Ang ginagawa ng matanda ay gagayahin ng bata.

Di naman ako mangangaral pero may kinalaman ito sa Earth Day 2010.

Sabi nga nung nagsimba ako nung Linggo, “If you want to cultivate peace, protect creation.” At sabi din ng Papa Benedict XVI, “Respect for creation is of immense consequence, not least because creation is the beginning and the foundation of all God’s works.”

Ayun basta mahalaga ito sa ating lahat. Kaya para ito sa kahit anong idad, kulay, at estado sa buhay na umaasa sa ating kapaligiran. Hindi lang sa ngayon ngunit para pa sa mga susunod na henerasyon.

Bakit ba mahalaga ang mensahe ng Earth Day? Sapagkat maraming tao ang hindi nakikita ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa ‘environment’ sa kanilang buhay. Eh kung iisipin natin mahalaga sa atin ang malinis na hangin na ating hinihinga, malinis na inumin, at ligtas na kapaligiran sa lahat ng mga kemikal.

Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng hustisya para mabuhay sa ating kapaligiran lalo na kung makikinabang at magsasaya ang lahat mula sa maayos at malinis na kapaligiran.

Paulit-ulit na nating narinig ang ‘Climate Change’. Nabulabog na ang normal na takbo ng ating mundo dahil sa mga pasaway na kaugalian ng tao sa ibat-ibang panig ng mundo. Kaya ayun bago tuluyang lumala ang sitwasyon ng naghihingalong mundo…narito tayo ngayon upang makiisa sa bawat sulok ng mundo upang maibalik ng dahan-dahan at mawala na ang mga bagay-bagay na nakaka-epekto para magkaroon ng ‘Climate Change’.

Paano ba? Para sa akin di naman kailangang maging malaki ang gagawin. Kahit maliliit na bagay lang basta makakatulong sa ‘environment’. Mga bagay-bagay na puwedeng magawa sa loob ng bahay, sa opisina, at sa labas ng bahay. Sapagkat ang maliit ngayon kapag pinagsama-sama ay magiging malaki ang epekto para sa kabutihan ng lahat.

Teka di ko muna kayo bubugbugin ng mga hi-tek na Gawain. Dahil natutunan ko na ito at nagagawa ko, malamang kaya rin ninyo.

Pagtitipid sa konsumo sa koryente. Dahil kung mababawasan ang pagtakbo ng mga planta sa koryente na gumagamit ng mga kung ano-anong bala para mapatakbo ito, ating matutulungan na mabawasan ang ‘emissions of greenhouse gases’…yan ang isa sa bumubugbog sa kalawakan at nagpapanipis nito.

Mga puwedeng gawin:
- Kung napansin ninyo ay uso na ang mga ‘energy-efficient’ na mga produkto na gumagamit ng koryente. Gumamit ng mga ilaw sa bahay na mababa ang konsumo pero nagbibigay din ng sapat na liwanag. Sa totoo lang ay nasubukan ko ng maibaba ang konsumo ng koryente at gas(magkasama kasi dito) sa $18 nung Marso. Wala pang 1K sa pesoses.
- I-Turn off ang mga appliances(TVs, Computers, Electric Fans/AirCon) at mga ilaw kapag di ginagamit. Ang ginagawa ko talaga ay tinatanggal ko sa outlet ang mga TV, Stereo, Computer kapag di ginagamit. Kaya kung mayron kayong outlet na may ‘switch’ ay mas mabilis ang mag ‘off’. Kasi kahit konti yung mga appliances katulad ng TV kung naka-‘standby-mode’ siya ay kumokunsumo rin ito ng koryente. Yung monitor ng desktop computers ay ganun din, kaya kailangan ay ‘total-off’.
- Sa ngayon ay nag-experiment pa ako na gumamit ng ‘solar’ dito sa bahay. Bagay ang solar diyan sa Pinas, laging may sikat ng araw.

Pagtitipid si Tubig.

