Superlolo’s Base Contest Award

Malayo-layo din ang ibiniyahe ng aking Base Contest Award. From Zamboanga, Philippines to California, USA. Kaya naging very excited ako ng ito ay aking natanggap. Ayan kodakan agad as promised para makita ni Father Fiel at mga kalaro sa Base Contest.

Maraming Salamat Po Father Fiel at mga taga SVD!

Malaking katuwaan na tanggapin ko po ang ‘The Word Bible Diary 2010’…na magiging pang araw-araw kong babasahin at ang Malong…super-first na nakapagsuot po ako ng Malong.

Habang nagsusulat nga ako ng post na ito ay suot-suot ko ang Malong dahil ginawa ko siyang blanket para sa aking katawan dahil medyo may kalamigan pa dito sa amin.

Konting kaalaman tungkol sa Malong:

The most prominent traditional wear is the malong, a large, colorful woven cloth wrapped around the body. One common way women wear it is around the waist with its folds draped over the left arm. Men wrap it around the waist like a skirt.

The malong has many uses depending on the need of the wearer. It can be used as a cape, coat, blanket or umbrella. Maranao or Maguindanao women wear the malong over a blouse called arbita. Also, they wear a turban called kombong made of muslin fabric. White is used as kombong

In Sulu, patadyong is the people’s version of malong. It is smaller and resembles a sarong worn by people in Indonesia and Malaysia. Sawal or kantyu is loose baggy pants made of soft cloth and worn by both men and women.  Men wear the sawal with a polo shirt, while women wear it with a sambra, a collarless, V-neck blouse with short sleeves. Women also wear it with a sablay, a long-sleeved blouse that reaches the hips. when the wearer has been to Mecca.

Isang pagbabalik-tanaw sa aking Pasasalamat noong Base Contest Award:

18. superlolongpinoyDecember 8, 2009

Teka Mag acceptance na rin ako:

Father Fiel at aking mga nakalaro sa beys contest.

Ako po ay nagpapasalamat at dito ako napadpad sa blog at laruan ni Father. Sa totoo lang po ay kasisimula ko pa lang mag-blog nung napadpad ako dito nung Setyembre. Nuon ko lang talaga naintindihan ang blogosperyo. Akala ko nuon ay magsusulat lang ako para lang sa akin…parang isang journal…pero unti-unti may nakapansin sa blog ko nung napasali na ako sa paglalaro sa beys contest…at yun na ang simula ng malaawakang pagkakaibigan sa blogosperyo.

Talagang naging makulay po ang bago kong mundo dito sa blogosperyo…dahil nga sa idad ko…di ko akalain na magiging ‘cool’ pa ako sa aking mga nakikilalang mga halos anak ko na ang mga idad nila…Pero isang napakakasaya at napaka-encouraging po si Father sa kanyang malawak na blog at palaro…kaya eto patuloy ako sa pakikikapit-blog….at pakikipaglaro.

Tinatanggap ko po ng sobrang saya ang Award na ito. Patuloy akong susubaybay sa ating nasimulaang pagkakaibigan…at balang araw ay pangarap kong magkita-kita tayo. ‘In my own Liitle Way’ sa pagsusulat sa aking blog…naway may mumunting mabuting mensahe akong maiparating sa inyong lahat. Salamat sa lahat na bumibisita sa aking blog at sobrang ikinatutuwa ang pagbibigay ninyo ng oras para sa inyong mga komento na nakapagbibigay ng saya sa inyong Lolo.

Muli isang pasasalamat sa inyong Lahat….Clap clap clap po sa pasimuno ng kasayahan na ito…si Father Fiel…sabi nga ‘Cool Baby Priest ng lahat dito sa blogosperyo.

Maligayang Pasko sa inyong lahat!

God Bless You All! Salamat !!!!

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Isang Masaganang Bagong Taon sa inyong Lahat!

44 comments on “Superlolo’s Base Contest Award

  1. darbs says:

    Ako ang base ngayon Superlo!

    Congratulations sa iyong winning streak sa laro natin ito. You deserved the prize super lo!

    Happy New Year sa iyo at sa iyong pamilya Superlo!

    • Yap beys ka Darbs…ayan praktisado ka na sa beys…hehe.

      Salamat Darbs at isa pa talaga nagpapasalamat ako dahil lumawak ang ang aking mga naging kaibigan dahil sa beys contest ni Father.

      May pagka busy ang ang panahon na ito…kaya pasilip-silip lang muna at medyo tinamaan ako ng sipon…hehe.

      Sa iyo rin & family ….Happy at Masaganang New Year!

      Kita-kits ulit sa susunod na palaro ni Father!!!go…go…go…

      • darbs says:

        nakabase lang ako Superlo dahil wala si Alkapon. parang natali na ata doon sa Japan ang Alkapon.

