5 Years Single and Counting…NaTay pa rin

Naalala ko pa ang pag-uusap naming mag-asawa…two months before she died.

Malakas pa siya nuon pero yung pasok at labas namin sa hospital ay dumadalas na.

Minsan kaming nasa bahay at masayang nagkukuwentuhan. Tinanong niya akong bigla…sa unang pagkakataon:

Mag-aasawa ka pa ba?

Ang sagot ko sa kanya ay:

Teka ano ba yang tanong na yan. Basta gusto ko ay harapin lang natin ang bawat araw at gawin ang nararapat sa bawat araw….at yun lang ang nasa isip ko ngayon.

Ang sabi niya sa akin:

Kilala kita. Mahihirapan ka kapag wala kang kasama.

Dito na natapos ang aming pag-uusap sa topic na iyon.

Pumasok sa isip ko na lang na talagang kilala niya akong buong-buo ng aking pagkatao. Alam niya na masaya at kailangan ko ng laging kasama. Simula’t simula ay lagi kaming magkasama sa lahat ng bagay kung may pagkakataon. Sobrang balanse ang aming pagsasama…bilang Ina marami siyang bagay-bagay na ginagawa at kaalaman sa gawaing bahay. At ako naman ay tamang-tama lang sa aking pag-suporta at ginampanan bilang isang Ama ng tahanan.

At nakita ko rin ang kahandaan ng aking mahal na asawa sa puwedeng mangyari sa kanyang buhay. Alam niya na ayokong pag-usapan ang mga bagay-bagay lalo na ang tungkol sa kamatayan…sobrang lakas ng aking pananampalataya na malalampasan namin ang pagsubok na iyon. Pero ang kinausap niya ay ang aming mga anak. Sa kanila siya nagbilin kung sakaling mawawala siya. Hanggang sa huling mga linggo at araw ay naging Ina siya upang maging maayos ang lahat ng bagay sa aming pamilya at bahay bago siya tuluyang lumisan. Pagkatapos na kanyang kamatayan ko nalaman na dun sa pangalawa naming anak ibinilin ang damit niyang isusuot sa kanyang burol. Ang mga papeles naman ay pinagbilin sa aming panganay lalo na yung memorial plan na kanyang hinulugan.

Mag-aasawa pa ba ako?

Talagang million dollar question ito sa akin.

Kadalasan sa aming probinsya ang nangyayari daw ay di pa nagbabang luksa ay nag-aasawa na ang nababalo. Ang akala ko ay mangyayari rin ito sa akin. Pero bumilang na ang mga taon ay naito pa rin ako….single pa rin.

Naisip ko lamang sa ngayon na siguro ay na-focus ako sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa aking mga anak. Nung unang taon naman(hanggang bago umalis) sa Pilipinas ay nagkaroon ako ng kaabalahan sa aming simbahan at community.

Hindi naman sarado ang aking isipan at puso sa katanungan na iyan.

Sa ngayon ay lagi kong dalangin na wag akong pabayaan ng Panginoong Diyos. At dahil sa pananalig na ito…kaya ko pala ang buhay na ito at maging masaya…na sa ngayon ay isang NaTay sa aking pamilya.

Magiging double pa kaya ako?

40 comments on “5 Years Single and Counting…NaTay pa rin

  1. eli says:

    super lolo… daming tanong nun ah..million dollar questions..hehe

    eh kung masaya ka naman po sa pagiging natay mo eh di stay nalang. baka kase makatsamba kapa ng sakit ng ulo.

    hanga ako sa inyo..kase inuuna nyo ang pamilya🙂

    • Maraming salamat Eli…mukhang yun ang nakakalibang sa akin ang aking pamilya at tunay na punong-puno ng kaligayahan.

      Haha…tama ka minsan ay yan din ang sagot ko na baka makuha ko ay bato na ipupukpok sa ulo ko…pero hinihintay ko rin na baka someday may ipadala si Lord sa akin na someone na magiging partner ko.

      Oo inuna ko talaga ang aking mga anak at hanggat kaya ko ay nais ko pa silang mapagsilbihan…101%.

