Life is not easy

Isang pagmumuni-muni tungkol sa ating buhay. Mabilis lang ba ang mabuhay? Pero palagay ko palagian ko nang naririnig ang mga katagang “Life is not easy”.

Hindi daw mabilis ang mamuhay. Pero talagang ganun yata at di na ito mababago. Ang tingin ko na magagawa lang natin ay intindihin ito.

Bakit nga ba ganun ang buhay?

may lungkot at may ligaya

may natatalo at may nanalo

may natutumba at may nanatiling nakatayo

may tag-gutom at tag-sagana

may kabutihan at kasamaan

Pero ganito na yata talaga ang buhay. Kasi kung pare-pareho na lang lahat ng bagay at wala ng pagkakaiba, magiging nakakasawa, walang papangarapin o aasamin, at walang balanse.

walang itim at walang puti

walang dilim at walang liwanag

walang paglubog ng araw para tapusin ang pagsikat ng araw

walang init upang maibsan ang lamig

May kahalagahan ang lahat ng bagay sa buhay ng tao.

Kung walang lungkot, paano ka gagawa ng paraan para maging masaya? Ang hanapin ito at namnamin ito kapag nakamtam. At di naman palagian ang kalungkutan sa ating buhay. At sa buhay nga natin ay talagang ang kaligayahan ang laging pinapangarap.

Ganun nga ang realidad ng buhay. Di naman inaalis ng kaligayahan na di na darating ang kalungkutan sa ating buhay.

Anong sarap ng panalo kung di maranasan ang pagkatalo?

At ang sabi nga paano matutong  tumayo kung di malalaman ang pagtumba. Na maalala natin nung sanggol pa tayo ay ganyan ang ating dinaanan.

Kung di magugutom o kakulangan ay paano maiintidahan ang kasaganahan?

Paano malalaman ang kabutihan kung di maiintindihan ang sukat ng kasamaan?

Punong-puno man ng pagsubok ang buhay ay ito’y masasabi na isang regalo(ang mga pagsubok) upang maiintindihan ang kaloob na buhay.

Sa kabila ng lahat ay atin  itong pinagpapasalamatan,  naiintindihan at napagtatagumpayan sa gabay ng Panginoong Diyos na may kaloob ng ating buhay

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Kung may isang minuto ka pa. Naito ang isang video animation ‘about our life & music’. Simple pero totoo.

http://souljerky.com/_media/swf/alan_watts_life.swf

Kumanta at sumayaw ka ba habang tinatahak ang iyong buhay?

Don’t forget to sing and dance. Enjoy life.


28 comments on “Life is not easy

  1. salbehe says:

    Life is not easy. It’s something that you just have to learn to live easily. Napa-english ako. Tissue please.

  2. toni says:

    shaks!
    san napunta kowment ko kanina…ayan tuloy naunahan ako ni Salbe.

    tama analisa mo Superlo..mawawalan ng kabuluhan ang existence natin kung lahat ibinigay sa atin ng Diyos.
    at dahil ang buhay ay puno ng pagsubok, kailangan natin ang mahigpit na kapit sa Kanya para magkaroon ng tamang gabay.

    • superlolo says:

      Naku naunahan ka Mtoni…tumawid pa sa Pacific ocean ang komento ni Salbe…palagay ko naipit sa wordpress kaya ayan naunahan ka sa beys…hehe.

      Oo maselan talaga ang buhay ng tao kaya talagang bawat aspeto nito ay kailangang maiintindihan…kasi ang Diyos talagang binigyan tayo ng ‘free will’ para magkaroon tayo ng ‘freedom’ at kaligayahan na tahakin ang gusto natin sa buhay…na naaayon sa turo ng mg Diyos.

      Maraming salamat Mtoni….teka toni na lang ba?

      God Bless!

  3. duking says:

    nalilito rin minsan ako sa mga pangyayari araw-araw sa buhay ko.pero minsan,sa paraang mauunawaan ko,kinukumbinsi ko na lang ang sarili ko na everything happens because it happens.hahaha!

    kung tag-ulan o tag-araw man ang buhay,isang bagay lang ang importante.dapat natutunan natin ang kaibahan ng dalawa,at mahanap ang saya at kapayapaan na hatid nito-tag-ulan man o tag-araw.

