If Tomorrow Never Comes

If I knew it would be the last time that I’d see you fall asleep, I would tuck you in more tightly and pray the Lord, your soul to keep.

If I knew it would be the last time that I see you walk out the door, I would give you a hug and kiss and call you back for one more.

If I knew it would be the last time I’d hear your voice lifted up in praise, I would video tape each action and word, so I could play them back day after day.

If I knew it would be the last time, I could spare an extra minute or two to stop and say “I love you,” instead of assuming, you would know I do.

If I knew it would be the last time I would be there to share your day, well I’m sure you’ll have so many more, so I can let just this one slip away.

For surely there’s always tomorrow to make up for an oversight, and we always get a second chance to make everything right.

There will always be another day to say our “I love you’s”, and certainly there’s another chance to say our “Anything I can do’s?”

But just in case I might be wrong, and today is all I get, I’d like to say how much I love you and I hope we never forget.

Tomorrow is not promised to anyone, young or old alike, and today may be the last chance you get to hold your loved one tight.

So if you’re waiting for tomorrow, why not do it today?

For if tomorrow never comes, you’ll surely regret the day, that you didn’t take that extra time for a smile, a hug, or a kiss and you were too busy to grant someone, what turned out to be their one last wish.

So hold your loved ones close today, whisper in their ear, tell them how much you love them and that you’ll always hold them dear, take time to say “I’m sorry,” “please forgive me”, “thank you” or “it’s okay”.

And if tomorrow never comes, you’ll have no regrets about today.

From author unknown.

Photo from starttheory.

I-add ko nga pala na may magandang song na with the same title by Ronan Keating. Maraming salamat Len & Precious sa pagpapaalala.

34 comments on “If Tomorrow Never Comes

  1. precious says:

    ung kanta po na if tomorrow never comes grabe sa ganda..

    kaya nga po sabi diba make the most out of everything.
    char.

    usta na po?

    • superlolo says:

      Maraming salamat Precious. Eto mabuti naman ang Lolo.

      Ayun at idinagdag ko na rin sa post ang kanta. Nalala ko na may magandang kanta nga palang same title ng Poem na iyan. Ay totoo ang sinabi mo “make the most everything…Today.” Now Na…hehe…wag ng ipagpabukas.

      Ingat lagi & God Bless!

      • precious says:

        ay opo. tama po yan. may video na nga, pansin ko rin. ehe. gud morning po!!

        😆

    • taribong says:

      Salamat po Tats sa isa na namang magandang post!
      At saka malayo pa ang last time sa inyo di po ba? Magkikita-kits pa tayo lahat di ba? Isang malaking blog-pamilya? Sana po ay parati kayong malusog at patuloy na gumagabay sa amin. God bless you always po!!!

      • superlolo says:

        Walang anuman Taribong at salamat din sa iyo.

        Naku yan ang dasal ko araw-araw…na sana yung ngayon ay may isang bukas pa na kasunod. Matagal ko nang simpleng dasal ayun…napakaraming bukas ang pinagkaloob ng Diyos.

        Ay magkikita tayo Taribong…isang pangarap ko iyan at ating blog-pamilya. At tunay ka iniingatan natin ang katawang kaloob ng Maykapal.

        Ingat lagi & God Bless!

    • superlolo says:

      Naku nauna pala si Precious…Naipit lang sa spam ang komento niya Taribong. ayos pa rin ano naman kung 2nd sa beys…may Yehey pa rin…Yehey!

  2. Len says:

    hello po, napakanta naman ako sa tittle ng blog mo lolo, hehehe..🙂

  3. Len says:

    oo nga naman, bakit hintayin pa ang bukas kung pede naman ngayun?! at kung hndi na natin maharap pa ang bagong umaga, masakit mag sisi sa bandang huli..

    hello lolo, be safe!🙂

    • superlolo says:

      Ay sakto ang sinabi mo Len.

      —-“masakit mag sisi sa bandang huli..”

      Madalas ang tao kasi mahilig sa bukas na lang or hihintayin pa kapag may karamdaman na ang mga mahal sa buhay…at ang malungkot sa lahat ay kapag nasa kabaong na. Kaya ayun ngayon pa lang ay ipahayag ang pagmamahal sa mga malapit sa buhay at katulad nga ng sabi mo “paano kung di na maharap ang bagong umaga?”

