Grown-Up Christmas List Song

Ikalawang Taong Pasko ko na sa isang Linggo dito sa bayan ni Ankel Sam. At pasensiya na kayo di yata makasulat ang Lolo ninyo ng isang istoryang pamasko…may lungkot ang dating sa akin habang papalapit ng papalapit ang Pasko. Maraming nami-miss ang Lolo ninyo sa Pilipinas.

Kaya eto nag-iikot sa youtube…at nadaanan ko ang isang ngayon ko lang narinig na kantang Pamasko na inawit ni Natalie Cole at David Foster.

Grown-up Christmas List Lyrics

Music by David Foster

Lyrics by Linda Thompson

Do you remember me

I sat upon your knee

I wrote to you

With childhood fantasies

Well, I’m all grown up now

Can you still help somehow

I’m not a child

But my heart still can dream

So here’s my lifelong wish

My grown-up Christmas list

Not for myself

But for a world in need

No more lives torn apart

That wars would never start

And time would heal all hearts

Every man would have a friend

That right would always win

And love would never end

This is my grown-up

Christmas list

What is this illusion called

The innocence of youth

Maybe only in their blind belief

Can we ever find the truth

There’d be no more lives torn apart

And wars would never start

And time would heal all hearts

Every man would have a friend

And right would always win

And love would never end

This is my grown-up Christmas list

This is my only lifelong wish

This is my grown-up Christmas list

Hoo—, hoo–

Muli isang Maligayang Pasko sa inyong Lahat.

Wala na akong masabi…nabanggit na sa awitin ang akin sanang Grown-up Christmas List.

Merry Christmas!

23 comments on “Grown-Up Christmas List Song

  1. alkapon says:

    base na naman ang iyong apo, he he he

    tila mas mahusay pa ang mga lumang awiting pamasko kesa sa mga makabago..

    ramdam talaga ang ispirito ng pasko..

    maligayang pasko nga pala lolo, magmamano na rin baka sakaling me aginaldo ako mula sa inyo.. he he he

    • Haha…ang tindi talaga ng aking apo si Al…distigusanto…na beys mo naman ang Lolo mo…ubos na ang V…hehe

      Ang ganda nga Al ng mensahe..

      Not for myself
      But for a world in need
      No more lives torn apart
      That wars would never start
      And time would heal all hearts
      Every man would have a friend
      That right would always win
      And love would never end

      Ipunin ko muna ang pang-regalo ko sa iyo Al…at kapag nakatisod ako ng plane tiket sa isang taon o 2011(ang tagal…huhuhu) eh magkita na talaga tayo. Sikat ka na sa blogosperyo at kailangang makapagpa-otograp na ako sa iyo.

      Muli isang malutong na Maligayang Pasko Al!

  2. J.Kulisap says:

    Nais ko sana’y magmahal, magmahal at magmahal lamang subalit ano itong aking puso at nakakaisip pa rin ng mga pag-iimbot,ng paghahanap, ng kasamaan at ng kalungkutan- ibinabalot nito ang nais mamutawi sa aking pagkatao.

    Kaya siguro hinihiling dahil hindi nararanasan.

    Lahat yata, kapag hindi nakukuha- dinadaan sa Hiling tuwing pasko, nagbabakasakaling, mapagbibigyan dahil Pasko naman.

    Lo, sana naparating ko.

    Pasko mo ay Pasko ko na rin.

    • Maraming Salamat JKulisap sa iyong binanggit na mula sa puso….

      —“Pasko mo ay Pasko ko na rin.”

      Bawat Pasko ay Pag-asa…manalig at sasagutin din ng Diyos ang ating hiling.

      Pasko mo ay Pasko ko na rin…Salamat…Maligayang Pasko.

  3. teentoinks says:

    Lo good day po sa bayan ni ankel sam… yung song, hindi na bago sa pandinig ko pero ngayon ko lang napansin yung message ng kanta, ang ganda pala.🙂

    Happy Pasko po….

    • Hello Teentoinks…gud day din sa iyo dyan sa atin…oo medyo familiar siya rin sa akin…pero ngayon ko lang napagmuni ang magandang lyrics ng kantang ito.