    • superlolo says:

      Amen Duking sa sinabi mo.

      “…everything happens because it happens.” or dagdagan ko lang na “everything happens for a reason”.

      Kaya kung ano man ang pangyayari sa buhay natin…tama ka Duking na “mahanap ang saya at kapayapaan” sa bawat pagbabago o pagsubok sa buhay ng tao.

      Sabi nga ni Salbe sa itaas…Kung ang ‘Life is not easy… we can just learn to live easily.”

      At malamang yun na ang isusunod kong post ang paano ‘to live easily’.

      Salamat Duking sa pagbisita & God Bless!

    • And pahabol ito Duking.

      Enjoy your life. Naito konting bidyo:

      http://souljerky.com/_media/swf/alan_watts_life.swf

  4. ghe says:

    napakaganda ng mga sinabi mo lo.. dami ko na realize.. salamat lo sa post na ‘to..

    • Salamat din Gerald sa pagbisita.

      Oo paalala lang ito na habang tinatahak natin ang ating buhay…talagang isang journey ito na madalas ay maraming kaliwa’t kanan, tumba-tayo, ngiti-iyak…at kapag napag-aralan nating intindihin na ganito alaga ang buhay…may mga aral along the way…ayun dun natin minamahal ang buhay na kaloob ng Maykapal.

      Ingat lagi & God Bless!

  5. Pong says:

    Life is beautiful yun po ang natutunan ko superlo. God bless po!

    • Ay super korek na korek ka Pong sa sinabi mo.

      Yan ay isang gift sa katulad mo na ma-realize agad na ganyan ang buhay na kaloob ng Diyos. Sapagkat ang karamihan ay iba talaga ang tingin sa buhay at parang ayaw na itong i-appreciate kasi di nila naintindihan at napag-aralan na super ganda ng buhay.

      Na ang Diyos ay nagbigay ng mga pagsubok…simula pa sa ating pagkamulat sa mundo na ito…di naman tayo agad tumayo at lumakad…di naman tayo kumain agad ng kanin at fried chicken…di naman tayo nakabasa agad ng libro at naiintindihan ang lahat ng bagay(kaya dito natin nasasabi na ‘Life is not easy’)…ang lahat ay dahan-dahan nating napag-aralan at naisapuso para sa ikakaganda ng ating buhay at para dun sa mga tuturuan rin natin na ganito talaga ang pagtahak sa napakagandang buhay(dito na ang ‘Life is beautiful’ after na ma-realize natin na kaya pala nating malampasan ang mga pagsubok ng buhay).

      Ang paalala lang naman ay sabi nga dun sa bidyo. Na ikinumpara ang buhay sa musika. Di naman daw hinihintay na lang ang ending sa isang musika…bawat nota sa musika ay kailangang isayaw at kantahin(i-appreciate ika nga). Na ganun lang naman daw ang buhay natin…madalas sa kaabalahan sa career at kumita ng maraming tao…ayun nakakalimutan na i-enjoy ang bawat araw sa ating buhay.

      At kapag kinantahan at sinayawan ang buhay na tinatahak na naaayon sa turo ng Diyos…dito na talaga garantisado masasabing…”Truly life is very beautiful.”

      Ingat lagi & God Bless!

  6. J. Kulisap says:

    Kung walang tanong, walang sagot.

    May malapit meron ding malayo, may madali at mahirap, laging naninimbang Kaberkie dahil sabi mo nga walang saysay ang buhay kong iisa lamang ang mararanasan.

    Walang paghahambing.

    • superlolo says:

      Maraming salamat Kaberkie.

      Oo laging may paghahambing kasi dun lang natin nalalaman kung nasaan na ang ating buhay, kasi sabi din na Life is a journey, kaya sa ating tinatahak na bihaye ng buhay…may mga pagbabago at pagsubok kasi madalas ay may mga patag, lubak at bundok sa ating daraanan.