  2. pinkdiaries says:

    hay, naka 2nd base din, basa po muna lolo.. hehehe

    • pinkdiaries says:

      teka lolo, gonna ask you again, mag aasawa kapaba?! hehe, well, kung masaya ka naman po sa pagiging single father eh, but its all your choice. Kung makakahanap kapo ng deserving ng girl para sayo, why not?!🙂

      mabait po tlaga si lola, kasi ikaw padin iniintindi nya sa lahat, she knows u better kaya she wants you to be happy!

      God bless po!!

      • Maraming salamat Miss PD.

        Yun din ang nasa isip ko na sana makakita rin ako someday na kasingbait at halos kaugali niya….pero sa ngayon ay happy pa naman ako.

        Oo hanggang sa mga huling sandali ay inalala niya ang aking kalagayan kung sakaling mawala siya…kaya pinayagan niya akong muling mag-asawa…at yun nga gusto niya…ang ako’y maging masaya pa rin.

        Maraming salamat sa iyong pagbisita at magandang suhestiyon para sa akin :

        —-“Kung makakahanap kapo ng deserving ng girl para sayo, why not?!”

        Ingat lagi diyan & God Bless din!

      • pinkdiaries says:

        no problemo lolo, teka, ipasali kaya kita sa kaguluhan ngayon sa blagosperyo? 100 most handsome bloggers, naks,! ahaha, baka may maka discover saiyo lolo, ahahah

      • superlolo says:

        HAHAHA…di na puwede ako dun Miss PD…sa coolest lolo na lang…hehe…salamat.

      • pinkdiaries says:

        waahahaha, malay nyu naman lolo! ahaha cool!!!

  3. kaye says:

    palagay ko, kung may ipadala talaga si Lord sa inyo, I think your children will understand kasi kahit sila darating ang panahon na magkakaron na rin ng sarisariling buhay. pero ang dasal ko po, ke may makilala kayong magpapasaya at magpapaibig sa inyo o wala, sana manatili kayong maligaya sa inyong buhay at di kalimutan ang pagseserve sa Kanya.

    at nakasisigurado po ako na masaya po si nanay sa kinalalagyan niya ngayon dahil kahit di siya tuluyang nagbilin sa inyo, nagampanan ninyo ang pagiging isang mabuting magulang sa inyong mga anak.

    hug ko po kayo, tay! God bless!

    • Ay oo salamat Kaye…talagang kung may darating na hulog ng langit ay mukhang mahirap siyang tanggihan…at yun din ang nais ko ang maiintindihan ng mga bata kung mangyayari man.

      Akala ko nga Kaye ay masusumpungan ko ang maging Deacon…pero di na ata ako puwede…pero tama ka tuloy lang ang pagse-serve kay Lord…in my own little way.

      Yan din sa ngayon ang aking ‘purpose in life’ na maganpanan kong mabuti ang aking pagka-NaTay…na siguradong ikinaliligaya niya sa ngayon.

      Salamat sa hugs Kaye….& God Bless & magpagaling ka na ng mabuti.

  4. teentoinks says:

    Minsan ang weird Lo, kahit gaano tayo kahanda sa kamatayan ng mahal natin sa buhay kadalasan gulat at nanatiling masakit parin ang pagkawala nila.

    Laki ako sa Lola, pero tulad nyo may naiwan din syang tanong na hindi ko rin nasagot nung buhay pa sya…

    “Paano ka kung wala na ko?”

    Yan Lo, ang tanong ng lola ko sakin bago sya mamatay, tulad nyo po sa tanong ng misis nyo walang kasiguruhan sa mga sagot, mahirap sagutin… but i just wish I answered her question… that “I’ll be fine…. and everything will be alright” Yun naman ang gusto nila malaman, na kahit sa huling sandali ng buhay nila, they still care for us. Hayss…

    Lo, I just learned na kung may mawala man na mahalagang tao sa buhay natin may mga tao na…. hindi man katulad nila, kasing bait nila… kawangis nila, hindi man papalit sa position na naiwan ng misis nyo, pero may taong magiging malaking bahagi ng buhay natin na makakapagpaligaya satin hindi man sapat para maalis ang lungkot ng pagkawala nila pero dadating ang panahon na we will thank GOD for giving those person/s that in our deepest and emotional needs di nila tayo iniwan.

