Pamamaalam Ni Lolo

Buhay pa po ang inyong Lolo…humihinga pa po.

Panandalian pong mamaalam si Lolo dahil po lilipat muna ako ng bahay.

Hindi po bahay sa blogosperyo pero sa isang bahay na matitirhan naming mag-anak.

Dahil nga bagong salta lang kami dito sa bayan ni Ankel Sam. Nagkaroon na kami ng pagkakataon at lakas ng loob para makapagsimula ng aming buhay…ng aking pamilya dito sa pamamagitan ng paglipat sa isang apartment na uupahan namin. Matagal-tagal din kaming naghanap-hanap dahil sa napakarami ring factors ang kailangang ma-satisfy bago kumuha ng isang apartment.

Medyo di katulad dyan sa Pilipinas ang paglipat na kung saan mabilis humatak ng makakatulong sa paghahakot ng gamit…dito ay talagang sariling-sikap…wala kasing istambay sa labas ng bahay na mabilis mayaya…hehe.

Alam ko po na marami na rin akong mga kaibigan na bumibisita dito sa aking blog…at marami na rin akong palagiang nabibisita…pansamantalang humihingi po ako ng paumanhin dahil sa panandalian ko pong pananahimik sa blogosperyo.

Kapag naayos na po lahat…lalo na yung Internet sa bagong lilipatan ay pipilitin ko pong sumilip-silip at bumisita sa inyong bahay.

Muli po isang pasasalamat sa inyong lahat na aking nakilala at makikilala pa dito sa blogosperyo. Naito po muli yung ginawa kong pasasalamat na bidyo nuon. Dahil marami na po ako muling nakilala…hamo ire-revise ko ito at idadagdag ang mga bagong kong nakilala sa bidyo na ito.

Dun sa mga magse-celebrate ng Thanksgiving bukas…Happy Thanksgiving sa inyong lahat!

Kaway-kaway muna sa inyong lahat.

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

 

Teka habang ako ay wala…mag-miryenda muna kayo sa aking karinderia…ayan po ang menu. Sige umorder lang po kayo. Pahabol ito sa ‘Only in the Philippines’.

Ano po ang inyong urdir?

33 comments on “Pamamaalam Ni Lolo

  1. alkapon says:

    umasenso na si lolo, nakabili na ng bagong mansio..

    hindi kaya hidden wealth yung pinambili mo ng mansion mo lolo?

    hindi ka pa yata naka declare ng Statement of assets and liablilities, baka masilipan ka ng butas nyan.. he he he

    • superlolo says:

      Haha…na beys mo naman ako Al…naabutan mo pa ako dito sa dating bahay. Unti-unti na kasi akong naghahakot ng konting gamit.

      Simula kami ulit dito. Kasi dyan sa Pinas ay may sarili na kami. Kaya pagdating dito…nakisama muna sa bahay ng kapatid ko…ayan eto lakas loob na uupa muna kami ng apartment…nakikihiram pa kami ng kotse…siguro magbubuo na lang muna ako ng ‘owner’…’stainless’…or kahit padyak…hehe.

      di naman ako si Mikey A…andun sa may San Francisco yata ang rest house nun…hehe…kami pet’s house lang…hehe kasi maliit lang.

      Begin the begin ulit…hamo next time kuwento ko lahat ang mga ekspirensiya namin sa pagsisimula.

      Salamat Al sa pagbisita…hehe nahabol mo pa ako.

    • Teka Al…na beys mo na naman ako…yung sagot ko na-delay lang(naligaw yata)…salamat Al

  2. darbs says:

    Nagsasarili na si Superlo. Ang galing naman. Ingat lang sa paghakot ng mabibigat na gamit. Nakaka-bali- likod pa naman ang buhatan. HIhintayin po ang pagbablik nyu lo.

    • Haha…Salamat Darbs…Ay oo…super dahan-dahan ang hakot…mahirap na baka mapamahal ang gastos.

      Oo medyo pasilip-silip pa rin ako dito kasi yung mga installation ng phone & Internet sa apartment ay next week pa. Kaya dito pa rin kami muna mag-silip-silip ng computer sa kapatid ko.

      Happy Thaksgiving Darbs!