      Sakto ang sinabi mo…ang ganda ng mensahe…gusto ko nga sana sumulat din ng aking list…pero…yun na…sinabi na ng malawakan ng awit na ito.

      Maligaya at Hapi Pasko din sa iyo Teentoinks.

  4. orville says:

    lolo gusto ko pong marinig k\na kayo ang kumakanta ng song na yan.. hehe.. sa tingin ko po magaling kayong singer..
    ngayon ko lang po narinig ung song at maganda po..
    kantahin nyo po.. sige na po.. hehe

    merry christmas po..

    • Hayy salamat Orville sa iyong pagbisita. Haha katulad ng mga kuwento ko sa mga unang post ko ay ‘instrumentalist’ lang ako. Very frunstrated na singer ako…yung talent na ibinigay ni Lord ay sa pagtugtog lang.

      Yap may banda ako dati sa opisina dyan sa atin…keybordist ako pero amateur lang ang dating.

      Pero dahil first time na may nag request…teka baka subukan kong tumugtog sa piano…teka Orville ha praktis muna ako.

      Maligayang Pasko muli.

  5. pinkdiaries says:

    lo, wala bang meju bagu jan na song?! hehe.. well ganda naman pu ng mensahe ehh..

    GBU po!🙂

    • Haha…sensya na Miss PD…medyo sentimental ang feeling eh…pareho mo rin miss ang Pinas….hayyyy…parang malungkot nga yung kanta…pero may magandang mensahe sabi mo nga.

      Maligayang Pasko muli & GBU din dyan.

  6. Hello, I’m searching google and found your blog nice post. Mabuhay Sikat ang Pinoy!

  7. pinkdiaries says:

    morning lolo! hays, uu nga noh?! kelan kaba magpapasko sa pinas? ako kasi baka matagalan pa.. kainis!

    GBU din po jan!🙂

    • Gud Morning sa Iyo dyan Miss PD(dito evening na wed.)…naku ako ay wala pa ring plano…ummmm sana kung susuwertihin ay next Pasko na…Pero basta be our best kahit talagang di tayo makauwi…make the best kung saan man tayo…kanina nga naka-first simbang gabi na ako dito sa US….daming Pinoy din nagsimba. 99% ay Pinoy…5am nagsimula….grrrrr ang lamig.

      Salamat & God Bless din!

  8. kaye says:

    awww… this is one of my favorite Christmas songs. Ang ganda ganda ng message. I find myself singing the song sometimes on my way home. feel ko kasi ang lamig ng hangin sa alabang kaya ang sarap kumanta nito.

    marami rami na rin po ang nagrecord ng song na ito.🙂

    maligayang pasko, tay. kahit na nariyan ka sa malayo, sana’y maging masaya pa rin ang pagdiriwang ninyo diyan. hug kita, tay!

    • Hug hug din sa iyo Kaye at ganun na rin kay Bong!

      Ummm talagang feel na ang Pasko dyan sa atin….malamig na ang hangin….sarappp kumanta…lalo nat feel pa ang kanta.

      Naririnig ko rin siya dati pero di ko pansin kasi parang malungkot ang dating…alam mo naman sa atin parang masaya kung fast song…pero fan ako ni Natalie Cole at David Foster kaya okay ang dating talaga…feel ko lalo na ngat ganda message…pang akin…grown up na..Lolo na…hehe

      Oo Kaye…talagang papasayahin namin ang Pasko kahit malayo…dapat talaga masaya kahit nasaan…blessing yun ni Lord para sa atin.

      Parang daraan lang ang araw ng Pasko dito…tapos trabahuhan na ang mga tao the next day…iba talaga sa atin…hanggang New Year pa.

      Maligayang Pasko sa inyong lahat!