      At iyon nga kapag kinaya na at napag-aralan na ang mga pagsubok sa dinaanan ng buhay…ayun kahit magpabalik-balik ay masasabing mabilis lang pala ang buhay at ‘Life is beautiful’ talaga.

      Maraming salamat sa pagbisita Kaberkie & God Bless!

  7. sows says:

    sbi nga ni carmina sa commercial nia, “life’s so easy with youuuuu!”

    and im talking about God. He’ll be our strenth in times of troubles. aw. religious.😉

    • superlolo says:

      Amen Sows sa sinabi mo.

      ” Life is so easy with God.”

      Isang gift sa buhay na ma-realize agad na di natin kakayanin mag-isa ang mga pagsubok sa buhay…naalala ko tuloy Sows ang bible verse na ito Matthew 11:28-30:

      Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. For my yoke is easy and my burden is light.

      Salamat sa pagbisita. God Bless!

  8. Uhmmm… Depende…

    Ang buhay kasi ay ang dakilang tagahain…. Hindi siya humahain ng buong-buo kungdi paunti-unti… Paunti-unti upang tayo ay matuto at makapaghanda sa susunod niyang ihahain…🙂 (yan po ang Tagalog translation ng isang talata sa poem ko na ginawa ko noong 2001, hehehe).

    Mabilis nga ang buhay, at kung minsan ito ay madali, kung minsan naman mahirap…

    Nasa sa atin pa rin kung tayo ay magpapaanod sa buhay… Kung magpapaanod man tayo, dapat din nating matutunang lumaban sa agos upang bumagal ang ating paglalakbay.

    Kasi may mga magagandang pangyayari sa buhay na madaling lumipas, at kailangan muna natin silang namnamin… (hehe, tagalog translation na naman po mula sa isa ko pang poem noon ding 2001… beautiful moments come in passing)

    Maganda ang buhay… Mabilis din itong lumipas… Minsan mahirap, minsan nama’y madali… Pero ganun talaga ang buhay… Ganun ang kanyang inihahain… Nasa sa atin kung paano natin ito haharapin at tatanggapin… At sa bandang huli, kung tayo’y namuhay nang maayos, sana masabi nating mabilis man ang daloy ng buhay, sapat naman ang panahong ating inilagi…

    Magandang araw po!

    • superlolo says:

      Sobrang salamat sa iyong mga sinabi Mark.

      Talagang kapag ang ‘Life’ o Buhay ang pag-uusapan talagang ang lawak-lawak ito at kamangha-mangha. At natumbok mo dun sa sinabi mo na:

      —-“Nasa sa atin kung paano natin ito haharapin at tatanggapin…”

      Tuwang-tuwa nga ako Mark lalo na nung napanood ko ang mga palabas sa Discovery Cheannel na ‘Life’. Istorya ng kung paano ang buhay ng mga creation ni God, di lang ng tao. Super talaga ang disenyo ni God sa lahat ng may buhay sa mundong ito. Na na-realize ko kung may magandang disenyo sa buhay ang ibang mga creation ay tayo pang mga tao…na super-super design na creation ni Lord.

      http://dsc.discovery.com/tv/life/episodes.html

      Maraming salamat sa pagbisita Mark & God Bless!

  9. busyokology says:

    nice po ang mensahe ng post nyo.
    naalala ko tuloy ang sabi nila : ang bawat bagay ay may kanikaniyang nakatakdang oras..oras ng simula at oras ng wakas.
    🙂

    • Maraming salamat din Eli.

      Oo Eli may oras at purpose tayo sa mundong ito. Parte tayo ng ‘grandeur design’ ni Lord sa buong mundo na ito(buong Universe pa nga). Na super na ipinagpapasalamat natin sa ating buhay na kaloob ni Lord.

      At iyon nga sabi ni Mark sa itaas:
      —-”At sa bandang huli, kung tayo’y namuhay nang maayos, sana masabi nating mabilis man ang daloy ng buhay, sapat naman ang panahong ating inilagi…”
      Yun ang itinakda ni Lord ang oras ng simula at wakas ng buhay. Pero yung in-between yun na yung tunay na buhay kung paano natin siya tatahakin at bibigyan ng kulay.

