For Mother Earth

To the world you may be just one person, but to one person you may be the world.–Brandi Snyder

For a community to be whole and healthy, it must be based on people’s love and concern for each other.–Millard Fuller

We were born to unite with our fellow men, and to join in community with the human race.–Cicero

Never doubt that a small group of thoughtful, committed citizens can change the world. Indeed, it is the only thing that ever has.–Margaret Mead

The best way to find yourself is to lose yourself in the service of others.–Gandhi

If not you, then who? If not now, then when?–Hilel

My life is my message.–Gandhi

The impersonal hand of government can never replace the helping hand of a neighbor.–Hubert H. Humphrey

We will surely get to our destination if we join hands.–Aung San Suu Kyi

It is just good common sense. If you love thy neighbour as thyself, he will do likewise with you.–Gandhi

A community is like a ship; everyone ought to be prepared to take the helm.–Henrik Ibsen

A community needs a soul if it is to become a true home for human beings. You, the people must give it this soul.–Pope John Paul II

One has to be self-reliant in everything. If people do not start working of their own free will, time and circumstances will make them do so … If the nation breathes such a healthy air, it would definitely grow healthy.–Gandhi

We don’t accomplish anything in this world alone … and whatever happens is the result of the whole tapestry of one’s life and all the weavings of individual threads from one to another that creates something.–Sandra Day O’connor

I am a part of all that I have met.–Alfred Tennyson

Earth provides enough to satisfy every man’s need, but not every man’s greed.–Gandhi

Inspired ka na ba?

32 comments on “For Mother Earth

  1. Base ba ako Lo?

    Good day po… Ang ganda ng mga quotes. I particularly like the quote from JPII…🙂

    • superlolo says:

      Beys na beys Mark.

      Maraming salamat at Magandang araw din sa iyo.

      Oo Mark maganda ang sinabi ni Pope…kailangang talagang malalim ang ang pagpapahalaga sa mga nilalang ng Diyos para maging maayos ang lahat.

      Salamat sa pagbisita Mark. God Bless!

  2. toni says:

    kailangan ding makita nila tayong kumikilos at ang iba ay magkukusa.
    sana nga Superlo lahat ay may kusang palo noh?

    • superlolo says:

      Ay super tumpak ang sinabi mo Mtoni. Di kailangang maghintayan sa pagkilos…ngayon na ito…kaya sa pag-iingay nating ito ay sana maraming magising at yun nga magkusa at mag-isip ng maiitulong para sa ating kalikasan.

      God Bless!

  3. kaye says:

    very inspiring nga…lalo yung last quote… talaga namang lahat na pinoprovide ni mother earth para di na tayo magkulang pero di niya kayang punan pati ang kagahaman ng mga tao…kaya nagkakaganito na ang mundo…dito sa atin grabe ang init lalo kahapon. nakakasuffocate na init ang ramdam ko paglabas ng opisina kahapon…

    musta na, tay? pasensiya na, feeling ko ang laki laki na ng kasalanan ko sa inyo kasi di ko kayo nabibisita ng matagal. alam nyo naman po ang mga pangyayari… pero salamat pa rin po sa pagbisita palagi sa site ko… namiss ko po kayo!

    • superlolo says:

      Maraming salamat Kaye at nakasaglit ka dito, naiintindihan ko ang iyong kaabalahan at mabuti naman at magaling na ang mga bata.

      Ay tooo ang sinabi mo ang si Mader Earth ay di puwedeng give-en-give dapat may take din…dapat may gawin din ang tao para mapanatili ang maayos na kalikasan.

      Hayy oo yan na nga ramdam na ramdam na talaga ang pagbabago ng klima sa atin…sana magbago na ng pananaw ang mga tao lalo na sa paggamit ng mga resources ni Mother Earth…talagang naniningil na.

      Mabuti naman ako…healthy naman….ay naku wag kang mag-alala naiintindihan ko ang kaabalahan ninyong mag-asawa. Masaya na akong nakakapamasyal sa iyong bloghay.

      Hayyy oo nakaka-miss na talaga…sana magpalaro na ulit si Father…para madalas ulit tayong nagkikita kahit sa mga komento lang. Tunay ang sabi mo nakaka miss talaga…nasanay na rin ako na mag-ikot sa mga blog kasi yun nga…iba na yung pinagsamahan natin…kahit di pa tayo nagkikita-kita.

      Ano pala balita kay Father Fiel? Alam ko kayo ay nakakatext sa kanya. Palagay ko naman teknikal lang sa Internet ang problema ni Father.

      Musta na ulit sa family. God Bless!

  4. duking says:

    We don’t accomplish anything in this world alone … and whatever happens is the result of the whole tapestry of one’s life and all the weavings of individual threads from one to another that creates something.–Sandra Day O’connor

    striking ‘tong quotes na ‘to for me.sadyang no man is an island.

    magandang araw.nakikilundag lang din sa blog mo sir!

