My Resolutions for 2010

Bago matapos  ang buwan ng Enero ay ninais ko nang maisulat ang mga balakin ko para sa taong ito.

1. Maging ‘Organized’…yun bang ayusin ang kalat ng buhay at bahay…simlify.

Nuon ay naisulat ko na gusto kong i-simplify ang aking buhay kaya isang paraan dito ay maging maayos sa aking mga gamit…na yun lamang mga importeng gamit sa bahay ang kailangan maging laman ng bahay(naging ‘minimalist’ na po ako ngayon) at yung mga importanteng papeles ng aming pamilya ay mailagay sa tamang lugar.

Dahil nuon ay iniaasa ko lahat sa aking Misis ngunit sa kadahilanan na ako ay NaTay na ay talagang isang responsibilidad ko na ito sa ngayon.

Kaya ang sabi nga ‘Organization should be about making life easier‘ and kapag maayos na ang lahat makaka-focus ng mahabang oras sa mga ‘what matters most in life’…lalo na para sa mga mahal sa buhay o sa mga gawaing puwedeng makapagpaligaya sa atin.

Magiging masaya ang buhay.

2. Kumain ng mga masustansiyang pagkain.

Nuon pa naman ay sinusunod na namin ito sa aming pamilya…lalo na nung na-diagnose ng sakit na kanser ang aking Misis. Talagang puro healthy foods kami nuon…puro organic…at halos naging vegetarian kami sa pamilya. Kaya ipinagpapatuloy namin ito hanggang ngayon at lalo pa namin pinag-aaralan ang mga pagkain inilalagay namin sa aming mga bibig.

3. Patuloy na maging mapag-pasensiya sa mga anak, kapatid at magulang.

Hindi uso sa akin ang nagagalit at sumisigaw sa mga anak. Lumaki sila ng punong-puno ng pagmamahal. Nais ko maituro sa kanila ito upang sa panahong sila naman ay magka-anak ay ganun din ang kanilang magiging patakaran sa buhay…na buong-puso na maintindihan ng mga anak nila na ayon sa pagmamahal ng Diyos.

Gayun din para makapagsilbi ako ng mabuti sa aking magulang at mga kapatid at pamilya nila ay ninanais ko na laging maintindihan ko sila.

4. Mag-Exercise ng regular.

Ito na yata ang laging gusto ko na magkaroon ng maayos ng ehersisyo para sa aking katawan. Mga simpleng exercise lang naman…katulad ng yoga.

5. Ayoko ng mag multi-task sa buhay.

Nais kong namnamin ang buhay…lalo na ang makapiling ng mas matagal ang mga mahal sa buhay at nais ko rin na makipag-ugnayan sa kalikasan ng madalas. Lahat ng oras ko ngayon ay inayos ko na kapag andyan ang mga anak ko at ang mga kamag-anak ay sila na muna…kinakausap at nakikipag-kuwentuhan sa kanila. Sa isang tabi muna ang computer at TV.

6. Gumastos ng tama lang.

Isang punto ito ng pag-simplify ng buhay.  Dahil nga nasa panahon tayo na medyo ang ekonomiya ay tagilid pa kailangan medyo kailangang gumastos lamang para sa mga pangunahing kailangan ng buhay. Katulad ng cable TV subscription…wala kami nito ngayon…nakakapanood naman ng mga palabas sa Internet. Ang aming telephone sa bahay ay yung basic at flat rate lang…para lang ito sa DSL Internet. Yung binibili namin na panggamit sa bahay ay yung mga generic lang…katulad ng mga sabon, toilet paper at mga panglinis sa bahay. Maraming paraan sa pagtitipid na hindi naman nagsasakripisyo ng mga pangunahing pangangailangan sa buhay.

7. Magkaroon ng magandang relasyon sa mga kapamilya at kapuso.

Maikli lang ang ating buhay at ninanais ko lagi ito na pagbutihan ang aking mga ralasyon sa mga kaibigan at mahal sa buhay…kasama na rito ang aking mga ka-bloggers. Ito ang nagbibigay ng kaligayahan at nagpapataba sa aking puso ang patuloy na magkaroon ng ‘connection’ sa mga kaibigan at mahal sa buhay.