      Maraming salamat sa pagbisita Eli & God Bless!

  10. Dorm Boy says:

    Life is indeed not easy. Sabi nga rin nila don’t take it too much serious, no one come out alive. No matter how hard life is, we are not deprived of our right to enjoy each moment we have on this world. So smile lang… maganda ang buhay!

    • Maraming salamat Dorm Boy sa pagbisita.

      Yung sinabi mo ang isa talaga sa mensahe nito ang:

      —“No matter how hard life is, we are not deprived of our right to enjoy each moment we have on this world.”

      Marami kasing naliligaw sa kung paano ang mabuhay, akala nung marami na ang buhay ay career at kumita lang ng pera…pero ayun nakakalimutan along the way how to enjoy life while it is happening(enjoying the moments).

      At yun nga dahil sabi mo “No one come’s out of this life alive”(sure na sure talaga ito)…the more na we should enjoy this God given life habang tayo’y buhay na buhay pa.

      Amen….Maganda ang Buhay!

      Iadd pala kita sa blogroll ko para mabisita rin kita.

      SAlamat & God Bless!

  11. chevybo says:

    Hello Lo! Kamusta na po? Sana ok lang kayo diyan. Hehehe. Tagal kong hindi nakapag iwan ng puna dito. Namiss ko tuloy yung mga tugon niyo sa bawat puna ko. Hehehe.

    Bigla ko tuloy naalala yung nabasa kong “I Wish You Enough” ni Bob Perks dahil dito sa poste niyo Lo.

    I wish you enough sun
    to keep your attitude bright.
    I wish you enough rain
    to appreciate the sun more.
    I wish you enough happiness
    to keep your spirit alive.
    I wish you enough pain
    so that the smallest joys in life
    appear much bigger.
    I wish you enough gain
    to satisfy your wanting.
    I wish you enough loss
    to appreciate all you possess.
    I wish you enough hellos
    to get you through the final goodbye.

    Likas na kasi sa ating mga tao ang walang kakontentuhan sa isang bagay. Hangga’t nagpapakasasa tayo sa isang bagay na nagpapasaya sa’tin. Hindi natin napapansin ang mga maliit na bagay na nasa paligid lamang.

    Kaya ibang-iba talaga kapag yung tipong sakto lang. Saktong sakit, para mapansin natin ang ibang bagay na maaring magpangiti sa atin. Saktong pag-iinarte, para maumpog at mahanap ang daan pabalik. hehehe.

    Hindi ko alam kung anu na itong mga pinagsasabe ko, basta gusto kong magkomento. Hehehe. Diba Lo?

    Ingat po lage at Godbless!

    • superlolo says:

      Yehey natutuwa ako at nakabisita ang apo kong Chevs.

      Ang ganda ng iyong komento at ang ‘I wish you enough’.

      Dahil 11pm na ngayon dito…bukas ko na ipapahayag ang aking naramdaman…at talagang inaantok na ang Lolo.

      Ingat lagi & God Bless!

  12. Sphere says:

    Pagnadapa o nagkamali dapat marunong kang tumayo, Pag natalo ka tanggapin mo ng maluwag na may kasamang pagpapakumbaba.

    Sabayan o gamitin mo ng mga natutunan mo nong ikaw ay laging palpak sa mga disisyon paniguradong marami kng natutunan sa mga naging pagkakamali mo noon.

    panalo ka lagi sa iyong laban na tinatawag ng karamihan na BUHAY kung laging kasama mo ang Diyos basta makinig ka lng lagi sa kanya:-)

    Tay, yngat po lagi🙂

    • superlolo says:

      Salamat Anne sa pagbisita.

      Oo Anne panalo lagi tayo dahil sabi ni Lord:

      — “I am the way and the truth and the life.” John 14:6

      Panalo talaga kapag lagi nating gabay si Lord sa ating paglalakbay.

      Ingat lagi & God Bless!