      Yung today bigay na iyan ni LOrd…yung bukas katulad nga ng sabi sa poem ay:

      —-“Tomorrow is not promised to anyone,…”

      Yan ang malaking naitulong ng bagong teknolohiya…may pagkakataon tayo kaagad na masabi ang ating pagmamahal sa kanila. Mag ‘I Love You na!” Now Na!…hehe.

      Salamat at Ingat din lagi dyan sa inyong lugar…God Bless!

      • Len says:

        oo lolo, masakit talaga, ako din may mga bagay na napagsisihan, dahil yung kaya ko naman pala, hndi ko nagawa.😦

        Ingat din po lage.🙂

  4. lo, musta pow? nako, wag naman sana.. hehehe..

    kung ganun, kelangan gawin kona lahat ng kaya kong ngayon.🙂

    • superlolo says:

      Oo Miss L…di naman natin kailangang takutin ang ating sarili. Basta ang pinakamasarap ay gawin at sabihin ang kailangang gawin at sabihin sa mga mahal sa buhay ngayon…ipahayag ang pagmamahal…wag nang ipag pabukas. Ang sabi nga sa poem:

      —-“Tomorrow is not promised to anyone, young or old alike, and today may be the last chance you get to hold your loved one tight.”

      May kurot nga sa akin ito kasi di ko ini-expect na mawawala na yung Misis ko(almost 6 years ago sa isang hospital). Always kasi pasok-labas lang kami sa hospital dahil sa kanyang karamdaman. Umaasa ako na makakalabas pa siya at balik na ulit siya sa bahay. Pero ayun binigyan siya ng complete healing ni Lord. No more pain ika nga. On that last hour almost umaasa pa ako ng huling miracle pero ayun iginawad ni Lord ang the best para sa kanya. Pero ayun nai-apply ko itong poem sa kanya…naihanda ko araw-araw ang sarili ko na puwede siyang mawala kaya we have the best years bago siya mawala sa amin. oppps napa emo na yata ako.

      Maraming salamat sa pagbisita. Ingat lagi & God Bless!

  5. toni says:

    aww madalas ko dati sinasabayan kantang yan kahit nagpupumilit boses ko.

    di natin hawak ang panahon kaya samatalahin, maging mga bagay na maari nating gawin o pagaralan habang nasa atin ang pagkakataon.

    • Ako man Mtoni…kinakanta ko yung konting part lang ng song…yung refrain lang.

      Ay totoo yang sinabi mo. Kaya ewan ko ba ang tao madalas sinasabi “walang akong time”…eto ang isang problema kaya nakakaligtaan ang kahalagahan ng pangkasalukuyan.

      Kaya ako natutunan ko ang i-prioritize ang mga gawain ko para di ko sinasabi na wala akong time. Kaya eto ang order ng priority:
      1.God
      2.Family
      3.Others

      Maraming salamat sa pagbisita Mtoni. Teka kaylan ba kita mabibisita rin?

      Ingat lagi & God Bless!

      • toni says:

        hayaan nyo na lang po kayo bisitahin ko lagi.

        kumusta na nga po pala ung mga ‘bisita’ nyo sa garden?
        ako 2nd wik of june pa makapaglipat ng tanim, samantalang kayo tila naghaharvest na. hayz!

      • Haha Salamat Mtoni sa laging pagbisita.

        Medyo sablay yung garden ko kasi pangit pala ang lupa dito sa nilipatan naming apartment. Radish lang ang naharvest. Mukhang yung ibang seeds ay may nangangain na mga insects sa lupa. Siguro balak ko ay maggawa ng bed ng soil para bago lahat ang lupa. Pero project pa ito kasi, magkakarpentero pa ako at konting budget para sa bibilhing lupa.

        Buti naman at maganda ang tanim mo, lipat ka na pala.

        Sige Ingat lagi & God Bles!

  6. themizpah says:

    one of fave songs yan pati yung video po nito superlo ang ganda.

    that would be a great question what if tomorrow never comes, kaya dapat we say our praqyers, make friends, forgive and ask forgiveness, do no harm and do good everyday.
    God is so good that he gives us a new day to make up for those days we think we failed him.

    God bless po.

    • superlolo says:

      Maraming Salamat Pong.

      Yung sabi nga sa poem:

      —Tomorrow is not promised to anyone, young or old alike, and today may be the last chance you get to hold your loved one tight. nga sa poem:

      Kaya ako I make my day as if it would be my last…yung bang kumpleto na sa good things para sa lahat. Para pag nag goodbye eh wala ng nabitin…katulad nga ng sabi mo nakahingi ng ng tawad at nakapagpatawad na.

      Amen…God is soooo gooood!