Mga puwedeng gawin:
- Iwasang tuluyang tumutulo ang gripo habang naglilinis ng ngipin.
- Kung araw-araw namang naliligo, siguro naman ay di kailangang napakatagal maligo.
- Bumili ng ‘high-efficient plumbing fixtures & appliances(showers, washing machines..).
- Madalang kaming gumamit ng ‘dishwasher’…Pinoy-style na hugas lang.
- Expert dito ang mga anak ko. ‘Wash only full loads of laundry or use the appropriate water level or load size selection on the washing machine.’ Tapos dito kasi may oras pa na mura ang gamit ng koryente. Kung sa gabi maglalaba mas mura ang presyo ng koryente.

Eto mahirap tagalugin. Reduce, Reuse, & Recycle.
Practice the three R’s: first reduce how much you use, then reuse what you can, and then recycle the rest. Then, dispose of what’s left in the most environmentally friendly way.

Puwedeng gawin:
- Natutunan ko na ito dito. Yung may basurahan para sa mga di puwedeng i-recycle, para sa mga halaman, dahon at damo, at para sa mga puwede pang i-recycle(karton, plastic, bote, papel). Iba talaga dito, sana magawa na rin ito sa Pinas.
- Ang gumamit ng di-platic kapag namimili kami sa grocery. Naalala ko tuloy ang Nanay ko nung araw, may basket na yari sa dahon ng niyog, Kaya dito nagdadala na kami ng bag na tela para di na sa plastic ilalagay ang mga grocery items. O minsan ang pinipili namin ay paper bag(recycled)
- Di kami nagamit ng plastic na bottled-water. Re-usable na bote ang ginagamit namin.

Teka yan na lang muna at kung talagang interesado pa kayo…at para naman may magaya ang mga bata sa atin. Eto pakibasa na lang po at malawak ang Internet para sa mga ganitong usapin.

http://www.earthday.org/earthday2010

http://www.go-green.ae/

I LOVE YOU EARTH!

About these ads

51 comments on “Ang ginagawa ng matanda ay gagayahin ng bata.

  1. orville says:

    lolo tama po kayo na pwede nating simulan sa maliit na paraan” magsimula muna po sa mga sarili natin at magbubunga ito ng mabuting gawa para sa kalikasan…
    nakakalungkot lang talaga isipin kung minsan na ang daming nagrereklamo ng global warming pero walang gustong umaksyon dito..

    when God gave us the dominion over all creations, di Nya binigay sa atin ito upang sirain kundi alagaan… kung ano man ang mga bagay na ginagawa natin sa kalikasan natin ay ginagawa natin sa sarili natin, anak at mga mahal natin sa buhay…

    God bless po..

    • superlolo says:

      Maraming salamat Orville.

      Ang sa akin din ay basta ‘do your best’ sa kahit anong bagay…lalo na nga sa ating kalikasan. Simulan sa sariling bakuran at yun nga kung magiging patakaran na ito sa loob ng bahay ay malamang mamanahin ito ng mga anak at balang araw lahat na ay gumagawa ng mabuti para sa ating kalikasan.

      Yung nangyaring bagyong Ondoy sa atin ay isang pagpaparamdam na sa mga Pinoy…sana maraming nagising sa pagbabago sa paningin lalo na sa pagmamahal sa kalikasan.

      Ang ganda ng sinabi mo Orville:

      “when God gave us the dominion over all creations, di Nya binigay sa atin ito upang sirain kundi alagaan…”

      At yun nga ang mensahe di lang ito pagmamahal sa ating mga mahal sa buhay…ito ay pagmamahal din sa ating Maykapal…na alam nating maayos itong ipinagkaloob sa atin ang mundong ito naway mapanatili natin maayos ang regalong ito.

      Yehey beys ka! God Bless!