    Cheers and hugs… Lolo na NaTay!🙂

    • Ay oo Tin…masakit talaga lalo na kung parang masyadong maaga pa ang paglisan ng minamahal. Parang how I wish na sabay na kami sanang mawawala sa aming pagtanda. Ang kamatayan kasi ang di itinuturo ng ating mga magulang at iskul…kaya parang may kabiglaanan talaga ito at isa pa di itinuturo kung ano ba ang mga dapat gawin kung mangyayari ito….mahirap nga ituro ito kasi biro mo..mamahalin mo ng todo-todo tapos puwede palang mawala ng bigla…talagang malalim na ispirituwal na buhay palagay ko ang kailangan para matanggap ang mga bagay na ganito sa buhay ng tao.

      Yun nga malamang ang mensahe ng mga umaalis sa buhay natin…parang tuwing aalis tayo ng bahay at magbibiyahe…ang wish nila ay maging maayos at safe ang ating biyahe…na parang sinasabi na laging wish nila na maging masaya rin ang buhay kahit magkakahiwalay na….at napabuntong hininga rin ako….hayyyys.

      At sobrang na tats mo ako dito sa mga sinabi mo…sakto sa puso ko…dahil nangyari at nangyayari ito sa buhay ko at buhay naming mag-anak:

      —-“Lo, I just learned na kung may mawala man na mahalagang tao sa buhay natin may mga tao na…. hindi man katulad nila, kasing bait nila… kawangis nila, hindi man papalit sa position na naiwan ng misis nyo, pero may taong magiging malaking bahagi ng buhay natin na makakapagpaligaya satin hindi man sapat para maalis ang lungkot ng pagkawala nila pero dadating ang panahon na we will thank GOD for giving those person/s that in our deepest and emotional needs di nila tayo iniwan.”

      Maraming Salamat…hugs…hugs at hugs pa.

      Nagpapasalamat din ako sa Diyos sa katulad mo na nakilala ko dito sa blogosperyo….kayo ang aking nakakasama ngayon at nakakausap na nagbibigay kaligayahan sa aking buhay.

      God Bless Tin!

  5. kaspangarigan says:

    Ito ang sagot ng Bibliya sa iyo.

    1 Cor 7:7 Kaya’t ibig ko sana, na ang lahat ng tao ay maging gaya ko. Nguni’t ang bawa’t tao’y mayroong kanikaniyang kaloob na mula sa Dios, ang isa’y ayon sa paraang ito, at ang iba’y ayon sa paraan yaon.

    1 Cor 7:8 Datapuwa’t sinasabi ko sa mga walang asawa, at sa mga babaing bao, Mabuti sa kanila kung sila’y magsipanatiling gayon sa makatuwid baga’y gaya ko.

    1 Cor 7:9 Nguni’t kung sila’y hindi makapagpigil, ay magsipagasawa: sapagka’t magaling ang magasawa kay sa mangagningas ang pita.

    Ayun, kung naglalaway ka na at para ka nang asong ulol at di ka na mapigil e di mag-asawa ka na.😆

    • superlolo says:

      Salamat Kaspangarigan sa iyong advise mula sa salita ng Diyos.

      Haha…malakas pa yata ang aking ‘mind over body’…focus lang sa magagandang bagay…lalo na sa mga aral ng Diyos…mapaglalabanan pa naman ang tawag ng katawan.

      Maraming salamat din sa pagbisita.

  6. J.Kulisap says:

    Ikaw lamang ang makakasagot sa tanong mo berkie.

    Ano ang mas malalalim na dahilan kung bakit gusto mo pang maging doble?

    Nasa middle adulthood ka na hindi ba?

    Generativity and Stagnation, isa sa walong stage ng PsychoSocial Development ni Erik Eriksons. Please allow mo to:
    …Central tasks of Middle Adulthood
    • Express love through more than sexual contacts.
    • Maintain healthy life patterns.
    • Develop a sense of unity with mate.
    • Help growing and grown children to be responsible adults.
    • Relinquish central role in lives of grown children.
    • Accept children’s mates and friends.
    • Create a comfortable home.
    • Be proud of accomplishments of self and mate/spouse.
    • Reverse roles with aging parents.
    • Achieve mature, civic and social responsibility.
    • Adjust to physical changes of middle age.
    • Use leisure time creatively.
    • Love for others
    ….Huwag kang magtaka, ilang pamantayan lamang yan pero may mga puntos naman.

