Miss Kita Kung Christmas

Ito ay isang OPM(Original Pilipino Music) na christmas song nung dekada sitenta na talaga namang nakakapagpabalik ng magagandang alaala. Inawit ito ni Susan Fuentes na isang sikat na mang-aawit nung kapanahunan ng sibol ang OPM.

Medyo malungkot ang awit na ito pero nagpapakita lang ng realidad ng buhay ng  isang Pinoy…na ang mga taong na minsan ay ating minahal ay talagang naalala natin lalo na ngayong Pasko…at ninanais man lang na makapiling o mabati sa darating na kapaskuhan.

Marami tayong nami-miss kung Pasko…na katulad ko kaya angkop na angkop ang awitin na ito. At isa na ngang laging nami-miss ay ang mga mahal sa buhay na hindi makakapiling ngayong Pasko.

Part of the song goes this way…

Ang disyembre ko ay malungkot.
Pagkat miss kita
Ano man ang pilit kong magsaya
Miss kita kung Christmas
Kahit nasaan ako
Papaling-paling ng tingin
Walang tulad mo
Ang nakapagtataka’y maraming
Nakahihigit sa ‘yo

Hinahanap-hanap pa rin kita
Ewan ko kung bakit ba
Ako’y iniwan mong nag-iisa
Miss kita, O giliw
Pasko’y sasapit ‘di ko mapigil
Ang mangulila
Hirap niyan mayro’n ka ng iba.

—Salamat ‘CircaSitenta’ sa bidyong ito.

May nami-miss ka rin ba ngayong Krismas?

27 comments on “Miss Kita Kung Christmas

  1. darbs says:

    Christmas na Christmas ka na talaga lo. Kainggit ka naman. Pero di bali magkaroon din ako ng spirit of Christmas somehow.

    Note: lo ung case ko about having no spirit of Christmas ay hindi related doon sa kanta ni Susan Fuentes. hahahah!

  2. darbs says:

    By the way, nauna ata ung Burning Christmas Spirit ko. Naalala ko it was flaming noong magsimula ang Ber tapos biglang binuhusan ng malamig na tubig sa mga pangyayari sa ating kapaligiran. Again, babangon din… may ilang araw pa naman.

    By the way, ready na ang lahat palamuting ilaw, Christmas tree sa baha, gifts at may belen pang kasama of course simbang gabi… pero…

    • Hayyy sa wakas masaya ako kasi nagparamdam ka rin Darbs. ..beys ka pa…hehe.

      May feeling lungkot din ako…pero eto pinapasaya ko na rin kasi marami pa rin namang blessings ang dumating sa buhay kahit nga medyo napalayo tayo sa bayang sinilangan.

      At oo nakakalungkot talaga yang nangyari sa atin…parang nabuhusan tayo lahat ng malamig na tubig(sabi mo nga). Talo inis nga ako kanina habang pinapanood ang news…kakainis ang mukha nung batang ampatuan…ngising dem—-… sa TV. Tutal gumigiling na ang hustisya…sana nga makamit na ang hinihinging hustisya ng marami.

      Oo Darbs…pasayahin natin ang Paskong darating…para sa ating mga mahal sa buhay.

      Maligayang Pasko sa iyo at iyong family!

  3. kaspangarigan says:

    Angkop yan sa malalayo ang mga minamahal lalong lalo na yung mga OFW.

    Grabe na yung mayroon ng iba o ipinagpalit na sa iba.

    Salamat sa pagtambay mo.😛

    • Oo Kaspangarigan…maraming tayong nami-miss lalo na kung malayo sa mga mahal sa buhay at nakakamiss din yun mga masasayang okasyon sa atin.

      Pero sana tama ka wag na yung iniwan at pinagpalit…malungkot…sana sa kanta na lang iyon.

      Oo you are welcome at patuloy pa akong tatambay.

      Salamat din sa iyong pagbisita.

      Muli Maligayang Pasko!

  4. yiN says:

    Lo, totoo po yan, at maganda yung kanta. Pero nasubukan mo na yung mis mo isang tao at lahat na lang ng kanta nakakapag-papaala sa kaniya? At kahit baduy pa yung song eh gumaganda?=p

    • Ay korek ka yiN…kapag may lungkot sa puso…kahit anong kanta…ay parang umaangkop sa sitwasyon…lalo na yung mga kanta ng Pinoy…parang laging ganyan ang tema. Haha oo kahit mukhang baduy eh nagiging ok kasi pasok sa tema ng mga pusong nalulungkot.

      Katulad ng ‘Pasko na Sinta ko’…ay isa pa ito super lungkot na pamaskong kanta…pero di naman ito baduy kasi si Gary V ang nagpasikat.

      Pero…sa kabila ng lahat…magaling naman tayong mga Pinoy na magpasaya sa isang okasyon…para tayong isang punong kawayan…matibay…sumasabay lang sa ihip ng hangin.

      Maligayang Pasko yiN!

