Only in the Philippines #3

Kapansin-pansin ang malikhaing isip ng mga Pinoy at isa na rito ang paggamit ng riles kapag wala ang tren.

Naisipan ng mga Pinoy na nakatira sa malapit sa riles na gumamit ng padyak  sa riles o ‘trolley’.

Dahil madalang lang naman ang biyahe ng tren kaya ayun ginagamit ang ‘trolley’ ng mga nakatira duon na isang ‘means of transportation’.

Only in the Philippines!

– – – – – – – – – – – – – – – – – — – – – — – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

PASASALAMAT PO ITONG BIDYO NA ITO  SA INYONG LAHAT NA NAKILALA KO DITO SA BLOGOSPERYO…SA MGA LAGING BUMIBISITA NA DI KO PA NAKIKILALA AT SA MGA MAKIKILALA PA.

Pink Diaries…kasama na. Painumin Mo ko(di ko ma-copy site..virus daw?)

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!


21 comments on “Only in the Philippines #3

  1. Alkapon says:

    wwwooooooo! Baon ka na sa utang sa akin Lolo, ako na naman ang Base… wwwoooooooooot.

    D2 sa Malabon, lalo na sa may bandang Sangandaan malapit sa U.E. before post office, yan ang pinagkakakitaan ng mga tao dun.. Trolley ang tawag dyan eh, madalas din ako sumasakay nung araw ng ganyan lalo nung nag-aaral pa ako sa U.E.. kaya lang me bad experience ako sa trolley, muntik kami nadali ng tren, eksaktong sa pagitan na kami ng buhol-buhol na eskwater house, hindi malaman ng may-ari kung saan nya isasalaksal yung trolley, pati kami halos maipit na.

    buti na lang nanonood ako ng sine, kaya alam kong gayahin ang tumambling para maka iwas.. he he he

    • Naiisip ko na mag-beys ka ulit Al…kaya naisip ko na baka puwedeng ibayad ko na sa iyo ang points ko kay Fr. Fiel…hehe…baon na ako sa iyo dito.

      Napatira din ako sa malapit sa mga Home along the Riles sa SAmpaloc at nakikita ko kung gaano kaeksakto na lang ang dinadaanan ng tren.

      Buti na lang pala at may pagka Ninja ka at kung hindi walang magpapasaya sa aming tambayan.

      Ibang klase talaga ‘only in the Pinas’ ang mga ganito. Medyo umaayos na sa ngayon ang sitwasyon sa PNR pero sana tuloy-tuloy na. Napapanood ko sa balita na naalis na ang maraming ‘informal settlers’ sa mga gilid ng riles.

      Pero kakaiba pa rin yung mga bago nating tren…’Only in the Pinas’ pa rin. Kung mapapansin mo sa ibang youtube videos mayroong chicken wire ang lahat ng salamin ng tren…ibig sabihin lang pasaway pa rin ang mga ilang Pinoy..at ang mga ito ay ang mga walang magawang nambabato ng tren lalo na sa gabi…hayyy buhay.

      Medyo may pagka-delikado ang trolley…pero ganyan yata ang buhay ng Pinoy…minsan walang magagawa dahil may pakinabang naman kahit papaano sa buhay ng Pinoy.

      Naito ang isang bidyo na ginawa nung April 2009. Sana lang maresolba na ang mga problema at patuloy na umasenso ang ating Railway System.

      Salamat Al sa pagbisita.

  2. exodians says:

    Sa unang Youtube vid, makikitang may inis-yatib talaga ang mga tao sa pag-gamit ng resources.

    Syempre hindi naman bising ginagamit ang riles why not? Pero sa NY Lo hindi puedi dahil dumadaan ang train every 5-10 minutes. bising-bisi talaga.

    Second vid…nakakawow, may bagong train na dumating! of course not much, dahil according sa report kinapos ang budget. Sa kadahilanang KINURAKOT NA NAMAN SIGURO… AYYYAYAYAY! Anak ng… wala na talagang katapusang kurakutan ang lupang tinubuan. haiz…

    Pero kahit ganoon pa man, ma-appreciate mo pa rin ang pakonti konting nagawa lang at least meron, kay sa walang wala talaga.

    • Ok naman nakarating ang iyong ibon Darbs.

      Katulad ni Alkapon…matagal ko nang nakikita ang mga trolley na iyan nung 80’s pa. Konting kahoy at konting bearing…ayun may sasakyan na…wala pang pollution.

      At least tama ka…nakausad tayo ng konti…Nung araw akala ko wala ng pag-asang maalis ang mga tao sa riles…nung nakatira ako sa malapit dun 80’s pa, pinag-uusapan na ang rehabilatation ng PNR…ayun after 20+ yirs…umusad din. Sana lang tuloy-tuloy na.