Minsan lang ako daraan sa mundong ito at ninanais ko ito na isang punong-puno ng pagmamahal.

8. Patuloy na magkaroon ng magandang spiritual na buhay.

Ito ang nagpapatibay sa aking journey dito sa mundong ito at kailangan kong patuloy na palakasin ito para paghahanda sa aking….eternal life. Mahal ko ang buhay pero ‘I just live one day at a time’…bawat araw ay parang last day…pinupuno ko ito ng mga mahahalagang gawain 101%…para anytime pag tinawag ako ni Lord ay handa na ako. Laging handa sa susunod na buhay.

9. Sana matupad ang lahat ng aking mga balaking ito sa 2010.

Minsan kasi sa bilis ng panahon ay napapako ang mga balakin natin…Nawa’y gabayan ako ng Maykapal upang matupad ang mga ito sa aking buhay.

Maraming Salamat sa inyong lahat na aking mga nakilala sa blogosperyo at sana’y dumami pa ang aking makikilala para sa taong ito.

50 comments on “My Resolutions for 2010

    • superlolo says:

      Haha…talagang praktisado ka na naman sa pag beys.

      Salamat sa pagsilip dito Taribong…balik ka ha.

      • taribong says:

        Hala hindi naman po. Lunchbreak po kasi kaya nagba-bloghop. Pero pag andito na ang boss, yari na ulit. bakbakan sa work hehehe. Salamat po ulit…

    • taribong says:

      WOW talaga. Tats, ang sarap magbasa ng inyong resolutions for 2010. Gagawin ko rin po ang inyong mga nabanggit hehehe.

      Kailangan talaga ng quality bonding time katulad sa No. 5. Minsan nga po lahat ng kuwarto ng bahay may TV. Sa amin iisa lang, kaya kapag nanood ng tv, family bonding time na rin hehehe.

      Makakaasa po kayong punumpuno kayo ng pagmamahal mula sa amin. Ipinagmamalaki kong nakilala ko po kayo. Ingat po kayo lagi. God bless you always po.

      • superlolo says:

        Haha…isang simpleng resolusyon ko ito Taribong…tama ka na aplikabol din siguro sa iba na may nais maging masaya, puro pag-ibig, malusog at punong-puno ng pananampalataya sa Diyos na buhay.

        Maraming salamat at kahit di pa man tayo nagkikita ay ramdam ko naman ang paggalang at pagmamahal mula sa inyo dito…hug…hug…hug.

        God Bless din.

  1. alkapon says:

    Hindi ako naka base..

    pero ganun pa man.. muli akong nagparamdam upang kumustahin ang aking Lolo..

    musta po kayo lolo?… iniinom niyo pa ba ang iyong vitamin “V”, complex with iron? he he he

    • superlolo says:

      Haha 2nd beys ka Al….matagal kitang hinintay…akala ko nagtampo ka na.

      Nagkomento na sana ko dun sa bago mong post pero ayaw tanggapin yung aking komento…baka di na tumatanggap ng Lolo ang site mo..hehe.

      Nagpalamig ka pala sa Europe….tsarapp tsrapp naman.

      Haha…na miss kita Al…yung vitamin V…hehe reserve muna for the future….jok lang Al.

      Happy New Year sa iyo at buti…you are back!!!!

  2. J.Kulisap says:

    Huwag mo nang sabihin iyo na lamang gawin.

    May attitude ang aking comment..hehehe

    • Haha…salamat Jkulisap..Ito yung first time na nagsulat ako ng resolutions sa buong buhay ko. Nais ko someday maging batayan ko ito…na natupad ko pala ang mga ito. And siguro dahil parang generic naman ang aking mga resolutions…ninais ko rin na mai-share ito…para may mapulot ika nga ang iba….na medyo naghihintay pa gawin…later pa in life…ang ilan sa mga ito….all in all siguro….enjoy life lang.

