Tinik na may Rosas

Ganyan ba natin kung tingnan ang halaman na rosas? Rosas na may tinik o tinik na may rosas?

Nakikita muna ba natin ang Rosas o ang tinik? O nagrereklamo ka agad tayo dahil may tinik ang rosas at di na natin nakikita ang kagandahan ng rosas? O nagpapasalamat kaagad tayo sa kagandahan ng halaman na ito dahil ang tinik ay may rosas?

Ang sabi nga ang buhay daw ay parang tulak at kabig…magbigay at tumanggap…may ginhawa at hirap…at minsan ay talagang di maintindihan. Sa ngayon habang nagmumuni-muni, na parang hinaharana ng patak ng ulan at paminsan-minsan na pagpaparamdam ng haring araw. Ako ay bigla napupuno ng pasasalamat habang nadarama ang kapayapaan at kaligtasan.

Sa ngayon aking nadarama ang pagpapaalala na kailangan ang mapayapang paghinga at ipahayag ang pagpapasalamat sa lahat ng meron tayo ngayon. Habang naaalala ang magagandang ekspiriensiya sa buhay na nakaraan. Biglang nawala ang pag agam-agam sa pangkasalukuyang buhay. Mahalagang maibahagi ang pasasalamat, pagmamahal, at mga pagpapala at lalo na ang kasiyahan ng pang araw-araw na buhay.

Pagkatapos ng ulan, ako’y nagsasaya sa bagong pag-asa na ibinibigay ng liwanag mula sa bagong araw. Ang panibagong pag-asa mula sa pagmamahal ng Maykapal at ipinagkaloob na kalusugan.

At sa pagsapit ng gabi, ako’y muling nagpapasalamat sa napakagandang kalangitan at sa mga nakapaligid sa aking buhay. Talagang kailangan lang laging nakabukas ang ating mga mata at puso sa mga milagrong nangyayari sa ating paligid. Ang kailangan lang gawin ay tumingin sa ating paligid.

Sa pagkatapos ng araw ay maitatanong natin sa sarili, “Ano ba ang pinagpapasalamat ko at paano ba ako naging bahagi ng buhay ng ibang tao sa araw na ito?”

Mula kay Albert Einstein:
There are two ways to live your life – one is as though nothing is a miracle, the other is as though everything is a miracle.

37 comments on “Tinik na may Rosas

  1. themizpah says:

    galing!
    i remember one of my object lessons in Psych21 about a bond paper with a dot.
    madalas po talaga na mas napapansin nating mga tao yung tinik, mantsa o dumi kumpara sa kabuuang ganda, dalisay at kaputian ng iba.

    agree po ako sa inyo na halos lahat ng tao ay bago matulog (at the end of the day) ay nag-iisip ng mga bagay-bagay na nangyari sa maghapon. at tunay nga pong ang bagong umaga ay nakikila pagkatapos ng mga tinik, ulan o bagyo.

    God bless superlo…
    sana base ako.

    • Haha…salamat at beys ka Themizpah…ay sakto ang sinabi mo…ang mantsa sa kaputian…ang unang napapansin…madalas.

      Mas makahulugan ang buhay…kung nagiging blessing din tayo sa ibang tao…pagkatapos nating tanggapin ang mga blessings sa ating buhay.
      Ingat & God Bless!

  2. Nortehanon says:

    Napakagandang pagninilay, Lolo Jem. Sana nga’y lahat tayo ay makita ang kagandahan ng rosas at hindi ang mga tinik nito. It is always good to see life as a glass half full and not half empty.

  3. anne0829 says:

    pagnakakakita ako ng rose hindi ko napapansin na may tinik pala sya, ang napapansin ko ang ganda ng kulay nya ang ganda ng pagkakagawa nya…

    base sa aking pagmumuni muni mas napapansin ko ang magagandang bagay na nangyayari sakin bibihira kong mapansin na may mga tinik din pala o hindi magagandang nangyayari na hindi ako aware hindi mo naman kc pwedeng sbihin na always think positive minsan talaga sumasablay at hindi maiiwasan na sumablay kasama yan sa tinatawag na LIFE pero tulad nga po ng sabi nyo palaging may bagong bukas at bagong araw na naghihintay…

    salamat tay at ingat po lagi🙂

    • Maraming salamat Anne sa pagbisita. Isa siguro ang rosas na ginawa ng Diyos na puwedeng maging halindulad sa buhay natin kaya ginawa Niya na ganun…magandang bulaklak pero may mga tinik. Pero tama ka…di naman napapansin ang tinik lalo na kung napitas na ito at nakaayos na…lalo na kung nasa flower base na…kay ganda.

