Eat to Live

Bakit ganun laging nasisi ng mga tao ang mga pagkain at kinakain kapag nagkakasakit? Di ba sa mga pagkain tayo kumukuha ng lakas at sustansya?

Di ba dapat ang sisihin ay ang kumakain?

Siguro talagang sumobra na ang kinakain ng tao kaya ang daming naglabasang mga sakit. At sabi nga ng mga duktor ang isang pinanggalingan ng mga sakit ay ang ‘obesity’ o sobrang katabaan ng isang tao…na pinggagalingan na nga ng sakit sa puso, ‘diabetes’, kulang sa ehersisyo, atraytis,  kanser, mataas na presyon ng dugo at marami pa.

Inabot ko pa na ang niluluto ng aking Nanay sa aming probinsya ay mga sariwang pagkain mula sa palengke dahil wala pang refrigerator noon. At yung mga kapit-bahay ko naman ay nag-aani ng pagkain mula sa kanya-kanyang bukid. Iba talaga noong araw…sariwa na ang pagkain at mula pa sa pinagpawisang pamamaraan…ika nga nabanat pa ang katawan sa pag-ani ng pagkain.

Nung araw naman ay konti lang ang kaalaman ng mga magulang sa mga bitamina at sustansya mula sa mga pagkain pero alam nila ang benipisyo mula sa mga pagkain…katulad ng:

1. Sariwang pagkain ang pinakamagandang pagkain.
2. Kumain ng maraming prutas at gulay.
3. Kumain ng iba-ibang klaseng pagkain.
4. Magluto ng sariwang pagkain.

Malusog naman ang mga tao noong araw dahil ba…wala pang ‘burjer’ at ‘junkfood’? naglalaro ang mga bata sa labas ng bahay? wala pang ‘air pollution’? di napupuyat ang mga bata noon dahil sa TV at computer? walang mga ‘processed food’?

Naalala mo pa ba ang ‘food pyramid’ na itinuturo sa iskul? Sana mabalikan ulit natin ang kahalagahan nito sa ating kalusugan. At sana magamit natin ang bagong teknolohiya(Internet) upang makakuha at matuto sa mga impormasyon para sa kung papaano magkakaroon ng ‘healthy lifestyle’ sa pagkain at pamumuhay.

Kaibigan…paalala lang…masaya ang mabuhay ng walang karamdaman.

Healthy ka ba at iyong mga mahal sa buhay o susunod ka na sa healthy lifestyle sa pagkain at pamumuhay?

“Worthless people live only to eat and drink; people of worth eat and drink only to live.” –Socrates

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-

Mga suggestions na puwedeng basahin tungkol sa mabuting kalusugan:

http://en.wikipedia.org/wiki/Okinawa_diet

http://shine.yahoo.com/event/makeover/the-5-foods-you-should-eat-every-day-710199/

http://shine.yahoo.com/channel/health/

http://shine.yahoo.com/channel/food/

48 comments on “Eat to Live

  1. aksoriyalmo says:

    Ako, medyo naging conscious na ako sa pagkain mga highschool.. Hindi ako umiinom ng softdrinks at hindi kase ako mahilig sa taba ng baboy. Ang problema sa akin, pag nagpuyat ako, minsan di ako nakakakain. Minsan lang naman. Kase ang pagkain po dito sa bahay puro cereal. Aw. Baka naman kung ano na ang mangyari sa akin pag pumapak ako ng cereal buong araw.

    Kahit naman masustansya ang kinakain natin, kung walang exercise, mababalewala din.. Kaya minsan nagpapapawis ako.

    Paborito ko rin ang prutas. Lalo na yung hilaw na mangga at sineggwelas.

    Sa PUP nga, lagi ako bumibili ng hilaw na mangga tapos asin lang tapos sa biyahe pinagtitinginan ako ng mga pasahero. Wahaha.

    Habang paunti unti ko pang kinakain yung mangga. Wahaha.

    • aksoriyalmo says:

      Naalala ko pala ang mga Go, Grow at Glow foods.

      Mas gusto ko yung mga Glow foods!

      • Wow….Ax sobrang bilis mong mag-beys…parang nasa draft pa ako eh…may komento ka na…napabilib naman ako…paano mo nakita agad ang post ko?,,,hehe.