        Walang anuman superlo, totoo ka dahil sa base na yan ni Padz marami din akong nakilala.

        Besides, nagpasapalamat din akot pinagtiyagaan nyu ung blog ko. Pati na si Padz nagtiyaga ring mag-iwan ng message napipilitan tuloy akong linisin ang aking pananalita. at mag-baet-baetan. heheheh.

        Daan na lang ulit lo!

      • Haha..oo mukhang masama pa ang loob ni Al sa huling pangyayari sa luv life niya Darbs…hehe.

        Naku kaligayahan ko ang mag-ikot sa iyong blog dahil marami akong napupulot…may tatak Darbs ika nga.

        Si Father naman ay very cool…medyo tama ka wala namang mawawala kung mag-good boy tayo…hehe.

        Yap salamat sa pabisita ulit Darbs…eto di pa ako makabuwelo sa unang post ko sa 2010…ang kukote ko ay feeling 2009 pa.

  2. orville says:

    lolo.. nakaka relate po ako sa malong na yan.. mahilig ako sa malong at suot suot ko po lagi… ang sarap ng pakiramdam lalo na sa pagtulog.. hehe..

    happy new year!!

    • Yes yes Yo…2nd beys Orville….sa susunod sali ka rin sa palaro ni Father.

      Ngayon lang ako nakapag-suot nito at talagang very praktikal pala ang Malong…ayun katulad dito Malamig…kaya naka pulupot ito sa katawan ko…mukhang tuloy-tuloy na ito sa pagtulog….& Happy New Year…din…ingat sa putukan…dito wala lang tahimik ang paligid.

      • orville says:

        hehe.. ngaun lang po ako ulit nagparamdam.. nakabili na rin po ako ulit ng malong at ito nga ulit suot ko habang nag cocomment sa blog mo.. hehe..

        ingat po.. hapi new year!!

      • Haha salamat Orville…nasasanay na rin ako na suot ang malong sa araw at gabi…

        pasensiya na di pa rin ako maka-bisita at makasulat ng unang post ko for 2010…may hang0ver pa yata ako ng huling dekada.

  3. nakakatuwa naman po!!!

    ang kay tope ay nasa akin pa, sa january ko pa maipapadala kasi ang dami pong mnlf noong nandoon ako sa ipil, zamboanga. hehehe, nagtago po ang baby priest. lol.

    abot tainga po ang ngiti ko noong makita ko ang mga pictures. i am sure marami na rin po ang naghihintay ng ating muling pagbi-beys…

    happy new year po….

    incidentally, hindi po ako magne-new year sa aking parokya dito sa island. sa kabilang parokya po ako magne-new year kasi hiniram po nila ako. namatay po kasi ang utol ng parish priest kaya for the meantime ako muna ang tatao (o papari) sa kabilang parokya.

    hehehe may dalawa pong bodyguards na kasama ako doon. hehehehehe.

    regards po sa inyong mga anak…

  4. superlolo says:

    Palagay ko ay tapos na ang putukan dyan para sa New Year Father….Happy New Year din po talaga.

    Dito ay may 15 hours pa kami bago mag-celebrate ng New Year. Dun Lang po kami sa kapatid ko muna….salo-salo before New Year…then yung mother ko will lead the rosary right after na sumapit ang ang unang minuto ng January 1.

    Nai-imagine ko po yung pagkilos ninyo dyan na may bodyguard…nako eh talagang dalangin ko ang inyong safety dyan.

    Opo Father…kita-kits talaga tayo muli sa susunod ninyong palaro….beys contest version 2010…hehe.

    Maraming salamat po.

    Muli po A Safe & Happy New Year!!!!

  5. kaspangarigan says:

    Salamat sa pagtambay mo sa lugar ko, superlolongpinoy.

    Happy new year din sa iyo.😛

  6. Prinsesa ng Drama says:

    Huwaw! Congrats po Superlolongpinoy!🙂 Happy New Year! Godbless.🙂

  7. superlolo says:

    Salamat Roneth…sa susunod kita-kits tayo sa susunod na palaro ni Father….God Bless din!

  8. bonistation says:

    Congratulations Lolo! Super ka talaga! ^^ Happy New Year po!!

    Ung unang picture parang may resemblance kay Archbishop Soc Villegas! hihi

    • Haha…Salamat Boni at Happy New Year din…pasensiya ka na di na kita ulit nabalikan o na-chat man lang…alam ko ang kalungkutan mo dahil malayo ka rin sa iyong mga mahal sa buhay. Ako naman ay nagkaroon ng kaabalahan kasi dumating yung anak ko na may dala ng aking SVD Bible Diary at Malong…pero alam ko nairaos natin ang selebrasyon ng may kasayahan kahit nasa malayo.

