Windows

Habang nagmumuni-muni ako ngayong umaga…Pebrero Katorse.

Ito ang mga unang nagparamdam sa akin mula sa mga bintana ng bahay. Ang paligid.

Bigla ko tuloy naalala ang isang tula ni Donovan Holtz tungkol sa ‘Windows’.

“Through a window I watch, windows are For watching –
Square pieces of life…Ever changing.”
—D. Holtz

Nakakatuwa ang bawat sandali habang nakasilip sa mga bintana…buhay na buhay.

Minsan kasi parang nakakaligtaan natin ang bawat purpose ng bagay sa ating paligid katulad ng bintana at mga nakikita sa mga bintana.

I enjoyed the moments…ang ganda…ang sarap mabuhay…Salamat sa Diyos.

Harap ng bahay.

Gilid ng bahay.

Likod ng bahay.

Likod ng bahay.

Gilid ng bahay.

Likod ng bahay.

Harap ng bahay(kasama ang bintana sa picture).

Harap ng bahay….may rainbow pa!

Windows

by Donovan Holtz

Across the headlands
The forest masses
Under gray skies
And mist
Into a solid wall
Of muted gray
Through which cars
Glide skirting noiselessly
The rocky edge.
Through a window
I watch, windows are
For watching –
Square pieces of life
Ever changing.

-0-

Mga Bintana
ni Donovan Holtz
(salin ni Taribong)

Sa gitna ng kabayanan
Ang mga kumpol ng luntian
Sa ilalim ng kulay abong mga ulap
At ang hamog
Tungo sa matibay na pader
Na mapanglaw ang kulay
Kung saan ang mga sasakyan
Tahimik nilang nilalagpasan
Sa mabatong gilid ng lansangan.
Sa bintana ako’y nanood,
Mga bintana’y para panooran
Ng mga kuwadradong bahagi ng buhay,
Pabago-bago, nagpapalit-palit, hindi pirmihan.

—Maraming Salamat Taribong sa pagkakasalin mo sa Tagalog ng tula ni Ginoong Holtz.

Interpretasyon ni kaibigang Chevybo

“Sa bintana ako’y nanood,
Mga bintana’y para panooran
Ng mga kuwadradong bahagi ng buhay,
Pabago-bago, nagpapalit-palit, hindi pirmihan” – habang tumitik-tok ang orasan, habang patuloy ang paglubog at pagsikat ng araw, patuloy ang pagbabago sa kapiligiran , pag papalit ng nakasanayan, dahil sa mundong ‘to, walang pirmihan.

Maraming Salamat Chevybo

67 comments on “Windows

  1. J.Kulisap says:

    Maaliwalas ang lokasyon.

    Busilak ang nakatira, nakikipamuhay, estranghero pero nagsusumikap na mapaganda ang direksyon.

    Kamusta SuperL.

    Ang ganda ng tula.

    • Maraming salamat sa pangangamusta(mabuting-mabuti naman ang Lolo) at pagbisita Jkulisap.

      maaliwalas at tahimik ang lokasyon—parang nasa isang probinsya lang kami…pero nasa sentro kami ng isang maliit na siyudad dito.

      —-”Busilak ang nakatira, nakikipamuhay, estranghero pero nagsusumikap na mapaganda ang direksyon.”…

      Kaya Naging inspirado kami sa buhay dahil sa dami ng nagmagandang loob sa amin…maraming nagbigay ng gamit para sa panimula namin…hanggang sa may nagbigay ng dalawang kotse(90s model na mga Toyota)…wow…thank you Lord talaga.

      at talagang angkop ang maganda at napaka-simpleng tula ni Holtz.

      Ingat lagi & God Bless!

    • Ok lang ka-berking Jkulisap…sige bibisita ako sa iyong bloghay at salamat din.

    • dlysen says:

      Wow eto ang bagon version nang windows. Supper Lolo Edition. Mukang malamig sa lugar na yan. Masarap matulog kapag may kayakap. Bakit nga ba tayo tumitingin sa bintana? Dito kc pumapasok ang liwanag, kaya naman kung nalulungkot tayo sa bintana mahahanap natin ang liwanag or maaring makapag pasaya nang ating damdamin.

      • Haha…ayos yun Dlysen….Windows SL Edition….hehe.

        Oo maaliwalas ang lugar…pero dahil tapos na ang winter…papasok na ang spring…talagang parang Baguio City na lang ang klima.