        Very Good ka pala Ax…sumusunod ka na sa tamang pagkain…natutunan ko at ng aking pamilya ang sumunod sa ‘helthy lifestyle’ simula nung nagkasakit ang Misis ko ng kanser….kaya ayun tuloy-tuloy na ang pagiging konsiyus namin sa mga kinakain namin.

        —almost naging vegetarian kami dahil sinabayan namin noon ang Misis ko.
        —yap wala na rin kaming sopisdrink
        —yung mga in-season na prutas ay paborito namin lalo na nung naandiyan pa kami…dito mas maraming prutas.
        —once in a blue-moon ang Makdo at Holibi
        —almost organic lang na gulay ang binibili namin noon dyan sa Pinas…dito meron din…pero kung walang organic todo hugas na lang para maalis ang insektiside.
        —pareho tayo sa umaga ay oatmea at cereals din
        —almost no meat…chicken lang(organic pa)
        —pumunta kami noon sa UP diliman para tumakbo at mag-exercise.

        Haha…bigla kong namiss ang hilaw na mangga at sining-gwelas…mahal ang mangga dito.

        Ang maipapayo ko sa iyong pagpupuyat ay mga Multi Vitamins at Vitamin C plus mga supplements na herbal.

        Haha yun nga pala ang tawag dun…Go, Grow at Glow foods.

        Stay Healthy tayo para masaya….Congrats pala Ax…’Pinaka-guwapong Blogger!…Yehey!

      • mtoni says:

        dito rin superlo mahal hilaw na mangga kaya bihira ako makabili. ung bagoong alamang binibili ko ung hilaw tas hinuhugasan ko bahagya ng tubig dahil sobrang alat saka ko igigisa sa maraming tinadtad na kamatis. sarap!

      • superlolo says:

        Mtoni…naalala ko yang hilaw na mangga wit bagoong sa atin…masarap na pulutan sa beer…ummm pero yun nga dito ay sumpong lang na makakain ng hilaw na mangga. Yung bagoong marami naman sa Oriental store…paborito ko yung gawa ng Barrio Fiesta.

      • aksoriyalmo says:

        Gusto ko ng hilaw na mangga ngayon. As in ngayon na. Aw.

      • Haha…takbo na Ax…hanap ka ng may nagtutulak na cart na may tindang hilaw na mangga na nakatuhog sa stick at may garapon na bagoong para ipahid pag bumili ka….wow pinaglaway mo ako…ummmmm

  2. mtoni says:

    ala din ako hilig sa mga kinulayang inumin.
    sapul pagkabata kinamulatan ko na ung mga tanim ng nanay ko sa paligid na pinagkukunan madalas. bihira na lang binibili nya at meron din mga puno ng atis, guyabano, papaya at bayabas.
    sadyang mahirap pakainin ng gulay ang mga bata pero kung makikita ka nila na pumapapak ng mga hiwang celery, kerots, cherry tomatoes at hiwang bell pepper maeengganyo sila.
    dapat pairalin ang ‘eat what you need not what you want’.

    sa pinas di gasino kelangan ng eksersays dahil sabi ng mga tita ko sa alinsangan minsan ng panahon, kahit sa oras ng pagtulog eh pagpapawisan ka.

    • superlolo says:

      Mtoni,

      “ala din ako hilig sa mga kinulayang inumin.”–Very Gud! ang sabi nga tubig ay ayos na para sa katawan…ako gusto ko ang hot tea pagkatapos kumain.

      “meron din mga puno ng atis, guyabano, papaya at bayabas.”–pag retire ko ulit sa Pinas yan ang mga uunahin ko sa paligid ng bahay.

      “mahirap pakainin ng gulay ang mga bata…ummm”–totoo ang sinabi mo…sanayan lang sa pamilya…basta magandang simula sa mga bata ay mabawasan ang ‘di-masustansyang pagkain’.

      “celery, kerots, cherry tomatoes at hiwang bell pepper…” masarap gawing juice ang mga ito plus marami pa…yan dati ang jinu-juicer namin…dinadagdagan lang ng mga apple, beets, garlic….helathy talaga.

      ‘eat what you need not what you want’….Very Korek!…ito ang kailangan sa Amerika ngayon….kaya problema dito ang ‘obesity’….parang sobra ang pagkain dito.