      Napakahalaga pa naman ng mga rosas lalo na sa mga nag-iibigan. Tuwing balentayns yan ang mabili na pangregalo sa mga minamahal.

      Yung mga tinik naman sa buhay ay puwedeng maliit at malaki na nagbibigay paalala sa atin na sa kabila ng kaligayahan at sarap mabuhay ay dumarating ang mga tinik na ito. Na nagbibigay halaga sa mga bagay-bagay na magaganda naman sa ating buhay…na siya namang rosas.

      Oo dumadaan lang sa atin ang mga tinik…pero nagtatagal naman ang magaganda nating nagagawa sa buhay…Life is an adventure…katulad ng sabi mo…laging may bagong bukas at araw na naghihintay.

      Salamat muli anak at God Bless!

  4. teentoinks says:

    SuperLolo bat nga ba ganun kadalasan, kung ano ang tinik yun ang madalas natin nakikita pero kung tutuusin napaganda ng rosas para mapansin agad ang tinik. Anyhow, sa buhay din naman natin ganun minsan, mas madalas po natin binibilang kung ano ang wala at kulang tayo hindi ang biyaya na natatamasa natin. Siguro nga po mahirap makuntento sa buhay, may mga taong sa bawat paggising panibagong bukas ang hinaharap, panibagong pagsubok ganunpaman isang malaking biyaya at pasasalamat ang magising na inalala kung pano naging biyaya sa ibang tao kahit sa simpleng paraan. Very rewarding indeed! Thanks Lo!

    • Amen Tina. wala na akong masabi…kumpleto na.

      Minsan ang tao kung ano-ano ang hinahanap…eh kumpleto na ang pagkakagawa sa atin ng Diyos. Madalas kasi ang tao nakatingin sa mundo at materyal na bagay…kaya ayun di makita ang mga biyaya…akala tuloy ng iba ay isang tinik ang mabuhay…pero rosas pala tayo sa mundo na ito.

      Salamat…Ingat & God Bless!

  5. orville says:

    lolo napakaganda po ng article na ito at gagamitin ko po bilang illustration sa isang bible study na gagawin ko sumday… at tama naman po kayo na sana sometimes mas nakikita natin ang rosas kesa tinik./. at kung ganun nga po ang gagawin natin ay makikita natin na may pag asa tayo sa kahit anumang mga pagsubok na dumating sa buhay natin..

    God bless you po lolo…

    • Maraming salamat Orville. Oo magandang reminder at aral ito sa buhay ng tao. Maging appreciative at mapagpasalamat lang tayo talaga sa kahit maliit na blessings sa buhay natin eh magiging sobrang saya na tayo…ay talagang makikita natin palagi ang mga rosas sa ating buhay.

      God Bless din!

  6. mtoni says:

    maganda at maselan ang rosas kaya siguro nilikha syang maraming tinik para magsilbing proteksyon sa sinumang sisira o pipitas.
    bahagi ng buhay ang tinik (kabiguan/kapintasan) pero higit tayong nagkakaroon ng kulay at kabuluhan kung alam nating harapin ang mga hamon na yan.

    • Oo Mtoni…parang buhay lang din ng tao ang rosas…kailangang ingatan…maselan din ang tao…madalas maraming problemang dala-dala ang tao…yun nga parang tinik.

      Isang paalala ito sa atin na katulad ng rosas…tayo pala sa kabila ng mga pagsubok at kabiguan ay puwedeng sumibol na isang magandang rosas.

      Maging appreciative lang at mapagpasalamat sa kung ano meron tayo ngayon eh…magiging parang magandang rosas ang buhay natin.

      Ingat lagi & God Bless!

  7. chevybo says:

    Sa mata ng mapanghusgang lipunan, kamalian at hindi ang mga magagandang nagawa ang unang napapansin. Gaya ng pagpansin sa tinik ng rosas kesa ang kagandahan nito. Bakit hindi na lamang natin ipagpasalamat ang kung anung meron tayo sa ngayon at gawin ang ating makakaya upang muli pa itong madagdagan at muling magpasalamat. Wala namang bagay na perpekto sa mundon ‘to, pero bakit may mga tao parin ang hindi marunong tingnan ang sarili sa salamin at naghahanap ng perpekto. Magandang araw Lo!

