A Christmas Joke

Paparamdam lang po ang inyong Lolo. Di pa po tapos ang aming lipat pero malapit na malapit na.

Napulot ko lang ito sa aking email at nais ko lang kayong bigyan ng konting ngiti sa kabila ng bilis ng takbo ng araw papalapit sa Pasko.

Only 23 days till Christmas…… Here’s your first Joke!!
2009’s First Christmas Joke

Three  men died on Christmas Eve and were met by Saint Peter at  the pearly gates.‘In honour of this holy season’  Saint Peter said,  ‘You must each possess something  that symbolizes Christmas to get into heaven.’

The  first man fumbled through his pockets and pulled out a  lighter. He flicked it on. ‘It represents a candle’, he  said.

You may pass through the pearly  gates’ Saint Peter said.


The  second man reached into his pocket and pulled out a set of  keys. He shook them and said, ‘They’re  bells.’

Saint Peter said ‘You may pass through the  pearly gates’.

The third man started searching  desperately through his pockets and  finally pulled  out a pair of women’s panties.

St. Peter looked at  the man with a raised eyebrow and asked, ‘ And just what do those symbolize?’

The man  replied, ‘These are Carols.’

Kaya…Maging Mabait ngayong darating na Pasko…magbaon ng magagandang bagay sa ating bulsa o sa ating Puso…para mapagkalooban ng lubos na kasiyahan….yun ang Heaven na Kasayahan!
And  So The Christmas Season Begins……
Maligayang Pasko Po sa inyong lahat!

49 comments on “A Christmas Joke

  1. alkapon says:

    base!

    aba! tila sinusundan ang yapak ng apong si alkapon,, he he he.

    medyo naughty na rin ang post ni lolo.. ha ha ha

    anyway, merry christmas po lolo.. pengeng piso pambili ng puto dyan sa me kanto.. ha ha ha

    • Hehe…nadale mo na naman Al ang aking V….haba na listahan ng utang.

      Di naman naughty ang Lolo…wala pa sa kalingkingan ng apong si Al…pinatago lang yung mga panty sa kanyang bulsa…ikaw talaga Al…ang isip mo berde agad…hehe jok lang…nagpapangiti lang sa kabila ng mga kalungkutan ng mga balita dyan sa atin.

      Parang tula yan Al ah…ganito

      Lolo…Lolo
      Pengeng Piso
      Pambili ng Puto
      Dyan sa me Kanto

      Maligayang Pasko sa Pinas…hayy nakakamiss!

  2. taribong says:

    akala ko sasabihin: Langhapin niyo po, hindi ba amoy castañas? hehehehe
    (teka, anong klase? bagong lutong castañas, sunog na castañas, o amoy ng madaming kinaing castañas)

    • Haha ikaw talaga Taribong….nahawa ka na rin kay Al….ummmm pero gusto ko bagong lutong kastanyas…wow tsarap tsarapppp.

      Teka cut na baka ma-MTRCB tayo…hehe

      Yan ang isang nagpapahiwatig na amoy na malapit na ang Pasko sa Pinas…..ang amoy ng sinangag na kastanyas.

      Nung andyan pa kami…kahit isang supot(P 150 yata) lang every December ay masaya na kami.

      Maligayang Pasko rin sa iyo Taribong!

    • topexpress says:

      ahahahaha i layk et! kastanyas pla ha! ahahah kala ko pinipig kasi! toins!

      pwede na din kastanyas kesa naman amoy raindeer? buwahahahahaha

      • Hahaha….kaw Toper ha…baka mapalo tayo ni Father dito….me kastanyas…me pinipig…at me raindeer pa….sabagay me koneksyon ang mga word na yan kung Pasko…hehe

        Pero sa kabila ng lahat ay…basta wag kalimutan ngayon sa kaabalahan para sa Pasko…ang ating Baby Jesus!

        Advance Merry Christmas sa iyo Toper!…White Christmas na yata diyan sa inyo.

  3. johnonline says:

    nyahaha… Carol’s… galing ng banat eh.

  4. eli says:

    wow..pasko na talaga!

    merry Christmas po!

    • Hi Eli….dito sa lugar namin mabagal pa ang dating ng Pasko…parang hinihintay lang ang 25…kung sa 100 bahay…suwerte na ang isa na may Christmas Light sa harap ng bahay. Natutuwa ako pag nakakakita ng bahay dito na nagsimula ng decorations exactly Dec 1…iba rin sa atin ang Pasko talaga…kahit may kirot sa bulsa ay maiiraaos ng masaya ang Pasko.

      Maligayang Pasko uli ….Paskong Pinoy diyan sa atin!

      • eli says:

        sabagay..ibang iba nga po dito sa pinas. kase pagsapit ng BER umaarangkada na ang mga pamaskong awitin at nagsisipaglagay na ng christmas decors.