      Eto ang di dapat mawala…Eksersays! oo nga sa Pinas konting galaw-galaw na lang parang nag eksersays ka na…hehe.

      Ingat lagi & God Bless!

      Teka Mtoni….palagay ko ito ang mga topic na bagay sa blog mo…Helti Lifestayl & Gardening. Sabihin mo lang para masimulan na natin ang bloghay mo. Masarap talaga ang may mai-share para sa iba….in our own litel way ika nga.

      • mtoni says:

        nasubukan nyo na Superlo ung pipino at kerots iblender.
        lalo kung galing ka ng paglalakad eh mainam po un.

        salamat po pero tama na lang saken magkowment o magpapansin. pagluluto naman kinahihiligan ko ngaun at madalas nageeksperemento sa pagpapalit/bawas ng mga sangkap na di naapektuhan ung lasa ng recipe.

      • superlolo says:

        Naku Mtoni salamat sa tips mo. Nasubukan ko na iyang mag juice ng mga gulat at prutas kasi nung nagkasakit ang Misis ko ay ganyan ang napag-aralan namin na magaling na pampalakas ng immune system:

        Ganito ang pangkariwang sangkap ng juice ng Misis ko noon:

        -apple, celery, tomato, garlic, red beets, carrots, cabbage, cucumber…

        Yang pagluluto nasa wish list ko pa yan…alam mo naman ako Natay…kaya kailangan talaga ma-improve ang aking alam sa pagluluto.

        Haha napatawa naman ako sa iyo…”magkowment o magpapansin. ”

        Ganito na lang ang offer ko sa iyo para mai-share mo ang talents mo sa Pagluluto, Gardening & sa mga good food suggestions….Kung okay sa iyo….I-guest post ko ang write-ups mo dito…Sige na Mtoni…subukan mo dito sa bloghay ko…palagay ko ang laki na ng exposure mo sa blogosperyo & talagang gusto nilang makilala ka pa & magkomento naman sila sa iyo. Yan basta may write-ups ka na i-email mo lang sa akin at ipo-post ko under your name….Yehey!….Approve!

        Salamat…Ingat & Godbless!

  3. teentoinks says:

    Pansin ko rin po Lo ang life span na ngayon ay maswerte na pag umabot ng 70 di tulad nuon na umaabot pa ng mahigit 90, malamang ang isang rason din po ay ang mga fertilizers na nilalagay sa mga gulay or prutas. Kaya marami na rin po siguro ang nagsusulputan na mga organic foods, medicines etc. ngayon. Mas maganda nga po ang pamamaraan ng pagtatanim nuon na walang masyadong ginagamit na gamot para sa mga gulat at prutas.

    • May paraan pa rin naman Tina para umabot ng 90++ ang mga tao. May choices pa naman ang mga tao para magkaroon ng healthy na buhay…sa pamamagitan ng pagkain ng healthy foods &healthy lifestyle.

      Ang maisa-suggest ko lang ay dapat talagang maging aware ang mga tao sa inilalagay niya sa kanyang bibig.

      Ang mga ‘cells’ ng katawan ng tao ay nalilito kapag di natural ang kinakain….katulad nga ng sinasabi mo na mga:

      -gulay na ginamitan ng pesticides/insecticides
      -mga pagkaing may MSG
      -preservatives
      -pagkaing maraming sugar
      -processed foods

      kaya ayun mabilis dapuan ng mga sakit ang tao sa ngayon.

      Ang sabi nga nung araw ang pagkain ng mga tao ay ‘Slow Food’…binibili sa palengke at iluluto o aanihin sa garden at iluluto….o huhulihin sa bukid at iluluto…dito masaya ang kaininan dahil may kuwentuhan pa habang nagluluto at kumakain.

      Ngayon ang pumalit ay Fast food….Makdo at Holibi…halos hindi na fresh na pagkain ang nagugustuhan ng mga tao lalo na sa mga siyudad…at yun nga bilisan ang pagkain.

      Kaya sa ngayon ay dapat marunong din bumasa ng mga labels sa mga pagkaing binibili sa grocery…yung mga ingredients na ginamit sa paggawa ng pagkain.

      Tapos dapat talagang magkaroon ng regular exercise.

      And yung pag-iwas sa stressful na buhay.

      Huwag magpupuyat…no smoking…less alcohol pa.