    • Maraming salamat Jkulisap…yap ang kasagutan ay mula lamang sa akin…ngunit nagpapasalamat na ako sa magagandang advise na puwede kong pagbasihan ng napakaselan na katanungan ng aking pagkatao ngayon.

      Yap lumampas na ko ng konti sa halfway of my life.

      Ngayon ay sasagutin ko kung ano na ang nangyayari sa buhay ko ngayon…base sa iyong ibinigay na pamantayan:

      • Express love through more than sexual contacts.
      —love ko sa family, friends, relatives, community

      • Maintain healthy life patterns.
      —sobrang adik sa healthy lifestyle

      • Develop a sense of unity with mate.
      —ummmm…pass

      • Help growing and grown children to be responsible adults.
      —almost mission accomplished

      • Relinquish central role in lives of grown children.
      —Okay na ito…pagka graduate nila ng college.

      • Accept children’s mates and friends.
      —Okay na ito…super accepted na sila sa family.

      • Create a comfortable home.
      —Okay na rin hanggang ngayon…a very comfortable & happy home.

      • Be proud of accomplishments of self and mate/spouse.
      —Very appreciative of our accomplishments…kasama na yung sa mga bata

      • Reverse roles with aging parents.
      —Taking care & guiding my aging mother.

      • Achieve mature, civic and social responsibility.
      —Love ko ito…marami nung nasa Pinas pa…someday dito rin

      • Adjust to physical changes of middle age.
      —Very ready na ako dito

      • Use leisure time creatively.
      —love ko ito….enjoy the moments & what really matters

      • Love for others
      —Marami akong love para sa iba…even sila muna…mahuli na ako.

      Wow…pasado kaya ako JKulisap sa pagsusulit? Di ko na yata kailangan maging doble.

      Maraming salamat sa pagbisita at sa mga pamantayang puwede kong magamit sa aking katanungan.

  7. orville says:

    Hirap po maging NaTay kaya po lolo tatagan nyo ang loob nyo.. God bless po.

    • Maraming Salamat Orville.

      Mukhang maayos naman at smooth sailing ang aking pagiging Natay…walang nagturo pero malaking bagay ang mga taong ipinadala ni Lord para maging maayos ang aming pamilya sa kabila ng mga pagsubok.

      Tama ka Orville…tatag ng loob…sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Lord.

      Ingat lagi dyan & God Bless din!

  8. Bogcess says:

    Mukhang happy to be single ka naman po. Kaya mo yan!

    • Hi Bogcess…Oo siguro kung di ako masaya ay di rin ako tatagal ng ganito. Maraming factors kaya ako nakatagal…siyempre isa na dito ang pag-embrace ko ng malalim na relasyon kay God.

      Sumilip na ako sa iyong site…ang ganda…very technical….mahilig ako sa ganyang mga topics…babalik ako.

      I-add kita sa blogroll ko para makabalik ulit ako.

      Maraming salamat sa pagbisita. God Bless!

  9. bonistation says:

    dad, kaya mo naman maging single eh kaya, ok na yang status mo, don’t change it ^^ happy ka naman, at kaming mga anak mo ang isa sa mga dahilan na yon.. (pinanindigang anak? haha)

    malaking bagay ang mabaling ang atensyon at panahon sa simbahan at sa mga community services.. isang way ni lord yun diba para magpatuloy tayo sa normal na buhay..

    May God continously bless you and your family, dahil sa pamamagitan mo po, naging blessing kadin po para sa amin!

    • God Bless You Bons…isa sa mga anak ko dito sa blogosperyo & salamat & maraming salamat sa adbays mo…at totoo yang sinabi mo na masaya naman ako…isa na nga ngayon ang makapuso & makapamilya nating samahan dito.

      Ay oo Bons…kung bata-bata pa ako ay baka sinubukan kong mag-apply sana bilang isang deacon sa simbahan…pero tama yung sabi maibaling ang aking paninilbihan kay Lord ay isang magbibigay sa akin ng masaya at normal na buhay.

      Maraming salamat sa prayers Bons….in my own little way ay dito lang ako para makasama ninyo dito sa blogosperyo.

      Ingat lagi & God Bless din.

