I left my heart in San Francisco

Get ready. You’re on your way to an awesome trip to San Francisco.

As part of the lyrics of this song goes…

I’m going home to my city by the bay.
I left my heart in San Francisco
High on a hill, it calls to me.
To be where little cable cars
Climb halfway to the stars!
The morning fog may chill the air
I don’t care!
My love waits there in San Francisco
Above the blue and windy sea
When I come home to you, San Francisco,
Your golden sun will shine for me!

View of San Francisco from the highest part of the city(Twin Peaks).

Street of San Francisco.

Cable Car.

Chinatown Gate.

Yachts by the bay.

Pier 39.

View of Alcatraz Island.

Sea lions by the bay.

Dreyer’s store.

Old tour car.

Crookedest street.

Golden Gate bridge.

Beach near Golden Gate bridge.

San Francisco department stores.

Flowers.

All pictures taken April 30 & May 1, 2010.

66 comments on “I left my heart in San Francisco

  1. taribong says:

    Wow! Magandang araw po sa inyo, Tats!
    Ang galing naman at kayo ay nakapamasyal at halatang nag-enjoy kayo hehehe.
    Sana ako rin ay makarating diyan sa San Francisco at makapamasyal din sa mga lugar na nakikita ko lang sa pelikula (at sa notebook hehehe). Sa ngayon ang nadadaanan ko lang ay San Francisco del Monte, kaya tiyaga na lang muna haha.
    God bless you always po, Tats, at best regards sa lahat ng mga miyembro ng inyong pamilya diyan.

    • toni says:

      pasabit sa beys kuya Tars tutal ilang minuto lang naman pagitan.

    • Maraming salamat at magandang araw din Taribong.

      Tama ka nag-enjoy ako sa pamamasyal kasi sa totoo lang ay may bisita ako na ipinasyal at talagang pumapasok na ang magandang panahon dito.

      Haha oo ganyan din ako nung araw, nangangarap ako na makarating sa San Francisco California kapag nadadaan ako ng San Francisco Del monte at kapag nakikita ko yung iskul sa gilid ng SM North yung San Francisco Hig School…matutupad din yan balang araw.

      Salamat at God Bless din!

      • taribong says:

        Haha gagayahin ko po kayo para matupad din ang pangarap kong makarating diyan balang araw. Araw-araw ko kasing nadadaanan ang San Francisco High School sa tabi ng SM North hehehehe

        Maraming salamat pong muli, Tats. Ayos!!!!

  2. toni says:

    talaga naman pati pala kayo Superlo nagliwaliw din.
    meron din po ba kayo mga relatives don?

    ung iba pong fiktyurs parang pinas lang.
    lapit lang kabilang dulo ng golden gate, pede tawid araw araw.
    don naman masarap mag skateboard at magtaguan- pong sa crookedest street.

    • Sa totoo lang yang San Francisco City ay mga 20 minutes drive lang mula sa bahay kapag weekends Mtoni. Parang Makati kung sa QC nakatira.

      Bumisita yung family ng brother-in-law ko kaya ayun pasyal blues kaagad at mabuti ay pumasok na ang magandang panahon.

      Sakto yang sabi mo parang Pinas lang…at sa makikita mo dito sa pasyalan baka sa 10 na tao ay 2 ang Pinoy at dahil sa klima at view parang Pinas lang talaga.

      Haha sa totoo lang ay di masyado kami dumadaan dyan sa Golden Gate pag napuntang SF City…nakakapunta lang kapag may bisita para ipasyal.

      Ang crookedest street naman ay talagang tourist destination yan…kailangang mapuntahan yan ng turista para masabing nakapunta ng SF. Haha kung taguan dyan…pambata na lang lang kasi sa matanda ay hahapuin sa tarik ng pag-akyat.

      Maraming pang mapapasyalan dito…palagay ko 25% pa lang ang mga nasa pictures.

      Kaya kung may balak kang magpa-init muna dito ay ipapasyal ka namin. Yung bisita ko ay from Ontario kaya tuwang-tuwa sila sa klima dito.

      Kaya hanap na ng tiket…go go gow! God Bless!