  5. J.Kulisap says:

    Tumatambling ang post ni Lolo, ano na nga ang tunay na pangalan mo, ayaw kitang tawaging lolo,palagay ko magkalapit lamang ang ating edad pero palagay ko rin mas marami kang karanasan kesa sa akin.

    Likas sa mga Pilipino ang magmahal, magmahal at magmahal kahit na winakasan na, pilit pa ring pupulutin ang nagkapirapirasong nakaraan para balikan, nangyayari ito lalo na kapag Pasko at naririnig ang mga kantang OPM…talaga namang sumasagitsit to the bones ang hatid.

    • Hello J.Kul….kung J.Kul ka…puwede mo na akong tawaging J.Lo…hehe ung J din naman first letter ng name ko…ayos di naman pala magkalayo age natin….yung karanasan o kakulitan sa buhay ang lamang ko…hehe jok lang.

      Gusto ko yung mga sinabi mong…

      “Likas sa mga Pilipino ang magmahal

      pupulutin ang nagkapirapirasong nakaraan para balikan”

      Yun yata ang katangian ng isang Pinoy…mahaba ang pisi sa pag-ibig….at parang napakalaki ng puso na di kaagad nakakalimot sa mga minahal…na kahit wala na ay andun pa rin at nabubuhay kapag nakarinig ng musika na may kurot sa puso.

      Salamat sa pagbisita JKulisap at muli Maligayang Pasko…lapit na.

  6. Hehe narinig ko yan kanina pinatugtog bago magmisa de gallo dito sa parokya…

    ngunit ang laking disaster pagkatapos…

    habang naliligo ang aming sakristan at madami na mga tao sa simbahan ay bigla na lang naisingit ang bisayang kanta na christmas noong 1963 tungkol sa isang babaeng umakyat sa christmas tree.

    pagdating doon sa part na sumabit siya sa isang sanga at nakita ang kanyang panty, aba! tawanan ang mga parokyano.

    • Yang Kanta na yan na 70s pa sumikat palagay ko sikat pa rin siya dyan sa lugar ninyo kasi me pagka-sentimental itong pamaskong kanta na ito.

      Haha at nagkaroon pa pala kayo ng comedy bago mag-misa…hehe pampa gising po iyon Father…hehe buti masaya naman ang epek.

      Nagsisimbang gabi rin po kami dito…5am ang start…kaya me pagka-lamig lang po minsan…kaya todo balot ng damit at wala ng ligo-ligo…hehe.

      Lapit na po Pasko…Maligayang Pasko po Father!

  7. kaye says:

    gustong gusto ko tong kantang to, tay. kaso lang nga malungkot ang kanyang tema. kung nandito kayo kakantahin ko to sa inyo kaso baka lalo kayong malungkot eh. di bale iha-hug naman namin kayo ni bong eh.🙂

    ang ilan pa sa mga magaganda pero malulungkot na awitin ay Pasko Na Sinta Ko, Sana Ngayong Pasko at Anong Gagawin Mo Ngayong Pasko. hay…

    • Hi Kaye…ay salamat sa hug Kaye & Bong…hug hug ko rin kayo…buong family.

      Haha…oo malungkot ang tema nitong kanta…pero naalala ko kasi ito nung binata pa ako…kapag may LQ kami or malayo ako(dahil sa work) at lalo na kung krismas season…naku patok ito sa puso….may kurot ika nga.

      Ummm…tama ka Kaye may lungkot ito sa akin ….pero ang naaalala ko ay ang panahon namin noon na magkasama kami tuwing panahon ng Pasko at naririnig ang kantang ito.

      Naku mas malungkot ang ‘Pasko na Sinta ko'(Gary V)…gusto ko ang kanta ni Ariel Rivera sa ‘Sana Ngayong Pasko’ ….hayyy haha bigla tuloy napabuntong hininga..hehe.

      Siguro napaka-busy ninyo na ngayon ni Bong…lalo na sa mga selebrasyon sa opis…yan ang isang nami-miss ko ang walang katapusang kasayahan lalo na kung linggo na ng Pasko…talagang dapat ang i-enjoy ang mga moments na ito…kasi sa katulad ko ngayon…ito nga ay natatapos rin at ang nagiging isang alaala na lang…isang masayang alaala…parang yung sa kanta….’ako’y iniwan mong nag-iisa’..puwede rin itong yung mga dating kasama sa opisina na nagbigay sa buhay ko ng kaligayahan…na ngayon ay malayo na.

      Pero sabi nga…focus lang kay Kristo ngayong Krismas…at kahit anong lungkot ay magiging masaya.

      Muli Maligayang Pasko sa inyo…hug hug at God Bless!