      • orbil says:

        hehe oo nga po lolo first time kong mag base dito…
        at ako po lolo ay talagang matindi ang pagnanasa na magkaroon ng pagbabago sa mundo pero nasa kamay pa rin lahat ng Maykapal ang pagbabago.. naniniwala din po ako na kung may takot ang bawat tao sa Dios ay kailanman aalagaan nito ang mga nilikha ng “Master” nya…
        ang daming nasasayang na buhay at kung iisipin po natin pwede pa ring magbago pero gaya nga po ng sinabi ko po dapat alam natin ang ating role at responsibility sa mga biyayang biningay sa atin…
        We’re only experiencing “grace” from God right now but if we will truly do our best and do what is right, “blessings” will pour out…

        Thank you po lolo.

  2. orville says:

    base po pala..hehe

  3. mtoni says:

    dito rin Superlo iral ang 3 R’s at lahat ng used oil ay nilalagay ko sa isang container para di magbara sa sewer.
    twice a month labahin at ginagawa namen sa gabi.
    magbukas ng bintana upang maglaro ang hangin sa loob ng bahay at ng di parati umaandar electric fan o ac.
    malaking tulong ang mga tanim sa paligid at loob ng bahay.
    malaki din natitipid sa paggamit ng single burner stove(pabili sa pinas) at ung 1 tangke ay umaabot ng 1 buwan.

    maraming bagay magagawa kung talagang gusto nating kumilos.

    • superlolo says:

      Oo marami akong natutunan dito lalo na sa mga 3Rs na yan Mtoni. Nag-iipon pa nga kami para dalhin sa bumibili ng plastics at bote…minsan nakaka $20 kami sa isang hakot.

      Yun ganun din kami sa para makatipid sa heater…binubuksan ko ang mga blinds ng bintana para pumasok ang init ng araw. At yun nga kapag mainit naman…ayun todo bukas ang mga bintana.

      Eh sabi ko nga sa mga anak ko…kapag uminit na ang panahon…puwede na kaming maglagay ng sampayan sa likod ng bahay para di nagagamit ng dryer.

      Uy mayron pa kayong lutuan from Pinas…ummm oo nga…ayos na tip iyan.

      Marami talaga magagawa para matulungan natin ang naghihingalong kalikasan.

      At Yung sa pagkain naman ay i-patonize ang mga organic para naman di na bumili dun sa gumagamit ng pesticides/insecticides or yun nga mag-gardening.

      Sige isip ka lang Mtoni…alam ko marami pa tayong nagagawa para sa kalikasan…idagdag natin.

      God Bless!

  4. teentoinks says:

    Hi Lolo gandang araw po.

    Newei, I’ve learned na malaking savings po ang pagtanggal ng outlet pag hindi na ginagamit ang appliances, sinubukan ko po yun at effective nga… mga P300 din po ang natanggal sa bill namin.

    Way back when I was in Aus, first time ko po maging aware sa eco friendly bag – GREEN BAG, yun yung response nila sa global problem, to reduce and eliminate the plastic shopping bags. Hmmm Sa ngayon maraming bansa na rin ang gumagamit isa na rin po yata jan Lo at kahit dito sa Pinas meron na rin department store na nag papractice na gamitin yan. Di ko po lam kung san nag start na bansa yan… pero it does make a difference sa global problem po natin.

    GodBless po.. ingat lagi!

    • superlolo says:

      Gandang araw din Tina.

      Very effective ang pagtanggal sa outlet…di lang nakakatipid…talagang nakakatulong tayo para di maging malakas ang gamit mula sa mga planta ng koryente.

      Yang green bag…the best yan…talagang sobra na ang gamit ng tao ng plastic. Kaya sana maibalik sa mga Pinoy ang namimili ang gamit ang basket na yari sa mga dahon ng niyog. Yan ang tunay na organic kapag namamalengke.
      Sana matutong magdala ng sariling bag ang mga tao sa atin lalo na kung nasa mga Mall o nasa palengke.

      Unang-una ay sana magkaroon ng awareness ang mga tao sa problema sa kalikasan. Alam ko nagagawa na ang magandang palagad sa ibang siyudad sa atin. Isa na dito ang Marikina.