      Yap sana nga magawa ko lahat ito religiously….kasi minsan nadidiskarel…at nalilimutan…at nalilibang sa ibang bagay.

      Salamat sa pagbisita….Ingat lagi & Gos Bless!

      • J.Kulisap says:

        Mahal kong Super L.

        Kamusta berkie?

        Sana ay nasa mabuti kang kalagayan at walang karamadaman sa pagbasa nitong aking sinulat.

        Nagmamahal,
        J.Kulisap

      • Mahal ko ring Jkulisap.

        Mabuti naman ang Lolo…di na masyado malamig dito…kahapon ay nagtabas ako ng mga damo sa garden..at sa wakas ay pinawisan ako…ginto ang pawis dito…at nagkutingting ng dalawang bigay na sasakyan(hulog ng Langit)…kaya ako’y nasa mabuting kalusugan ka Berkie.

        Natutuwa ako at nakalaro ka rin sa beys contest…sa iyo sana yung 1st beys kaya lang mukhang nagkape ka…at biglang nuon nag post si Father.

        Laro ulit tayo sa Feb. 7…kitakits.

        Salamat sa iyong pangangamusta.

        Kumusta rin sa iyo…Ingat lagi & God Bless!

        Nagmamahal din,
        SuperLolo

  3. mtoni says:

    ung paglalakad po mainam na exercise, kung malapit lang pupuntahan tulad ng grocery basta kaya bitbitin ang pamimilhin di tulad ng ibang eksersays na tingin ko eh parusa na sa katawan.

    nakikowment na din poh.

    • Hi Mtoni…salamat sa pagbisita. Agree talaga ako sa sinabi mo…matagal ko nang ginagawa iyan sa buhay ko…I enjoy walking….and sobrang agree ako dun na wag pahirapan ang katawan sa mga mahihirap na exercise…maligaya na ako sa simple stretching…walking & jogging…..& siguro maybe mai-try ko yung simple yoga.

      Yap salamat sa pagbisita & balik ka lang lagi…nababasa ko na ang mga komento mo dun kay Father.

      God Bless!

  4. pinkdiaries says:

    base! hehehe..

    sana matupad lahat ng iyong balakin sa buhay lolo, lahat ng ng ating mga ninanais ay minsan hndi nga natutupad dahil din sa maraming kadahilanan..

    May God Bless u always!🙂

    • Haha…nagpaparaktis ka na sa bag-beys Miss PD.

      Oo pero sa ngayon dahil nga nasa half way na ako ng buhay ko…nais ko magawa na ito religiously…masimulan na ngayon ito ng dibdiban…hehe.

      Salamat Miss PD sa pagbisita & Yap sana tuloy tuloy na matupad ito lalo na sa simula ng bagong dekada.

      God Bless!

  5. ako rin gusto ko kumain ng mga masusustansyang pagkain…pero pag dito talaga sa isla, naku, laging fatty foods, oily foods at sea foods.

    • Haha…sana po Father..mas marami yung sea foods…and daananin po natin sa exercise….para mawala ang mga fats sa katawan….bata pa naman po kayo….enjoy pa rin sa pagkain…enjoy Life…Life is a gift from God.

    • pinkdiaries says:

      @fr fiel, atleast may FOODs! hehehe

      • haha…oo nga Miss PD…ang daming choices ni Father sa pagkain…okay lang kumain ng gusto si Father…bata pa naman siya…pero sabi nga wag lang daw madalas ang mga di masyadong healthy foods…talagang ganyan….maraming nagmamahal kay Father…maraming invitation sa mga celebration..hehe.

        God Bless Miss PD.

      • pinkdiaries says:

        yup lolo, sikat na sikat yan si fr. pag dating sa mga inbitasyon, lahat pinuntahan! hehehe

        god bless din po!🙂

      • hehe sikat sa imbetasyon, hehe ang hirap pag marami ring invites, naku, laging fatty foods. ung dalawa kong kasamang pari dito, di na kumakain ng rice at di na nag-uulam dito dahil gusto magbawas ng timbang. hehe. lugaw na lang lagi sila. ako lang ang rice at taga ubos ng mga ulam, haha.