  3. wow!!!! ganda ng bahay!!! at da best talaga pag nakatira ka sa isang bahay na pag-aari mo na.

    kinabahan ako bigla sa title ng post lolo.

    • Haha..kaya sinalo ko po kaagad…na humihinga pa ako…hehe.

      Teka mukhang mali yata ang sulat ko sa post ko Father…hindi pa po amin Father…mangungupahan pa lang…pero malaking bagay na makapagsarili na kami para masanay na kami kung paano mag-manage ng mga gastusin sa bahay.

      Salamat po sa pagbisita.

      • yahoo!!! nagbalik na po ako after my retreat…

        rent to own po ba yan?

      • Ay mabuti naman po Father at bak to hombeys na kayo. At palagay ko ay may kagaanan na ang inyong sama ng loob sa mga pangyayari sa Mindanao…at palagay ko ay mataimtim na naipanalangin na ninyo ang mga naging biktima at mga pamilya.

        Hindi po rent-to-own Father. Maganda nga po sana kung rent-to-own para may puppuntahan ang ibinabayad monthly. Pero tiis muna…siguro po later na lang kapag medyo…nakaipon na dito.

        Medyo di pa kami makalipat kasi wala pa yung internet na kailangan nung anak na kailangan ng anak kong pumapasok. Within this week po baka makalipat na.

        Nalunglungkot po ako sa nangyari talaga…sa ngayon ay iniiwasan ko muna manuod ng balita sa TFC…nalulungkot ako dun sa mga Family ng mga biktima.

        Kaway kaway na lang Father sa inyong pagbabalik.

      • totoo po, ang aking mga dasal at misa ay akin pong inoffer talaga sa mga biktima ng mga namatayan. then at the later part, for the daughter of kaye naman na naghi-fever. bumaba ang platelet ng sobra-sobra. nag60…ang normal ay 150. kaya text prayer brigade din naman ako…

        since walang net doon sa retreat house, si lhen todo post sa facebook sa mga latest updates kay kaye…

  4. Rocky Garcia says:

    Congrats lo! Kung nanjan lang ako ay tutulong narin ako sa paglilipat niyo.

    • Maraming Salamat Rocky…haha nakakabuhat pa naman ang Lolo mo.

      Medyo konti pa lang naman ang hinahakot ko mga maliit na gamit lang…kasi furnished naman ng ref, microwave, stove.oven, washer/dryer, dish washer ang mga aprtment dito.

      Salamat ulit sa pagbisita Rocky.

  5. pinkdiaries says:

    sus! lolo naman, im so nikabahan naman sa pamamaalam mu! kaka comment mu palang kako sa blog ko eh, mamamaalam kana! hehe..

    lolo, patira naman sa new bahay mu, ang ganda naman po,sige just take your time, ditu lang naman kami dadalaw dalaw padin. paramdam kalang po minsan ha.. hahahha..🙂

    teka, tamang tamag galing ako work, nigutom ako, parang gustu ko ng put long! wwaahhh…

    ingats lolo, ang regards po sa Family mo! ( naks parang close?! hehehe )

  6. darbs says:

    Lo, wala bang salad o kahit anong gulay man lang. punong puno na po ng karne ang tyan ko. for now. tubig na lang muna. napadaan lang lo.

  7. orville says:

    hahaha… galing naman ni lolo… sana may kakanin..

    • Ay Salamat Orville…haha ang galing ng pagkaing Pinoy…istedside ang ang mga tunog.. wala yatang kakanin..parang Jollibee na Makdo itong kainan…hehe.

      Salamat sa pagbisita…isama kita sa blogroll ko para mabisita rin kita.

      Ingat lagi & God Bless!

    • Hi Rocky…di pa kami makalipat…hakot-hakot pa rin ..pa konti-konti…kasi wala pa yung telephone & Internet. Pero siguro within this week. At bibigyan ko kayong mga kaibigan ko dito ng first hand na mga pictures sa loob ng bahay kaagad.

      Salamat Rocky.