      Simple lang naman ang mga ito, pagkatapos ng awareness ay simulan muna sa sariling bahay at bakuran.

      Isip lang tayo ng mga puwedeng pang gawin. Salamat partner sa pagbisita.

      Bye muna Tina…God Bless din

  5. Len says:

    Ayus ang entry mo lolo, tamang tama sa mga taong aksaya! at hindi maruning magpahalaga sa mga “sayang” :-)

    • superlolo says:

      Salamat Len. Natawa naman ako sa iyong sinabi….

      —”mga taong aksaya” Kaya nauso si ‘Asyong Aksaya’.

      Kaya nuon pa nararamdaman na ang pagbabago sa ugali ng tao lalo na ng mga Pinoy…kaya lumabas na ang komik karakter na ‘Asyong Aksaya’ nung early 80s. para maitama ang kaaksayahan ng Pinoy nung araw pa.

      Ay sinabi mo pa, iba na ngayon talaga…’it’s payback time’ na para sa kalikasan.

      Ayan may tips ka ba Mis Len para sa mga bata?

      Salamat & God Bless!

  6. jason says:

    huwaw.. dito ko lang natutunan ang 3R na yan.. kelangan masimulan sa lalongg madaling panahon…

    ako kasi inaamin ko burara ako. pero.. handa akong magbago. para sa earth, at para sa sarili ko. :D

    magandang umaga po lolo!!!!

    sana nakatulong ako kahit kaunti :D

    simulan natin sa ating mga sarilI!

    • superlolo says:

      Salamat sa pagbisita Jason.

      Maganda yung sinabi mo:

      —”kelangan masimulan sa lalong madaling panahon…”

      Yung idea ng pagbabago sa environment. Talagang kasali ang sarili muna….linisin muna ang bagay-bagay sa sarili…then dahan-dahan sa paligid bahay…then sa palabas ng bahay….then opisina…tapos sa kapaligiran na. Magandang proseso ang mauna ang sarili.

      Nasa inyong kabataan ang magandang magkaroon ng commitment para sa pag-ayos ng environment. Ako basta ‘i will do my very best’ para sa ating Mother Earth.

      Unti-unti ngayon pero magiging malaki ang epekto pagdating ng araw.

      Ingat lagi & God Bless!

  7. Bongkito says:

    hi tay! talagang timely ito. frankly, we need always to bombard everyone the repercussions of climate change kasi it’s worsening by the second. kahit nga mga pulitiko dito, they’re all about change sa patakaran ng buhay, pag-ahon sa kahirapan, at pagpigil sa katiwalian. pero none of them mentioned about the importance of addressing nature’s big problem today. so i guess celebrating earth day. we just have to do our own share to really recognize the worsening dilemma in the environment. scary kasi baka in the coming months, another Ondoy or Pepeng comes around, mahirap na (knock on wood!).

    • superlolo says:

      Salamat sa pagbisita Bong.

      Sakto ang sinabi mo dyan sa isyu para sa environment. Ang gobyerno at mga pulitiko ay dapat maging isang priority ito kasi apektado ang lahat. Kaya lang palagay ko lang nagbubulag-bulagan ang mga pulitiko kasi maraming business at mga corporations ang mga unang nagba-violate at di nagbibigay pagpapahalaga sa kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.Hayyy pero sa ngayon simulan na natin ang maging involved kahit tayo lang muna and unti-unti someday magiging malaki rin ang ating ginagawa para sa kabutihan ng environment…para na lamang sa susunod na henerasyon.

      Eto yung dati kung sinulat pero medyo may kahabaan ang bidyo. Maganda itong ituro para sa mga bata din.

      https://superlolongpinoy.wordpress.com/2009/10/28/the-story-of-stuff/

      Salamat Bong. Kumusta na rin kay Kaye. God Bless!

