Manual of Operation

FRAGILE: PLEASE HANDLE WITH CARE

Kung bumibili tayo ng gamit sa bahay lalo na ang mga appliances…malamang laging may kasamang “Manual of Operation” o kung paano gagamitin ito.

Pero nung ipinanganak ba tayo ay may kasamang ‘Instructions’ kung paano tayo gagamitin o mga susundin para maging maayos ang buhay natin? Wala? Sana ba mayroon?

Siguro lang ganito ang puwedeng maging ‘Manual of Operation’ ng Tao:

1. Tatanggap ka ng katawan.

Puwede mong magustuhan o kamuhian pero magiging iyo na yan hanggang sa nabubuhay ka sa mundong ito.

2. Matuto ka ng mga leksiyon.

Ikaw ay naka-enroll sa iskul ng Buhay…at ito ay habang-buhay(24/7). Puwede kang magkaroon ng pagkakataon na matuto araw-araw sa mga aral ng buhay. Puwede mong magustuhan ang aral o kamuhian.

3. Walang mali, puro leksiyon lang.

Parang isang ekspirimento ang buhay…’trial & error’ika nga. Yung mga mali sa ekspiremento ay parte pa rin ng proseso ng buhay na katulad ng mga tama. Ang sabi nga “Learn from your mistakes.”

4. Ang leksiyon ay pauli-ulit hanggang matutunan.

Kapag natutunan na ang leksiyon ay puwede ng pag-aralan ang susunod.

5. Ang pag-aaral ng leksiyon ay di natatapos.

Kung buhay ka…laging may mga aral na matutunan.

6. Kahawig mo ang iba sa pag-uugali.

Di puwedeng mahalin o kamuhian ang ibang tao lalo na kung ang buhay mo ay wala o meron nung katulad sa iba.

7. Ikaw ang bahala sa buhay mo.

Nasa iyong kapaligiran ang lahat ng kailangan para magkaroon ng maayos na buhay. Ikaw ang nakakaalam ng para sa iyo…puwede kang mamili ng sa iyo lamang.

8. Nasa sa iyong kalooban ang lahat ng kasagutan para sa buhay mo.

Ang mga kasagutan sa mga tanong ng buhay ay nasa sa iyo lamang. Ang kailangan lamang ay tingnan, makinig, makiramdam, at magtiwala.

9. Puwede ang lahat ng ito ay makalimutan at puwede ring maalala kung kainakailangan mo.


Ummm…may idadagdag ka pa ba kaibigan?

From addictedtogreenbellpepper:

“isa lang ang buhay mo at pinahiram lang yan. gumawa ka ng kabutihan sa kapwa mo para matumbasan ang kabutihan ng Nagpahiram ng buhay na yan..”

From Puelpo:

ang salitang “Try” sa buhay ng tao ay dapat iwasan. May dalawang choices lamang na dapat gawin – ang “Do it” or “Not to Do”.

From Nortehanon:

“Hindi tayo nabubuhay nang nag-iisa lang.
Kaya dapat natin i-consider ang mga tao sa paligid natin as much as possible.Dahil sa bawat araw na dumarating sa buhay natin, sa bawat adventure natin, ay may mga kabahagi tayo.”

From Gerald:

“at syempre, wag din kakalimutan ang tunay na dahilan ng pagkalalang sa atin ng Diyos… ang sambahin Sya.”

From Coolwaterworks:

“Mabuhay ka na parang ang bawat araw ay ang iyong huling araw sa mundo. “

From Bonistation:

hindi na nga siguro natin kailangan ng “manual” kasi alam naman natin na kakaiba tayo “we are unique” bawat isa sa atin ayu special creation ni Lord. at along the way He will provide us guides and lessons kung paano tayo magiging “ganap na tayo”..