      • Ay Naku Miss PD…kung ako rin…kung mula sa Puso ang mga imbitasyon…ay di ko maiiwasan ang kumain sa mga imbetasyon.

        Haha…yun lang po Father nga….kapag panahon na ng nakikita sa tiyan ang epekto ng mga handaan….pagdi-diyeta naman.

        Haha…kakatuwa naman taga-ubos ng ulam..aba tama po iyon…grasya iyan ng Diyos..wag sayangin…maraming nagugutom.

  6. lhen says:

    ganda ng post mo tatay.., kaya sang ayon akong resolution ko rin ang #1, 3, 7, 8, 9

    pero ang iba ndi pedeng ndi ko gawin lalo na ang multi-task sa buhay…kelangan kong balansihin lang ang oras ko sa kapamilya,kapuso at kapanalig hehehe🙂

    mon-fri sa pamilya
    minsan kapuso
    sat-sunday kapanalig (pag serve kay god)

    paggastos ng tama…ehehe ndi ako gaano magastos kuripot nga raw ako eh hehehe🙂
    regular exercise hmmmm taebo,hiphop dance , jogging at sit-up pag umaga
    nakakakain naman ng masustansya tnx kay god…lalo ngayon medyo nag gain dahil sa xmas en newyear kaya more oats lang muna ang kinakain ko twing umaga hehehe

    • Uy salamat Lhen…salamat din sa pagbisita.

      Talagang kaylangan na balansehen….kaya yung multi-tasking…talagang extra challenge sa panahon ngayon.
      Nung andyan pa ako sa Pinas…halos ang pag serve ko kay Lord ay Monday to Sunday…hanggat maiisisingit ko na di naman apektado ang family…minsan naman kasi nuon ay kasama ko ang family ko sa pagse-serve kay Lord.

      Haha…di rin ako magastos talaga…yung mga kaylangan lang sa buhay ang aking binibili…and siguro kung adjusted naman ang sarili sa simple happiness…nakakaraos naman talaga ng di kailangang bili ng bili. Haha di daw kuripot ang tawag dun…frugal…wise sa pagbili…hehe.

      Yang pagkain ng healthy foods & exercise nagsimula ako nung nagkasakit ang Misis ko nuon…buong pamilya …healthy foods & exercise.

      Pareho tayo…matagal na akong more oats…yogurt & fruits lang sa morning….plus vitamin C.

      God Bless Lhen…kita-kits tayo sa palaro ni Padre!

  7. Eli says:

    Ako yta ang dko pa nagawa ang new years resolutn ko for 2010.bsta gusto ko lng mlampasan ung nkaraan.
    Tnx din kuya blu at nakilala kita

    • Salamat Eli…tama yung sinabi mo ang malampasan yung nakaraang taon…yung mapagbuti ang pangkasalukuyan kaysa sa nakaraan…ika nga.

      Sa katulad ko na nasa half way of my life na…medyo kaylangang…i-fine tune na yung buhay-buhay…kasi para kung mapagbuti ay maging masaya & siguro ma-extend pa ang buhay sa pagkakaroon ng magandang pananaw sa ating kalusugan…and laging kasama ang ispirituwal na kalakasan…kapag kasi tumatanda na eh maraming pa ring mga pagsubok ang daraan sa buhay.

      Salamt Eli sa pagbisita…God Bless!

    • ELIment says:

      ahihi..at bakit kuya blu ang nasabi ko? hehe pasencya na po lo

  8. walongbote says:

    Sana po ay ang new years resolution ninyo ay matupad, kasi paminsan we failed to so.. kasi we are not serious about it. Gusto ko yung new years resolution ninyo na palakihin yung mga anak na punong-puno ng pagmamahal at magkaroon na matatag na spiritwal. Gawing centered ito ng ating buhay.🙂 Goodluck and God Bless poh🙂

    • Ay maraming salamat walongbote.