      • toni says:

        sweet! buti pa sila.
        kaiba klima dito dahil muka matatagalan pa mga binhi bago mailipat sa lupa, freezing pt. pa bukas ng gabi.
        sana naman pagdating ng june umayos na panahon, hays baka ala ako maaning gulay. bale ba octobre pa lang nagsisimula na uli magsnow.

      • Hayy yan nga ang kwento ng mga bisita ko Mtoni. Ang labanan sa klima ay kung may snow o wala or kung ang temperature ay below zero or above. Grrrr di ko na kaya yata ang below zero. Naku kawawa naman garden mo.

  3. toni says:

    pahabol Superlo…
    kanino nyo iniwan puso nyo?
    tsismis yan!

    • Haha…Alam mo Mtoni nung nasa Pinas pa ako naintriga ako sa kanta na iyan…kasi paborito ko iyan. Nung nakarating na ako sa SanFrancisco aba ay talaga palang mai-inlove ka sa ganda ng SanFrancisco bilang turista…kakaiba talaga. Nakarating na ako ng konti sa Europe, New York, Florida at LA…iba talaga ang SF. Kaya siguro may sticker para sa sasakyan na ‘I Love SF’.

      Pasyal na sa SF!

  4. Huwaw!!! Ang gaganda ng mga larawan!!!
    My favorite is the one with the yachts…

    At talagang nakikanta ako dun sa kanta nyo…🙂 My father is a fanatic of old standard songs… Pagnag-videoke kami sa bahay, di pwedeng walang lumang kanta… So, kahit kaming mga bata, nakakajam sa songs nila…

    At parang nakapagtour na rin ako sa San Francisco… Hehehe… Nice pics po talaga! Thumbs up!

    • Maraming Salamat Mark.

      Naka tiyempo kami ng magandang panahon sa aming pasyal…very clear ang langit…blung-blue talaga. Kaya ang ganda lumabas ng mga pictures.

      Marami pa sana kaming puwedeng kunan ng pictures na mga lugar…kaya lang dahil bilisan at minsan ay di na kami makababa sa sasakyan.

      Nung araw yang videoke ng ‘I left my heart in SF’ ay talagang gandang-ganda ako kasi ang ganda ng ipinakikita na video about SF…kaya ayun nangarap..later pala dito na rin kami mapapatira.

      Maraming salamat sa pagbisita Mark at buti naman ay nagandahan ka sa aking mini-tour of SF.

      God Bless!

  5. ganda ng mga pics superlolong pinoy!!🙂 niceee!

    kelan kaya makakapasyal sa golden gate bridge! hehehe.

    ingat po lagi. Godbless.😉

    • Maraming salamat Roneth.

      Naku makakarating ka rin dito. Kapag naisipan mong magbakasyon ay ipapasyal ka rin namin dito.

      Nung araw nangarap din lang ako…ayun dito pala kami mapapatira.

      Salamat & God Bless din!

  6. teentoinks says:

    WOW Lo, napakanta naman ako.. hehehe feeling ko po tuloy naglalakbay din ako jan sa mga pictures. Ganda po Lo… Ingat po!

    • Salamat Tina.

      Haha…oo yan pa preview pa lang iyan ng ilang magandang lugar dito malay mo makasaglit ka rin dito.

      Hindi naman kami madalas makapamasyal sa SF city, ayun may bisita lang kaya nakapamasyal na rin at nagkataon ay maganda ang klima.

      Ingat & God Bless din!

  7. duking says:

    nasa san francisco ka pala,sir.

    make sure to wear the flowers in your hair.lyrics din yan nung isang kanta sa san francisco eh.hehehe!

    goodluck,ingat lagi.naalala ko yung ‘the rock’ kapag nakikita ko yung alcatraz island.

    • superlolo says:

      Haha Lolo na lang Duking…wag na sir. Oo sa SF city area ang base ko.

      Yung “make sure to wear the flowers in your hair.” tingin ko kasi tatak ito ng SF nung 60s to 70s. Sa SF kasi nagsulputan ang kultura ng ‘Peace at Flower People’.

