Only in the Philippines #4

Teka medyo matatapos na ang series ko ng ‘Only in the Philippines’.  Di ko lang matiis itong isang bidyo na ito kasi marami kayong makikita na ‘Only in the Philippines’. Siguro po lampas ng tatlo ang sitwasyon sa bidyo na talagang kakaiba talaga.

Marami ba kayong nakitang kakaiba?

– – – – – – – — – – – – – – – – – – – – – – –

Muli ang aking Pasasalamat sa inyong lahat!

11 comments on “Only in the Philippines #4

  1. Parang di ko rin maisip Father kung anong mangyayari sa masasagasaan o mababangga niyan…hayy buhay…hehe.

    Ingat po Father at baka andyan bumibiyahe ang forklift na yan.

  2. taribong says:

    Sobra po akong na-touch sa video presentation ninyo (Pasasalamat ni SuperLolo). Tumayo ang balahibo ko lalo na sa dulo kung saan naroroon ang blogsite ko!!! (bumalik din ang aking kabataan dahil naalala ko pa tuloy nung elementary ako, parating namimiss-out ang pangalan ko dahil nasa dulo ang apelyido ko…) Naiiyak tuloy po ako (sa tanda ko rin pong ito hehehe bibihira po ako maluha) lalo na sa tugtugin ni Gary Granada (Buti Na Lang)…..

    Mula po sa kaibuturan ng aking puso, ako po ang siyang nagpapasalamat sa inyo sa inyong mga magagandang patnubay sa katulad ko. Sisikapin ko pong maging mabuti. Saludo po ako sa inyo. Huwag po sana kayong magsasawa sa pagba-blog. Sana dumami pa ang lahi natin.. hehehehe

    • Walang anuman Taribong…di man tayo pisikal na nagkikita ay ramdam ko ang inyong pakikipagkaibigan. Pinagpapasalamat ko ang bawat minuto na ginugugol ninyo para kayo bumasa at magkumento dito sa aking blog. Ginto ang bawat minuto ng bawat buhay pero nagagawa mo at ng ating mga ka-blog na ito ay gamitin para maipadama sa katulad ko ang pakikipagkaibigan sa pamamagitan ng ating usapan dito.

      Tunay ang pasasalamat ko sapagkat…mas madalas pa nga tayong magkakausap kaysa sa aking mga dating kaibigan, dating kaopisina at kamag-anak.

      Salamat talaga at nakilala ko ikaw at mga kaibigan natin dito sa blogosperyo.

      Di ko talaga rin akalain na ganito sa blogosperyo…kala ko talaga…walang makakapansin…katulad ng sabi sa kanta…pero ayun…buti na lang…masaya pala.

      Salamat at Ingat lagi & God Bless!

  3. halos araw araw ko yan nakikita yang forklift na yan noon kasi nakatira kami dati sa isang compound ng isang logging company…

  4. orville says:

    hahaha.. Pilipinas nga naman… astig..

    • Ibang klase talaga Orville….may naglalakad sa gitna ng kalye….may tumatawid….may nagbibisikleta ng pasalungat sa kalye…AT yun fork lift yun ang super super talaga…walang akong basabi rin…hehe

      Salamat sa pagbisita.

  5. joyce says:

    dati po may nakita naman ako, golf car sa calamba hi-way..

    maraming pong salamat….

    dahil sa mga blog nyo, kahit papano ay nababawasan ang pangungulila ko sa isang kaibigan….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s