        Yung bintana ang pangalawang palatandaan na buhay pa ako…yung paggising ang una….at yung pagnakita ko na ang paligid…talaga palang buhay pa ako at nagpapasalamat ako sa Maykapal…at yun nga dahil kakaiba ang buhay dito…talagang ang bintana ang isang nakakapagbigay saya at pampaalis ng lungkot dahil sa pagkakalayo sa ating bayan.

        Salamat sa pagbisita & God Bless!

  2. aksoriyalmo says:

    Super Lolo, alam ko na kung saan ka nakatira. Yehey. Joke lang!

    Sa lumang bahay namin, up and down yun. Sa taas tuwing gabi, nakikita ko yung mga taong dumadaan. Nakakatuwa lang kase parang kitang kita mo yung buong mundo at bawat nilalang sa sakop ng paningin mo.

    Minsan may barilan, natutulog ako noon. Yung kapatid ko at pinsan ko nagising. Nakita nila kung paano nabaril yung kapitbahay namin.

    Napatigil talaga lahat dito sa bahay. Umakyat yung uncle ko para tingnan kung safe kami. Kinabukasan yun yung kwento. 2 sa kapitbahay namin ang namatay.. ako natutulog. Wala tuloy akong memories. Yung kapatid ko at pinsan ko nakita nila..

    Sa bintana sa 2nd floor ng bahay.

    • superlolo says:

      Kapag nagawi ka dito…invited ka Ax sa aming simpleng bahay.

      Tama ka…nasa itaas na unit kami…2nd floor…wala nga kaming mga picture frames sa walls…ang sabi ko ang mga nakikita sa mga bintana ang ‘live picture frames’ namin….ang mundo.

      Haha…naalala ko tuloy yung kuwento mo tungkol sa mga kaguluhan nung andyan pa ako sa Pinas….dahil nakatira kami dati sa Sampalok….malapit sa riles…ayun ganun din ang mga eksena…barilan at bugbugan…hhehe….dito tahimik parang laging nasa ‘retreat sa Tagaytay ang feeling’.

      Ingat lagi Ax diyan sa atin & God Bless!

      • aksoriyalmo says:

        Okay na po dito. Safe na po. Dati, isang beses lang talaga yun nangyari. Sobrang nakakatakot. Aw. Kase dati, maraming addict. Haha. Seriously, maraming addict na magbabarkada noon. Mga lower years ng elementary ako non.

        Ang ganda naman diyan sa inyo Super Lolo. Nakakatuwa. As in, ayoko na kay Kuya Jesse, sa inyo na lang ako magpapaampon. Yay.

      • Haha…okay lang Ax basta magagawi ka ng San Francisco City ay malapit ka na rito…maaampon na kita…masarap dito ang klima pang Pinoy talaga.

        Teka baka magtampo sa iyo si Kuya Jesse…masarap din pumunta dun…basta nasa Amerika…hehe.

      • aksoriyalmo says:

        Haha, nakow, sige. Pag nasa America na po ako, papaampon na lang ako sa inyo at ayoko na kila Kuya Jesse. Haha.

      • Aprub Ax! Go…go….gow!

  3. gusto ko yung bahay na maraming bintana. ang baha namin sa davao ay old spanish house — so madami ring bintana — labas pasok ang hangin…

    dito sa kumbento ko, may bintana sa kwarto ko, pero isang side lang nakikita ko — pag dudungaw ako — lagi kong nakikita ang kusinera namin na nagluluto. hehe.

    teka, nagutom ako bigla.

    • superlolo says:

      Yung bahay din po namin sa Laguna. Maraming bintana…palibot sa bahay. Lahat ng side ay nakikita at tama po maaliwalas….fresh air mula sa bundok Banahaw.

      Isa sa nagustuhan po namin dito sa aprtment ay yung maraming bintana…kaya sa pagkagising ko po ay iniikot ko lahat ang bintana para sumilip…nakaka-relax sa magandang view.

      Haha…kadikit pala ng kuwarto ninyo ang kitchen sa labas…hehe…nanawag pala kapag may nagluluto ang view sa labas…ayos healthy Father.

    • aksoriyalmo says:

      Ako rin, gusto ko nga tumira sa glass house eh. Gusto ko maraming bintana. As in marami, para pwede ako lumabas ng bahay kahit nilock yung pintuan.

      Joke lang!