      • kaye says:

        naku tay, gustuhin ko mang maging busy ngayong pasko, palagi akong nakaratay sa kama dahil sa slipped disc ko. nawawala na ang sakit sa likod pero kumalat sa kanang paa hita ko ang sakit at kaunting minuto man akong nakaupo o nakatayo ay masakit na. kanina ko lang naramdaman na kumokonti na ang sakit kapag nakatayo ako. pero matapos ang mga 15 minuto e ayan at balik na naman ang sakit kaya kelangan na namang humiga.

        pero nananalig po ako kay Lord na pagagalingin Niya ako dahil alam kong gusto din Niyang sama sama kami at masaya ang aming pagdiriwang ng Kanyang kaarawan…

        huwag na po kayong malungkot. tama, talagang focus lang kay Kristo kasi alam ko namang masaya siya kapiing Niya.

        hug ko kayo tay! God bless!

      • Nako ikaw pala ay bed rest ngayon…wag pilitin ang katawan mukhang humihingi ng kapahingahan ang iyong katawan. Hinay-hinay lang sa pagkilos at I will pray para sa iyo na gumaling ka agad. Hawak lang lagi tayo kay Lord lalo na nga kung may mga pagsubok na dumarating.

        Ay oo yang lungkot ay pinapalampas lang…kasi may mga tao pa akong mga kasama na dapat pasayahin.

        Hugs & Prayers sa iyo Kaye….Maligayang Pasko sa piling ng iyong pamilya!

  8. alaehboi says:

    ehem yun muna sa ngayon

    • Hi Alaeboi…salamat sa pagbisita…palagay ko kabayan taga Batangas ka eh…ako naman ay sa kabila lang sa Laguna.

      Salamat sa pagbisita. I-add pala kita sa blogroll ko para mabisita rin kita.

      Maligayang pasko sa Iyo…Alaeboi!

  9. ELIment says:

    sobrang nakakarelate po ako sa song na ito. kase nasa ibang bansa ang misis ko.waahh.sad naman.

    • Ay naku Eli…talagang iba magmahal ang Pinoy…gusto natin lalo na kung may okasyon ay talagang masaya kung magkakasama at lalo na kung Pasko…di na nga bale ang ibang okasyon pero kung kapaskuhan ito na iyong pampamilya talaga ang selebrasyon.

      Yung song na yan ay tanda ko nuong binata pa ako kapag di ako maka-uwi dahil sa trabaho ay talagang may kurot ang dating sa puso…kaya di ko rin malimutan ito.

      Para maibsan ang lungkot…talagang focus kay Kristo ngayong Krismas…at siguradong malalampasan ang lungkot ng sandaling pagkawalay sa mahal sa buhay.

      Salamat sa pagbisita Eli at muli isang Maligayang Pasko!

  10. tsiremo says:

    Hanep naman..it’s a good song indeed.

    Happy Holidays!

    • Hi Tsiremo…salamat sa pagbisita. Medyo nostalgic lang ng konti kasi 70s pa ito…at me pagka-sentimental na malungkot…hehe
      pero klik naman sa Pinoy….mga Pinoy na punong-puno ng pagmamahal.

      Bibisita rin ako sa iyo…nakasilip na ko at ganda ng iyong blog…showbiz.

      I-add kita sa blogroll ko para mabisita rin kita.

      Salamat at Maligayang Pasko.

  11. bongkito says:

    Hi Tay! Tama po si Kaye medyo malungkot yung kanta para sa inyo. Masarap man sya sa tono at kung aawitin, kakaiba naman ang kurot sa damdamin. Para bang masarap na masakit… ang maramdaman ang lungkot kahit asam mo na maging masaya. Hay gulo diba? Siguro kung mag-aabroad ako at maiiwan ang pamilya ko, talagang yan ang kantang angkop rin sa ‘kin. Hirap ng mawalay sa tinatawag ng puso’t damdamin mo. Di bale Tay, basta alam mong andito lang kami ni Kaye, di kayo malulungkot. Kahit ga ‘no kahirap man ang maenjoy ang Season, isipin na lang natin na ganun din sya na di ka kapiling sa mga ganitong panahon. Pananalig lang ang katuwang natin, kasama na rin ang mga panalangin mula sa mga kaibigan tulad namin…

    Sana maging maganda ang buhay natin ngayong darating na Bagong Taon po. Ingat lagi Tay!

    • Maraming maraming salamat Bong…sa inyong mag-asawa.

      Sa ngayon ay kapamilya at kapuso ko na kayo…tama Bong:

      —“Pananalig lang katuwang natin..”

      Di tayo pababayaan ng Poong Maykapal sa darating na Taon…lalo na at sa kanya tayo kumukuha ng lakas ispirituwal.

      Kayo din dyan Bong, Kaye & Family…have the Happiest New Year celebration…enjoy the moments with your family.

      God Bless You always!

  12. orville says:

    lolo kumusta po ang christmas nyo?

    happy new year po..

    • Hi Orville…salamat sa pangangamusta…okay naman ang Pasko…simba then lunch with the family & my brother’s kamily…then opening of gifts…ayun tapos…tapos na…ganun lang ang pasko dito…kaya iba ang saya sa Pinas.

      Salamat & Happy New Year din dyan sa atin…ingat sa mga paputok hah.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s