    • Amen Chevs. Natumbok mo:

      —“Bakit hindi na lamang natin ipagpasalamat ang kung anung meron tayo sa ngayon at gawin ang ating makakaya upang muli pa itong madagdagan at muling magpasalamat. ”

      Yung pagiging simple at maging kuntento sa ipinagkaloob ng Maykapal eh…malaking bagay na para makita ang mga rosas sa ating buhay.

      Sana mabuti ka na at iniwan ka na ng masamang pakiramdam. Balita ko grabe daw ang panahon diyan.

      Ingat lagi & God Bless!

      • chevybo says:

        Magandang araw Lo, opo nga po. Hindi maganda ang panahon dito, sobrang init pag araw. as in sobrang init. kaya ang taas ng bill kuryente namen. hahaha. tapos nitong mga nakaraang araw, eh mainit sa araw tapos biglang uulan ng malakas ng gabi. kaya siguro sumama pakiramdam ko nun. tiyaka dito kasi sa opis, malamig sa loob tapos mainit sa labas. haist. pero ok na po ako ngayon. maraming salamat po.
        Diyan naman po musta ang panahon? Summer dito eh jan naman po?

        Ingat din po kayo diyan at Godbless!

      • Balita ko nga dyan Chevs ay sobrang init. Ganyan din ako dati dyan sa atin. Ang lamig sa loob ng opis dahil sa mga computers…tapos paglabas ayun maalinsangan naman. Buti at ok ka na pero laging ingat pa rin.

        Ang panahon(spring) dito ay parang Baguio City o Tagaytay kung January…kaya tama lang di na malamig…pero minsan ay naulan din.

        Salamat Chevs & God Bless!

      • chevybo says:

        Waw! buti pa diyan Lo, hindi mo na kelangan’g bumiyahe pa makapunta lang ng Baguio. hehehe. Me malaking ulo din ba diyan ng Lion? hahaha.

        Magandang araw po Lo!

        Ingat po lage at Godbless!

  8. Mark says:

    napakaganda ng mga sinabi nyo po magagamit ko po ito sa pagkikipag-usap sa mga estudyante ko. Nakakuha po ako ng mga magandang ideya..

    • superlolo says:

      Salamat MarK at salamat sa pagbisita.

      Oo maganda ang mensahe ng bulaklak na rosas. Simple lang naman dapat ang buhay… para ma enjoy pero yun nga medyo madalas dun nakatuon sa tinik ng buhay kaysa sa magandang blessings ng buhay. Being grateful lang naman kung ano ang meron tayo para maging masaya at makita ang napakagandang mga regalo ng Maykapal sa ating buhay.

      I-add kita Mark sa blogroll ko para mabisita rin kita.

  9. Len says:

    lolo, musta napo?!🙂

    • Uy mabuti naman ang Lolo dito…medyo di malamig dito…naka tshirt na lang sa bahay.

      Musta rin sa iyo dyan. Ingat lang mukhang may konting kulitan dyan sa gobyerno ninyo sa Thailand.

      God Bless!

  10. maelfatalis is in the sky with diamonds says:

    Yung iba kasi, selective. Kung ano ang gusto nilang makita, yun lang. Dapat talaga e binibigyan natin ng chance ang lahat ng bagay. Hidni totoong first impressions last. Meron pa.

    • Ay sakto ang sinabi mo Maelfatalis. Kailangan lawakan at laliman ang pagtanggap sa mga bagay-bagay sa ating buhay…ang daming magagandang taglay-taglay ng tao na di napapansin kasi nga ayun…pinipili lang.

      Salamat sa pagbisita & God Bless!

  11. Ax says:

    Super Lolo, hello po. Nakow, di pa po ako nakakapag email sa inyo. Magthe thank you pa naman ako sa inyo. Hehe! Yey!

    Isa sa favorite ko po yang quotes ni Albert Einstein. Being an extremist of believing and not believing!😉

    • superlolo says:

      Haha…kung magpapasalamat ka Ax…eh sasagutin ko na ng “walang anuman Ax”…kahit di ko pa alam ang i-email mo…hehe.

      Ummm malalim din yung qoute na iyan ah Ax from Einstein.