    • Magandang araw din Duking at salamat sa pagbisita.

      Mula talaga sa simula…mula pa nung creation..tayong lahat ay kumikilos na ayon sa bawat isang nasa ibabaw ng mundong ito…isinaayos ng Diyos ang lahat para mapanatili ang paraiso na ito para sa tao…at ang tao para sa paraisong ito. Yun sakto…no man is an island…katulad nga ng sabi ni O’connor…sama-sama tayo sa pag save kay Mother Earth.

      Naku nababasa ko na madalas ang mga komento mo sa bloghay ni Miss Green Pepper. Iadd na rin kita sa blogroll ko para mabisita kita.

      Ingat lagi & God Bless!

      • duking says:

        salamat din.ia-add din kita para may portal din ako sa pagbisita.ang hirap din kasi ng patalon talon.mabilis makaluwag ng brief.hahaha!!!

        salamat ulit sa pag add,sir!

      • Haha…pinatawa mo ako Duking…mabilis makaluwag ng brief…yun nagiging parang bacon na sa luwag…hehe.

        Salamat din.

  5. chevybo says:

    Naks! Hanep sa huling banat! “Inspired ka na ba?” hahaha. Sino ba namang hindi Lo, pasadahan niyo ba naman ng sandamak mak na inspirational quotations from different people itong poste niyo eh, talagang mai-inspired kami. hahaha. Pero ayos yung kay Ghandi, yung pam pito. Malinaw na malinaw, ang isang nilalang na may buhay ay may magagawa para mapabuti ang kalagayan ng isang lumalalang sitwasyon.

    Ingat po lage at Godbless!

    P.S. Pakamusta po kay Mader Earth. hehehe😉

    • superlolo says:

      Haha…maraming salamat Chevs. Kailangang talaga sa ibang tao eh…palambutin ang puso para maisabuhay na talaga ang maging involve sa pag-aayos ng kalikasan.

      Ayan si Mader Earth panay na panay ang paramdam sa mga Pinoy sa INIT na di mapigilan.

      Ikaw din ingat sa health…iba ang panahon dyan sa atin. God Bless!

  6. teentoinks says:

    Hi Lo, inspiring nga po yung mga quotes, at gusto ko rin yung last quote by Gandhi… gusto ko rin po sana share tong video na to… for mother earth!🙂

    • Maraming Salamat Tina.

      Ang tindi ng mensahe ng bidyo na nai-share mo. Kumpleto patama sa mga namumuno…mga leaders…mga matatanda…

      Yung sinabi na buy-throw away attitude ay isa sa nagpapahirap sa ating environment.

      Poverty…ito ang mabigat…biktima ang mga bata.

      Hayyy..basta do our best…and sana nga others will realize ang tindi ng problema ng mundong ito.

      Sana maging isang subject na ito sa mga schools. para sa kinabikasan ito ng susunod na mga henerasyon.

      ingat & God Bless Partner!

  7. sows says:

    speechless ako.
    words has been said.

    kudos.😆

  8. busyokology says:

    galing ng mga quotes. kakainspire. nung nasa college ako may notebook ako at dun ko sinusulat lahat ng quotes na magustuhan ko.

    sayang at nawala ito. hehe. ang hirap ng palipat lipat ng bahay.

    • Naku ikaw pala yan Eli. May dat kom ka na rin….Yehey!

      Ay totoo ang sinabi mo…ang mga quotes ng mga sikat at ordinaryong tao ay nagbibigay sa atin ng gabay dahil minsan sa buhay nila ay nagamit nila ang mga ito at isinasalin lang nila sa iba ang napakagandang kaalaman sa bawat aspeto ng buhay.

      Ako man ay may mga konting gustong quotes lalo na nung nasa college ako. Pero buti na lang dahil sa Internet ay mabilis mahanap ang mga quotes na ito.

      Congrats sa dat kom mo Eli. Bibisita ako.

      God Bless!

  9. Len says:

    ayus mga quotes Lolo, inspiring! hehehe, kaso hindi namn ako inspired! hehehe🙂

  10. themizpah says:

    very inpiring
    naalala ko pa kapag nag-outbound kami noong nagtuturo pa ako

    lakbay-kalikasan ang team na hired ng school
    and truly mas na-aapreciate ng mga bata ang kalikasan kumpara sa pleasure trip.

    bawal magdala ng plastic bags at kung mag-oorder sa fast food dapat may dalang lunch box at lalagyan ng softdrinks.

    salamat po superlo.

    God bless!

    • Maraming salamat Mizpah.

      Ay ang sa akin talaga napakandang simulain ang matutunan ng mga bata ang patungkol sa kalikasan…at iyon nga mas makabuluhan ito kaysa sa pasyal sa Malls…hehe.