  13. ferdz says:

    Noong bata ako lagi ko naitatanong sa sarili ko iyan, Bakit ba kailangan maghirap pa? Lalo na kapag nasa panahon ng sobrang kalungkutan na parang ang bawat patak ng sandali ay ang tagal, walang kulay ang paligid at ang bigat ng kalooban.
    Ngayon kapag nakakaramdam ako ng paghihirap nakiktia ko ang sarili ko na lumalapit sa kanya, binibigyan ako ng paalala na ako’y lumalayo na. Kailangan ko pala ng paggising, mabuti na lang sinampal ako ng mga luha at kabiguan. Salamat sa kalungkutan at unti-unti ko ulit siyang nasusumpungan.
    Sino nga ba ang nagsasabi na madali lang ang buhay?

  14. hello, pasaway ang comment ko. lolo… ^^ oh, for some, life is easy… hindi nila kailangang danasin ang mga hirap ng pakikihamok, paghihirap at pagpapasya ng mabigat. may mga gumagawa nito para sa kanila sa habang panahong sila ay nabubuhay o kaya ay sa mahabang panahon… iilan lang sila pero, meron…

    kaya wari may nagsabing it is not para maipakita ang kabilang parteng siyang nararanasan ng mas marami. sinasabi rin ho ang life is not easy noong mga taong nakalampas na sa pinakamalalaking pagsubok ng buhay kung kaya sa ngayon ay may alam na sila at maaring ipinagmamalaki, ipinagyayabang o ipinang-e-encourage nila ang nasabing pangungusap. depende rin ho ata sa context ng pagkakasabi at sa kalagayan ng taong nagsasabi nito. ^^

    para ho roon sa mga di pa makalabas sa kanilang sitwasyon o sa kanilang hirap na kalagayan, wari ko ang sabihan sila ng life is not easy ay parang rubbing salt on their wounds. kasi, bilang tao, nag-iisip at nagtatangka rin naman sila malamang na lampasan ang hirap at pagkabusabos – sa kabuhayan man, sa personal na ugnayan o sa mababang pagturing sa kanila ng lipunan.

    maaring di pa lamang nila napi-figure out ang tamang solusyon, ang mga unang wastong hakbang palabas pero hindi ibig sabihin ay it’s the end for them, na nakatakda na sila sa despondent situations nila. unless siguro, doon sila nabibilang sa sinasabing desperate and resigned people -iyong mga pakawala na talaga at mababa ang buhay na pinili. kakaunti naman ho siguro ang gayon. mas marami pa rin ang nangangapa at nagsusumikap, somehow.

    tingin ko ho, a person coming to the realization that life is not easy takes quite
    a time and a ton of difficult circumstances. and i think it is a person’s own realization of life being hard, more than pagsasabi ng iba (kahit pa sabihing alam na nga nila from experience and even as they mean well) that has weight to the person and matter more…^^ kahit isang dosenang beses pa nyang marinig ‘yan, but if his life is rollin’ easy, what the hey… it will not likely ring true.

    pero pag ang nagsabi po nyang pangungusap ay dalawang taong kapwa dumaan na sa mabibigat at mahihirap na sitwasyon at kanila itong kapwa nalampasan at naigpawan, doon may understanding and connection na magaganap sa mga nag-uusap. alam nila kapwa ang paksa, ang mga kahulugan at pakahulugan – usapang winners yoon…^^ thanks & regards po.😉

    • Naku di po pasaway ang inyong komento. Agree po ako.

      Katulad ng sabi mo…”depende rin ho ata sa context ng pagkakasabi at sa kalagayan ng taong nagsasabi nito. ^^”. Kaya talagang malawak ang usaping ito…ang buhay.

      Ang pagkakaiba daw ng ating buhay sa lahat ng may buhay ay ang kakayanan nating umibig…LOVE.

      Kaya ang LOVE na ito para sa akin ang nagpapabago sa salitang mahirap o mabilis ang mga naisin, pangarap, at kakayanan ng buhay.

      Maraming salamat. Ingat palagi & musta rin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s