      Ang sabi nga ng matatanda ang sobra at kulang ay masama sa katawan ng tao…ummm

      Yan muna Tin…God Bless!

  4. J.Kulisap says:

    Kaberkie, kamusta?

    Anong pagkain natin diyan?

    Wow..ang sarap, wow ang dami, wow ang sosyal..mamahalin, pang-mayaman ang nasa table.

    Nang makadalo ako sa isang seminar na ginawa ni Dra. Orbeta, isang dietician.

    Sabi niya walang bawal na pagkain. Ang masama kapag lahat yan sobra.

    Kailangang sapat lamang.

    Bakit mo gugutumin ang iyong sarili sa ngalan ng kagandahan ng katawan?

    Bakit naman bakaw ka sa pagkain, maraming nagugutom.

    Disiplina.

    Aray.

    • superlolo says:

      Mabuti naman ako Kaberkie. Eto medyo gusto ng bumitaw na ng lamig pero may kilig pa rin sa paliligo.

      Simpleng pagkain lang ako dito:

      –tea, otmeat(wheat bread), cereals, yogurt…(plus kapag may prutas) sa breakfast & Vitamin C(minsan may fish oil na supplement)(may 15-20 minutes akong exercise before kumain.

      —halos wala ng miryenda kaya ng umabot ng lunch

      –sa lunch…rice(yung tama lang) plus ulam na more on seafoods/vegetables…less meat talaga…almost minimal lang ang pork/beef.

      –sa dinner ito na yung…alalay lang sa dami ng kinakain…yung di kailangan mabundat sa pagkain…dahil matutulog lang naman.

      —on the side may pangkutkot akong….raisins, peanut(plain no salt), cereals, biskwit(na healthy daw)

      —madalas akong may juices na organic(daw!)…tomato juice…apple juice…pomegranate juice…(binibili ko ang mga ito kapag sale(50% discount na).

      —And madalas kaming may salad na dinner…yun ang pinakamabilis kapag walang lutong ulam….pero healthy.

      —yan ako more on ma-fiber na food, gulay, prutas, tubig/juices…kapag may red wine…1 cup a day lang(for the heart daw)

      —takot ako sa mga very raw at grilled na meat, mga burger…parang pakiramdam ko ay didikit na sa bituka ko yung mga karne na nasunog sa grill…talagang sa handaan ay more on salads ako.

      Yan ang ayoko ang gugutumin ang sarili….habang may panglasa na gift si Lord ay talagang lasahan ang lahat ng pagkain…wow…ang tsarap na gift ni Lord ito…pero yun nga ang Tip…..DISIPLINA AMIGOS!

      Salamat kaberkie sa pagbisita and advise para sa mga frens natin.

  5. gudang says:

    Ewan ko kung baliktad lang ang utak ko mag-isip pero sana pala naisip ko na yun dati pa. Kasi nga daw diba, “an ounce of prevention is better than an ounce of cure.” so gumaganon? hehe. joke lang. pero totoo yan, dahil sa case ng papa ko, ngayon, cure na lang ng cure dahil hindi na prevent. sana nga eh yung iba maging aware din sila sa mga intake nila ng kinakain nila😀

    I want to commend your very informative post😀

    • superlolo says:

      Naku Gudang…tama ang sabi mo:

      —“an ounce of prevention is better than an ounce of cure.”

      Talagang kailangan lang maging aware tayo sa inilalagay natin sa ating bibig o katawan sa ngayon.

      Sa katulad kong medyo late ko rin naiintindihan ang pag-iingat sa kalusugan…kami ng pamilya ko ay nag-implement na ‘healthy lifestyle’ at pagkain ng tama lang…dahil katulad ng sabi mo…nagparamdam din ang kaliwanagan sa amin para mag-ingat sa katawan…lalo na nung nagkasakit din ang aking Misis.

      Sa idad kong ito ay halos wala pang masasakit sa aking katawan….binbantayan ko lang ang hypertension pero manageable naman.

      Nais ko talagang lawakan pa ang mga kaalaman ng iba para sa mga kaibigan natin dito patungkol sa ‘good health’ kasi lumalim ang aking kaalaman tungkol dito dahil din pagbibigay ng importante para sa kinabukasan….at dahil nga sa experience ng aming pamilya sa sakit na kanser.