      Salamat sa pagbisita. Ingat & God Bless!

  12. J. Kulisap says:

    Umaawit ang aba kong puso pagkatapos kong mabasa ang wikang Pilipino, inihatid mo ako sa aking panahon, sa aking pangarap,

    Rosas na maganda, marahil ganito ang buhay. Buhay na may tinik pero may bulaklak na mahalimuyak at kahalihalina. Marahil din kaya mas nakikita ang mga talulot na kumpol ng rosas kaysa sa tinik ay upang mas kaiga-igayang isipin na ang buhay bagama’t sinusubok ay napakasarap pa ring lasapin dahil ito ay gantimpala na walang kapantay.

    Maraming salamat po at magandang araw.

    • Salamat Kaberkie…masarap talaga ang sariling wika.

      Amen po sa sinabi ninyo.

      Madagdag ko lang na paalala lang ang tinik sa buhay na kailangan magdahan-dahan at mag-ingat dahil minsan ay masalimuot ang buhay upang marating ang isang tunay na pangarap sa buhay….katulad nga ng sabi mo…masarap lasapin ang buhay sapagkat ito’y isang gantimpala.

      Maganda at mainit na araw din sa iyo Kaberkie.

  13. J. Kulisap says:

    May napansin ako. lahat ng mga nagkomento kaberkie, ang babait sa totoong buhay, ako lamang hindi..ahahahaha.

  14. yiN says:

    Dagdag ko sa sinabi ni themizpah, yung baso na half-full at half empty, gaya nga ng sinasabi ko lagi ‘lo sa lahat ng bagay may mapupulot kang maganda, kahit mas significant yung tinik o yung blot sa papel dapat dun tayo sa rosas tumingin, tumingin din sa tinik pero tingnan ang kabutihang dulot nito. Last month namatay lolo ko, nakaka-miss tao’ng yun, sana lolo na din kita sa totoo hehe.

    • Ummm…tama yiN…may purpose ang bawat bagay…katulad ng tinilk at tinta sa puting papel…nagpapatingkad ito ng kagandahan at kabutihan na pinapalooban nito.

      Condolence sa Lolo mo yiN…andito lang ako yiN para maging isang simpleng Lolo para sa iyo.

      Ingat lagi & God Bless!

  15. Len says:

    Hello po Lolo, musta na? now lang ulit ako nagawi sa bahay mo.

    Halos lahat ng tao o kung anu pa man ang nakakasalamuha mo sa araw araw ay nagiging bahagi yun ng buhay mo, kahit ayaw natin subalit hindi maiwasang hindi mangyari.

    hays, parang wala akong ganang mag salay say..🙂

    ingat po lolo!

    • Maraming Salamat Len. Ang pagbisita mo dito ay malaking kaligayahan ko na.

      Tama Len ang mga tao sa paligid natin ang madalas may epekto sa buhay natin. Puwedeng maging maganda at di maganda ang ating mga reaksyon sa kanila. May mga tinik at bulaklak ang dating sa atin ng ibang tao.

      Ummm teka nawala din yata ako…hehe…nahawa yata ako sa iyo.

      Basta salamat sa oras sa pagbisita mo dito.

      Ingat & God Bless!

  16. ang ganda po ng post nyo, superlolo.
    i choose to see the thorns with roses than roses with thorns. positive thinker po kasi ako. and it helps a lot pag ganun ang pananaw mo sa buhay. mas madali dalhin lahat ng bagay.

    “Ano ba ang pinagpapasalamat ko at paano ba ako naging bahagi ng buhay ng ibang tao sa araw na ito?”

    masarap po isipin na natapos ang isang araw na me kabuluhan. hindi lang natapos ang trabaho kundi madami kang taong napasaya, napatawa, natulungan. kahit sa simpeng paraan lang. kahit sa pag ngiti lang o pagsabi ng good morning o pagpuri sa suot nyang kasuotan. malay mo, it made his/her day today..

    gandang araw po🙂

    • Maraming Salamat ATGB.

      Yan sinabi mo ang nagpapahaba ng ating buhay ang laging pagiging positive thinker at optimist.

      At the best ang ‘Mission/Vission’ ng iyong buhay…making a difference to others in your own little way. Maidagdag ko lang na yung sarili ay dapat ding pasalamatan at bigyan ng papuri araw-araw.

      Maraming Salamat sa pagbisita…Ingat lagi & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s