  8. darbs says:

    SuperLo! kahit sa inyong kabisihan at least naalala pa rin ninyong dalawin ang “Thanksgiving Day” page. Paalala lang na kahit sa pangyayaring karumal dumal inilaan pa rin ung araw ng pasasalamat sa ating kinalalagyan. Unfair nga lang dahil habang tayo’y nagsasaya sa araw ng pasasalamat sa kabilang dako ay iyakan naman. Sana lahat masaya pero hindi kasi ganoon ang reality. Basta ang importante hindi din natin sila makakalimutan. Napadalaw uli.

    • Ay oo naman DArbs kahit papaano ay nakakasilip pa kahit sandali. Salamat din…di kami nag Turkey dis year…ham ang menu.

      Oo talagang reality yun may masaya at malungkot…pero talagang mas nakakalungkot kung sinasadya ng tao ang karuma-dumal na kalungkutan ng ibang tao. Dalangin talaga ang maiialay natin para sa mga biktima at pamilya.

      Salamat ulit Darbs sa pagdalaw at hamo pag nakaayos-ayos na kami sa apartment ay balik dalaw na ulit ako ng madalas.

  9. ferdz says:

    Bagong bahay, bagong buhay din ba? aalis kana pala dun sa malaparaiso mong bahay. Sana mas maganda ang malipatan ninyo.
    Nalala ko tuloy iyong Tiyuhin ko rin jan sa isteyts last 2 years lang kasi sila nagkaroon ng sariling bahay pagkatapos ng 7 taon nila diyan.
    bibisita nalang ako dito paminsan-minsan.

    • Naku Ferdie na miss kita ah….siguro busy ka sa trabaho. Siguro puwede ko ng sabihin na bagong buhay lamang ito sa amin na nagsisimula sa Isteyts. At tama ka malaparaiso yung sa utol ko…kasi talagang napag-ipunan nila iyon ng husto…pangatlong bahay na nila iyon. Nagsimula rin sila sa apartment nung 90’s…lipat sa duplex after 5 years(binili)…and ito nga malaking bahay after 10 years na. Talagang isang hakbang lang ito namin sa pagsisimula muli dito…ang makapag-sarili muna…ang mangupahan. Ganito yung apartment namin nuon sa Sampaloc(di ko pa nga nagawa ang promis na kuwento ko dito sa iyo…nex tym pa rin). Maganda yung location…tahimik na community at mga 5 mins drive lang dun sa utol ko…kung matiyaga puwede ngang lakarin papunta sa utol ko. Ang isang maganda sa lokasyon ay may bus stop sa harap ng bahay…na puwede na kaming mag-commute at di na asa sa sasakyan.

      Salamat Ferdie sa pagbisita…hamo sa pag maayos na kami dun sa apartment ay ikukuwento ko agad sa inyo dito.

      Ingat lagi dyan sa Qatar. God Bless!

  10. bongkito says:

    hi superL! btw, ako pala si bongkito, ang butihing other half ni Keekaye. kakaumpisa ko lang sa blogsperyo at eto lumulukso lukso lang sa mga kaibigan ng asawa ko. heniweys, maigi nga yan at asikaso mo muna ang pamilya at ang kalagayan nyo dyan. sa totoo lang nga, sa ibang bansa, walang tutulong tlaga syo kung hindi ang ating mga sarili lang. kaya saludo ako syo.

    sana sa iyong pagbabalik ay makilala na kita. good luck to you and your family. ingat and God bless!

    • Hi bongkito(as in Bong na laging nababanggit ni Kaye). Mabuti at nandito ka na rin sa kuwentuhan sa blogosperyo. Salamat sa pagbisita. Oo Bong…wala talagang kailangan ay matibay ang dibdib mo dito kay Ankel Sam…iba talaga ang buhay-buhay dito…pero dahil para sa pamilya…kailangan talaga na malakas ang loob at panalig sa Diyos. Saludo rin ako sa inyong pamilya…at talagang nakakatuwa ang inyong mga Angels.

      Eto pasilip-silip muna…habang tuloy pa kami sa paghahakot…hamo Bong at kapag maayos na dun sa apartment ay mai-share ko rin ang munti naming tahanan dito.

      At i-add na rin kita sa blog-roll ko para mabisita rin kita. Ingat & God Bless Bong!

  11. J.Kulisap says:

    Sir, may internet na po siguro kayo ngayon ano po. Nakakatulog po ba kayo sa bagong bahay? Wala po bang multo..kung meron po english speaking din po ba ang mga multo diyan sa Tate..hikhik..