“We are not human beings having a spiritual experience. We are spiritual beings having a human experience” – Pierre Teilhard de Chardin

“Your time is limited, don’t waste it living someone else’s life. Don’t be trapped by dogma, which is living the result of other people’s thinking. Don’t let the noise of other’s opinion drowned your own inner voice. And most important, have the courage to follow your heart and intuition, they somehow already know what yo truly want to become. Everything else is secondary.” – Steve Jobs

– – – – – –

Please  read Ax’s version:  ‘King of 2:53AM (Internet Card)

Thank you babypicturesphotos.com

46 comments on “Manual of Operation

  1. darbs says:

    Nakikaway SuperLo! Well babasahin ko na lang ang manual nyu. Wala akong maidagdag sa ngayon. Pero sa totoo maayos naman po ung pagkasulat ng manual of operation ninyo. of course, tested na rin.

  2. darbs says:

    oi! base pala ako. BASE!

    • Yehey beys pa….Kaway-kaway sa iyo Darbs. Nako na-miss talaga kita…pero eto masaya na ako ‘you are back’….Yehey!

      Salamat sa pagbisita at sana tuloy-tuloy na ulit ang bisitahan natin dito sa blogosperyo.

      Ingat lagi & God Bless!

  3. aksoriyalmo says:

    Magandang araw, SuperLolo.

    Meron akong nakitang internet card at ginawan ko ng post, tapos pinalitan ko yung ibang words dun. Kaso, hindi detailed yung sa akin. Hehe.

    At tumpak lahat ng sinabi sa taas!

  4. mtoni says:

    malaki ang parte ng magulang sa paghahanda para sa ating mas malawak na gagalawan.
    pag meron ng kakayahang suriin ang tama sa mali magsisimula na tayong kumilos ng malaya.
    kapag mali ang naisip asahang mali din ang bunga ng desisyon. palaging isaalang alang kung sino at ano ang magiging bunga ng ating mga ginagawa.

    kumpleto listahan mo Superlo.

    • Salamat Mtoni.

      Yan ang lagi kong naririnig noon sa mga matatanda sa aming probinsya Mtoni…’Kung ano ang Puno…Yun ang Bunga’.

      Talagang ang design ng tao ay ‘super high tech’…tingin ko talagang yung mga leksiyon na mtutunan ay hindi puwede laging tama kaagad…talagang dadaan muna sa madalas sa pagkakamali…upang tumimo ito sa isipan para di na ulitin at maituro ng maayos sa susunod na henerasyon.

      “Challenges make life interesting, however, overcoming them is what makes life meaningful.” – Mark Twain

  5. mtoni says:

    pano nga po pala Superlo..bukas bertdey na ni father.
    ang litson!

    • Ax says:

      yey, birthday na ni Father Fiel!

    • Haha…oo Mtoni handa na ako sa berdeyan…kaya iistambay tayo sa bloghay ni Father at baka kahit picture ng litson ay makakurot tayo….hehe.

      Ang hihintayin ko sa litson ay yung pinaksiw na…talagang mas mahilig ako sa paksiw na litson….ummmm sa Linggo siguradong paksiw naman ang tanghalian ni Father.

      FATHER FIEL….HAPPY BIRTHDAY PO!!!!!!

      • mtoni says:

        mas interesado naman ako Superlo sa mga buto buto kasi pag napakuluan ung katas non masarap gamitin sa sinigang.
        ganon gawa ng nanay ko dati sa pinas.

    • Haha…ayos yun Mtoni…paborito ko yun…yung talbos ng kamote na isawsaw sa bagoong….pero mas hi-tech yung sa iyo may olib oyl pa…helti.

      Dun talaga ako sa tira-tira ng litson mahilig…sa paksiw na litson.

      Antay na lang tayo ng pekturs ng berdeyan ni Father.

    • Yap…alam ko na Mtoni itong menu na ito:

      “Yung buto-buto pag napakuluan ung katas non masarap gamitin sa sinigang.”

