Thing about Food

It’s a choice.

Just like you CHOOSE what to wear to look good…you CHOOSE what to eat to look good as well.

It’s not hard to put more vegetables on your plate than anything else.

It’s not hard to make the connection showing what bad food does to your body.

It won’t be difficult to see the difference good food makes to your body.

When you go out you can eat healthy.  Just pay attention to what is on your plate.

THINK ABOUT WHAT YOU’RE EATING!

Reminder lang po ito. Pero please kung mahal natin ang ating pamilya…sana maturuan natin sila sa tamang mga pagkain. Para rin sa kalusugan ng susunod na henerasyon.

THINK ABOUT WHAT YOU’RE EATING!

Ihabol ko lang itong info na ito. Katatapos ko lang basahin at baka may mapulot din kayong mabuti tungkol sa pagkain ng healthy foods.

http://health.yahoo.com/experts/eatthis/48983/unhealthiest-foods-at-the-mall/

43 comments on “Thing about Food

  1. taribong says:

    Base!!! Hehehe

    Congratulations po Tats! Congrats din po kay Teentoinks!!
    Saan niyo po kami iti-treat? Sa McDonald’s?? Yipeee!!! (Lundag sa taas…) Oooopppsss…. hehehe

    Thank you po for your constant reminder. Medyo guilty rin po ako dahil parating paspasan ang pagkain dahil sa trabaho. Iniiwasan ko po ang fastfood; ini-enjoy ko po talaga ang lutong bahay lalo na ang mga gulay dahil sa ako’y laking probinsya at nakakasawa na ang parating prito. Kain po tayo ng taho (konting arnibal lang) hehehe…

    God bless you always po, Tats!

    • superlolo says:

      Yehey beys Taribong…salamat anak sa pagbati sa amin ni Tina at sa taho.

      Haha…saan nga ba? teka basta may pagsasaluhan tayo…kahit ang masustansyang taho na may arnibal….magkikita-kita rin tayo….promise…hehe.

      Talagang responsibilidad ng nakakatanda ang paalala na ito…lalo na sa may mga anak…kasi nasa panahon na tayo na malakas ang tukso ng fastfood.

      Naku yang lutong bahay talaga ang da bes…kaya nung andyan pa ako…sa canteen eh dun ako sa may lutong bahay na istayl na ulam ako kumakain…isda at gulay.

      Nabanggit mo ang taho…lagi din kaming neron niyan dito…kasi bumibili kami sa isang oriental store…kasing sarap din nung dyan sa atin.

      Dito talagang ay puspusan ang endorso sa mga helting pagkain…lalo na sa mga bata…kasi talagang nagiging problema na ng gobyerno ang isyu sa obesity.

      Lumalabas tuloy ang daming kinakain ng mga Merkano dito pero bad foods at fastfoods…kaya kapag sobra at di good food ay tunay na masama talaga.

      Sana di patuloy tayong maging konsiyus sa ating kalusugan. Aanihin natin ang pag disiplina sa pagkain sa ating pagtanda.

      Muli maraming salamat sa iyong kabaitan at pakikipagkaibigan…God Bless Taribong!

    • teentoinks says:

      Salamat po Taribong… thank you thank you! Nasabit ako kay Lolo, galing si partner mag base! hehehe

    • mtoni says:

      kuya Tar, naglalakwatsa din mga kowments ko sa bloghay mo.

      sensya na po Superlo.

      • Naku ikaw talaga Mtoni….open na open ka dito…walang limit sa comments…di ba sabi ko nga sa iyo puwede ka pang mag post dito bilang isang guest. Kaylan ka ba mag post dito Mtoni? sige intayin ko ang post mo dito.

  2. mtoni says:

    tama ka Superlo dapat maging maingat sa pagpili ng mga kinakain upang makaiwas sa karamdaman.
    at mas mabuting umiwas kesa magpagamot, lalo na kung alam nila ang katumbas ng bawat gamot na nilalagok.

    • Talagang extra challenge ito Mtoni sa kasalukuyang henerasyon na na-expose na sa Instant at Fast Foods.

      Binabasa ko nga ngayon Paleolithic Diet…ito daw ang kinakain nung araw ng mga tao. Puro fresh gulay, prutas, isda, at meat lang…at water lang walang sodas…walang processed foods pa noon…walang insecticides/pesticides at talagang organic lang lahat. Yun daw ang disenyo ng ating katawan…alam ng katawan natin na yun lang ang kanyang ipa-processed.

      Kaya daw walang mga sakit-sakit(degenerative deseases) nung araw.

      Lutong bahay na lang…matipid pa.

      Salamat sa pagbisita & God Bless!

  3. teentoinks says:

    Lo, kadalasan po sa pagkain kung ano ang bawal yun naman ang masarap. Hayyss… Pero masarap po talaga ang lutong bahay, di ko yun ipagpapalit sa fast-foods hehe

    Naranasan ko ang 3day-no-rice at puro fast-foods/junks lang po… waaahhh… gutom ako lagi.