    Ito ba ang mga famous burjer na kinakain sa Wackwack Golf and Country Club?

    Sir Abalos, ito nga po ba ang inyong famous burjer..hahaha.

    • Hi JKulisap…today ko pa aayusin ang Internet…di pa rin kami nakatulog dun…kulang pa sa makakain…wala pa laman ref…hakot pa ng konti…hehe Di ko lang mattiis ang tambayan…andito pa kami sa bahay ng utol ko…ummmm plano namin ngayon weekend ay makatulog na dun.

      Palagay ko kung meron man multo…Inglis siguro yun…kasi kung Pinoy giginawin at malamang puro ganito lang masabi….grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr ang leymeg ditow….hehe

      Haha…mukhang sakto…di ko rin naisip yung bisnis ni Abalos….ito nga siguro…hehe….burjerrr.

      Salamat sa pagbisita JK…hamo paparamdam ako kapag dun na talaga kami.

      Ingat & God Bless!

  12. alkapon says:

    mabuti naman at nagparamdam ka lolo, akala ko kasi mula nung lumipat ka sa bagong bahay eh kinalimutan mo na rin ang dabarkads mo sa blogging.. he he he

    musta po.. merry christmas in advance nga pala, magmamano na rin ako baka sakaline ma aginaldo mula inyo.. ha ha ha

    • Nako di ko matiis Al na di tumambay dito…kahit bisi pa sa lipat…eto pasingit-singit pa dito sa Internet ng utol ko.

      Mabuti naman ang iyong Lolo…medyo pasok na ang lamig dito kaya feeling…grrrrrrr.

      Distigusanto Al….at Maligayang Pasko rin!…Puwede ba in-kind ang aking aginaldo?…isang epol….wa ng bred si Lolo….gasgas sa lipat bahay…hehe.

      Ang bilis ng araw talaga Al….hayyy…nag-iisip nga ako kung paano ako magbubuo ng Christmas Tree na di bibili….iniisip ko na pumutol na lang dito sa bakuran ng utol ko…maraming Pine Tree…hehe.

      Hamo Al at pag may kodakan na dun sa maliit na apartment ay makikita mo rin ang lungga ni Lolo.

      Salamat Al sa pagbisita…God Bless!

  13. topexpress says:

    SOBRANG LATE NA PERO!!!

    MARAMING SALAMAT superlolo sa pag sali mo sa akin sa video presentation mo po.

    Gaya mo, masaya ako sa mga bagong kaibigan ko dito sa mndo ng blogosperyo. hindi man tyo nagkakikita sa mukha o personal, nag tatagpo ang lahat sa puso at iisang damdamin para sa blog.

    ang nagsisilbing pamilya sa magakabgong ofw laban sa makabagong panahon.

    GROUP HUG!!!

  14. Hug Hug Hug…para sa iyo Toper….natumbok mo ang nararamdaman ko rin dito sa blogosperyo…sa loob ng limang buwan…marami at malaki ang mami-miss ko kung di ako nasuot sa mundo ng blogosperyo….at ang pinakamaganda pa ay napadpad ako sa grupo ninyo na mga OFW at sa malawak na bahay ni Father…kaya eto ‘in my own little way’ ay nagpasalamat ako sa pamamagitan ng isang bidyo…para iparamdam ang aking kaligayahan.

    Sakto yung word mo Toper isa tayong pamilya sa makabagong panahon ng blogosperyo.

    Darating din ang panahon na magkikita-kita rin tayo.

    Muli isang pasasalamat sa iyo Toper at God Bless You always!

  15. doon po sa amin says:

    hello, lolo…

    nakuha ko ho ang inyong email. salamat.🙂

    gusto ko ho ang sabi nyo ritong walang istambay sa labas ng bahay, ahaha… only in the phils nga!

    • Salamat San sa palagiang pagbisita.

      Walang istambay talaga…maging summer man dito…lalo na kung malamig na…malungkot talaga.

      Thankgiving(holiday) pala bukas dito. Medyo salo-salo kami ng aking mga kapamilya dito sa tanghali at hapunan.

      Ingat lagi & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s