  10. galing naman ng lolo ko, ipagpatuloy mo at magtatagumpay ka

  11. dlysen says:

    Ok ang maging single sa simula pero ang maging single ulit at mawalan nang kabiyak eh nakakapilay talaga. Its hard to stand with single leg. Di naman nakakapagtaka na kahit na isa lang ang paa ay nakaka tawid parin. Marami naman paraan at supporta ang maasahan kung naging mabuti tayo. Pagpalain pa tayo at makasumpung nang kaligayahan.

    • superlolo says:

      Maraming salamat Dlysen at napakaganda rn ng iyong advise sa akin.

      Tama ka napilay talaga ako noon pero gumawa ng paraan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga taong magiging gabay ko sa pagkapilay…nakalakad ako ng diretso sa mga nakaraang taon at ramdam ko patuloy ang gabay ng ating Panginoong Diyos…patuloy ang aking pananampalaya para sa gabay ng ating Maykapal para sa minimithing kaligayahan.

      Nagpapasalamat ako sa iyo at sa lahat nagbigay ng advise…daig ninyo pa aking mga tunay na kapatid at kamag-anak sa ingyong ibinigay na advise sa akin.

      God Bless Dlysen!

  12. yiN says:

    Mahirap pa talaga sagutin sa ngayon noh ‘lo, pero kusang darating yan kung nakalaan, sigurado ako gagabayan ka ni lola. Hehe. Kaya mo yan, superlolo ka nga eh!

    • superlolo says:

      Maraming Salamat yiN!

      Ramdam ko pa rin ang gabay niya talaga sa aming pamilya…siya ang isa sa mga anghel ng aming buhay ngayon.
      at nananampalataya ako na pagmamahal ni Lord…. “Thy will be done”.

      Haha…siguro nga kaya ako superlolo…kinaya ko ang pagsubok na ito.

      Maraming salamat yiN sa advise at pagbisita.

      God Bless!

  13. wes says:

    Nakaka-inspire ka ‘lo. Sana ganyan din ako pagtanda ko.

    • Maraming salamat Wesarimo.

      Di ko rin akalain na malalampasan ko lahat ang mga pagsubok…pero natutunan ko na manalangin at palagiang humingi ng gabay sa ating Maykapal.

      Isang buhay na naka-focus sa pagmamahal at pananampalataya sa Panginoong Diyos ay siguradong magiging makabuluhan ang ating buhay dito sa mundong ito.

      Maraming salamat sa pagbisita Wesarimo.

  14. Hindi na po ako magbibilang kung nakabase ba o hindi… Homerun po kasi ito!!! Hehehehe…

    May haplos sa puso ang inyong post… At hindi ko po alam ang sagot sa inyong mga tanong… Kasi ako rin po’s nagtatanong kung ano ang ihahain ng Buhay sa aking pagtanda…🙂

    Pero ako po ay siguradong patuloy kong mamahalin ang buhay, mag-isa man, or maging doble o, maging Natay din katulad niyo… Sana maging kasing tatag niyo ako pagdating ng aking panahon…🙂

    • Hay naku salamat at nagawi ka Mark sa aking bloghay. Na miss kita…san bang site kita makikita?

      Isang pag-share ito ng aking buhay na punong-puno ng pagpapasalamat sa Maykapal. Na sa kabila ng mga pagsubok sa aking buhay ay nanatiling ako at ang aking pamilya na nanampalataya sa Panginoong Diyos.

      Ako man Mark akala ko ay sementado ang daraan ng aking buhay….ngunit napakarami palang lubak at minsay may mga bundok pa…pero ito pala ang nagpatibay sa akin para sa relasyon ko sa Maykapal. Ang pagmamahal at ang mga aral ng nakatuon sa Diyos ang nagpatibay sa aking biyahe sa pagtanda.

      Yap sakto ang sabi mo’Mahalin ang buhay’….Kasi ‘Life is a Gift’ from our loving God.

      Focus lang kay Lord at siguradong magiging matatag tayo sa mga pagsubok ng buhay.

      Salamat Mark sa pagbisita. God Bless!

  15. salbehe says:

    Isang malaking buntong hininga lang ang nagawa ko pagkatapos mabasa ang post na ito. Haaay. Hanggang dito na lang yata ang kaya kong iback-read. Walang kahit anong magkapareho sa aking buhay sa mga sinabi mo sa itaas, hindi ako tatay, o hindi ako natay, pero tagos sa buto ang mensahe ng blog mo. Buti na lang pinalaki ako sa gatas kaya strong ang bones ko.