      Nung di pa ko nakatira sa SF…gusto ko rin ang movie na ‘The Rock’, Cage & Connery yata yan at ginawa pa sa SF. At siniguradong ko unang tapak ko sa SF ay marating ang Alcatraz.

      Maraming salamat at God Bless!

  8. kayedee says:

    hmm. san po ba ikaw base superlolo(makiki lolo na rin aq) ehehhe… mjo tgal na aq d2 sa yu es pero hnd p aq nkakapunta ng san fransisco😦

    • superlolo says:

      Hi Kayedee maraming salamat sa pagbisita. Oo sa Bay Area kami nakatira, 30 mins away from SF. San ka sa US? Naku ikakagalak ko na maipasyal din kita sa SF.

      Iadd pala kita sa blogroll ko para mabisita rin kita.

      Ingat & God Bless!

      • kayedee says:

        ahh.. sa vegas po aq.. natuwa namn aq, 4 d first tym my nkilala aq d2 sa blogosperyo na taga d2 rin,but im sure mrmi din tau kso hnd q kilala. ikw po my kilala po b u?

        ok lo add dn po kta.tenx po:)

      • Naku Kayedee parang tayong dalawa pa lamang ang taga California na magkakilala sa palibot-libot sa blogosperyo. Sa Vegas ka pala…hanggang Reno pa lang ang narating ko. Yung iba na nakilala ko dun sa bloghay ni Father Fiel pero malayo sila…mga dalawa lang.

        Salamat sa pag add Kayedee. God Bless!

  9. kaye says:

    gusto ko makapagpakuha ng peechur sa may golden gate bridge at masubukan ang cookedest street. di kaya nakakahilong daanan yun? hehehe

    nice pics, tay.

    • superlolo says:

      Maraming salamat Kaye.

      Naku basta magawi kayo rito ay ako na ang bahala sa pag peechur sa mga magagandang lugar sa SF.

      Haha…naku masarap ma-experience ang mag-drive sa ‘crookedest st.’ na iyan.

      Ingat & God Bless.

    • superlolo says:

      Pahabol ang pagbati ko ng Happy Mother’s Day sa iyo Kaye!

      God Bless your family always!

  10. busyokology says:

    wow. san francisco. kakaiba talaga ang tanawain dyan.
    natuwa naman daw ako sa ‘old tour car’🙂

    • superlolo says:

      Salamat Eli. Ay oo sakto ang sinabi mo kahit medyo pabalik-balik na ako sa pamamasyal ay namamangha pa rin ako sa mga magagandang lugar sa SF. At maraming ‘old’ sa SF…lumang victorian houses, lumang mga cars…katulad nung ‘old tour car’…very historical din ang mga lugar sa SF.

      Ingat lagi & God Bless!

  11. Len says:

    ang ganda ng kuha Lolo, ang ganda naman talaga jan? kelan kaya ako makakapunta jan?! hehehe

    good noon po!🙂

  12. Sphere says:

    tay, ampunin mo na ko gusto ko din jan ganda ganda🙂

    • Haha…oo naman Anne…aampunin na kita para makapamasyal ka na rin dito. Mag save na para sa tiket at dito ka na magbakasyon sa susunod. Masarap mamasyal sa ganitong panahon kasi parang summer na ba…maganda na ang klima di na malamig.

      Ingat lagi & God Bless!

  13. jason says:

    wahhhh san fransisco..
    ang ganda..

    i like staring at the photos..

    sabi nung mga sealion: aw aw aw aw aw wa oe oe oe oe oe

    sama naman ako dyan… gusto ko ma experience dyan😀

    lolo kO! YEY

    • superlolo says:

      Hello Jason. Salamat at napabisita ka.

      Masuwerte lang din ako kasi dito nakatira sa malapit sa SF ang aking family. Kaya katulad ng sinabi mo iba talaga ang beauty ng SF at bagay-bagay din ang klima sa ating Pinoy. Bawat city sa US ay iba-iba ang ino-offer pero tingin ko ang maganda sa SF ay mas marami siyang magagandang lugar na makikita para sa mga turista. At malapit pa sa Pinas ang SF.
      Haha at tama yung sound mo ng sea lions…nakakatuwa parang nanawag nga sila habang pinapanood.