      Salamat sa pag-aapreciate Gudang. Ingat lagi & God Bless!

  6. Nortehanon says:

    Agree po ako kay J. Kulisap—talagang disiplina lang po ang kailangan at moderation sa pagkain. Sabi nga, lahat ng sobra ay masama.

    • superlolo says:

      Ayy ako rin Miss N…sama ako kay JKulisap…Disiplina sa pagkain.

      At iyon nga siguro awareness para sa tao sa mga inilalagay sa mga bibig o katawan. Di naman kailangang mahal ang kinakain para makakuha ng sustansya para sa ating katawan….sana nga more on yung mga fresh, natural(no preservatives), in-season fruits…

      At sana nga ang mga magulang ang mag-initiate ng mabuting kalusugan….sana maituro sa mga bata na di Makdo, Jolibi, Hotdogs, at kung ano-ano pang fastfood ang kailangan ng katawan ng tao….na may mga mas magagandang choices na pagkain para sa katawan na

      Salamat Miss N…God Bless!

  7. ito ang kinakain ko sa araw-araw:

    breakfast: pandesal only

    lunch: gulay and rice

    dinner: seafoods and rice.

    • superlolo says:

      Naku wala akong masabi Father…kaya pala kayo bumabata…very healthy ang inyong pagkain araw-araw…plus may exercise pa na swimming. Palagay ko ang kalaban lang ng ‘healthy food’ ninyo ay kapag may handaan at imbitasyon sa inyo mula sa inyong mga parishioners.

      Yung gulay, seafoods, & rice ay buhay na ako at maligaya pa. Yun pung seafoods ang mahal dito at siyempre di naman fresh.

      • tama po kayo lolo! kakahiya naman kasing tanggihan ang mga invitations ng mga parishioners. minsan naliligo na sa mantika ung mga handa nila, hehe.

        siguro mas lucky pa ako kasi bata pa. ung mga kasama ko dito, lugaw na lang sila in the evening and lunch kasi nagda-diet…then may biscuits sila lagi.

    • superlolo says:

      Yan talaga ang extra challenge sa buhay nating mga Pinoy lalo na sa mga handaan Father. Talagang matuto tayong magkurot-kurot lang sa mga pagkaing talagang kung tingin natin ay makakasama kung sobra na.

      Ako po Father noon naandiyan ako sa atin talagang tinuruan ko ang dila ko na di kumain ng :
      —litson kung may choice na iba.Kung may seafoods ay dun ako medyo pumapapak ng konti.
      —iwas po talaga kami sa Makdo, Jollibee, Kentucky, Shakeys….pero mas gusto namin minsan ang Wendy’s at Tokyo-tokyo…at Chowking…pero mas type namin ang mga lutong-bahay na pagkain lang bago pumunta sa mga Malls.

      Yan din po ang disiplina na sinunod ko sa pagkain ang ‘moderation’ kasi nais kong matikman pa ang mga pagkaing masasarap kahit matanda na ako…ayoko po nung katulad na sinabi ninyo na lugaw na lang para mag-diet…hehe.

      Naku Father…paano iyan March 13 ay big day ninyo malamang sabi nga ng Pinoy…”Kailangang ma-mantikaan ang mga bibig kung may okasyon lalo na ang birthday…hehe” Kaya mag advance greet na ako sa inyo ng Happy Birthday!…may exemption muna lahat kapag birthday…eat all you can po. Yehey!

      • hahaha. may nakahanda na pong dalawang lechon. ahehehehe.

      • mtoni says:

        wow 2 litson …..ala pa don ung mga lamang dagat at gulay.

        parang nakikinita ko na lulusob buong barangay kahit di magimbita at karamihan non me mga dala ding pagkain. naku kung magkakalapit lang siguro lugar natin baka dumayo din kami pagtulong sa paghahanda nyo father.

    • Tayo na Mtoni sugod na tayo sa berdeyan ni Father…puwede na akong kumain ng litson….dalawang taon na akong di nakakakain ng litson…basta berdeyan puwede….Yehey!

  8. gerald says:

    lolo, may tatanong po ako.. masama po ba ang uminom ng extra joss? yung mga kapatid ko kaseng nurse lagi sinasabi wag na daw ako uminom nun..