      Ito ang menu rin ng barkada namin sa probinsya…nakow kasarap ng mainit na sabaw netow…pulutan ulit ito sa amin…over the Lambanog…hehe

  6. teentoinks says:

    Hi Lolo, partner! Kanina lang po may e-mail akong natanggap about “lessons in life” at isa dun ang natandaan ko “Everything can change in the blink of an eye. But don’t worry, God never blinks!” hehe diba ang ganda Lo!

    Manual of operation, siguro di na nga po natin kailangan yan, we are equipped of brain and heart, we are automatic. hehe Ingat po lagi!

    • Hello Tina, Partner. Ang ganda naman ng sinabi mo:

      “Everything can change in the blink of an eye. But don’t worry, God never blinks!”

      May idadag ako dito sa sinabi mo na sa araw-araw ay laging nasa isip ko: “WORRY IS AN INSULT TO GOD.”

      Talagang kung nadesign ng Diyos na yung mga creation niyang mga animals ay mabuhay at magkaroon din ng family…katulad nung movie na about Penguins…na kung paano nila aalagaan ang kanilang anak…kung paano sila gagawa ng paraan para makakuha ng pagkain sa kabila ng panahon ng winter…ay talagang tama ang sinabi mo:

      —-“we are equipped of brain and heart,” plus yung high-tech na program na inilagay ng Diyos sa ating mga puso at brain….Just shows how much God loves us…Thank God!.

      Ingat din & God Bless!

  7. ang ganda po. very touching.
    mind if i add one more? under revision pa naman ata yung manual…🙂

    “isa lang ang buhay mo at pinahiram lang yan. gumawa ka ng kabutihan sa kapwa mo para matumbasan ang kabutihan ng Nagpahiram ng buhay na yan..”

    God bless po…

    • Salamat Mam.

      Ang ganda ng sinabi mo Mam…ayun naidagdag na sa itaas.

      Talagang ang napakagandang regalong buhay na ito ay nararapat lang maging punong-puno ng pagmamahal sa iba pang nilalang ng Diyos.

      Ingat Lagi & God Bless din !

  8. J.Kulisap says:

    Default sa katawang lupa ang Manual of Operation Kaberkie.
    Pinakamatalas na pagkakalalang.

  9. pruelpo says:

    OK po ang post n’yo Superlolo. Ang edadagdag ko ay ito – ang salitang “Try” sa buhay ng tao ay dapat iwasan. May dalawang choices lamang na dapat gawin – ang “Do it” or “Not to Do”.

    Salamat po pala sa pagdalaw n’yo at pagkomento sa aking blog @ http://lipadtutubi.blogspot.com/ – bago pa di ko pa po ma update ng husto.

    • Ay salamat Pruelpo…naidagdag na sa itaas.

      Tama po….dalawa lang….’Yes’ or ‘No’…..’Oo’ o ‘Hindi’.

      Wala pong anuman…talagang dadalaw po akong madalas sa inyong bloghay.

  10. gotcha!

    nasurprise ako sa bandang dulo kasi habang nagbabasa ako ay naisip ko ang sinabi ni Pierre Teilhard de Chardin na “We are spiritual beings having a human experience”.

    haha, at nakita ko mismo sa dulo. fave ko pa naman si chardin.

  11. p.s. off topic ito: paki-ask sa mga anak nyo kung inadd na nila ako sa fb…kung wala pa, add nila nila ako ha.

  12. Miss N says:

    If I were to add, it will have something to do with us being around people. Hindi tayo nabubuhay nang nag-iisa lang.
    Kaya dapat natin i-consider ang mga tao sa paligid natin as much as possible.Dahil sa bawat araw na dumarating sa buhay natin, sa bawat adventure natin, ay may mga kabahagi tayo.

    Galing ng post na ito, Lolo Jem. Nakakatuwa.