      Ingat lagi & God Bless!

  7. teentoinks says:

    If tomorrow never comes… natakot naman ako bigla lo, dami ko po pala dapat gawin, dami dapat sabihin at marami rami rin ang dapat ko puntahan para magpakita. Wala naman po nag sisisi sa una, nasa huli ang lahat ng pasisisi, ganunpaman dapat nga po umpisahan na natin ngayon ang dapat at tamang gagawin otherwise baka huli na ang lahat. haysss…

    Gandang araw Lo.. ingat po lagi! God Bless po.. hugs**

    • superlolo says:

      Di naman kailangang matakot Tina. Kung nakasanayan mo na parang everyday na dumarating ay ang last…kapag ganyan ay pinagbubuti na nating lahat ng araw…yung bang the best na…kasi baka nga wala ng bukas.

      Mga simpleng gestures or words minsan para sa mga mahal sa buhay ay sapat na…malayo man o malapit.

      Lalo na if we dedicate our days para kay Lord ay malamang maayos, masaya, at kumpleto na ito bawat araw…hugs…hugs…hugs din

      Ingat lagi & God Bless!

  8. Ax says:

    Isa to sa mga fear ko. Yung mapag-iwanan ng panahon at hindi magawa yung mga bagay na gusto kong gawin.

    Naiisip ko, we really have to pay for the price of something worth it. Kailangan, ngayon, magexert tayo ng effort para matapos ang isang bagay. That is the price. The worth, natupad mo yung gusto mong gawin. Ang price, pwedeng money, life source, time.

    Madali kung iisipin. Minsan, mahirap gawin. Achieve na achieve ba? Hehe.

    • Hello Ax…nasaan ka bang bansa ngayon?

      Yung sinabi mo na :

      —“Kailangan, ngayon, magexert tayo ng effort para matapos ang isang bagay.”

      Talagang ito na yung challenges na dinadaanan ng mga kabataan ngayon. Ang mabilisin ang mga bagay-bagay at ma-achieve ang marami sa buhay. Kaya lang in the process ay nalilimutan na mabuhay ng tama lang…yun bang ma-enjoy ang buhay in the present. Sana nga in the process ay wag makalimutan ang mga malapit sa puso at ang sarili.

      Ang sa akin..Just live one day at a time.

      Ingat & God Bless Ax!

  9. kaye says:

    bat ganun? ang lulungkot ng mga nababasa ko…una pinuntahan ko yung site ni taribong at nabasa ko yung post niya na gasa at lagas at napaiyak ako. tas napunta ako kay len at nabasa ang post niyang kanta patungkol sa tatay, tapos pagpunta ko dito, ito naman. waaaaahhh! wala na ba akong gagawin kungdi maiyak???

    • Naku kawawa naman si Mommy Kaye…na-activate tuloy ang glands para sa mga luha.

      Oo may kurot nga ang mga nabasa natin sa mga kaibigan natin. Pero sana wag nating makalimutan na ito ay realidad lang ng ating buhay…pinapaalala lang na wag lang sayangin ang bawat minuto sa ating buhay. Madalas kasi ang mga tao…napaka-bisi para maghanag-buhay at kumita while nakakalimutan ang mga mahal sa buhay at sarili. Pero kita ko naman sa pamilya ninyo Kaye ay talagang you are enjoying every minute ng inyong buhay na kasama ang inyong mga chikitings…the best yan para sa mga bata. At talagang kayo ni Bong ay enjoying ang oras para sa kanila. Wala ng pagsisihan na sasabihin na sana nagawa ko ang mga bagay-bagay nung bata pa sila…dahil ginagawa na ninyo ngayon ang napakasayang oras para sa kanila.

      Ingat lagi & God Bless!

  10. BONISTATION says:

    if tommorrow never comes.. bigla akong napag isip superlo.. tama ka, bakit nga natin hihihntayin pa ang huling araw, kung kaya naman nating ipahiwatig at gawin sa ngayon..

    life is so short, i treat natin na bawat araw ay biyaya at bawat isa rito ay huling araw! =)

    • Maraming salamat sa pagbisita Bons.

      Iyon talaga ang mensahe para sa atin yung sinabi mo.

      At maidagdag ko na lang na “Enjoy every moments sa bawat araw.” At palagay ko magiging kumpleto na ang ating bawat araw. Dahil iisipin natin ang mga makapagpapasaya sa buhay natin…kaya malamang kasama lagi dito ang ating mga mahal sa buhay.