    • kaye says:

      fads naman eh… ok na sana…ang ganda na ng intro mo biglang siningitan ng kusinera at pagkain. ayun nasira ang moment. hahahhha!

      pati tuloy ako nagutom,😀

  4. teentoinks says:

    Malaki ang pinag iba ng bintana jan sa Lugar nyo po Lo sa bintana dito sa Pinas… mas maraming tao makikita dito sa pinas, mga taong pinipilit lumaban sa buhay. Ang laking pagkakaiba na kahit na walang katao tao sa bintana na yan, malamang ang mundo nilang ginagalawan sa oras na yan ay ang kanilang opisina. Na kahit kapit bahay mo… hindi ka kilala at hindi mo rin kakilala.

    Pero ang ganda po ng lugar Lo… mukhang tahimik at payapa…. may rainbow! ^^

    Dati po yung bahay namin nun bata pa ko, old spanish house din, malaki ang bintana na gawa sa kapis at sa ilalim ng bintana may bintana pa…. sa tapat nun dun ako pinatutulog pag tanghali. hehe (naalala ko lang po)

    • superlolo says:

      Hi Tin…Hi Partner…Naku eksakto ang obserbasyon mo sa aming lugar…Kaya dun sa mga unang post ko ay yan kaagad ang ikinalungkot ko…wala na ang mga taong nakikita ko kapag titingin ako sa labas ng bahay…tama di ko nga kakilala ang mga kapit-bahay ko….buti na lang yung isang gilid na bahay ay yun ang nagpapaupa…kaya kakilala ko.

      …wala na ang magtataho
      …wala na ang batang nagtitinda ng sampagita
      …wala si Manong na nagdedeliver ng dyaryo
      …wala ang nagtitinda ng balot sa gabi
      …wala ang mga naghihintay ng jeep at traysikel
      hayyyy

      ang feeling dito parang lagi na nasa isang bakasyon kami sa Tagaytay…tahimik…mapuno…malinis ang hangin…

      Naalala ko rin yung binanggit mong bahay na spanish house…nakatira din ako sa ganyan sa Maynila….dun din kami natutulog nung bata pa kami sa tapat nung bintana sa ilalim ng malaking bintana….mahangin kasi.

      Ingat lagi dyan & God Bless!

      • at pansin ko dito sa pinas…pag dudungaw ka sa bintana, makikita mo ung upuan (ung mahabang bench na nakalagay sa labas) kung saan tayong mga pinoy mahilig magkwentuhan…

      • Ay totoo po iyan Father. Katulad nung bahay namin sa probinsya…dahil may baberya…ayun Father…maaga pa lamang andun na yung mga istambay…at may sharing ng mga nangyari sa bayan ng nakaraang araw…mayron nga po kaming ganyan na upuan….yung gawa sa kahoy at mahaba…maraming nakakaupo.

        At dito napansin ko po dito yung mga Pinoy dun naman nakakuha ng isatambayan sa harap ng isang McDonald…wala lang kuwento-kuwentuhan lang sila….nagpapalipas ng oras habang may hawak ng isang kape(ng Mcdo).

      • haha, oo nga. dito sa pinas, slowly ang mahabang bench ay pinapalitan na ng white chairs na isa lang ang nakakaupo. iba pa rin ung tabi-tabi lahat na nagkukuwentuhan. enjoy yun…

        sa bahay namin, ung upuan namin sa dining table ay ung mahabang bangko pa rin…

      • teentoinks says:

        May mahabang bangko din po kami Lo at father… tapos madalas yun kuskusin ng pakiling! hehehe… buhay probinsya!

        Sa bahay naman ng friend ko may upuan na ganun sa tapat ng bintana nila, tuloy madalas pag may dudungaw sa bintana… babawalinl lang po kami na “wag kayo maingay”. hehehe pero masaya parin! ^^

  5. mtoni says:

    at talagang feb. 14 din ang petsa.

    maganda po temperatura sa kinaroroonan nyo superlo dahil malalago halaman.

    kapag nababagot kailangan lang dumungaw sa bintana at gagaan pakiramdam.
    minsan sa di sinasadyang pagdungaw tyempo ang magandang tanawin o pagdaan ng isang magandang nilalang.

    • superlolo says:

      Maraming salamat sa pagbisita Mtoni.

      Talagang pinili naming mabuti itong lugar…maganda ang paligid…mapuno at mahalaman pa…maaliwalas ika nga…malapit sa simbahan…nilalakad lang…at safe naman ang lugar…tahimik na parang nasa probinsya lang…wala nang marinig kapag natutulog na.