    • superlolo says:

      Hi Gerald…ganda naman tanong mo…sa totoo lang di ako mahilig sa mga energy drinks nung andyan pa ako sa Pinas kahit nagju-duty rin ako ng 12 hours straight sa gabi nung andyan pa ako sa napocor. ang ginagawa ko ay talagang preparasyon sa pagpasok lalo na sa gabi:

      —tutulog ako bago pumasok para malakas ako
      —kakain ako ng ayos na pagkain bago pumasok at magbabaon ako ng healthy rin na mga pagkain.
      —may mga multi vitamins at supplements ako

      Ang katwiran ko kasi noon ay baka naman masira ang timpla ng katawan ko(baka mahirapan na akong matulog…kasi alam ko ang major components ng mga energy drinks ay caffeine).

      Naito puwede mong basahin:

      http://www.webmd.com/food-recipes/features/whats-the-buzz-about-energy-drinks

      Kung anak kita di ko rin i-advise ang uminom ka ng energy drink…not unless minsan lang lalo na kung di maiwasan kang mag-drive ng sasakyan na galing pagkapuyat.

      Ingat lagi & God Bless!

      • haha, gerald mahilig ako uminom ng extra joss noon. pero tinigil ko kasi napansin ko lagi sumasakit ang tiyan ko.

      • gerald says:

        thanks po sa inyong reply! nakatulong po saken yan.. =)

        @Fr. Fiel: hehe, ako po hindi naman sumasakit tyan ko. hiyang ko ata.. pero hindi na ko makatulog sa gabi.. umaabot ako ng 3am bago makatulog.. kaya itinigil ko na rin.. =)

    • Walang anuman Gerald….God Bless!

  9. kaspangarigan says:

    Jn 6:27 Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: sapagka’t siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga’y ang Dios.

    Sabi nga ni Apostol Pablo.

    Phil 4:12 Marunong akong magpakababa, at marunong naman akong magpakasagana: sa bawa’t bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan.

    Itanong kaya nating sa mga pari at mga pastor kung ano yung lihim ng kagutuman at kasalatan.

    • Salamat po sa pagbisita Kaspangarigan at sa mga komento na mula sa salita ng Diyos.

      Ito rin lagi ang nasa isip: ‘Man does not live by bread alone”

      Ito na yung binanggit ninyong ‘pagkaing di napapanis….ang mga salita ng Diyos…ang pagkain ng ating spiritual life…na magdadala sa atin sa eternal life…habang buhay na walang kamatayan.

      God Bless po!

  10. yiN says:

    ‘lo kamusta? Naalala ko yung nasa notebook ko noon, “more die of food than famine”. Holy week na naman sana matuloy na ko magcleansing, takaw takaw ko eh. Maski ano, wala pakielam. Lang taon ka na nga kasi?

    • Mabuti naman ako yiN. talagang naniniwala ako dyan:

      —-“more die of food than famine”

      Ito na yung prang walang bukas kung kumain…ang sabi nga sa Pinoy…yung parang bibitayin…hehe. Kapag may sakit na ayun na…ang pagkakahug na maibalik ang sinira sa katawan.

      Uy gud yan yiN….ang cleansing…or sa moderno ang mag detox…Pero araw-araw naman ay may short cleansing tayo sa gabi kapag natutulog tayo…kaya nga sa umaga ang tawag sa pagkain natin ay breakfast….breaking the fast…naglinis ang ating katawan habang natutulog.

      Pero dahil nga sa masyadong maraming dapat linisin sa katawan ng mga pangkasalukuyang tao…kaya kailangan ang cleansing…fasting…detoxifying….kaulad nga ng sabi mo:

      —-“takaw takaw ko eh. Maski ano, wala pakielam”

      Going to 54 na ako dis yir yiN….times 3 o 4 ba sa idad mo??

      Ingat & God Bless lagi!

  11. Sows says:

    ayows.

    bow.

    guilty ako, promiz..
    chizberger pls.. 😆

  12. J.Kulisap says:

    Kamusta Super L, my berkie?

    Iniimbitihan kita sa isang salu-salo sa bago kong bahay?

    Huwag mong kalimutang iwanan ang tsinelas sa batalan.

    Dumaan lang para magpapansin at magpasalamat.

    Regards

    • Haha…nakabisita na kaberkie. Uy naalala ko nung bata pa kami ganyan…iniiwanan talaga ang tsinelas kapag nakikipanood ako ng TV sa kapitbahay.