      Ingat lagi & God Bless Bons!

  11. yiN says:

    Wui ‘lo.. Miss mo si lola ano? Hehe.. Miss ka na rin nun! Ganda nung sa taas. Lyrics ba yun ng song o gawa mo?

    • Haha…ikaw talaga yiN…medyo miss siyempre.

      Ah mga koleksyon ko yan na poem na galing din sa Internet at yung song naman ay inspired by the poem by Ronan Keating. magandang poem & song for the soul.

      Naku magandang paalala ito sa buhay ng tao yiN. Nadaanan ko yan sa buhay…na akala ko tuloy-tuloy lang ang buhay…yun pala talaga natatapos ito at kailangan wag sayangin ang moments…minsan akala kasi natin mako-control lahat. Pero ayun para di masayang ang mga oras ay pagbutihin ito at talagang iparamdam sa mahal sa buhay habang andyan pa sila at malakas pa.

      Ingat lagi & God Bless!

  12. Napakanta din ako sa title ng entry nyo ngayon…🙂

    And after the singing, a pause – paano nga kaya kung di na dumating ang bukas?

    And shifting reference, paano na kaya kung dumating ang bukas na wala na tayong pinanghahawakan sa mga tao at bagay na importante sa atin?

    At ang sagot, galing din sa isang lumang kanta:
    “Pagdating ng bukas, maaring wala ka… Alaala ko sa ‘yo, isang awit na galing sa puso para lang sa ‘yo.”

    We must sing with all our hearts as if there’s no one listening, and dance as if there is no one watching…🙂

    • Maraming salamat Mark sa pagbisita.

      Naku tanumbok mo Mark. ang sabi nga daw ang katawan ay namamatay pero ang magagandang alaala ng relasyon natin sa tao at mahal sa buhay ay mananatili at maiiwan sa puso nila.

      At pinanghahawakan ko yang qoute na yan sinabi mo…the bes yan:

      —“We must sing with all our hearts as if there’s no one listening, and dance as if there is no one watching…”

      Alam ko nabasa mo yung book na ‘Tuesdays with Morrie”…ay naku yan din ang lagi kong naaalala ang kapag biglang dumapo ang karamdaman…kaya habang may lakas pa na kaloob ang Diyos….ay go…go..go..talaga to love and enjoy itong gift na life ni Lord.

      Ingat lagi & God Bless!

  13. duking says:

    sabi nga sa kung fu panda…today is a gift…that’s why it is called ‘present’.

    susulitin ko ang buong araw at matutulog ng mahimbing sa gabi.pag gising ko bukas,ganun ulit ang gagawin.simpleng masayang buhay.

    i’ll just seize the day.

    salamat sa magandang reflection na binahagi mo,sir!

    • Walang anuman Duking at maraming salamat sa pagbisita.

      Gusto ko yung sinabi mo:

      —“susulitin ko ang buong araw at matutulog ng mahimbing sa gabi.pag gising ko bukas,ganun ulit ang gagawin.simpleng masayang buhay.”

      Yun ang gusto ko “simpleng masayang buhay”.

      Yan kasi rin ang sagot ko kapg may nagtanong na “paano kung last 24 hours mo na?”

      Habang iniisip ko ang sagot dyan…parang ganito.

      “Siyempre ganun pa rin gigising ako sa umaga(siguro maaga lang ng konti sa dati kasi last day ko na). Kakain ako ng masarap na breakfast na gusto ko(siyempre last brkfast na). Malamang kapiling ko sa araw na iyon ang mga mahal sa buhay(at pinakamamalapit na kaibigan)…kuwentuhan at paalamanan siyempre at kakain kami ng pinakamasayang salo-salo sa tanghalian. At pagkatapos ng tanghalian ganun pa rin style Pinoy(malay mo mag siyesta pa ako sandali…kasi isa yan sa love ko habang nabubuhay). Ang siguro sa last dinner yung mga closest na lang sa buhay ang makakasalo…pinakamasarap na dinner(paboritong Pinoy foods). And after all the paalaman & laughters ng kuwentuhan sa nakaraang buhay. Then go to sleep(…peacefully)…Oh di ba normal na simple lang.

      ….Dito nagtatapos sa sinabi mo..”susulitin ko ang buong araw at matutulog ng mahimbing sa gabi”

      Kaya ayun kapag ginagawa mo na araw-araw yan…eh pareho na rin iyan sa last day….wala ng kulang kahit mabigla eh kumpleto na araw kasi.

      Ingat lagi & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s