      Okay lang ipapasyal kita dito Jason. Ipon na para sa tiket…siyempre kailangan din ang visa…go…go..go!

      Ingat & God Bless!

  14. bonistation says:

    lo, ang ganda naman dyan!! para nadin kaming nag punta ng san francisco! ang linis linis ng paligid! pero kahit na nasa US uso padin pala ang sabit sa sasakyan hihi!

    astig nung last picture yung flowers, parang plastic lang sila, pero fresh po yun diba!!?

    thanks po sa pagshare!! libreng pasyal to!! MORE MORE MORE! =)

    • superlolo says:

      Haha oo Bons talagang nais ko rin na mai-share ang ilang pictures ng SF…ako rin ay feeling turista kasi di madalas akong makapamasyal sa SF city. Parang nung nasa Pinas ako, di naman ako nakakapunta ng Makati.

      Oo yun kalinisan the best yan dito. Haha yung sabit sa cable car…alam mo ba na yung mga turista ay nag-uunahan sa experience na makasabit sa cable car…feeling post card ika nga.

      Yung mga flowers dito ngayon ay magaganda na kasi spring na…talagang naglalabasan ang ganda ng mga bulaklak.

      Hahah…nakakatuwa ka naman may more…more pa…parang concert….sige aayusin ko muna yung ilang pictures at may to follow pa.

      Salamat Bons. Ingat & God Bless!

  15. themizpah says:

    Para na rin akong nakarating sa San Francisco superlo,
    Malayo po ba ang Glendalle diyan sa inyo?

    God bless po!

    • superlolo says:

      Ay naku konti pa lang iyan sa magagandang pasyalan sa SF city Mizpah. Natuwa rin akong maishare ang mga pasyal ko sa inyo kasi ako man ay feeling turista rin kasi di ako madalas pumupunta ng SF city.

      Yung Glendale ay malayo dito. Malapit ang Glendale sa Los Angeles. Ang LA ay mga 7 hours drive mula sa bahay namin. Yung Glendale ay katabi lang ng LA.

      Maraming Salamat Mizpah. God Bless din!

  16. toni says:

    Happy Mothers day po sa mga mahal nyo sa buhay na naging ina.
    kumusta na po ang Superlo namen?

    • superlolo says:

      Maraming salamat Mtoni. Hapi Mother’s Day din sa iyong Family. Mabuti naman ako at mamya after the Mass ay dun kami sa bahay ng kapatid ko…salo-salo mula lunch & hanggang dinner na siguro kasi dun nakatira ang Mother namin.

      Palagay ko may salo-salo rin kayo ngayong araw na ito.

      Have a blessed Sunday & masayang-masaya na Mother’s Day!

      God Bless!

  17. J. Kulisap says:

    Iba talaga ang hatid na ganda sa mata ng maunlad ng lugar ano kaberkie?
    Sa Pilipinas naman, kahit may mukha pa rin ng kahirapan, hindi naman nating kayang itago ang ganda ng ating kalikasan.

    Kamusta Kaberkie?

    • superlolo says:

      Sakto ang sinabi mo Kaberkie….”Maganda sa Mata”…kasi talaga inaalagaan nila ito kasi pinagkakakitaan nila ang mga turista dito.

      Kung sa mga magandang lugar lang ay panlaban na rin diyan sa atin.

      Yung kahirapan ay meron din siyempre dito. Disente lang ng konti ang dating. May mga magnanakaw at holdaper din dito. At ang malupit yung mga nabubuwang dito…na namamaril na lang or nanaksak…nagdadamay pa ng iba.

      Mabuti naman ako Kaberkie dito…eto nag-momonitor ng balita sa election diyan sa atin ngayon.

      May bago na ba tayong presidente?

      Ingat & God Bless!

      • J. Kulisap says:

        Wala pa pero kung irirate ko ang eleksyon, siguro 7 out of 10.

        Nahirapang gumawa ng milagro ang masasamang loob Kaberkie, nakabantay ang mga tao sa mabilis na result.

      • Yes na prove ng Comelec na magagawa ang mabilis na counting Kaberkie. Maaring marami pa ring i-improve pero maganda at nasimulan na. Maraming lessons ang natutunan from the last election.