  16. joyce says:

    Lo, bakit po ba ako pinapaiyak ng mga blogs nyo?
    Nakakaasar e!
    Ayoko ng usapang pamamaalam…
    Kahit pamamaalam ng isang kaibigan papunta sa isang malayong lugar..
    Masakit po iyon, Pero ang mas masakit ay ung isang kaibigan mo na bigla na lamang naglisan at hindi mo na matagpuan.
    Ung tipong alam naman nya na kung saan ka nya kokontakin pero hindi mo malaman kung ayaw nya lang talaga o galit siya sayo.
    Masmasakit po iyon kasi hindi mo alam kung may kaibigan ka pang hinihintay..
    Sana isa siya sa mga tagasunod sa mga blogs nyo upang malaman nya sa kaunting panahon na naging kaibigan ko sya ay pinahalagaan ko sya at minahal.

    Pasensya na po kung lagi akong umuukupa ng malaking espasyo sa blog nyo…

    Dito rin po sa blog na ito, naalala ko ang lolo ko, nagbakasyon sya dito sa Pilipinas non dahil mag baba bang luksa na para sa Lola ko (May 2008)… Isang linggo bago siya bumalik papuntang Amerika,nagkasakit sya. Naconfine sya Makati Med ng ilang araw lamang kasi kelangan na rin nilang bumalik ng Amerika thou kaya na naman nya talagang magbyahe.
    Noong panahon na nakaconfine sya sa hosp, kaming 2 ng pinsan ko nag nagbabantay sa kanya 24/7. Hindi naman mahirap syang alagaan, hindi sya pala daing. Pero may pagkakataon na napaluha talaga, un yuon nung sabihin ng aking Lolo na sana ay kunin na rin sya. Eto ang eksaktong sinabi nya.,” Sana kunin na lang ako,nahihirapan na kayo sa akin”. Hindi na ako nakapagsalita, tumalikod na lamang ako at unti-unti ng pumatak ang aking luha. Nung araw na ilalabas na sya sa hosp, nagpaalam na ako kasi may kailangan akong asikasuhin na papeles noon. Muling pumatak ulit ang luha ko…
    Hanggang sa makabalik na sila sa Amerika, ilang araw lang simula ng makarating sila, sumama uli ang pakiramdam ng aking lolo, naconfine ulit siya sa hosp.
    Simula noon nanghina na ng tuluyan ang aking lolo. Sa tuwing tumatawag ang mga tita ko upang kwentuhan sya ng mga masasayang nangyayari sa Pinas kahit pa ito ay pawang imbento lang, pumapatak ang aking luha. Kasi hirap syang magsalita. Mahirap pala ung nagkukwento ka ng masaya ng umiiyak ka…
    Wala pang isang buwan, mula nung sila ay makabalik sa Amerika, tuluyan ng namaalam ang aking lolo.
    Isa ito sa pinaka mabigat na ngyari sa buhay ko. Napakasakit! Hanggang ngayon, sa tuwing may nakikita o nababasa ako tungkol sa isang lolo, parati akong lumuluha.

    Lo, pasensya po ulit…. umiksena na naman ako…

  17. joyce says:

    Lo, ung tungkol naman sa inyong pag-aasawa e nasa sa inyo po iyon.. Kung may matatagpuan pa kayong babae na mamahalin nyo at mamahalin din kayo. Why not di ba?
    Wala naman sa edad yan.

    Ako naniniwala na hindi basta pagmamahal ang pundasyon sa isang relasyon ng mag-asawa e.Kung ndi sa pagkakaibigan.

    Pwede naman na ndi kayo mag-asawa e, kahit companionship lang..

    Basta po, ang mahalaga e kung saan kayo masaya…

  18. taray says:

    Isa sa mga ayoko ay ang “pamamaalam” …
    Kahit pamamaalam lang ng kaibigan/kapamilya na pupunta sa malayong lugar. Kahit pa taon-taon na pabalik balik ng Pinas ang aking mga kapamilya, sa tuwing aalis na ulit sila, ako’y umiiyak. Sobra-sobra ang kalungkutan ang aking nararamdaman.