      Wow…kay Archbishop Soc mo ako naihambing…sa totoo lang ay tagasubaybay ako niya lalo na nung siya pa ang naka-assign sa Edsa Shrine. Ang galing niyang mag-homily.

      Hayyy eto Boni…di pa ako maka-arangkada sa 2010…feeling nostalgic pa ako sa nakaraang dekada…ang bilis ng isang dekada….ang daming nangyari sa buhay namin…hanggang ngayon ay nagmumuni-muni pa ako sa kung ano ba ang tatahakin ko sa susunod na dekada…pero sa ngayon ay puro prayers pa ako ng pasasalamat sa lahat ng nangyari sa buhay namin at panay-panay din ang dalangin sa gabay dito sa papasok na dekada.

      Excited ako sa dekada na papasok kasi sa idad ko na ito…gusto ko sana isang magandang performance pa rin sa dekadang ito…yun bang may maiiwan sa puso sa mga kaibigan at mahal sa buhay.

      Pero sabi nga:

      Live one day at a time
      Live today as if it would be your last…
      Today is the first day of the rest of your Life….
      & Live well Love more Laugh often.

      Happy New Year & God Bless Boni!

      • bonistation says:

        wow, sobrang napaka makabuluhan ng reply ni lolo ah! hehe sabi nga nila AGE IS WISDOM! weeeii! ^^ salamat po sa pagbabahagi!! more blogs to come sa 2010! HAPPY NEW YEAR uli! sama mo kami sa maraming prayers na ginagawa mo..

  9. eli says:

    happy new year po!

    • Hi Eli Salamat….Hapi new year din ulit sa iyo…salamat sa unang bisita ng taon…eto medyo nilalamig pa…medyo di pa makasulat ng unang post sa 2010…nilalamig pa yata ang kukote ko.

      God Bless Eli!

    • Maraming salamat Eli…at sa unang pagsisita…eto medyo nilalamig pa…kaya di pa rin makabuwelo sa unang post ng 2010…nilalamig yata ang kukote ko…hehe.

      God Bless!

  10. pinkdiaries says:

    wow! congrats naman po! hehehhe

    happy new year!

  11. teentoinks says:

    Wow.. Congratulations Superlolo!

    Happy happy New Year po! Have a meaningful 2010!

  12. bongkito says:

    Hi Tay! Happy New Year sa inyo! Kakatuwang tignan ang hitsura ng isang Pinoy na nasa US na naka-malong! Hehehe! Ikanga kakaiba ang dating nyo! Orig na orig!

    Neway, may utang pa kong di napapadala. Pasensya na. ngayon kasi medyo worried ako kay Kaye at sa kanyang darating na surgery. Nawa’y pagdasal nyo po sya sa pagkakataong yon.

    Basta ‘pag natapos ko na yung sinasabi ko padala ko agad sa inyo.

    Pero dun sa pic nyo mas kamukha nyo sa Fr Jerry Orbos kahit nakatago pa ang kalahating mukha nyo. Hehehe! Hmmm magka-calling kaya kayo? PWEDE!😀

    • hehehe fr. orbos look-alike nga! pakita nga po ng dimples, hehehe.

      • Haha…si Father nag-second the motion pa kay Bong…wala yata dimples ako o mababaw lang yata…hehe.

        Naku everyday po ang basa ko sa Bible diary & may bigay pa yung anak ko na sinulat naman ni Fr. Orbos…na in the moment(1 year readings din po)…kaya ayos kumpleto na ang word of God ko araw-araw.

        Salamat pong muli Father sa pagbisita.

    • Hello Bong & Kaye! Haha sa totoo lang araw-araw kong suot ang malong lalo na sa gabi kasi talagang very praktical siya lalo na sa lamig. Lalo na yung gupit ko na manipis lang…eh para di ako lamigin(kapag nakahiga na) nakapulupot ang malong sa ulo…nakalabas lang ang mukha.

      Sa totoo lang ang pagdadasal ko kay Kaye ay siyempre sa name niya at pini-picture ko sa isip ang mukha niya. Kapag we have done our part para kay Kaye…alam ko si God ang magpupuno at magkukumpleto sa kagalingan ni Kaye…Trust God…sa totoo lang may miracle tayo everyday from God…minsan di lang napapansin ng iba.

      Naku dont worry sa akin Bong…Im okay…focus muna kay Kaye…101%.

      Haha Father Orbos ba…ayun si Father nag second the motion pa…hehe.mababaw lang yata ang dimples ko Father. Hmmmm mukhang napag-isip mo ako sa tanong mo sa ‘calling’….minsan dumaan sa isipan ko yan…ang pagiging ‘Deacon’ pero over-aged na yata ako…at parang di ko parin alam kung pupuwede ako sa hinihingi(mga katangian) ng isang ‘Deacon’….Father kung nababasa mo ito may maipapayo ba kayo tungkol dito sa pumasok sa isipan ko?