      • Ay Oo Eli…alam mo ba…dahil sa pagka miss ko dyan sa atin…ay nakikinig ako sa DZMM sa Internet…at ayun nung Setyembre pa…tumugtog na yung ‘Give Love on Christmas Day’ ni Michael Jackson.

        Ay ayun nga balita ko sa mga Mall daw diyan sa atin ay laging puno na ng mga tao.

        Yan ang Paskong Pinoy!

        Salamat sa pagbisita muli Eli.

  5. Vladimir says:

    ganon pala yun. salamat ng marami.

    • Salamat sa pagbisita Vladimir. Napasilip na ako sa blog mo. Ang ganda at babalik ako kaya isama na kita sa aking blogroll. Sana may blog na nung bata pa ako…hehe.

      Salalamat & God Bless!

  6. dlysen says:

    Ayus ka talaga, ang super joke ni super lolo, parang pang new year

  7. Nortehanon says:

    Gandang araw, Lolo Jem! Napangiti mo ako dun sa joke mo hehehe.
    Na-miss ko dito. Wala kasi akong internet connection habang nasa mahabang bakasyon. Pasensya na.

    Good luck po sa paglilipat.

    • Hi Miss N…Salamat sa pagbisita. Napaisip din ako tuwing bibisita sa bahay mo…isip ko busy ka talaga kasi wala pang update…yun pala ang Internet ang problema….pero palagay ko isang magandang bakasyon ang iyong pinuntahan.

      Naku ok na ok at natutuwa ako na nakabisita ka ngayon.

      Salamat…medyo finishing touches na sa paglilipat.

      Ingat lagi & God Bless!

  8. ahahahahahahaha. panalo ang joke na ito!!!

  9. bonistation says:

    HAHA! Carols!

    namamasko po!! MERRY CHRISTMAS!!

    • Naku Maligayang Pasko rin sa iyo Boni…tuloy ka sa bahay ni Lolo. Pasensiya ngayon lang tayo ulit nagkita…pero magakakilala na tayo sa bahay ni Father.

      Napadaan ako kaagad sa bahay mo. Temang Pasko rin…medyo emot din ang Lolo…kasi 2nd Pasko ko na rin away from home…pero kasama ko naman ang pamilya ko dito…yung nakakarami kong pamilya.

      Pero iba yung pagkaka-kuwento mo….feel ko yung mga nami-miss ko….lahat ng sinabi mo hanggang sa opisina….ako man noon ay may toka na duty sa atin…its either Pasko or Bagong Taon.

      Hayyy miss ko ang kasayahang Pinoy kapag Pasko…pero sabi nga basta nasa Puso natin si Kristo kakayanin lahat….lahat ng lungkot at sakripisyo.

      Inadd pala kita sa blogroll ko para mabisita na rin kita ng Madalas…at sabi mo nga bisitahin kita sa disperas ng Pasko…promis…sana di makalimot ang Lolo…hehe.

      Maligayang Pasko muli sa iyo Boni…God Bless!

  10. darbs says:

    Sori po SuperLo hindi pa po ako handang tumawa. kaway, kaway na lang muna…Makitawa na lang pagbalik ko. Puedi pa naman di ba? Christmas na pala ano?

    • Oo Darbs ramdam ko ang mga lungkot ng pangyayari dun sa post mo. Sobra din ang epekto sa akin…masakit…sobra ang kurot sa puso. Di ko maisip na kayang gawin at mangyari ang ganon sa mga inosenteng tao…sa napaka-simpleng isyu….eleksyon….Hayyyy

      God Bless !

  11. Rocky Garcia says:

    Advance merry Christmas po Lolo!

    • Hi Rocky…Naku Merry Christmas din…amoy na amoy na Pasko…dito ay buhay na buhay na rin ang mga dekorasyon ng Pasko.

      Pasensiya na at pala pa akong update dito sa lipat bahay. Pero naka unang tulog na kami. Naito namamahay pa…puyat…hehe.

      Konting ayos pa at puwede na akong mag-post ng update ko dito.

      O sige Rocky salamat ulit sa pagbisita at pangangamusta…God Bless!

  12. Prinsesa ng Drama says:

    Hello! Merry Xmas po!🙂

    Nice naman ng joke!😀

    Take care.

    • Hi Roneth…Salamat at Maligayang Pasko rin sa iyo….medyo pampangiti lang ng konti…para sa kaabalahan ng kapaskuhan.

      Ingat din lagi at sana talagang magin masaya ang ating Pasko kahit nasa malayo tayong lugar…malayo sa Pinas.

      God Bless!

  13. lolo, salamat sa iyong pagsali sa aking palaro at natutuwa akong nanalo po kayo. Kitakits po sa susunod kong palaro….

  14. orville says:

    hahaha… thanks lolo.. napangiti mo ako,. Oo nga naman.,. magbaon tayo ng magagandang bagay.. by the way saan po ba kayo magpapasko?

    kung nasa abroad kayo ngayon uwi po kayo dito sa Pinas.. mas masaya pa rin po ang pasko dito..