      Ang sabi ko nga sa mga anak ko…yan mga bintana ang buhay na picture frames namin…sakto ang sinabi mo Mtoni:

      —-“gagaan pakiramdam.
      minsan sa di sinasadyang pagdungaw tyempo ang magandang tanawin o pagdaan ng isang magandang nilalang”

      Ingat lagi & God Bless!

  6. taribong says:

    Sana po maibigan nyo itong munting handog ko sa inyo:

    Mga Bintana
    ni Donovan Holtz
    (salin ni taribong)

    Sa gitna ng kabayanan
    Ang mga kumpol ng luntian
    Sa ilalim ng kulay abong mga ulap
    At ang hamog
    Tungo sa matibay na pader
    Na mapanglaw ang kulay
    Kung saan ang mga sasakyan
    Tahimik nilang nilalagpasan
    Sa mabatong gilid ng lansangan.
    Sa bintana ako’y nanood,
    Mga bintana’y para panooran
    Ng mga kuwadradong bahagi ng buhay,
    Pabago-bago, nagpapalit-palit, hindi pirmihan.

    • superlolo says:

      Maraming Salamat Taribong sa iyong napakandang translation ng tula ni Holtz…wow angkop na angkop!

      Ipapaskil ko agad ito sa itaas…para mabasa rin ng mga kaibigan natin…babalik ako para mag-reply ulit sa iyo.

      Ingat & God Bless!

  7. kaspangarigan says:

    Mas maganda na ang buksan ay ang dungawan mula sa langit at mahuhulog mula doon ang pagpapala ng Panginoon na walang sapat na silid na kalalagyan.

    Mt 6:22 Ang ilawan ng katawan ay ang mata: kung tapat nga ang iyong mata, ang buong katawan mo’y mapupuspos ng liwanag.

    Mt 6:23 Datapuwa’t kung masama ang iyong mata, ang buong katawan mo’y mapupuspos ng kadiliman. Kaya’t kung ang ilaw na sumasa iyo ay kadiliman, gaano kaya kalaki ang kadiliman!

    • Totoo Kaspangarigan ang inyong sinabi…ang liwanag mula sa Panginoon ang kaligayahan at kailangan ng tao. Talagang kailangan lang ibukas ang mga mata at puso ng mga tao para matanggap ang ipinagkakaloob na liwanag mula sa Panginoon.

      Maraming salamat sa pagbisita & God Bless!

  8. pruelpo says:

    ang ganda ng mga kuha n’yo lolo. At yong tulang nahanap mo ay akma ho sa subject n’yo. nang banggitin n’yo ho ang bintana ang pumasok sa isip ko ay mata natin – ang totong bintana ng buhay natin. musta ho?

    • Paul salamat sa iyong pagbisita at pag-appreciate ng mga litrato sa paligid ng aming bahay. Ninanamnam ko kasi bawat oras at araw sa aking buhay…kaya ganito na lamang ang pagpapahalaga ko sa aking mga nakikita….at yun nga ang sobrang pinagpapasalamat ko sa Maykapal ang ating mga mata.

      Mabuti naman ako Paul. At parang Baguio City ang klima ngayon dito sa aming lugar. Yang mga nasa picture ay parang ganyan ang klima ngayon dito.

      Nabasa ko na ang iyong latest post Paul…patungkol sa Lent. Maganda ang mensahe Paul. Responsibilidad talaga natin ang mga taong nakapaligid sa buhay natin…di tayo dapat maghusga o maging karagdagan sa kanilang pagkakasala…manapay tulungan ang mga taong nagkakaroon ng maling tahakin sa buhay.

      I hope na nasa mabuti ka ring kalagayan diyan.

      Ingat lagi & God Bless!

  9. eliment says:

    akala ko windows xp o kaya windows 7..hehe..joke lang po. mula sa silip sa bintana nyo ay dama ang lamig ng lugar. di tulad dito sa pinas ngayon na dry na dry ang paligid.

    • Haha…kamuntik na talagang i-title ko diyan ay 7 Windows….kasi yung bahay namin ngayon dito ay seven talaga ang bintana…hehe.

      Medyo naglulubay na ang lamig ngayon Eli….medyo parang Baguio City na lang(parang Enero sa Baguio).

      Ganyan talaga kapag kuwaresma na sa atin ….talagang…tagaktak na ang pawis….summmer na….Yehey..swimming na!