  13. gerald says:

    at syempre, wag din kakalimutan ang tunay na dahilan ng pagkalalang sa atin ng Diyos… ang sambahin Sya.

    salamat po sa post na ‘to lolo! =)

    • Salamat Gerald. Talagang sobrang ikagagalak ng Maybigay ng buhay kung patuloy na magpapasalamat at magmamahal sa Kanya….at siguradong makakatanggap ng pagpapala.

      Idagdag ko ang iyong sinabi sa itaas.

      Ingat & God Bless!

  14. Ganda ng post na ito…

    Sana nga lang talaga, may manual ang buhay ng tao…
    Kung pwedeng makidagdag:

    Mabuhay ka na parang ang bawat araw ay ang iyong huling araw sa mundo. Sa ganitong paraan, mabubuhay ka ng walang panghihinayang…

    • Ay salamat Mark sa iyong pagbisita.

      Yung sinabi mo ang patakaran ko sa buhay:

      “Mabuhay ka na parang ang bawat araw ay ang iyong huling araw sa mundo. ”

      Ginagawa ko yung the very best bawat araw lalo na sa mga mahal ko sa buhay at sa lahat na puwede kong ma-touch sa bawat araw…kahit simpleng smile sa di kakilalang tao.

      “There are only two ways to live your life. One is as though nothing is a miracle. The other is as though everything is a miracle.”– Albert Einstein

      Ingat lagi & God Bless!

  15. Hmmm… bakit nawala ang comment ko?

  16. Salamat naman at nakita na ang comment ko… Napunta po ba sa “spam” or “moderated” lang Lo?

    Dami ko na kasing comments na hindi nag-aappear… Hay… i am really contemplating to go back to Blogspot…

  17. bonistation says:

    hindi na nga siguro natin kailangan ng “manual” kasi alam naman natin na kakaiba tayo “we are unique” bawat isa sa atin ayu special creation ni Lord. at along the way He will provide us guides and lessons kung paano tayo magiging “ganap na tayo”..

    hays ang ganda ng post.. ang dami ko narealize…

    salamat po super lo sa pag share!

    • superlolo says:

      Salamat din Bons sa pagbisita.

      Tama ka Bons ang mga nilalang ng Diyos ay di na kailangan ng Manual…ang buhay ng nilalang ng Diyos ay naka-ayon sa kagustuhan ng Creator. Ang mga halaman, animals, tao, universe…ay talagang maayos na nabubuhay at gumagana ayon sa disenyo ng Maykapal ngunit dahil pinagkalooban ng ‘free will’ ang mga Tao dahil sa sobrang pagmamahal ng Diyos…dito na naguluhan rin ang tao…kaya kailangan pang paalalahanan ng tamang gawi ang mga tao sa pamamagitan ng mga utos…katulad ng sampung utos ng Diyos. At dahil sa ginawa ng tao ang mga complicated sa buhay niya…isang paalala lang lagi ang kailangan upang maibalik sa tamang operasyon ang buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  18. Frankie says:

    wla bang png engineering dyan..? png nursing at medicine ata to…😀

  19. kaspangarigan says:

    Mt 5:37 Datapuwa’t ang magiging pananalita ninyo’y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka’t ang humigit pa rito ay buhat sa masama.

  20. kaspangarigan says:

    Deut 30:19 Aking tinatawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa inyo sa araw na ito, na aking ilagay sa harap mo ang buhay at ang kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa; kaya’t piliin mo ang buhay, upang ikaw ay mabuhay, ikaw at ang iyong binhi;

    Eccles 12:13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka’t ito ang buong katungkulan ng tao.

    1 Tim 3:2 Dapat nga na ang obispo ay walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, mapagpatuloy, sapat na makapagturo;

    • superlolo says:

      Maraming salamat Kaspangarigan.

      Naniniwala din po ako na di dapat malagihay….di dapat alanganin….Yes or No Lang.

      At Sumunod sa mga utos ng Diyos upang maging maayos ang buhay.

      God Bless po!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s