      Maganda rin pasimula ito:

      —“bawal magdala ng plastic bags at kung mag-oorder sa fast food dapat may dalang lunch box at lalagyan ng softdrinks.”

      Naku yang mga plastics…ang nagpapahirap sa ating mga kalikasan(dumpsites)…kasi sa 100 years ay baka di pa bulok ang mga plastics na yan. Or kung mapunta naman sa dapat ay nakaka epekto naman sa mga lamang dagat.

      Salamat din Mizpah sa pagbisita. God Bless!

      • themizpah says:

        oo nga superlo maganda yung outbound, kapag nahagilap ko mga pics i-popost ko about nature kasi ang lakbay kalikasan mas maganda, outbound at tunay na educational,

        agree ako na magandnag masimulan sa mga bata, hindi mahirap turuan at madali silang matuto para maipasa pa nila sa kanilang mga magiging anak, di ba

        God bless

      • Yap Mizpah. Sana lang sa Pinas ay masimulan sa mga iskul sa elementary ang pagtuturo…siyempre malaking plus kung ang nasa gobyerno ay may simulain…yung mga magulang magandang ehemplo ng implementasyon….Sana lang.

        Salamat.

  11. gudang says:

    Ito yung pinkagusto ko:

    “If not you, then who? If not now, then when?–Hilel”

    Hehehe😀 Wala lang. Winner ang quotes🙂

    • Maraming salamat Gudang.

      Gusto ko rin ang napili mo. Ito ang bagay sa mga Pinoy…wala ng turu-turuan…simulan na kahit sino…at ngayon na.(applicable ito sa mga kahit anong isyus….lalo na nga sa kalikasan) Now Na!

      Maraming salamat sa pagbisita. God Bless!

  12. J. Kulisap says:

    Mag ambag tayo, kunyari mapangarapin ako.

    ” Kung hindi ako magiging makasarili sa kalikasan, sigurado ako, ako’y kaniyang aalagaan”

    Kaberkie, haloha

    • Ayos Kaberkie.

      Ang lagi kong naalala dun sa titser ko nung elementarya:

      Kung ano ang isinuksok…siyang bubunutin.

      Sa makabagong teknolohiya:

      Garbage in…Garbage out.(linguwahe ng mga programmer sa computers).

      Salamat & God Bless!

  13. joyce says:

    Lo, Very inspiring po ung mga quotes nyo..
    Sana lahat ng tao, may pagmamahal sa kalikasan at kapwa nila. At kumikilos sila ng kusa upang makatulong…

    Definitely, this coming summer itutuloy na talaga namin ang bago naming proyekto this summer 2011, aakyat kami ng mga bundok upang magtanim. sa ngayon, papers pa lang inaasikaso namin upang maging legal ang lahat…

    Aja!

  14. doon po sa amin says:

    “I am part of all that I have met.” Ahaha, kaya pala kokonti na lang ako, Lolo. Parang ang dami yata ng aking na-meet, haha.🙂

    Marami-rami rin ho kasing tao ‘yong ang concept ng mundo ay pagkukuhanan lang ng kapakinabangan. Wala sa hinagap nila ang magbigay-pabalik. Tingin pa nila, katangahan to think of the welfare of others kasi, it’s a matter of how much one can avail of for himself now. It may not be correct pero ‘yan ang prevailing norm sa ngayon.

    Sa Economics ho, well-propounded ang usaping yan doon sa concept ng public goods dilemma. Ang mas prevalent economic thinking, private gains from public goods (commonwealth or welfare) and let the government fix whatever disrepair, kakulangan or inequalities that may ensue from others having a larger share from the commons, ‘ika nga.

    May ilan ho akong pagtatangkang magpahiwatig tungkol ryan sa dpsa posts, particularly ‘yong posts na nauna about tubig (water supply) in far-flung areas. Yon… I might have to do some more on the topic in the future pag naibalik na ang site, hehe…

    Regards sa inyo!🙂

    • Maraming salamat Miss Susan sa iyong masipag na pag-backread.

      Haha konti ka na lang…kapiraso ka na lang ba? konti ka na lang dahil nagiging parte ka ng iba…nang ikakabuti ng nasa iyong paligid.

      May isang napakahalagang tanong lang ang dapat sagutin lalo na kung pag-uusapan ang kalikasan. Ano ba ang ating mahalagang iiwanan sa susunod na henerasyon?

      Napakalaking usapan at tunay na walang humpay na partisipasyon ng lahat ang pagpapabuti ng ating kapaligiran.

      Ang sabi nga ng matatanda ay…ang sakit ng kalingkingan ay nararamdaman ng buong katawan.

      Oo dapat talaga ang masinsinang artikulo patungkol sa ganitong usapan…yes! sa dpsa…malapit na!

      Musta rin at Salamat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s