      Oo yun sa mga anak ko ang aking laging pinagbubuti ang pagpapalaki kasi ninanais ko na maging masaya rin sila sa buhay nila kapag may pamilya na sila…yun nga lang ang iiwan ko sa mundo ang pagmamahal at magandang ispirituwal na buhay na pagtuturo…wala akong yaman na materyal kasing maiibibigay sa kanila….at yun na nga rin kapag ang Diyos ang inuna nila ay malamang makakamit nila ang tunay na yaman ng mundo.

      Maraming salamat sa pagbisita…God Bless din!

  9. teentoinks says:

    Lo, pansin ko lang po healthy living at clean living ang resolutions nyo. Hays… kaka-inspire na basahin kasi sa bawat number na basahin ko ramdam ko ang pagiging simple yet ur living ur life to the fullest… physically, emotionally and spiritually.

    I tried YOGA, marami lang po madadownload sa internet, yun yung ginagaya ko… pero 1week lang po, basic na nga lang hirap na hirap na ko, ayun tinigilan ko na po. hehe

    Ingats Lo.

    • Salamat Tin…Yung ispirituwal ay nagsimula nung 1995..talagang 180 degrees talaga ang pagbabago sa buhay.

      Yung healthy lifestyle ay nagsimula nung nagkasakit ang aking Misis taong 2002…lahat kami sa pamilya ay naging aware sa mga tamang pagkain…hanggang ngayon ito.

      And yun living to the fullest ay kasabay na rin nung nagkasakit ang Misis ko…hanggang ngayon na. Being grateful ako everyday….and yun nga sa akin ay bonus na everyday kapag akoy nagigising sa umaga…so sobra ang pasasalamat ko sa Diyos.

      Mayron akong ginagaya sa video na Yoga…pero tama ka dun lang ako sa basics muna…medyo akin pa rin na gagawin ito na masunod ko religiously ika nga…minsan kasi…stretching lang ako & walking. Haha sana mituloy mo ang Yoga….& parang gusto ko rin pag-aralan ang ‘meditation’….next time siguro.

      Salamat Tin sa pagbisita…God Bless!

  10. bonistation says:

    hangad ko po dad ang katuparan ng lahat ng yan, ang gaganda kasi! punong puno na pag ibig at pag asa, nakaka inspire namang sundan.. mainam ding maging minimalist. ^^ tayo kasi nakasanayan na natin na tago dito tago doon, hanggang sa napakadami napalang kung ano ano na hindi naman talaga
    kailangan.

    hindi ko papalampasin ang number 7. hehe. maraming maraming salamat po, marami talaga kaming makukuhang aral sa mga entries mo. keep on posting po!

    Bon

    • Ay salamat Bons…mga simpleng balakin lang naman ito at tingin ko ay generic naman para sa lahat ng tao.

      Nabanggit mo ang ‘Minimalist’…simula nang binalak ko ang pagkakaroon ng ‘simple life’….ayun nakasama na rin ang pagiging ‘Minimalist’ ko…dito sa US…ay mabilis mag-dispose ng mga gamit na di na kailangan…either mag-garage sale sa bahay, ipadala sa Pinas, or i-donate. Yun nga Bons kung malilinis ang clutter ng bahay…ay susunod magiging maaliwalas din ang buhay.

      Oo Bons…all out na ang aking pagmamahal…sapagkat ito ang itinuro ng ating Maykapal.

      Ingat lagi anak & God Bless!

  11. Fantastic post, I really like your style.

  12. kaspangarigan says:

    Comment ko yan sa No. 4 & 8.

    1 Tim 4:8 Sapagka’t sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, nguni’t ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan, na may pangako sa buhay na ito, at sa darating.

    At sa no. 6 naman na may kinalaman sa paggastos.

    2 Cor 9:7 Magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.

    Sumaiyo nawa ang Panginoon.

    • Naku maraming salamat Kaspangarigan sa pag-confirm ng aking mga sinulat na naaayon pala sa Mabuting Salita mula sa Bibliya.