  10. pinkdiaries says:

    hello lolo. musta na? tagal ko atang hindi naka dalaw ahh, ganda naman ng bahay mu, lahat sa window kuha, hehehhe at may rainbow pa?! hehehe..🙂

    • Hi Miss PD…mabuting-mabuti naman ang Lolo….okay lang ngayon ka lang nakabisita…nagkikita naman tayo sa bahay ng ating mga kaibigan.

      Haha…umuupa lang kami sa bahay na ito…pero tama ang sabi mo kaya namin nagustuhan ang bahay ay dahil maganda ang lugar…at maganda ang view ng paligid at tahimik talaga.

      Naku balita ko ay mainit na rin ang panahon diyan sa lugar ninyo…parang nakakainggit..kasi dito medyo maulan at lumalamig pa rin ngayon.

      Ingat & God Bless!

      • pinkdiaries says:

        ay, as in lolo, sobrang init, pag pasok nga ng work, halos ayaw ko na munang umuwi, kasi naglalakad lang ako paguwi sa apartment ko, so tambay muna sa work hanggat humapon, kasi ang init, nakakapaso sa balat. hays…

        padaan po ulit!

      • Parang nararamdaman ko yung pagka-summmer ng panahon dyan Miss PD…ganun din ako nung nasa Pinas…papalipas muna sa opis kasi maiinit pa sa labas…yun bang maalinsangan ang panahon…eh malamig sa opis…kaya parang maglalagkit ang pakiramdam.

  11. Nortehanon says:

    Hobby ko po ‘yan, ang pagmasdan ang buhay mula sa bintana ng abang bahay ko🙂

    Magandang araw po, Lolo Jem!

    • Ay pareho lang tayo…nung nakatira pa ako nung college ako sa Maynila…& dun ako nakatira sa may Avenida….dahil taga promdi ako…nalilibang ako talaga sa walang tigil na daan ng mga ibat-ibang sasakyan at mga nga naglalakad na tao.

      Salamat sa pagbisita mo Miss N…God Bless!

  12. yiN says:

    dati nagsisisigaw yung boarder sa kapitbahay kasi isakto ba naman niyang nagbibihis siya habang nakatambay ako, eh pagbintangan pa niya kong namboboso nun ‘lo eh grade 6 lang kaya ako?? hello? hindi ko pa kilala sina ax, j.kulisap at si mr. jess nun?!

    • Haha…ikaw talaga yiN…espesyal mention pa ang mga matitinik na bloggers…hehe.

      At naalala ko rin yan ganyang mga pangyayari…kasi sa Maynila ay dikit dikit ang mga bahay at apartment…ewan ko ba minsan nagtataka ako kung bakit relax lang na ganyan nga ginagawa ng mga nasa kabilang bahay….parang wala lang.

      Wala ka pang violation….gred six ka pa lang eh!…hehe.

      ang bintana…bow!

      Ingat & God Bless!

    • mtoni says:

      natawa naman ako sa sinabi ni yin na di pa nya kilala sina ax, j.kulisap at si mr. jess non.

      grabeng impluwensya kung nagkataon.

      • superlolo says:

        Hi Mtoni…pumayag na tayo kay yiN…talagang mabait pa siya nuon kasi gred six pa lang siya.

        Haha…basta ako alam ko ngayon mga gud boys ang mga binanggit ni yiN…gud bloggers…hehe.

        Musta ka na Mtoni…malamig pa ba sa lugar mo?…may yelo ba?(nabasa ko kasi dun sa bahay ni Kaye na taga malamig na lugar ka rin pala).

        Teka kaylan ba kami makakapagkomento sa inyong bloghay?

        Ingat lagi & God Bless!

  13. mtoni says:

    neto pong nakaraang linggo mejo malamig pero bukas biglang taas uli. alanganin po lagi klima dito, minsan me pahabol pa na snow hanggang buwan ng mayo at magsisimula din pumatak ang snow ng oktobre.

    hinahanda ko na nga mga buto ng ampalaya, kalabasa, kamatis, petsay, at beans…pero mga herbs tulad ng basil, mint, oregano, parsley, cilantro, at rosemary bili lang dagdag din ang talong at sili.
    di naman halatang mahilig ako magtanim.

    ayan nga po bahay kubo meron ako pero bloghay ala po.