  18. I hope, I could go there too…

  19. hello po, ikaw pala ang lolo ng blagosperyo.. pwede po ba kitang maging lolo din?!🙂

    • Ikakaligaya ko ang maging apo ka rin dito sa blogosperyo Lakwatseraako. Sumilip ako sandali sa iyong bahay at ang mga kaibigan mo pala ay mga kaibigan ko rin. Babalik ako sa bahay mo. Maraming salamat & God Bless!

  20. kayedee says:

    dropping by to say hi lo!😉
    malamig b jan sa SF? sobrang init ngyun d2 e grrrr. tpos sa gabi ang lakas ng hangin! adik db! ahaha

    • superlolo says:

      Hello din Kayedee. Ummm dito medyo lumamig ngayon umaga at napansin ko ay tumakbo ang heater, kahapon kasi ay umulan…pero labas na ang haring araw ngayon…mukhang tama lang ang klima ngayon.

      Hayyy eto at nakikibalita sa Internet sa eleksyon sa atin. Malamang si Noynoy na talaga ang ating next president. Thank God at generally peaceful naman ang nakaraang election.

      Ingat lagi & God Bless!

  21. orville says:

    lolo hello po.. ngayon lang po ako ulit nagparamdam sa sobrang busy,,
    ang ganda naman po talaga ng san francisco at nakaka relax ang mga pics na nilagay po ninyo..
    hope someday makapunta rin po ako jan.
    God bless you po..

    • Hi Orville. Naku okay lang…ako man ay napa bisi yata sa pag monitor ng eleksyon dyan sa atin. Kaya eto di rin ako makasulat ng bago.

      Oo naman Orville lahat puwedeng makarating dito. Ako nga di ko akalaing dito pala ako maninirahan ngayon.

      Maraming salamat at salamat din sa pagbisita mo.

      Ingat lagi & God Bless din!

  22. Nortehanon says:

    Waw na waw, Lolo Jem!🙂 Salamat sa pagpasyal mo sa akin dyan sa SF. Ang gaganda ng pics. Sana ibinili mo ako ng ice cream sa Dreyer’s at ipina-LBC mo papuntang Pinas hehehe

    P.S.
    Salamat po sa comment mo at sa reassurance🙂 God bless po!

    • Haha…salamat Miss N. Pero alam mo ba ang laging nasa-isp namin dito ay ang ating dirty ice cream sa Pinas. Ay yan lagi ang pangarap na matikman ulit namin. Dirty Ice cream ni Manong sorbetero.

      Ay walang anuman balik-balik lang ako sa bloghay mo. God Bless din!

  23. Just want to say what a great blog you got here!
    I’ve been around for quite a lot of time, but finally decided to show my appreciation of your work!

    Thumbs up, and keep it going!

    Cheers
    Christian, iwspo.net

  24. hello, ‘Lo… looking at the pics, masasabi kong maganda pala talaga ang san francisco, as in… of course, i’ve seen it in so many movies, magazines and books pero nothing beats your up close rendition sa photos above. para syang isa sa magagandang exhibit ng magandang Amerika, ahaha. regards po😉

    • Hello 35andup. Maraming salamat sa pagbisita. buti ka pa tuloy-tuloy lang ang pagbloghop. Sensya na at ako’y naiba ang oras ng mga gawain dito kaya ayun medyo di pa makasulat at di pa makabloghop.

      Kakaiba nga daw ang San Francisco City. Hindi daw siya katulad ng pangkaraniwang siyudad sa US. Ang SF kasi ay parang inukit sa isang bundok na malapit sa bay. Ang kadalasan kasing mga siyudad ay flat lang ang paligid parang New York, L.A., at Chicago. Old city din kasi ang SF at halo-halo ang kulturang bumubuo. Kaya very exciting pasyalin ang SF.

      Darating din ang panahon at maipapasyal din kita sa SF. Musta rin sa iyo.

      • oho, parang ang ganda ng landscape ng SF and mukha syang elegant and may style na Amerika, 70s ang ambiance pero parang ang warm. haha, that’s how it looks from this end, Lolo… hope things are well ho dyaan… regards!😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s