGOs na aktibo sa pagtulong sa mga mahihirap.

      Ngayon taon na ito ko lang nabasa sa isang dyaryo ang pangalan ni Efren at talaga palang matagal na siya sa kanyang napakagandang misyon na yan.

      Salamat ulit Mark.

    • thanks for this info mark…kasama pala siya sa geny lopez bpa…

  7. kaye says:

    Hi, Tay!

    eto, pwede tayong mag-power vote kay Efren, thanks to Anino (http://casualthots.wordpress.com/)

    ang link ng powervote ay http://ironnie.com/supportsefren/

    IT will open about ten windows para mas madali ang pagboto… let’s vote for Efren!

  8. kaye says:

    hmmm… Tay. please check your spam folder kasi yung unang comment ko, may mga links akong nilagay for Efren’s powervoting at mukang sinala siya. Pakiapprove na lang po.🙂

    boto pa tayo ng marami for efren!

  9. pinkdiaries says:

    wow! galing talaga ng pinoy!! boboto din po ako!!🙂

  10. taribong says:

    Woohoo congrats sa atin, panalo ang pinoy!!!

    Filipino declared “Hero of the Year” by CNN
    By Alexander Villafania
    INQUIRER.net First Posted 16:53:00 11/22/2009

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s