  8. ferdz says:

    Dapat talaga homesteading nalang i-promote ng gobyerno, masyado tayo nagpapaalipin sa mga bigtime corporations hehe.
    ako lagi nasa isip ko ang 3R, noong napunta ako ng Japan parang iba ang saya ko na maranasan talaga ang disiplina nila sa pagtatapon ng basura.

    • superlolo says:

      Salamat Ferdie sa pagbisita.

      Malaking bagay ang mga na experience at nakita natin sa ibang bansa. Sabi ko nga pagbalik at pagretire ko na ulit sa Pinas ay tutulong akong maging involved sa ganitong mga gawain.

      Pero sa ngayon siguro in our own little way ay masimulan na ito kahit nasaan pa tayo…para na rin mga susunod na henerasyon at lalo na sa Pilipinas na nahuhuli sa mga ganitong gawain para sa kalikasan.

      Tama yung sinabi about sa bigtime corporations. Pero nasa atin naman ang choice at para magbago.

      Sumulat ako sa ganitong isyu dati. Eto maganda itong makita lalo na ng mga bata.

      https://superlolongpinoy.wordpress.com/2009/10/28/the-story-of-stuff/

      Ingat lagi & God Bless!

  9. Sphere says:

    Binigay o pinagkatiwala sa mga tao ng Diyos ang lahat ng nilalang niya para pangalagaan katulad ng mga hayop responsibilidad ng mga tao na pangalagaan ang mga hayop pero anong ginagawa natin?

    Responsibilidad nating mga tao na alagaan si Mother Earth dahil tayo din ang makikinabang nito pagdating sa huli actullay dito sa lugar ko sobrang sumasakit ang puso ko kasi ang karagatan ginagawang isang malaking isla tinatambakan ng maraming lupa “Man Made Island kung baga kasi gusto nilang maging sikat sa buong mundo haaayyyy

    umpisahan siguro muna natin para sa mga sarili ang pagmamahal sa Mother Earth :-)

    salamat tay sa paalala :-) yngat po lagi

    • superlolo says:

      Salamat sa pagbisita Sphere o Anne…tama ba?

      Oo maraming isyus kung paano maiibalik ang maayos na kalikasan. Ang sa akin ay puwede nang simulan ng bawat tao, kahit maliliit na contribution ito pero pero pagdating ng araw ay magiging malaki na rin ito. Ang nakalaan dito ay ang kinabukasan ng lahat ng tao.

      Sa mga nagsisimula pa lamang ay malaking bagay na ang :

      -pagtitipid sa paggamit ng koryente
      -pagtitipid sa tubig
      -pag-iwas ng paggamit ng plastics(di ito kasi nabubulok at malamang matambak ito sa lupa at ma-pollute ang tubig)
      -3Rs(reduce, reuse, recycle)

      Ayan sana maging pang araw-araw na maisama sa buhay ng tao ang maging involve sa pag save ng Mother Earth.

      Go Green! Save Mother Earth!

      God Bless!

  10. J. Kulisap says:

    Pinakamahirap gawin.

    DISIPLINA

    D-i kaya ng tao dahil pasaway
    I- nggit sa iba, kaya tuso
    S-arili lamang ang iniisip
    I-was ng iwas sa kaniyang responsibilad
    P-lanong wala namang gawa
    L-ahat ay nais makuha, ang selfish talaga
    I-tapon mo, itapon mo…balahura ka
    N-asaan ang iyong moral?
    A-gos na walang direksyon.

    Aba malay ko kaberkie..kung ano lamang maisip ko.

    • Maraming Salamat Kaberkie sa iyong pagbisita.

      Sakto sa lahat ng bagay na magandang puwedeng gawin, maging sa buhay man o bagay-bagay sa mundo, ang laging nakakapigil at nakakahadlang ay Disiplina.

      Buti na lang at napadpad ako sa lugar na ang Disiplina ay naging parte na ng buhay. Kaya naging mabilis lang ang aking adjustments sa bagay-bagay.