    May 2008,Naalala ko tuloy ang mga huling araw ng Lolo ko.. Umuwi siya noon at ang buong pamilya ng Pinas dahil babang luksa ng aking Lola. Matapos ang araw ng babang luksa, sumama ang pakiramdam ng aking Lolo. Agad namin siyang dinala sa Makati Med,doon naconfine sya ng ilang araw lamang.
    Buong pag-stay nya sa hosp, kami ang nag-alaga ng aking pinsan. Hindi naman mahirap alagaan ang aking Lolo, para nga lang kaming nagbabakasyon noon sa hospital e. Pero may isang pangyayari na ikinapanlambot ng tuhod ko… un ay nung sabihin ng Loloko na:
    **SANA KUNIN NA LANG SYA NI LORD PARA HINDI NA RAW KAMI MAHIRAPAN MAG-ALAGA SA KANYA.**
    Hindi ko alam kung ano ung sasabihin ko noon sa kanya, tumalikod na lamang ako habang unti-unting pumapatak ang luha ko. Makailang araw lang ay nakalabas na rin sya ng hospital. At lumipad na rin sila pabalik ng Amerika kinabukasan. Nung araw na lalabas na sya sa hosp, hindi ko na sya nahintay kasi may aasikasuhin pa ako noon. Nung nagpapaalam na ako sa kanya, iyak ako ng iyak…Hindi ko alam ang dahilan pero iyak ako ng iyak hanggang sa sasakyan at makarating sa pupuntahan ko e pumapatak pa rin ang luha ko.
    Makailang araw mula noong sila’y makabalik sa Amerika, sumama ulit ang pakiramdam ng aking Lolo, dinala ulit sya sa hospital. Mula noon, nanghina na ang aking Lolo. Sa tuwing kakausapin namin sya sa telepono, ungol na lamang ang aming naririnig mula sa kanya. Hirap na siya noon. Kaya nagkukwento na lamang kami ng masasaya kahit pawang mga imbento lamang ito… Mahirap pala ung nagkukwento ka ng masaya habang umiiyak?!
    Wala pang isang buwan ng makabalik sila sa Amerika, tuluyan ng namaalam ang aking Lolo.
    Ang sakit-sakit! Hindi ko inakala na un na pala ang pamamaalam ng aking Lolo. Sa huling araw ng kanyang buhay, iniisip pa rin nya ang kanyang pamilya.
    Lumaki ako sa aking Lolo at Lola kaya napakasakit na mawala sila. Sa tuwing naaalala ko ang mga huling araw na nakasama siya at nakausap, umiiyak pa rinako at hinihiling ko na sana tumigil na lamang ang mga oras na iyon.

    Pasensya na po kung napakalaking bahagi ng ispasyo ang naukupa ko na. Nadala lamang po ako sa inyong kwento.

    Ung tungkol naman sa pagiging NaTay at Single nyo…
    Mahirap po ata ang maging NaTay!
    “Two Thumbs Up” ako sa inyo pagdating doon…

    Magiging Double pa ba kayo?
    Nasa sa inyo na po un kung mag-aasawa pa kayo…
    Pero kung may darating pa talaga na babaeng magmamahal sa inyo at mamahalin nyo, e bakit ba hindi di ba?
    Pero okay na rin naman kahit companionship lamang…

    God Bless!

  19. nakakatuwa naman ho, parang ang level-headed nyo habang dini-discuss ang usapin. siguro nga po, it’s a practical question sa kagaya nyo ang edad at estado sa buhay.

    pero palagay ko, superlolo, you would know when it’s time to be involved intimately with another woman again. and when it’s right. kasi, you have your wife’s memories and guidance naman to gauge things by. malalaman nyo na siguro ‘yon, tingin ko lang ho… :s

    have a good week.🙂

    • Maraming salamat Miss DP SAn.

      Simula nung sinulat ko ang muni-muni ko na ito ay medyo on-hold muna ang isyu na yan sa buhay ko.

      Tatapusin ko muna nang maayos ang obligasyon ko sa aking mga anak…na aking naging pangako sa aking Misis ilang minuto siya bago lumisan.

      Sa ngayon ay 7 years na & counting…ang sabi ng mga nakausap ko ay….kung may darating talaga ay malamang kakabog talaga ang puso ko…at malamang…abangan ang susunod na kabanata…hehe.

      Salamat….ingat lagi dyan sa atin & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s