      Muling isang Masagana at Nagtitiwala sa Diyos na Bagong Taon!

      • kaye says:

        hello tay. Maraming salamat sa prayers. Successful ang surgery kasi magaling ang aking mga doctors dahil ang kanilang lakas at talino ay galing kay Lord. At shempre dahil din sa mga prayers ninyo. Salamat po talaga. Ang pogi naman ni tatay sa malong. Ü

      • Ay Salamat sa Diyos at ang mga instrumento ni Lord ang mga Doktor mo at nakaraos ng maayos ang iyong operasyon…sige tuloy pa rin ang prayers para sa complete healing mo Kaye.

        Haha…ay di ko na kayo makakalimutan…lalo na kung suot ko ang malong…isa ang malong sa alaala ng masayang pagkakaibigan sa blogosperyo at barkadahan sa bahay ni Father.

        God Bless & Praise God!

  13. J.Kulisap says:

    Malong.

    Nakatanggap ako ng dalawa from my friend based in Mindanao.

    Masarap ipulupot sa katawan.

    Masaganang bagong taon.

    Ayon o, pogi pala si lolo eh.

    • Hi JKulisap…Haha salamat sa napakagandang komento…hehe pinaligaya mo si Lolo…akala ko kulubot na ako eh.

      Ay yan talaga ang ginagawa ko sa ngayon….very praktikal sa lamig dito…hanggang kumot ko na siya sa gabi.

      Muli isang Happy at punong-puno ng pagpapala mula sa Diyos na Bagong Taon!

  14. J.Kulisap says:

    Nah, you can still catch four or more than 10 blonde.

    Same here.

    • superlolo says:

      Haha…pinatawa mo ako JKulisap…medyo nung pumunta ako sa Doktor para sa mga check up ko…sabi nung Doktor…forget na daw yung mga pangarap na ganyan sa mga blondie…hehe…super delikado…high voltage daw ang marami dito…kaya good boy na lang ang LOlo…tingin-tingin na lang and appreciate their beauty.

      Salamat muli sa pagbisita.

  15. J.Kulisap says:

    Wink.

    Don’t follow your doctor. Try the Las Vegas beauties. Those who wear feathers with big Olala.

    hahaha.

    just want to make you smile.

  16. orville says:

    lolo kumusta na po kayo?

    • Hi Orville mabuti naman ako at salamat sa pangangamusta. Medyo pasensiya na at nabawasan ang oras ko sa pagbisita at pag-ikot sa inyong mga blog.

      Nang nakaraang mga araw after the New Year ay medyo may kaabalahan pa rin ako sa pag-aayos sa aming nilipatang aprtment. Napasabay pang nadale ng virus yung laptop na ginagamit ko…kaya ilang araw ko ring inaayos yung laptop at buti na lang at nakaligtas pa sa reformat…matindi ring virus yung nakapasok.

      hayyy Orville ang bilis ng araw…18th na ngayon dito…18 days na ang natagpas sa 2010….pero ayun eto ako at nag-aayos ng mga gagawin ko dahil nasa period of adjustment kami sa pagsasarili namin ng mga anak ko sa apartment. Alam mo naman ay NaTay ako sa bahay namin kaya talaga inaayos ko ngayon ang oras ko para tamang-tama lang ang phasing ko sa pag-aasikaso sa mga bata at bahay.

      Muli Salamat sa iyong pagbisita Orville. Ingat lagi & God Bless!

      • orville says:

        Lolo alam nyo po hanga ako sa inyo.. talagang NaTay po kayo at lolo ko rin dito sa blogosperyo.. nakakalungkot at na virus ang laptop mo pero thank God pa rin at nakaligtas nga po sa reformat. Malaki rin po kasi ang ifluence nyo sa mundo natin kaya nakakamis din po kayo.. lagi ko pong binibisita ang site nyo hoping na makakita ng bagong post nyo.. at un nga meron na rin po.. Congrats rin po pala at nakalipat na kayo sa bago nyong apartment. i understand kung gaano kahirap ang lumipat dahil maraming kailangang asikasuin. basta fight the good fight of faith and run the race.

        God bless you po lolo.

      • Hay maraming salamat Orville…at sa pag-appreciate mo sa aking munting mundo dito sa blogosperyo.

        Salamat din sa sinabi mong:

        —“basta fight the good fight of faith and run the race.”

        Totoo ito sa buhay ko…gabay ko ito.

        God Bless din!

  17. taray says:

    Im just new her in wordpress…
    so, i don’t have any idea kung ano ung “Base Contest”.
    Well, congratulations!
    Keep blogging..
    I like your blogs!

    (nice pics ha!)
    😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s