    • Palagay ko sa ngayon ay may snow na naman kayo ulit Mtoni…kasi nakita ko sa balita na may snow sa bandang New York.

      Mahilig ka rin palang mag-garden…ayos yan magkakasundo tayo sa pagtatanim…ako man ay nagsimula na rin sa pagga-garden…May tanim na akong carrots, cocumber, squash at radish…medyo gusto ko sana lettuce…pero yung pusa sa amin ay hina-hunting ko pa kasi mahilig magpupu dun sa garden…kaya di ako ako makapagtanim ng lettuce…hehe.

      Teka yun nga…alam ko maraming naghihintay…sana magkaroon ka na ng bloghay….ano ba maitutulong namin para masimulan mo na ang iyong bloghay?

      Ingat lagi & God Bless!

  14. mtoni says:

    ipaubaya na lang po kasi ang blag sa mga me Karapatan.

    yay buti pa kayo nakapagsimula na pero di maari kerots dito dahil dami sniper. kelangan superlo palagi nyo diligan ung lupa para matigil ung pusa pagdumi, at kelangan din bakuran.
    alam ko ung mint ayaw ng daga at maraming insekto.

    • Nako salamat sa tips mo Mtoni…nagbakod na ako nung isang araw…at mukhang di na nagpupu yung pusa….aha yun pala mint ang kailangan…sige maghahanap ako at itatanim ko.

      Alam mo na alanganin din akong mag-blog last year…kala ko rin ganyan…walang karapatan ako…pero simulan mo lang…talagang masaya at ibang kaligayahan din Mtoni. Sa dami mo nang kaibigang blogger eh palagay ko napakaraming susuporta.

  15. mtoni says:

    http://www.ghorganics.com/page2.html

    baka lang po gusto nyo basahin yan.

  16. gudang says:

    Ang layo sa Pilipinas. Kaso, andito ang puso ko. Aww. Napadaan lamang.😉

    • Hi Gudang…maraming salamat sa pagbisita mo dito sa aking simpleng bloghay. Balik ka lang.

      Naku anak…talagang totoo ang sinabi mo:

      —“Ang layo sa Pilipinas. Kaso, andito ang puso ko”

      Limang dekada akong nanirahan diyan sa atin…pero talagang ganito ang buhay…kailangan harapin ang mga pagsubok…mag 2 yirs na rin kami dito.

      Alam mo ba Gudang…dun sa sinabi mong “andito ang puso ko”…dito sa bahay parang lang kaming sa Pinas dahil sa bagong teknolohiya…ang mga pinapanood namin dito at pinakikinggan mula sa Internet ay lahat mula sa Pinas na mga palabas at mga tugtog…pusong Pinoy talaga.

      Teka i-add pala kita sa blogroll ko para mabisita rin kita.

      Ingat & God Bless!

  17. bonistation says:

    dadi lo sensya na now lang uli nakadalaw. ang ganda naman ng place nyo may tanawin na may hills.. tapos prang ang fresh ng paligid hays! parang nasa baguio lang hihih

    dadi lo, pa update nadin po ng link ko po…
    lumipat napo ako.. hihi http://www.bonistation.com thanks po!

    • Salamat sa pagbisita mo Bons…isa sa mga anak ko dito sa blogosperyo….salamat. Ako man ay nangangapa sa pagbisita…medyo may kaabalahan ng konti.

      Nako yan feeling namin dito…parang Baguio at Tagaytay lang…at yun nga kabi-kabila ang mga Pinoy dito…magigitla ka pa kung may makasalubong kang Merkano….hehe.

      Aba ikaw pala at DatKom na rin Bons…sige i-update ko na ang link ko sa iyo.

      Ingat ka lagi anak diyan & God Bless!

  18. ana_banana says:

    Makikisilip lang po sa bintana ng bahay mo Super Lolo. 1st time ko po mangapitbahay dito at home naman pala maaliwalas ang paligid…. Ingat po God Bless!

    • Naku tuloy ka Ana_banana at salamat sa pagbisita. Oo na-meet kita sa laruan ni Pader…congrats!

      Parang Baguio or Tagaytay lang…tahimik…maaliwalas…parang nasa bakasyunan lagi.

      Balik ka lang Ana…i-add na rin kita sa blogroll ko para mabisita rin kita.

      Ingat lagi & God Bless din!

  19. jeniffer says:

    hehe.. ayos ah, nakakatuwa naman yun.. pati gilid at harap ng bahay pinicturan.. pero tama, di man lang natin yun naisip..