      Yun nga siguro ang problema sa atin ngayon ang di pagsasabuhay ng Panatang Makabayan:

      “…Sa wika at sa gawa…”

      Maraming marunong at nakakaalam pero hanggang sa wika lang….at alam ko dun nabuo ang iyong sinabi sa nawawalang Disiplina ng mga Pinoy.

      D-i kaya ng tao dahil pasaway

      —-pero kapag napunta sa ibang bansa di na pasaway(?)

      I- nggit sa iba, kaya tuso

      —-yan ‘crab mentality’ andyan pa malamang

      S-arili lamang ang iniisip

      —-ito ang edukasyon ang kailangan para maipaliwanag ang kahalagahan ng bagay-bagay.

      I-was ng iwas sa kaniyang responsibilad

      —-Inaasa sa iba lagi…ummm ayaw magmukhang nalalamangan ng mga walang ginagawa.

      P-lanong wala namang gawa
      L-ahat ay nais makuha, ang selfish talaga

      —yan ang ‘lotto’ mentality

      I-tapon mo, itapon mo…balahura ka
      N-asaan ang iyong moral?

      —Sana malaman lagi ng iba na puwedeng pumatay yang mga basura na iyan…pumatay sa kinabukasan…hayyy

      A-gos na walang direksyon.

      —minsan naiisip ko na sana may mga programa sa TV na makabuluhan…ewan ko pero parang nauubos lang ang oras ng mga Pinoy sa kapapanood ng mga palabas na…hayyy ewan ko….kontrolado na yata ng nagpapatakbo ng mga TV ang buhay ng mga Pinoy sa Pinas…pasensiya na kasi unti-unti kasi inaalis ko na ang TV sa buhay ko(maikli lang ang buhay yoko ng sayangin)…pasensiya ka na nasisi ko tuloy ang TV…dapat siguro yung nanunuod sa TV ang sisihin….hayyy.

      Pero at the end of the day…Pinoy ako at may Pag-asa!

      Ummmm…..salamat Kaberkie. Ingat lagi & God Bless!

  11. themizpah says:

    Pinoy ako at may Pag-asa.

    Tama ka superlo, tayong lahat ay may responsibilidad sa inang kalikasan at ito ang ibinilin ng Diyos sa atin to have dominion over earth and protect it and its inhabitants.

    Sa mumunting paraan ay makakatulong tayo. Paggamit ng tama sa mga appliances, pagtatapon sa tamang lalagyan ng basura.

    Act singly, act collectively para sa inang bayan.

    Iwasang magtapon ng balat ng kendi sa daan, kung bawat Pinoy ay magtatapon nito 90 milyong balat ng kendi araw-araw paniguradong bundok ng basura ang abot natin. Mga simpleng paalala na madalas nakakaligtaan natin.

    Tayong lahat ay magsilbing modelo.

    God bless po!

    • superlolo says:

      Maraming salamat Mizpah.

      Eto rin talaga ang kailangan sa sinabi mo:

      —”Act singly, act collectively para sa inang bayan.”

      Di na kailangang mag pipol power…isa-isa lang malaki na ang magagawa. At tsaka di sana di ningas-kugon kung talagang isasabuhay ng mga tao ang pagmamahal sa kalikasan.

      God Bless din Mizpah!

  12. [...] kang tumawag sa toll free number 1-800- wildsex, inaanyayahan ko kayong dumalaw sa blog-hay ni Tats upang makibahagi sa pagsugpo sa lumalaganap na global warming at masagip ang pagkawasak ng Inang [...]

  13. ana_banana says:

    Thanks for sharing this post lolo jem… It’s true we can help our Mother Earth by simply doing small things…. It actually helping yourself too… oh di ba liliit na babayaran nyo sa bills.
    Happy Earth Day!

    • Walang anuman at salamat sa pagbisita Ana. Maraming small things talaga na magagawa tayo…na balang araw…maaring di nga nga natin makita ang resulta sa buhay natin…pero para na lang sa mga susunod pa nating henerasyon.