      Talagang ang katawan na regalo ng Diyos ay dapat alagaan at ingatan.

      AT totoo po ito tungkol sa pagiging generous… ‘God loves a cheerful giver’.

      Amen po…at salamat sa pagbisita.

  13. kaspangarigan says:

    Balik ako uli, may nakalimutan ako.

    Sa no. 3 naman:

    Prov 22:6 Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.

    Eph 6:2-3 Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako), Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.

    Prov 27:10 Ang iyong sariling kaibigan at ang kaibigan ng iyong ama, ay huwag mong pabayaan; at huwag kang pumaroon sa bahay ng iyong kapatid sa kaarawan ng iyong kasakunaan: maigi ang kapuwa na malapit kay sa kapatid na malayo.

    • Maraming salamat muli Kaspangarigan sa pag-confirm sa aking sinulat na ito po pala ay ayon sa Mabuting Salita mula sa Bibliya….Ang pagmamahal at paggalang sa mga mahal sa buhay.

      God Bless!

  14. orville says:

    lolo medyo ngaun lang po ako naka visit ulit. alam nyo po bilib po ako sa inyo kasi kahit may edad na kayo may desire pa rin kayong magbago for the better ang situation nyo.. i’m talkig about your reolutions.. i like this one po..

    God bless..

    • Okay lang Orville…salamat sa pagbisita.

      Ay tama ang sinabi mo…ang magbago for the better…kahit matanda na…I love this Life….so mina-maximize ko itong gift na ito…si Lord lang naman ang makapagsasabi kung kaylan tayo mag-exit…pero yun nga marami palang tayong magagawa sa mundong ito…di lang para sa mga mahal sa buhay…pero para rin sa mga ibang tao.

      ‘Live to the fullest’ ika nga Orville.

      Ingat lagi & God Bless!

  15. Wow, kagaganda ng inyong mga resolutions. My hope and paryer that you make keep all of them… Kung hindi man, okay lang din, ang importante ay taon-taon, di tayo nakakalimot na magkaroon ng mga bagong pagkakaabalahan…

    Kapapanood ko lang po ng Pinoy indie movie na 100… It re-affirmed my only resolution this year: to keep a list of what I want to do and try to do them as if last year na ng buhay ko…🙂 This way, I will truly live…🙂

    • Maaraming salamat Mark at sa prayer na patuloy kong matupad ang aking mga balakin para sa taong ito.

      Ako nga Mark ‘one day at a time’ lang ako….kaya iniisip ko kung last day na ngayon…pinagbubuti ko lahat ang aking gagawin…yun nga ninanamnam ko ang mga ‘what matters most in my life’….na everyday feeling last day…..kaya nagagawa kong 101% ang effort at pagmamahal na ibibigay ko sa araw-araw.

      Ang sarap ng feeling na kapag natulog ako….feeling last sleep ko na at talagang nagpasalamat na ako kay Lord ng lahat ng blessings na natanggap ko at ipinagdadarasal ko na lahat ang mga mahal ko sa buhay…and I pray for a peaceful sleep and kung bibigyan niya ulit ako ng panibagong buhay sa paggising ay i-offer ko ulit ang araw na darating para sa kanya….another bonus day….hanggang mabuo ko ang 1 week…then month to months..to another year….Yes!

      My prayer din para sa iyo Mark…To our love for Life.

      Ingat lagi & God Bless Mark.

  16. alasais says:

    # 4 –> masarap mag-exercise. it makes us feel good and de-stressed as well.

    # 5 –> hindi maiiwasang mag-multi task kuya eh. as long as maaayos naman natin ang oras natin for everything. i think it won’t be much of a problem.

    – tenco

    • Hello Tenco…namimis ko na kayo ah…salamat pala sa pagbisita.

      Haha…sa sobrang kabisihan ng tao ngayon…ang exercise sana ang di rin mawala….gud for the heart, health & body.

      Yung multi-tasking…oo kailangang ang prioritizing sa nga gawain siguro para di masyado mag multi task.

      Muli maraming salamat & Ingat lagi dyan sa atin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s