    • Nung andyan pa ako sa Tandang Sora…di ko na enjoy masyado ang paligid…kasi puro bahay at maalikabok talaga sa labas ng bahay…kaya laging sarado lang ang mga bintana at may kurtina pa. Kaya ngayon…alam mo naman ‘I live one day at a time”…kaya I enjoy kung ano ang nasa paligid ko ngayon…baka bukas ay wala na.

      Salamat sa pagbisita Jeniffer…God Bless!

  20. darbs says:

    beautiful scenes!

    • Haha…salamat Darbs. Noon pa yan pero ngayon laging labas na ang araw dito…kaya maliwanag na lagi ang paligid. Parang nasa isang baryo lang kami dito ng Pinas…kulang lang ang kambing, manok, at baka sa paligid. Ayos naman…okay lang ang triping…malayo sa siyudad.

  21. chevybo says:

    Anggaling ng pagkakasalin ng tula, mula ingles sa tagalog. Si kuya taribong pala ang gumawa. Galing!

    “Sa bintana ako’y nanood,
    Mga bintana’y para panooran
    Ng mga kuwadradong bahagi ng buhay,
    Pabago-bago, nagpapalit-palit, hindi pirmihan” – habang tumitik-tok ang orasan, habang patuloy ang paglubog at pagsikat ng araw, patuloy ang pagbabago sa kapiligiran , pag papalit ng nakasanayan, dahil sa mundong ‘to, walang pirmihan.

  22. chevybo says:

    Anggaling ng pagkakasalin ng tula, mula ingles sa tagalog. Si kuya taribong pala ang gumawa. Galing!

    “Sa bintana ako’y nanood,
    Mga bintana’y para panooran
    Ng mga kuwadradong bahagi ng buhay,
    Pabago-bago, nagpapalit-palit, hindi pirmihan” – habang tumitik-tok ang orasan, habang patuloy ang paglubog at pagsikat ng araw, patuloy ang pagbabago sa kapiligiran , pag papalit ng nakasanayan, dahil sa mundong ‘to, walang pirmihan.

    Magandang araw po!

    • Salamat Chevs. Ang ganda naman ng interpretasyon mo. Idagdag ko dun sa artikulo ko sa itaas ha. Salamat & God Bless!

      • chevybo says:

        Waw naman Lo, pinangiti niyo naman po ako ng sobra dun. Nakuha lamang po yung ideya dun sa pinakahuling linya nung tula —“Pabago-bago, nagpapalit-palit, hindi pirmihan” . Pero, maraming salamat paren po. Isa pong karangalan ang ma i-kowt nio ang aking komento dito sa poste niong ito. Labis labis ang aking kagalakang nadarama ngayon, sa kabila ng masamang pakiramdam. Hindi po kasi maganda ang pakiramdam ko ngayon’g pagpasok ko sa trabaho. Kaya hindi po ako makabuo ng panibagong poste at makapag reply sa ibang comments. Kaya bumibisita muna ako ngayon, bloghop kumbaga. Maraming Salamat din po at Godbless!

      • Walang anuman Chevs. Masaya rin ako at nabibigyan mo ng mahalagang sandali ang pagbisita dito. Hope na maganda na ang pakiramdam mo.

  23. chevybo says:

    “Masaya rin ako at nabibigyan mo ng mahalagang sandali ang pagbisita dito.” – — naks naman po. pakiramdam ko tuloy mamamatay na ako. hahaha. Joke lang po. Opo, medyo ok na ang pakiramdam ko ngayon, medyo me sipon pa at nangangati ang lalamunan pero oks na po ko Lo. Nga po pala, me sasabihin ako. hehehe. Kung ‘do ko po siguro alam na nasa ibang ibayo kayo eh, iisipin kong kayo ang bokalista ng bandang “Sugarfree”. hehehe.

    Ingat po lage at Godbless!😉

  24. chevybo says:

    Hindi lang dahil sa mala Cadbury niong mga salita. Nakita niyo na po ba siya? kasi sa nakikita ko sa maliit na image sa gravatar niyo. Eh, may hawig kayo. heheheh.

    Naks! si Lolo, bumabanda. Pinangarap ko din yan nuong hay skul ako. Buti’t nagising ako’t hindi isinaulo ang pag babanda. hahahah. Buti pa kayo marunong nung keyboard. Ako kaya kelan?

    Godbless din po Lo!😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s