    GodBless Po Lo. Congrats satin! hehe

    • Haha…oo Tina…masarap ang mga bawal…kasi kung anu-ano pangpalasa(artificial flavorings) at panghikawat sa dila ang kasama nito. Talagang akala tuloy ng mga kabataan na ito ang tunay na pagkain…Makdo, Jolibi, Wendy’s, Burger King….hayyys

      Puro fastfood in 3 days? naku kung talagang walang choice ay mabuti na rin kaysa magutom.

      Panahon na talaga na maging konsiyus sa kinakain…ayun natumbok mo Tin…lutong bahay.

      Dito naa-awa rin ako dun sa mga kabataan at matatanda na talagang lumobo na ang mga katawan dahil nga sa mga processed foods.

      Kaya ang trend ngayon dito ay sa fresh, natural, at organic na pagkain. Sana ganito na rin sa Pinas.

      Salamat Partner…Congrats! Yehey!

  4. kaspangarigan says:

    I have similar post regarding obesity last April 12, 2009.

    Here’s the excerpts of my article, you might find it interesting too.

    http://forachristian.blogspot.com/2009/04/their-god-is-their-stomach.html

    Though your Video speaks more for itself.😆

    • Nabisita ko Kaspangarigan ang iyong isang blogsite. Maganda rin ang iyong site. babalik po ako.

      Tama po itong obserbasyon ninyo:

      —“Actually, for an order of a regular meal, the crew will ask you to go super sized or biggie for a very small additional price.”

      Ganyan din sa Pinas…kaya kawawa talaga ang kabataan rin sa atin…nabubugbog sa sodas.

      Salamat & God Bless!

  5. iamronel says:

    opo kya healthy foods lng ang knakain ko all green po baga..haahah :))

    • Hi Ronel salamat sa pagbisita.

      Naku maganda iyan healthy foods…sana mainganyo pa natin ang marami sa atin. Nakaka-awa talaga kapag may sakit na.

      Masarap talagang hanggat bata pa ay maging konsiyus sa kinakain.

      Ingat & God Bless!

  6. anne0829 says:

    salamat po sa paalala🙂 siguro po hindi talaga maiiwasan ang kumain sa fastfood lalo napo ang sobrang busy sa work at wala ng time magluto pero kahit sa fastfood sisiguraduhin ko pong mabuti at healthy ang nasa plato ko…

    napadaan lng po at nakicomment.

    • Salamat sa pagbisita Anne.

      Okay lang siguro kung paminsan-minsan sa fastfood…lalo na kung di maiiwasan…kaysa naman magutom.

      Yun naman ang maganda ngayon may ‘healthy choices’ tayo sa mga fastfood ng Malls…di lang burjer….fren frays…hotdogs…supdrinks at ibp.

      Naku balik ka lang Anne. I-add pala kita sa blogroll ko para mabisita rin kita.

      Ingat lagi & God Bless!

  7. anne0829 says:

    salamat po sa pagbisita sa bloghay ko🙂 oo nga po still hanggang ngayon nag eemail pa din at ito papo andito na din sya sa lugar kong saan ako nandito hindi ko po alam pero may kunting hate sa puso ko n ayaw mawala (nagsumbong po talaga ako sainyo) naiinis po kc tlga ako araw araw may mail nireply ko 1tym sabi ko wag na sya magmamail eh 2loy 2loy pa din nakakainis po tlga!

    • superlolo says:

      Naku okay lang Anne. Yan ang expertise ko ang magbigay ng konting advise sa mga may problema…okay lang magsumbong…dito lang lolo mo. 2 ladies and 1 girl ang anak ko kaya naiintindihan ko ang mga problema sa puso. Ummm teka i-email kita Anne ha…sa ngayon ay iwas inis muna…nakaka stress yan….pray pray muna/always. I-email kita. God Bless!

  8. themizpah says:

    tunay nga po na health is wealth at ang ating katawang lupa ay dapat nating alagaan, napadaan lang po. Be blessed sir!

    • Maraming salamat sa pagbisita Themizpah.

      Madalas ang mga tao ay successful na sa mga pangarap sa buhay…ngunit parang nakakalimutan ang kalusugan…tama ang sabi mo ‘health is wealth’…kaya para mai-enjoy natin ang mga blessings dito sa mundo ay magkaroon talaga ng pagpapahalaga sa ating katawang lupa.

      Naku lolo na lang…wag na sir.

      Sige exchange link tayo para mabisita rin kita.

      Ingat & God Bless!