      Sa totoo lang magiging maganda ang commitment kung iisipin ang magagawa sa kalikasan(kaloob kasi ito ng Panginoong Diyos sa atin)…ang pagliit ng bills ay secondary na lang….pero yun nga siyempre happy pati ang bulsa, nakatulong pa sa Mother Earth.

      Tuloy-tuloy na ito…sama-sama tayo…katulad ng sabi mo:

      —”by simply doing small things….”

      Save Mother Earth! God Bless!

  14. salbehe says:

    Reduce, Reuse, & Recycle.

    Pwede din ito sa relasyon. :)

    • Haha mukhang puwede nga Salbehe.

      Reduce- bawasan ang gimik…tipid gastos.

      Reuse- …walang pumasok sa kukote ko(nagiging green yung isip ko)

      Recycle- ibigin ulit ang dating bf o gf? ummm…

      Salamat sa pagbisita Mam Salbehe. Lagi ko na kayong nakikita sa bahay ni Jkulisap. Iadd ko po kayo sa aking blogroll para mabisita ko rin kayo.

      God Bless!

      • salbehe says:

        Ganito ang nasa isip ko:

        Reduce – bawasan ang paglalandi
        Reuse – manlandi lang sa mga dati ng nilalandi, iwasan ng manlandi sa iba (Reduce nga eh)
        Recycle – pwedeng gamitin uli ang mga bagay na nagamit na. dito nagiging green ang utak ko. :lol:

        Biruin mo yun may pakinabang pala talaga ako kay Jakul.

  15. gerald says:

    napapanahon na po talaga ‘tong post nyo.. lalo na ngayon na nag iiba na ang takbo ng klima naten.. dito sa manila umaabot ng 37 degrees celsius ang temperature.. super init, hindi naman ‘to nangyayari nung mga nakaraang taon.. at sigurado ‘ko na sa panahon naman ng tag-ulan, matinding ulan nanaman ang mararanasan dito.. parang yung nangyari nung panahon ni “ondoy”..

    pero sana mag snow na dito.. hehehe..

    • superlolo says:

      Maraming salamat Gerald.

      Sana lang di na magkaroon pa ng mga kalamidad para lang ma-realize ng mga tao na kailangang kumilos na para sa ikakaayos ng kalikasan.

      Iban-iba na talaga ang panahon…maaring sa susunod na henerasyon pa mararamdaman ang epekto ng kaayusan ng kalikasan kung magsisimula na ang mga tao sa pakikiisa sa pag-save sa Mother Earth.

      Haha…yung snow sa una lang masarap yan…pero kapag makapal na…ayaw na rin ng tao….grrrrrrr.

      Ingat & God Bless!

  16. pruelpo says:

    Tunay nga po na dapat alagaan ang ating kalikasan at walang ibang gagawa noon kungdi tayo.

    Ang pelikulang AVATar/AVAter – ay may magandang mensaheng isiniwalat. Salamat po sa pagdalaw doon. musta rin sa mga Igang blogista?

    • superlolo says:

      Panahon na talaga Pruelpo na isabuhay ang pagligtas sa Mother Earth para na lamang sa susunod na mga henerasyon. Kaloob ito ng Diyos na dapat talagang alagaan bago maging malubha ang kalagayan ng kalikasan.

      Maraming salamat din sa pagbisita.

      God Bless!