      Salamat din sa pagbisita Jkulisap.

  13. nice post po. very informative.
    mahilig ako sa veggies (lalo na bell pepper.. hehe) at fruits. hindi complete yung meal ko pag walang gulay. kaya meron talaga akong nakatabing gulay sa fridge konting gisa lang with oyster sauce o i-microwave with a little butter ok na🙂

    i always remember “iskargu” from Batibot nung bata pa ako. isda, gulay, karne daw yung ideal meal.

    nakakagutom! hehe.. thanks for sharing🙂

    • Salamat po Mam sa pag appreciate ng aking sinulat.

      Kami rin mahilig sa ibat-ibang bell pepper….red, yellow, green…

      Salamat sa nice tip mo:

      “gisa lang with oyster sauce o i-microwave with a little butter ok na ”

      Gagayahin ko talaga yan kasi aspiring cook ako sa bahay.

      Salamat sa pagbisita Mam…i-add kita sa blogroll ko para mabisita rin kita. God Bless!

      • try mo po brocolli, baby carrots, young corn, bell pepper tapos konting magic sarap o kahit salt then konting butter, microwave for few minutes (wag overcooked.. hindi po dapat overcooked ang veggies kasi mawawala sustansya.. tapos ayun ang sarap na.🙂

        o kaya pechay or baby kailan (nilaga or steamed) tapos me oyster sauce.. ok na po yun. quick veggie meal na di nakakasawa and at the same time very healthy.

        mahilig po ako magluto. isa sa pangarap ko pag ayoko na maging engineer eh maging chef🙂 pero sa ngayon luto luto muna sa bahay. baka me recipe po kayong gustong i-share..

        wag nyo na po ako i-Mam. kuya na din po tawag ko sa inyo, if u don’t mind🙂

  14. Prinsesa ng Drama says:

    Hello po. Kamusta? Pasensya na po nawala ako sa blogosperyo. hehe. Naku halos kasing edad nyo lang si Daddy ko.🙂

    Dapat nga po talaga lagi taung healthy. Nasa tao din po yun, hindi dapat sisihin ang pagkain. Disiplina lang po siguro ang kailangan. No rice diet naman po ang sakin. hahaha.😀 Sana po tumagal ako. hehe. Godbless.🙂

    • superlolo says:

      Okay lang Roneth. Salamat at napabisita ka. Mukhang bisi ka sa trabaho mo.

      Haha…magkasing idad pala kami ng Daddy mo. Oo disiplina at yung tinatawag na moderation. Talagang dapat lang na kakampi natin ang mga kinakain para sa kalusugan natin.

      Parang yung anak ko ikaw…no rice…less carbs daw. Talagang nagpapa-sexy kayo ha.

      Ingat lagi & God Bless!

  15. eliment says:

    napakaganda po ng ibig nyong iparating sa post na ito.

    maganda o nararapat lang na ang mga bagay na hindi makakasama sa katawan natin ang ating kakainin upang tayo ay maging malusog.

    isang humahabang buhay po. hehe

    • superlolo says:

      Ay Eli sakto ang sinabi mo:

      –“upang tayo ay maging malusog.”
      –“isang humahabang buhay po.”

      Nung bata pa ako ay pasaway din ako sa pagkain…pero umabot na ako ng singkowenta….kaya dapat magkaroon na ng kowenta ang buhay ko…hehe…

      Mahirap naman na baliwalain natin ang mga bagong itinuturo ng bagong siyensiya patungkol sa kalusugan.

      We have a choice kung ano ang ilalagay natin sa ating katawan…yung ‘the best na sana para healthy & happy”.

      Ingat lagi Eli & God Bless!

  16. darbs says:

    Ewan ko Superlo kung narinig mo itong Food Inc. movie. Bahala na kayong mag judge kong totoo man o hindi. Basta ako mas mabuting busog kaysa mamatay sa gutom.

    • Teka papanoorin ko ito Darbs…di ko alam ito.

      Solb na rin ako sa sinabi mo:

      —“mas mabuting busog kaysa mamatay sa gutom.”

      Talagang ganyan naman tayo nung bata pa pero eto nagbago lang ng konti habang tumatanda…nangangarap kasing humaba ng konti ang buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s