      • themizpah says:

        Tama po kayo. salamat sa link po bossing super lolo. Nais ko lamang i-share din na tayo ay madalas inaatake ni satan sa pamamagitan ng ating katawan (sakit, craving for flesh) kaya nga pinag-iingat tayo sa ating katawan dahil ito ang nagsisilbi niyang tahanan, ito ang ating puhunan sa halos lahat ng bagay. Sabi nga ng aking mentor, “how will you pray for the sick, if you yourself is sick?” tama nga naman diba.

        kaya po ang post nyo is very timely. God bless po

  9. pruelpo says:

    Nice post ito Igan Superlolo. May napulot ho akong lesson. napadala ko na ho ang invitation paki check nalang ho sa mail box n’yo. ingats.

    visit also my blog sa blogger http://lipadtutubi.blogspot.com/

  10. Len says:

    hahaha, naku lolo, nakakatakot namang lumaki ng ganung kalaki, o kataba.. kaya ingat nga sa pagkain..

    musta lolo?😉

    • superlolo says:

      Okay lang ako Len dito. ..salamat.

      Nakakatakot ang karamdamang makukuha sa pagtaba talaga. Kaya mabuti pa hanggat maaga ay maging masanay na sa mga healthy foods at iwas sa mga fastfoods.

      Have a blessed Holy Week.

  11. johnonline says:

    hay… it pays to check the label talaga…

    • superlolo says:

      Salamat John sa pagbisita.

      Oo check the label ng mga binibili sa grocery…ginagawa talaga namin iyan…lalo na yung mga ingredients na ginamit sa paggawa ng produkto.

      Mas maganda talaga kung mga fresh, oraganics, at natural na pagkain. Pangit yung may mga MSG, preservatives at artificial flavorings.

      God Bless!

  12. kaye says:

    Amen to what you said here, tay! thanks for the reminder🙂

    • superlolo says:

      Walang anuman Kaye.

      Tingin ko lang talagang kailangang maturuan ng maaga ang mga bata sa mga bagay-bagay tungkol sa mga pagkain makakasama at makakabuti.

      Dito kasi ay nagsisimula sa sila sa mga kabataan lalo na yung nasa elemertarya pa.

      Salamat Kaye sa pagbisita & God Bless!

  13. ROcky says:

    Good reminder lolo. Nourishing your family with healthy life style will be the best thing that you can invest for them.

    • superlolo says:

      Oo Rocky sa panahon ngayon ang makalayo sa karamdaman ay isang napakalaking kaligayahan na para sa bawat miyembro ng pamilya.

      Tama Rocky investment….health is wealth.

      Salamat sa pagbisita…God Bless!

  14. maelfatalis is in the sky with diamonds says:

    ay oo! Sabi nila, we are what we eat. E paano yan, minsan wala akong kinakain, so does that mean na wala rin akong pagkatao?

    • Salamat sa pagbisita Maelfatalis.

      Teka maganda ang tanong mo ah….”you are what you” lang kasi wala kang eat….hehe jok lang po. Ibig sabihin may pagkatao ka pa rin…”you are what you”….may You pa kasi eh….

      Kaya kung mala-bumbay ang kinakain(super spicy)…malamang amoy bumbay din…hehe ganun ba yun?

      Teka i-add kita sa blogroll ko para makapamasyal din ako sa bloghay mo.

      Ingat & God Bless!

      • maelfatalis is in the sky with diamonds says:

        Okies. Iadd din kita. Usapang pagkain, lately anlakas ko kumain. Shet. So ibig sabihin malakas ako? o.0

      • haha…ayos lang naman na malakas kumain…sa tamang oras…(ano nga ba yung sabi nila na “sa breakfast eat like a King…….) at kung malakas kang kumain malamang may gana ka at malamang healthy ang iyong panlasa….ummm basta healthy fuds ayos lang.

        Ingat & God Bless

  15. Aninipot says:

    Kaberkie.

    Galing, isang saludo naman diyan, sa pinakahealth-buff kong kaberkie in America.

    How are you dude?

    • Salamat Kaberkie.

      Eto medyo fasting muna….nakikisama muna sa hinihingi ng araw ng cuaresma. Di naman ramdam na cuaresma dito…simba lang ng Huwebes at Biyernes ng gabi. Balik fast-eating na ulit sa Easter…hehe.

      Siguro diyan sa atin ay takbuhan na sa mga bakasyunan.
      O siguro uuwi ka muna sa iyong probinsya.

      Sige Happy Easter!

  16. veggies! veggies! veggies! haha..

    bihira po ako magluto ng meal na walang veggies. kung prito man ang main dish, i see to it na me soup na pede ko haluan ng gulay. kung wala talang stock, bumibili ako ng fruits.

    dapat po talaga healthy living. hindi lang para sa tin pero para sa mga mahal natin sa buhay. we are what we eat.🙂

    • Talagang sa katulad mo na physically active ang masustansiyang pagkain ang iyong puhunan. The best ang iyong lifestyle sa pagkain….pag may pamilya ka na…sila ang makikinabang sa iyong lifestyle ng healthy living…masuwerte ang iyong pamilya.
      Salamat & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s