  17. chevybo says:

    Hello Lo! Pasensya na po’t medyo hindi ako nakakadalaw dito ng madalas, nawala din ako ng ilang araw. Nagmuni-muni at binusog ang sarili. hehehe. Kamusta na po kayo? Sana’y nasa mabuti kayong kalagayan! ;)

    Napakaganda naman po ng poste niyo’ng ito. Lahat naman talaga ng bagay eh nag-uumpisa sa maliit. Subalit yun naman ang problema nating mga tao, kung ano yung madaling gawin yun pa ang kinatatamaran natin. Tiyaka na lamang tayo kikilos, maaalarma kapag nakikita na nating malala na ang sitwasyon. Sana’y magsilbing aral sa’tin ang posteng ito, hindi lamang nating mga Pilipino kundi lahat ng tao dito sa mundo. Dahil baka tuluyan ng magsara ang pinto ng liwanag para sa atin at tuluyan nang balutin ng kadiliman ang mundong ating ginagalawan.

    Ingat po at Godlbess!

    • superlolo says:

      Mukhang galing ka sa Fiestahan Chevs. Ayos lang Lolo dito medyo maganda na ang klima puwede ng isang tshirt na lang ang suot.

      Ay tama lahat ang sinabi mo…talagang nagpaparamdam na ang masamang kalagayan ng ating mundo…kaya panahon na talagang ‘di lang sa salita kundi kailangan na ng aksyon’. Walang mahirap at mayaman dito…lahat kailangang mag-participate.

      Ganda ng sinabi mo:

      —”Dahil baka tuluyan ng magsara ang pinto ng liwanag para sa atin at tuluyan nang balutin ng kadiliman ang mundong ating ginagalawan”

      Ipagdasal nating di ito mangyari kung di pa kikilos ang mga tao…lahat ng tao sa buong mundo.

      Ingat & God Bless!

      • chevybo says:

        Hindi pa naman po, muntik-muntikan na nga lang. Malapit na po fiesta sa’men. Punta kayo? hehehe. Mabuti naman po kung ganuon! Bakit ilang t-shirts po ba ang suot niyo dati? hehehe. Mukhang maaksaya sa labahin ah.

        Sana nga po’t hindi na umabot sa puntong ganun. Bago pa man tuluyang masira, ayusin na. At tama din po kayo, wala yan sa edad o estado ng ng pamumuhay. Lahat may magagawa, lahat may maaring maging kontribusyon.

        Magandang Araw po Lo!

        Ingat po lage & Godlbess!

  18. Sows says:

    araw ni mader earth!

    ayos! :wink:

    • Maraming salamat sa pagbisita Sows.

      Haha…di lang araw ni Mader Earth…paalala lang ito na may Mader Earth tayong dapat alagaan…di ba ang Mader inaalagaan? at habang-buhay pa.

      God Bless!

  19. bonistation says:

    kasama ako dyan superlo! asahan mo! maraming salamat po sa mga pointers! ^^

    “ang lahat ay may katapusan” kaya hangga’t maaga matuto tayong magtipid!

    • superlolo says:

      Maraming Salamat Bons.

      Oo kahit nasaan tayo, isabuhay na talaga natin ang mga maliliit na mga bagay-bagay na makakatulong sa problema ng Mother Earth…para na rin sa susunod na mga henerasyon.

      Kapag di talaga naagapan ang problema sa kalikasan….baka sa susunod ay…tama ang sinabi mo…may katapusan at magkaroon ng kakulangan.

      Ingat lagi & God Bless!

  20. hello, lolo… nagse-segregate din kami sa bahay,about 12 years na siguro. ako ho ang pasimuno. sa umpisa lang parang mahirap. pagtagal, things are actually easier and more advantageous. di bumabaho at matagal bago mabulok ang basura. extra – matulungan si madir earth, hihi. hello! ;)

    • roger says:

      ”””’tama nga sabi sa text na ”’kailan pa ba ssimulan ang pag babago kung nasira na talaga ang mundo”’ …………………………dapat lahat sa atin ay matutung tingnan ang mga hinaharap atig mundo””””wag lang cge pasaway ”’paano nlang kong matuluyang magunaw na ang mundo ”””’ang ating mundo ay iisa lang gawa ng diyos na mkapangyarihan na dapat nating mapangalagaan ””totoo talaga ang kasabiahn”””kung ano ang itinapon mo yun din ang babalik sayo””””’

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s