      Yun na nga malamang ang pupuntahan ng mga magandang project sa atin ang maubusan ng budget at mapabayaan na naman. Si Juan Dela Cruz naman ang laging kawawa kasi ang mga pulitiko at mga taga Malakanyang ay malamang di naman sumasakay ng tren.

  3. darbs says:

    Opps, nakalimutan kong ibon pala ung ginamit na account nag mag-iwan ng comment. .. okey lang naman sigurong lilipad din ang ibon paminsan-minsan. si darbs pala ang nag-iwan ng comment na yan SuperLo – – kung sakaling ma-question ang authenticity.

  4. darbs says:

    SuperLolo, baka akala nyu nakalimutan kong banggitin ung gawa ni fisherman na youtube tribute sa mga kablag. Special kasi yan kaya espesyal mention din.

    Sa totoo lang nag-plano din akong gumawa ng ganyan. naunahan mo lang ako. heheheh.

    ito ung mga iilang images na naumpisahan kong gawin. Hoping the img src = image ay mag work if not then… doon ko na lang ipaskil sa blog ko. Salamat ulit sa iyong youtube lo.

    • Walang anuman Darbs. Akala ko kasi maantay ko pa yung 6 months ko dito sa blogosperyo ko. Di na nakatiis kaya feel ko na ang pasasalamat…di ko akalain na marami na akong nakilala dito at maraming bumabalik-balik at sumusilip-silip. At alam ko nakilala ako dahil sa mga katulad mo at sa ibang marami ding kaibigan at napansin ang aking blag. Di ko akalain na sa loob ng 4 months ay aabot sa ganong karami ang nagpapabalik-balik dito… May mga kilala at di pa kilala.

      Teka di gumana dito yung images punta ako sa blag mo.

      • darbs says:

        Hindi nga gumana ung img src=image. sa ngayon ang ipinaskil ko muna ung youtube lo. ipasok ko na lang ang images na sinabi ko in next few hours. napa-bisi kasi.

  5. wow! andoon ako!!! maraming salamat po at isinama nyo po ako. natutuwa po ako sa ating mga kakulitan kasama sina kaye, taribong, tope at iba pa…

    • Kayo po Father talaga ang isang Nagpalawak ng aking mundo dito sa blogosperyo. Super salamat po from superlolo.

      At iyong kasayahan ay kayo po ang nanguna kaya po successful at masaya kaming lahat.

      Simpleng Paramdam ko po ito ng pasasalamat sa inyong lahat.

  6. wahahahhahaha nakasakay na ako ng padyak na yan malapit sa smokey mountain. lol.

  7. pinkdiaries says:

    hello po, musta napo kayu lolo?! ingat po!!

    • Hello Ms PD…Mabuti naman ang Lolo…Naku pasensiya ka na dahil sa pagmamabilis ko ng gawain ang bidyo ng pasasalamat…kasama ka rin sa pasasalamatan ko siyempre…nakasama yung file mo na di ko napansin na di pala naisama sa bidyo…talagang uulitin ko pa ito at promis kasama ka na…naku ikaw pa naman ang isa sa mga suki ko sa bahay ko. Hamo at ire-revise ko na itong bidyo bukas. Sorry Ms PD at pagkagawa ko padadalhan kaagad kita ng update.

      PS..Inulit-ulit ko nawala nga yung file mo…alpabetikal nga yung gawa ko pero…charge to old age na lang po..hehe.

      Salamat sa pagbisita at salamat ulit sa smile mong bago.

    • Naku Ms PD…na-edit ko na…nahihiya kasi ako…eto ayos na. Nasa 2:19 ang Pink Diaries.

      Maraming salamat po!

  8. topexpress says:

    wow! how touching, how goldilocks!

    MARAMING MARAMING SALAMAT PO superlolo!

    mula sa mga kablogger natin sa wordpress, maraming salamat po!

  9. darbs says:

    Mukhang napabisi ata si SuperLolo sa kanyang bagong hobbing pang youtube. May bagong version na-naman na pasasalamat version 1.0.1 na. yeheeey! thanks lo!

    • Haha…Kasi kaibigang Darbs…yung kung sino pa yung suki ko nung nagsisimula ako ay nakalimutan ko na isama(charge to old age na lang) kaya inihabol ko. Kaya nagkaroon ng 2nd version…inihabol ko yung kay Ms Pink Diaries.

      Walang anuman ulit.

  10. […] Sa walay pabor-pabor, bloggerJorge, Kaye, Lhen8, Mr. Nonsense, PinkD, PartofYou, DareToSpeak, Superlolongpinoy, FVDB, Winkie’s […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s