      • kaye says:

        kaya nga naaappreciate ko talaga ang pasko dito sa atin. walang kasing saya at katulad ang pasko dito no, tay?

        fan din ako nina natalie cole at david foster. may mga albums nila ako dito hehehe,

        at sana kahit na di mashadong dama ang pasko diyan e maipagdiwang nyo pa rin ng masaya. basta ba paskong pinoy pa rin ang atmosphere sa inyong bahay, pwede na.🙂

        meri krismas tay. hug ko kayo ulit…

      • Naku talagang salamat sa iyo Kaye…at nagpapasalamat ako sa Diyos at nakilala ko kayo dito…talagang isang kapamilya at kapuso ang ipinaramdam ninyo sa akin dito. Ito lang ay isang nakagandang regalo na ninyo sa akin ngayong Pasko.

        Ay oo Kaye tama ang sabi mo Pinoy atmosphere ang tema namin… mag simbang gabi…gagawa ng puto…gagawa ng mami or arroz caldo…tapsilog na agahan…and tuyo or tinapa wit itlog na maalat wit kamatis ang siguro isama na rin ang konting tats ng Amerika ang Ham…hehe.

        Hug ulit ko kayo buong family. Meri Krismas!

  9. Maligayang Pasko po Superlolongpinoy!🙂

    Hayz tatlong taon narin po kong nagpapasko dito sa disyerto. hehe. Nakakamiss ang bibingka at puto bumbong kapag simbang gabi na!🙂

    Ingat po lagi. Godbless. Merry Xmas!
    BTW, ang ganda ng lyrics ng song!😉

    • Maligayang Pasko din Roneth!

      Bibingka, puto, puto-bungbong, suman, taho….at lahat na ng kakanin tuwing simbang gabi….hayyy kakamiss talaga Roneth.

      Dahil maraming Pinoy dito sa lugar namin sa US ay may simbang gabi 5am…pero iba pa rin ang sa Pinas.

      Oo ganda pagmuni-munihan ang kanta…

      Not for myself
      But for a world in need
      No more lives torn apart
      That wars would never start
      And time would heal all hearts
      Every man would have a friend
      That right would always win
      And love would never end

      Hayyy sarap talaga kung ganito ang ating mundo.

      Maligayang Pasko Roneth…pasayahin natin ang Pasko kahit malayo tayo. God Bless din!

  10. mister llama says:

    ganun po ba talaga kalungkot mag pasko jan? May snow ba jan??hehe

    • Hi Mister Llama…salamat sa pagbisita. Palagay ko bilang isang Pinoy na halos kalahati ng buhay ay dyan sa atin sa Pilipinas nag-celebrate ng Pasko…masasabi ko talaga na walang katulad sa saya ang seblebrasyon ng Paskong Pinoy…na Setyembre pa lang ay simula na ng mararamdaman ang kapaskuhan…feeling masaya na ang mga Pinoy…lalo na kung papalapit ng papalapit ang Disyembre.

      Buti na lang at wala namang yelo dito sa kinalalagyan namin…pero kakaiba minsan ang lamig ng winter…yun bang makikita sa mga movies na parang umuusok ang bibig dahil sa lamig…hehe. Kaya lang isa din tingin ko ang lamig at pagka-winter ang nagpapalungkot sa isang Pinoy dito…kasi dyan sa atin parang kapag masama ang panahon ang may feeling na malungkot ika nga…dito ganon din. Kaya kapag gumanda na ang panahon ay may feeling na masaya rin.

      I-add pala kita Mister Llama sa blogroll ko ha…para mabisita rin kita.

      Maligayang Pasko!

  11. bongkito says:

    Hi Tay! Sorry ngayon lang po ako nakakabisita po. Lam ko medyo lagpas na Pasko pero habol na lang din po.

    This song was one of the song I intended to learn when I first heard it. Kahit nga sa piano pinilit kong aralin yung tono kasi iba yung impact nung lyrics when you hear it, much so kung kakantahin mo pa. It’s such a powerful song yet very clear ang intention nya for each of us… a different kind of gift for Christmas that everyone of us can share and hopefully realize in our hearts and thoughts.

    Sana nga maging totoo basta we have faith kay Lord and for sure He will make it happen!

    Salamat Tay for posting the song. Hope you realized your grown-up Christmas list po this year! Ingat lagi and God bless!

    *showing open arms for a hug*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s