    Regalo ko… hahaha…

    God bless.

    Bless others and be blessed.

    • Hi Orville….2nd Pasko ko na dito sa bayan ni Ankel Sam…ay sakto ka ibang-iba ang Pasko sa atin…ang pinakamahabang selebrasyon ng mga Pinoy…konting tiis pa anak dito…nag-iipon pa ng pambili ng tiket…hehe.

      Maraming salamat sa iyong pagbisita at

      Maligayang Pasko!

      God Bless you din!

      • orville says:

        hehe.. pag malapit lang po ang bahay nyo sa amin lolo punta po ako at hingi ng aguinaldo.

        hahaha..

      • Haha…aba oo Orville…ikagagalak ko ang pagbisita mo sa akin at kahit mumunting aginaldo ay meron ka siyempre. Yan ang miss ko sa atin…ang kahit papaano ay mamahagi ng aginaldo…nuon ay umuuwi kami ng Pasko sa aming probinsya dahil maraming bata ang namamaskuhan…kaya ikinatutuwa namin na kahit maliit na halaga o bagay ay mabigyan ang mga bata kung Pasko.

        Salamat muli sa pagbisita Orville.

  15. Sows says:

    so ibig po sbhin dpat my dala akong disposable panty?

    hekhek!😆

    hapi holidays po!!

  16. Rocky Garcia says:

    Tama kayo lolo malapit na talaga ang pasko at lahat ay abala na para makapagcelebrate sila.

    Haha! Buti naman po at nakalipat kayo ng matiwasay. Ilang araw lang yan at back to normal na uli kayo.

    Godbless po!

    • Haha salamat sa pangangamusta Rocky…oo nakaka-tatlo na kaming tulog dito…namamahay pa ika nga ng Pinoy…ayos naman ang lipat pero…eto adjustment naman sa pag-prepare ng mga menu sa pagkain…pero andyan naman ang walang kamatayang…sardinas at corn beef…hehe.

      Pasensiya na wala pa akong update sa lugar ko dito….malapit na.

      Salamat Rocky…ingat din lagi.

  17. pinkdiaries says:

    hello lolo, musta napo?! ayan may update kana, at teka, nag jojoke kana ha?! hehehe

    padaan lang po! advance merry christmas..🙂

    • Haha…Mis PD salamat naman at napabisita ka…medyo bisi pa konti…nag-aadjust pa dito sa apartment…

      Teka kapag nakodakan ko na ay may update na ako dito sa bahay-bahayan namin.

      Salamat at muli Maligayang Pasko…Paskong Pinoy sa mga katulad nating malayo sa Pinas.

  18. kaye says:

    si Carol talaga…na naging kastanyas. hahaha! ano na kayang suot ni carol ngayon?

    napadaan ulit ako tay. tagal na kong di nakikipagkulitan dito. pasensiya na po. at salamat sa inyong pagbabahagi. bukas sasagutin ko po ang inyong email. uuwi na po ako. ingat kayo dyan.

    • Haha isang pampangiti lang…medyo seryus ang mga tao sa kaabalahan ng shopping kung panahon ng Pasko. AT yang kastanyas…haha si kaibigang Taribong ang nagpasok niyan…hehe…may motif naman ng Pasko…hehe.

      Ay oo naintindihan ko…naging busy kayo kay sa pag-aalaga sa inyong dalaga…at busy ka rin dun sa bagong blog ni Bong…kaya okay na okay lang.

      Maraming salamat ulit sa iyo…medyo napa-emot yata ang Tatay mo…pasensiya ka na…pero na relieved ako agad sa iyong sharing tungkol sa buhay din ninyo.

      Salamat sa iyong paggabay at prayers.

      Ingat din & God Bless!

  19. kaspangarigan says:

    Ganda ng joke. Napangiti ako.

    Dumaan lang po. Tabi-tabi po!

  20. yiN says:

    kasi naman bakit pinabaon ni carol yung kaniya hehehe.. pero henie\wey maraming salamat sa paalala.. hekhek.. lolo add kita sa blogroll ko po anoh..

    • Hi yIN salamat sa iyong pagbisita…hehe yang kasi si Carol eh….pero tingin ko makulit din ang mga boys….kaya ngayong Pasko ay maging mabait na bata.

      Iadd din kita yIN para mabisita kita sa bahay mo.

      Maligayang Pasko at God Bless!

  21. bongkito says:

    Heheh ayus to Tay a! Taga-san kaya yang si Carols? Tay di naman kaya typo error yung Carols na dapat e Carlos?!? nayahahah! patay tayo dyan!!!!

    bwahahahah! *kaway kaway sa lahat!*

    Meri Krismas!😀

  22. Hahaha…salamat sa pagbisita Bong…kaway, kaway …yehey!!!

    Basta be a good boy tayo…all the time…hehe.

    Happy New Year!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s